HEATHER’S POV: Ito na ang huling hantungan nilang dalawa. Nakatingin ako nang seryoso sa dalawang kabaong na ibinababa na ng mga kalalakihan sa kaniya-kaniya nilang libingan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap. Mas lalong hindi tanggap ng kanilang anak ang nangyari sa ama niya, buong magdamag lang ito na nakayakap sa akin habang naririnig ko ang mumunting iyak niya sa pagkamatay nito. Kaya hindi ako nakatulog para lang siya ay aluhin. Wala akong pakealam kung mapuyat ako, ang mahalaga sa akin maramdaman ni Hizura na may tao pa rin sa tabi niya. Lalo na ngayon, ngayong araw na huli na niyang makikita ang kaniyang mga magulang. Nakayakap pa rin siya sa akin habang nakalagay ang kaniyang baba sa aking kaliwang balikat. Maski siya ay seryoso rin na nakatingin sa kaniya

