UHDS 57

2173 Words

HEATHER’S POV: “Leave my son and his lover alone. Wala silang koneksyon sa nangyayari sa ating dalawa,” dinig kong sambit ni Tito Michael bago ako senyasan na umalis sa harapan nila. Hindi ko gusto ang ipinapahiwatig niya, ayokong iwan si Tito sa babaeng ‘to kaso mukhang seryoso talaga siya sa utos niya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang mapatakbo palayo at puntahan si Hizura na kumaripas din sa direksyon ko sabay yakap sa akin nang mahigpit. Pagkatapos ay napakalas kami sa yakap at saka masuyo niyang hinawakan ang kaliwang pisngi ko na natamaan ng suntok ng kaniyang ina. Kung hindi lang ako na-distract dahil kay Hizura, baka nakahiganti na ako sa babaeng ‘yon. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagsampal sa akin dahil sinabi ko lang naman ang kapwa katotohanan. ‘

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD