HEATHER'S POV: "Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko kay Hizura ng pasukin niya ako nang napakaaga sa loob ng kwarto ko. Mabuti na lang kakatapos ko lang din maligo at magpalit ng damit. Kaya ang suot ko ngayon ay isang finen shirt na manipis lang ang tela. At isang pants na fitted sa akin. Wala naman akong alam sa mga tawag-tawag diyan. Basta may suot akong pantalon at damit. 'Ayos na ako ro'n. Hindi naman ako mayaman. Kung mayaman ako, panigurado na alam ko ang mga tawag sa damit, jacket, shorts at pantalon.' Pero may iilan naman akong alam. Basta 'yung nakikita ko lang sa ukay-ukay. Gaya nitong si Hizura. Nakasuot lang siya ng camouflage pants at denim shirts na bagay na bagay sa kaniya. Pero tinernuhan din niya ito ng jacket na kulay blue na may bulsa sa tagiliran niya. Kaya h

