HEATHER'S POV: "Kailangan nandoon na tayo bago sumapit ang sabado, kaya ngayon dapat tayo pupunta sa Japan! Kailangan nating maghanda! Naiintindihan ba?! " Malakas na sigaw ni Zicko habang binabagtas namin ang chopper. Mabuti na nga lang mi-ne-ssy bun ko na lang ang buhok ko. Kaysa sa nakabuhaghag. Kung gayong ang lakas ng hangin dala ng pag-ikot ng elisi. May mga lumalapit pa sa aming direksyon na alikabok sa lapag. Mapapapikit ka na lang o hindi ay isasangga mo ang iyong mga palad sa alikabok. "Yeah. I know. Faster. Tsk." Siguro sa bawat pagsambit ng mga salita ni Hizura ay may tuldok lagi. Sobrang sungit at malamig pang makitungo. Dapat gayahin na lang niya si Ferion na nasa chopper na at wala man lang kaimik-imik mula kagahapon pa. Este nagsalita rin naman siya kaso isang beses n

