UHDS 12

1355 Words
HIZURA MIGUEL'S POV: "F*CK! WHAT WAS THAT FOR?!" Galit na singhal niya nang makabawi na siya sa pagkakagulat dahil sa aking ginawang pagsuntok. Ngumisi lang ako at binigyan siya ng dirty finger bago maglakad na parang walang nangyari. "Shiyah! Aalis ka na wala man lang rason kung—" "Ang ingay mo. Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa rin nagbabago? Seryoso pero madaldal? Tsk. " Nakataas ang kaliwang kilay kong lumingon sa kaniya at maski sa kanilang lahat. Ang dalawa ay nagtataka na sa amin. Magkalayo ang distansya ng dalawa. Halata naman na magkaibigan sila. Kita sa babae na may kakaibang tingin kay Zicko. "Akala mo siya rin? Ito ba ang parusa mo sa hindi ko pagpapaalam? Hindi ko—" " Stop. I don't need that reason. I'm already done with my mission to save you from danger." Walang gana kong pagpapatigil sa nais sabihin ni Zicko. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad ko. Hindi na ako nagbalak pang lumingon. Hindi na rin naman kailangan. Ayos na sila. Wala na sila sa kapahamakan. "HIZURA MIGUEL TRAINER! HARD HEADED KANG TALAGA!" "ATLEAST HARD HEADED KAYSA HINDI!" Sigaw ko rin naman. " AIST! TUMIGIL KA NGA SA KAARTEHAN MO! MAG-USAP TAYO! " " SA SUSUNOD NA LANG! WALA AKONG TIME! " " FACKKA YOU!" " I'M NOT GAY! TSK! " Seryoso kong sigaw at hindi na nagsalita pa. Tumakbo na ako para lang makalayo rito. Hindi na pinapakinggan pa ang sigaw ng lalaking 'yon. Ang ingay. Kaya bagay lang sila ni V na magkasama. Mga seryoso pero madaldal. Matagal na rin pala silang magkaibigan. At saka parehas lang ang edad nila. 25 na silang dalawa. Mga matatandang paurong lagi ang utak. Napailing na lang ako sa mga naiisip ko at nakita na sa kalsada ang kotse ko. Mabuti walang nag-isip na kunin ito. . . Wala nga palang kukuha. Gubat ito 'e. ZICKO RHEY'S POV: Kahit kailan talaga sakit sa ulo ang lalaking 'yon. Mag-uusap lang kami, pero ayaw niya pa. Ma-pride talaga ang gag*. Kailan ko ba maibaba 'yon para makapag-usap kami ng masinsinan? ‘Haist!’ "Sino 'yon? Bakit Zicko ang tawag niya sa iyo?" Tanong nilang dalawa sa akin na ikinakibit balikat ko naman. Kahit naman na sabihin ko ang pagkatao ko. Wala pa rin namang magbabago sa pakikitungo ko sa kanila. Sila lang ang magbabago sa akin. Who wouldn't? Saka ang tagal na rin pala ng panahon simula ng umalis kami ng Japan para pumunta ng America. Kahit na months lang ang pagkakaibigan namin ni Hizura. Itinuring ko na rin siyang tunay na pangalawang kapatid ko. Pangatlo't pang-apat lang sina Aeze at Aele. Mas matanda pa siya kaysa sa dalawa. "Sa tagal na nating magkakasama sa misyon. Alam namin na may itinatago ka. Hanggang ngayon pa rin ba maglilihim ka sa amin? Sa akin?" Seryosong sambit sa akin ni Ferion na ikinailing ko naman. "Dito pa ba natin pag-uusapan ang mga bagay na dapat ay sa pribadong lugar? Hmm?" Patanong na aniko na ikinalingon nila sa isa't isa sabay tango. " Tama ka, sa condo ko na lang. " Suhestiyon nitong si Eunize na ikinailing ko naman. " Sa bahay ko na lang. Doon ko na lang sasabihin ang lahat-lahat. Tutal dalawang taon na tayong magkakasama. You needed to know my real identity." Kahit na halata sa mukha nila ang kagustuhan na malaman ang katotohanan sa aking pagkatao. Hindi na rin sila nagpumilit pa na alamin nang mas maaga. Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng kagubatan ng “Kumaliwa ka, talo ka Street.” Ayos na rin naman si Ferion. Natadyakan lang siya sa ulo, malayo sa bituka. Ilang beses na siyang nakakuha ng ganiyan. Sanay na siya— mahimatay. Gusto ko sana siyang ipagtanggol pero ang daming nakahawak sa aking katawan at kamay. Ako na sana ang papatay sa leader na 'yon para makaganti lang, nang unahan ako ni Hizura. **** "Sa iyo ba talagang bahay ito? O sa kapatid mo? Saka sino itong nasa mga litrato? Ang gwapo huh!" Manghang sambit ni Eunize habang nakatingin sa mga picture frame ko na nakadikit sa mga pader at mga nakalagay lang sa