HEATHER’S POV: “Hindi ko aakalain na gano’n pala ang nangyari sa dalawa. Ang akala ng mga magulang ni Hakira mahirap lamang si Tito Michael kaya ang akala nila wala siyang magagawa na buhayin ang anak nila. Pero ang totoo pala ay mas pinili ni Tito Michael si Hakira over his parents. Bakit nga pala nilisan ni Tito ang mga magulang niya, Zura? Nakalimutan ko na rin itanong ito sa 'yo.” Nagtataka ko namang tanong dito habang nasa loob kami ng kotse. Si V ang nagmamaneho at nasa tabi niya ang anak niya na babae na malaki na. Sumama ito sa amin pumunta ng Japan dahil na rin sa anak na matagal ng pangarap na makarating dito. Wala rin naman sa aming kaso kung sasama sila. Mas maganda nga ‘yun na mas marami, mas masaya na magkaroon ng mahabang bakasyon. At sa bakasyon na ito, magkakaroon n

