UHDS 14

1241 Words
HEATHER'S POV: "What did you said? Me? Kutong Lupa? Are you insane?" Walang emosyon na turan nito sabay turo pa sa sarili. " Ah hindi! 'Yung lupa ang tinutukoy ko! Malay ko ba na nandiyan ka—" Ayan na naman siya sa pagtitigil niya sa pagsasalita ko. 'Bwisit!' "Hindi ko sinabing mag-explain ka. Tsk." Walang emosyon na sambit nito saka ako hinawakan sa braso. Nagtataka naman ako sa kaniya. Anong ginagawa nito? Mas lalo akong nagulat ng hilahin niya ako palabas ng training field. Napanganga pa ako pero napalabi rin ng magsalita na naman siya. "Huwag kang ngumanga para kang nag-iisip ng greeny r'yan." "Huh?" Nagtatakang tanong ko naman. Greeny? Bahay lang naman nila ang kulay berde, hindi sa akin. Anong pinagsasabi niya? Hindi ko talaga siya maintindihan kahit kailan. "Slow. May ipapagawa ako sa 'yo." Seryosong sambit niya na ikinataas ko lalo ng aking kilay. "Anong ipapagawa mo sa akin?" "Manahimik ka na lang. Darating din tayo r'yan. Huwag kang panguna." Napabusangot na lang ako at hindi na nga nagsalita pa. Sumama na lang ako sa kaniya kung saan ba kami pupunta. Kumaliwa siya agad sa daan noong malapit na kami sa kwarto niya. Ito 'yung daan papunta sa mga opisina nila. Ano na naman kayang gagawin namin? Saka bakit ang layo naman ata nito? Sobrang tagal na naming naglalakad sa hallway na ito na puro halaman lang ang aming nakikita na nakalagay sa maliit at malaking vase. "We're here." Anito pagkalampas namin sa dalawang pinto parehas ay sarado. Nandito kami sa kaliwang direksyon kung saan puro bulaklak at iba't ibang klase ng mga punong kahoy ang nakikita ko. "Ano ito? Saka anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko ng tuluyan na niya akong palayain sa pagkakahawak niya. "Did you see that," itinuro niya pa ang mga kalat ng mga puno. Ang mga dahon na natutuyo na at ang mga d**o na lumalago na. "Oo naman. May mata ako 'e." Pilosopo kong sabi na ikinasama niya ng tingin sa akin. Mabilis naman akong napataas ng aking mga kamay sa ginawa niya. "Lahat 'yan ay alisin mo. Gusto mong bumawi, right? So clean this garden for the whole day. Kung hindi mo matapos ng isang araw, that means you're not qualified for being a Mafia Queen or a Mafia Members." Seryosong anito na ikinataka ko lalo. " Huh? Paano naman nagkakonektado ang dalawa?" "Tanga na nga, napaka-slow pa," "Ouch sakit mo talagang manalita." "Nanakit ba ang pagsasalita ko? 'Di ba hindi?" Kahit kailan talaga ang sarap sapakin ng mukha nitong lalaking ito. Napayukom na lang ako ng aking kamao habang nakatingin sa kaniya nang masama. "Don't look at me like that. Alam kong gwapo ako kaya huwag mo akong titigan. Hindi tayo bagay." Walang ganang anito pero may lakas pa talagang ngumisi. " Kapal! Kapal ng apog mo! Uy! Hindi ka gwapo. Paa ka lang." "Paano naging paa ang mukha? May nakikita ka bang mga daliri sa mukha ko? 'Di ba wala? I'm going. Nandito lang ang office ko. May CCTV din sa loob. Makikita ko kung naglilinis ka ba o hindi. Bye, tanga." Kumaway pa itong kutong lupa na ito at pa-model na naglakad palayo sa akin. Nakalagay na ang dalawa niyang mga kamay sa bulsa ng black pants niya. Aktong susuntukin ko ang lalaking ito pero napaibaba na rin. Nanggigigil na lang ako na napailing sa kawalan. Muli akong napalingon sa garden na ito. Sobrang dami ng mga d**o at dahon. Mabuti na lang mayroon ditong walis at dustpan. Pati dulos pang-gamas ay mayroon na rin. Hindi na ako maghihirap pa na maghanap. Baka hindi ako matapos ng isang araw lang kung papaghanapin lang ako. Sa sobrang lawak ng mansion ng Trainer. Baka maghapon akong maghanap. 