HEATHER'S POV: "You need to calm yourself. It's gonna be alright. Ferion and Zicko will help you if you can't take it. Always believe on the team." Napalingon agad ako sa aking likuran. Nakita ko si Hizura na balot na balot ng kaniyang makapal na jacket na itim. Nakayakap pa ito sa kaniyang sarili habang papalapit sa akin. "I know. I should. But I can't take it. Paano ko pakakalmahin ang puso't isipan ko kung may mangyari man na ikakapalpak ko? Tingnan mo nga?" Reklamo ko naman sa lalaking ito na napataas na agad ang kilay. 'Taray talaga kahit kailan.' "Why can't you believe in yourself? Always trust yourself, Heather." Makahulugang aniya na ikinabuntong hininga ko naman. "'Yun na nga ang problema. . . hi-hindi ko kaya. . ." naiinis na turan ko rito saka napayuko na lang. Napahawak

