HEATHER'S POV: "So, what's the reason why you both here?" Tanong ni Suya sa aming dalawa ni Hizura na nakaupo na sa sofa. Kapansin-pansin din ang titig nito sa amin na akala mo may iniisip na kung ano. 'Pero iyon nga ba ang nakikita ko o nagmamalikmata lang talaga ako? ' "We're here to tell you about our mission," bagot na saad naman nitong si Hizura saka gamit ang kaniyang kaliwang kamay ay hinawakan niya ang kaniyang sentido. Minasahe niya iyon nang maigi habang seryoso pa rin ang mga titig. Nakadekwatro ang paa niya habang nakasandal ang balikat sa headboard ng sofa. 'Feel at home talaga siya kahit saang bahay siya pumunta.' "Yeah I know. Kailangan na ba ninyo?" Tanong ulit nitong si Suya sa kaniya na ikinailing ko naman. Hindi naman kasi nagsalita itong lalaking ito. Kaso gan