'Jusmeyo Marimar!' "Ano bang connect ng paglilinis sa pagdedesisyon ko? Sobrang hirap kayang maglinis. Haler!" Inis na singhal ko at nagsimula na nga sa pagwalis ng mga kalat. Kailangan ko munang linisin at alisin ang mga dahon sa buong paligid. Sa sobrang lawak ng garden, parang nakakatamad na. (After 1 Hour) "Wahh! Bakit ba bagsak na lang kayo nang bagsak? Hindi pa ba kayo titigil?" Galit na sigaw ko sa mga punong ito. Kanina pa ako walis nang walis pero hindi rin naman tumitigil kakabagsak ang mga dahon. Gusto ko ng tumigil pero baka paalisin lang ako ni Hizura'ng Kutong Lupa na 'yon. Hindi ako papayag na siya ang masunod. Ipapakita ko sa kaniya na matatapos ko ito ng isang araw lang. "Fighting lang! Aja!" Nag-fight gesture pa ako sa dalawang braso ko at muling ginawa ang gawain ko. Bahala sila sa pagbagsak. Ako na ang bahala na luminis. Puksain ang mga dahon at d**o. ***** "Ahhh! Kakagutom!" Malakas na sigaw ko sabay higa sa lupa na wala ng d**o. Gabi na akong natapos. Hindi pa rin ako kumakain ng umagahan, tanghalian at hapunan. Ramdam ko na ang panghihina kong talaga. Pero hindi ko ito pinansin. Kailangan kong matapos ang iniuutos sa akin ng anak ni Tito Michael. Saka sanay na rin ako na hindi kumakain ng ilang araw kaya bakit pa ako magrereklamo? Sanayan na lang talaga. "Are you done?" "Ano bang sa tingin mo?" Walang emosyon kong sambit sa nagsalita mula sa labas ng garden na ito. Kahit na hindi ko na siya tingnan pa. Alam ko naman kung sino 'yon. Walang iba kundi si Hizura the Silent Killer. Pinapatay niya ako sa ipinapagawa niya sa akin. "You passed for the first task. Now, you are qualified for being my father's mafia member." Mabilis naman akong napalingon sa direksyon niya dahil na rin sa sinabi niya. Nakanganga pa ako. Pero napatikom din nang samaan na naman niya ako ng tingin. Ano bang problema rito? Saka ano bang tinutukoy niya? Kung hindi naman siya isang mafia. Bakit nangunguna siya sa ama niya? "Huh? Bakit mo naman nasabi na qualified na ako kung naglinis lang naman ako sa malawak ninyong garden? Saka hindi naman ikaw ang magde-desisyon kung pasok ba ako o hindi." "Sinong nagsabing hindi ako? Ako ang nagsabi kay Dad na patirahin ka rito, kaya karapatan ko rin kung ano bang gusto mong gawin. Dadaan muna sa akin ang lahat, kapag napansin kong masyado kang mahina. Hindi ka talaga karapat-dapat at kailangan mong umalis na sa pamamahay ko. But you gave me reason to believe in you. Kaya pumunta ka na sa counter, may nakahanda ng pagkain. Baka sabihan mo pa akong "kutong lupa" dahil hindi ako mabait sa 'yo. Tsk!" Mahabang paliwanag niya sabay talikod na naman. Matapos niyang magsalita ng napakahaba, aalis na lang siya na hindi ako kasama. 'Kung sa bagay. Ano pa bang maasahan sa lalaking nagngangalang 'Hizura' baka mapatay ka pa niya, 'di ba?' "Dalian mo na! Baka iwan kita! Napakakupad mong talaga." Seryosong sigaw niya mula sa malayo kaya mabilis akong napatayo sa aking pagkakahiga. " Oo na nandiyan na! Malay ko bang kasama na ako. 'Nyeta naman!" Malakas ko ring singhal pabalik at nagmadali na ngang tumakbo palabas ng garden. Muntikan pa akong madulas sa direksyon niya kung hindi lang niya ako nahawakan sa kanang braso. Nahila niya agad ako patayo kaya hindi ako nangudngod sa sahig. Pero gayon na lang ang gulat ko ng makita ang mukha niya na malapit sa akin. Seryoso at walang makikitaan ng kahit ano mang emosyon ang kaniyang kulay berde na mga mata. Nakatitig lang kaming parehas. Dinadamdam ko ang aking puso na sobrang lakas ng t***k. "Ehem! May label na ba sa inyo?" 'Oh no!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD