HEATHER'S POV: "Long time no see, Hizura. Why are you here? I taught you have a mission this night? And I'm not inform that you have someone beside you. " Tanong ng lalaking Japanese na hindi mo aakalain na matanda na pala. Wala siyang balbas. Wala ring kulubot sa kaniyang noo. Ang kaniyang buong katawan ay napakalinis at napakaputi. Kung ngumiti siya ay abot tenga ang kaniyang labi. Napalingon pa siya sa akin. Ganon na lang ang gulat ko ng ilahad niya ang palad niya sa akin. Nahihiya ako sa kaputian na taglay niya. Kumpara sa akin na maputi rin naman pero hindi tulad ng sa kaniya. Saka naalala ko na ngayon ay wala siyang suot na maskara. Pinapakita niya pala kay Hizura ang tunay na katauhan niya. Hindi niya lang inaasahan na may kasama pala si Hizura pagpunta rito. "I'm Suya. By

