UHDS 13

1401 Words
HEATHER'S POV: Muli akong napalingon sa kaliwang bahagi ng daan pagkalabas ko ng kwarto ni Hizura. May nag-uudyok sa akin na puntahan daw ang lugar na yon. Lugar na may mataas at malaking pinto na silbi para itago ang nasa loob ng kwartong iyon. Napasulyap agad ako sa aking likuran kung saan nandoon nakahilata sa kama si Hizura. Hanggang ngayon tulog mantika pa rin ito sa mga oras na ito. Ganito raw talaga ang nangyayari sa kaniya kapag natamaan ng maraming dugo ang mukha niya. Patuloy na naamoy niya ang lansa ng dugo kapag hindi pa naalis sa mukha niya. Kaya ganon kagrabe ang epekto. Ayos lang daw na sa damit niya o hindi kaya ay braso matamaan. Dahil wala naman itong epekto na sobra. Tinatanong ko kung bakit ganito si Hizura. Pero hindi sa akin sinasabi ni V ang dahilan. Ayaw niya raw pangunahan si Hizura. Si Kutong Lupa lang daw ang may karapatan na ipasabi ang lahat. Saka hindi ko raw dapat inaalala ang tungkol dito. Dahil labas na ako ro'n. At tama nga siya. Nandito ako para manirahan, hindi para maging tsismosa overload. Saka hindi dapat ako maging sitting pretty na akala mo pamamahay ko ito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makabawi sa kabutihan ni Tito Michael. Pinatira at pinakain niya ako, pinaramdam sa akin na welcome na welcome talaga ako. Hindi naman mabait si Kutong Lupa. 'Laging masungit, remember? Saka patuloy niya akong binabantaan. Tuknene 'yan.' Muli akong napaharap sa kaliwang daan na iyon. Nagpalabas na rin nang mahinang buntong hininga saka napa-fight gesture na lang ang aking kanang braso. Naglakad na ako sa direksyon na iyon. Palingon-lingon pa ako sa buong paligid kung may dadaan ba. Pero wala. Nang makalapit na ako sa pinto. Naisipan ko naman na buksan ito, saktong hindi ito naka-lock kaya malaya ko itong nabuksan. Akala ko nga may papatigil sa akin. Pero mukhang busy ata ang mga tao. Rinig ko ang bawat sigawan nila. Ang pagdaing ng ilan, ang pagkalansingan ng mga matutulis na bagay at ang paglabas ng bala mula sa baril hanggang sa tumama sa target nila. Ganon na lang din ang gulat ko nang tuluyan ko ng makita ang nasa loob. Sinarado ko ang pinto saka pinagmamasdan ang napakalawak na training field. May kaniya-kaniyang pwesto ang bawat isa. Kung ang karate training ay sa kaliwang direksyon ko na malapit sa may pinto, ang swords training naman ay sa kanan ko. Sa gitna ay Physical training o battle. Parang sa boxing arena. At ang gun shooting naman ay sa likuran ng physical training or battle. May mga protection gear ang mga ito habang bumabaril. May iilan din ang wala na akala mo sanay na sa napakalakas na tunog nito. I'm not into guns. Ang ingay kasi, mapapatili ka na lang sa sobrang gulat. Ang gusto ko talagang gawin ay ang maging isang parte ng swords training. Napakaastig ng mga galawan. Hinding-hindi nakaka-boring mapanood ang mga ganitong eksena. "I want to be like them too," Wala sa sariling wika ko sa aking sarili na akala mo ay nakikiusap sa isang tao na sana mangyari nga. Noon pa lang ay pinapangarap ko na talagang maging parte kahit na anong group sa mafia. Ang mahalaga kasali ako sa mafia. Gusto ko talagang maranasan ang bawat isa. Kung ano ba ang mas maganda sa dalawa. Ang pagiging mafia ba o isang gangster? "You want to be a Mafia Queen? Or a Mafia member?" Napatalon ako sa gulat nang may walang pasabi na nagsalita sa aking kanang bahagi. Napalingon agad ako ro'n at saka napangiwi nang makita si Tito Michael na nakatingin din pala sa akin habang malawak ang ngiti. "Grabe ka naman, Tito. Nagulat mo ako ro'n." Sabay hawak ko pa sa aking dibdib gamit ang aking kanang kamay. Napailing naman siya pero hindi pa rin nawawala sa labi niya ang kakaibang ngiti. Ano kayang meron? "Halata ngang nagulat ka, Taki. Pero ang tanong ko, gusto mo bang maging Mafia Queen o isang myembro ng organisasyon ko?" " Kahit ano po ang mahalaga makabawi ako sa pagiging mabait ninyo. P'wera na lang po sa anak ninyo na ipinaglihi ata sa sama ng loob. Laging may galit sa mundo." Naiiritang wika ko na