HIZURA MIGUEL’S POV: “Is this the place?” tanong ko kay Suya na ngayon ay may maskara na kasama ang anak na lalaki. Hindi ko kilala ang isa pero sa tingin ko ay karelasyon ni Blade. Malayo ito sa amin kaya nandoon din ang lalaking pinagseselosan ko. Matagal ko ng pinapabantayan si Heather sa America kaya alam na alam ko ang lahat ng mga ginagawa niya. Kaya nang bumalik siya labis ang inis ko lalo na ng marinig na mahal niya ito sa mismong direksyon namin. Pero noon ‘yun at hindi na ngayon. Ang mahalaga sa araw na ito ay makuha agad namin si Heather sa kamay niya. Hinding-hindi ko na hahayaan pa na may dumapo na kung anong mga kamay ang mahal ko. Magkamatayan pa kaming lahat. “Yes, I am sure. So always guard yourself. Hindi natin alam kung ilan ba meron siya na mga kasamahan.” Utos ni