cabinet. "Actually. . . that's my real face," panimula ko at saka malayang napaupo sa sofa na nakita ko. "ANO?!" Gulat na sigaw nila sa akin habang palingon-lingon pa ang kanilang paningin sa akin at maski sa tunay na mukha ko. "Bakit may mali ba?" Tanong ko sa mga ito na ikinatango naman nila. "Sa gwapo mong 'yan. Nagparetoke ka? Nga naman, gwapo pa rin naman ang ipinalit mong mukha." Komento naman ni Eunize na ikinatawa ko. " Alangan pa lang sirain ko ang aking mukha sa isang hindi kaaya-ayang itsura, 'di ba? Baka mapatay pa ako ng daddy ko. Hindi pa naman 'yun magandang tumingin. Para ka talagang kakatayin." Naiiling na aniko habang tinitingnan ang litrato naman naming pamilya. Nasa harapan ko ito. Napakalaking frame. Nandito ang aming mukha noong mga binatilyo pa ang dalawang kambal. At kasama na rin ang batang si Levian. "Kung ganon isa kang anak ng Mafia Queen at Notorious Mafia Boss? Zicko Rhey Miller. Naalala ko na nga, ang panganay na anak ni Queen Kreiah." Seryosong turan nitong si Ferion saka naisipan na ring umupo sa aking tabi. Hinila ko naman siya palapit sa akin kaya matalim niya akong tiningnan. "What? I just want to embrace you." Pagtatanggol ko naman sa aking sarili pero umismid lang siya at tinuro si Eunize. "Hindi ka ba naaawa sa kaniya? She had a crush on you." Kahit kailan talaga ang laki ng galit nito sa akin. " Okay. Bahala ka. Oh siya pumunta na lang kayo sa mga kwarto r'yan. May kakausapin lang ako." Habilin ko sa mga ito matapos kong tumayo sa aking pagkakaupo. Halata sa kanila ang pagtataka pero hindi ko na pinansin pa. Nilabas ko na rin ang cellphone ko na nakalagay lang sa bulsa ng aking pantalon sa harapan. Nag-dial agad ako ng numero matapos kong buksan ito at naghintay nang ilan pang segundo bago ko marinig ang boses nito. (Anong kailangan mo?) "Mukhang wala ka sa mood, Kuya V? Balita kay Hizura? Galit pa rin ba siya?" Tanong ko sa lalaking ito sabay sandal sa pintuan sa may balkonahe. Malapit lang ito sa direksyon nila Eunize kaya maririnig nila ang boses ko. (Sinong magiging good mood kung makikita mo ang pasyente mo na may sugat sa kaliwang braso at may dugo pa ang mukha pagkauwi rito? Ipaliwanag mo nga?) "Halata ngang hindi ka good mood. Sumirit lang naman ang dugo galing sa kalaban niya sa mukha niya. Hindi niya kasalanan 'yon. " Pagpapakalma ko naman sa kaniya. Pero hindi ata maganda ang sinabi ko. Mas lalong lumala pa pala. (As what I've said, iba ang epekto nito sa huli pero ayos na rin na nangyari 'yan. Nasa kwarto na siya, tulog na tulog. Heather insist to take care that hard headed man. Oh! Speaking of Heather. Siya ata ang magiging dahilan para magtiwala muli ang lalaking 'to.) "Heather? What a nice name? Siguro maganda rin siya?" Nakangiti kong wika habang iniisip kung ano ba ang itsura ng babae. Pero ganon na lang ang paglunok ko nang maraming beses at ang pagtaas ng aking balahibo nang may bumulong sa akin. "Sinong Heather? Baka gusto mong mapatay kita nang wala sa oras. " Banta ni Ferion na ikinangiwi ko naman sabay peace sign. "Joke lang naman. Hindi ka mabiro." Natatawa kong sambit pero seryoso pa rin ang tingin nito sa akin. Sabay lakad niya palabas para pumunta sa may veranda. "Goodbye na muna, Kuya V. May susuyuin pa ako." (Niyan kasi! May jowa ka na, lumalandi ka pa.) Matawa-tawa nitong turan sa akin na ikinasimangot ko naman. "I'm not! Ferion is life kaya! Needed to hang up! Pakisabi kay Hizura na mag-usap kami. May i-o-offer lang ako sa kaniya na trabaho." (Trabaho? For what?) Nagtatakang tanong naman nito sa kabilang linya na ikinabuntong hininga ko naman. "Traitor in Mafia Organizations." Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. Hindi niya inaasahan na maririnig 'yon mula sa aking bunganga. Maski ako ay hindi rin makapaniwala na kung sino pa ang pinagkatiwalaan ko. . . ay siya pa pala ang sisira sa tiwala na ibinigay ko. ‘That bullsh*t doctor. ’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD