HEATHER’S POV: "What's the plan?" Tanong ni Zicko matapos naming makaupo sa sahig. Nakapaikot kami sa lamesang maliit pero mahaba. Kasya lamang ang tasa na may lamang tsaa. Mayroon pang maliit na vase na kinalalagyan ng isang bonsai. Katabi ko ngayon si Hizura sa kaliwang direksyon. Samantalang si Calix naman sa kanan. Siya ang lalaking hindi ko kilala. Isa sa kasapi't anak-anakan ng doktor na napagkamalang traydor pero hindi pala. Kundi ang nag-iisa nitong kakambal. Hindi ko nga aakalain na may mangyayaring ganito. Magkadugo laban sa magkadugo. p*****n kung p*****n kahit na sino ka man sa kaniyang buhay. Kung sino pa talaga ang pinakamalapit sa buhay mo. . . siya pa talaga ang magpapabagsak sa iyo. ‘Buti na lang nalaman agad nila Zicko ang katotohanan kung hindi panigurado na kay D