ikinatawa niya. Tinapik pa ako nito ng tatlong beses sa aking balikat. " Ganon lang talaga si Miguel. Hindi siya basta-bastang nagtitiwala sa mga tao. Saka hayaan mo na siya," kahit na hindi kumbinsido sa sinabi ni Tito Michael ay wala na rin akong nagawa kundi ang tumango. Sumasang-ayon na lang sa sinabi niya. Ayoko namang kumontra. "Ano po bang ginagawa ng isang pagiging mafia member?" Takang tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang lahat na nag-te-training. Para bang wala sa harapan nila ang isang Mafia King o baka ay ganon talaga. Kailangan focus ka sa ginagawa mo, kung wala ka sa sarili baka mapatay ka na ng kalaban mo. "Ibubuwis ang buhay upang manatiling maayos at tahimik ang organisasyon na itinayo ng Mafia King. Samantalang ang Mafia King naman ang gagawa ng paraan para walang mamatay na bawat isa sa kanila. May iilan na hinahayaan na lang. And of course being in a Mafia World, hindi na bago ang illegal na gawain. You need to export every dangerous swords nor guns from the other country or they will export what we want too. Business is a business. Shabu? Nah! We never try that. Prohibited ang illegal drugs sa organisasyon namin. At 'yon ang problema ng organisasyon, may iilan sa Mafia Organization ang idinadawit ang pangalan ko sa illegal drugs. Kung sino man 'yon, kailangang puksain. " Pahabang paliwanag ni Tito na ikinatango-tango ko na lang kahit na hindi ko gets. Wala talaga akong naintindihan promise? Doon lang sa word na ‘puksain’. Ibig sabihin kailangan nilang pumatay sa organisasyon. 'Atleast may alam. May naintindihan kahit pa-paano.' "Halata sa mukha mo na wala ka pa ring maintindihan. Hayaan mo at darating din ang araw na may malalaman ka. I'm giving you one day to decide. Kung buo na talaga ang desisyon mo, lumapit ka lang sa akin. Makikita mo lang ako sa opisina. Alam mo 'yung daan sa harapan ng pinto ni Hizura?" " Opo, kapag binuksan ko ang pinto. May daan agad papunta sa kung saan. Doon po ba ang opisina ninyo?" Tanong ko pabalik na ikinatango niya. " May dalawang opisina roon. May pangalan naman sa itaas ng pinto kung kanino 'yun. Sa dulong room ang akin." " Ah. . ." Napatango-tango naman ako sa kaniyang sinabi. Atleast may alam na rin ako kahit pa-paano. May isa lang talaga ang problema. "Tito, saan papunta ang kanang daan kung nais mo namang pumunta sa counter? Sabi ni Miguel na maliligaw ka raw kapag pumunta ka sa kanan." Napatawa naman siya sa narinig saka ako tinapik na naman. "Paano ka naman maliligaw ro'n? Shortcut lang 'yon papunta rito sa training field. Pinasadya ko talagang pagawaan ng ganito kung sakali man na kailangang mag-jogging ng mga myembro. May kailangan ka pa bang malaman, Taki?" Napailing naman ako sa sinabi niya. " Wala naman na po, Tito. Nasagutan na po lahat. Hindi ko nga po aakalain na ganon ang anak ninyo. Ang lakas mang-asar at mambanta." " Hayaan mo na. Kung gusto mong iwasan. P'wede rin naman. Saka kung gusto mong lumipat ng kwarto, p'wede rin naman. Kaysa naman sa magkasama kayo sa loob. Baka kung ano ang isipin ng iba. " " Oo nga po 'e. May iba pa po bang room? " Napaisip naman siya sabay iling. " Wala na nga pala. Kung sa second floor man. Baka magalit si Hizura. Naalala ko na kung bakit ayaw ka niyang ipalipat. Haist! O siya ako ay babalik na sa opisina. Magpasensya ka na lang sa kaniya. "Kumaway pa ito sa akin saka tumalikod na para dumaan sa pinto palabas. Nagpalabas na lang ako nang mahinang buntong hininga. Akala ko pa naman makakatakas na ako sa presensya ng lalaking 'yon. Pero hindi pa rin pala. Ano bang meron sa second floor? At saka bakit ganon ang asta ni Tito Michael kay Hizura? Parang mas may karapatan pa ang anak kaysa may-ari talaga. Akala mo ay takot na takot sa anak. Pero ano bang kinatatakutan kay Hizura? Isa lang naman siyang— "Hey!" "Ay kutong lupa kang Hizura ka!" Mabilis akong napalingon sa aking likuran at ganon na lang ang pagkamutla ko nang makita ang isang dem*nyo na nag-ala tao sa mundo. 'Paktay.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD