It had been over an hour.
I stood in front of the mirror, smoothing the fabric of my corporate-casual outfit — a cream blouse tucked neatly into tailored black slacks, paired with low heels that were formal enough for the event but comfortable enough to survive the night.
Professional. Neutral. Invisible, if possible.
I exhaled slowly.
Hindi ko alam kung bakit parang may bigat sa dibdib ko ngayon — kung dahil ba sa dinner, sa dami ng taong makakasalamuha ko, o sa usapan namin ni Gavin kanina na hanggang ngayon ay ayaw pa ring umalis sa isip ko.
My hair…
I had left a few loose strands framing the right side of my face, softly curled. Just enough to fall over the scar. Not obvious. Not forced. Just… natural.
A small, practiced smile appeared. Not perfect. But acceptable. A knock sounded.
“Shane?”
Binuksan ko ang pinto nang marinig ko ang boses ni Miss Agnes.
She peeked inside, then stepped in — and stopped.
“Oh.” Her eyes softened. “You look nice, iha.”
Her gaze lingered briefly on the strands near my cheek. Walang husga. Walang awa. Just quiet noticing.
“Bagay sa’yo ang ganyang hairstyle,” she said gently. “But…”
Nanigas ang balikat ko.
“…okay ka lang ba?” she asked. “Until when will you hide your face?”
I swallowed. “Mas comfortable lang po ng ganito, Ma’am.”
She moved closer, and I saw it — concern, sadness… guilt.
“Kung pumapayag ka na sana to do the surgery,” she said softly, “eh di sana hindi na ako nakokonsensiya hanggang ngayon.”
My chest tightened.
I took a breath. “Ma’am… please don’t blame yourself. You’ve done more than enough for me. Sobra-sobra na po ’yong kabayaran sa nangyari.”
She looked at me then — really looked — and I knew the thought never truly left her.
“Alam kong concern lang po kayo sa’kin,” I continued. “And I appreciate it so much. Pero this wasn’t something that needed fixing right away. Hindi ko po siya tinitingnan bilang kapintasan na kailangang burahin.”
I hesitated, then spoke more quietly.
“Sa totoo lang po… what happened before was a blessing in disguise. Kung hindi niyo po ako nabundol noon… hindi rin po ako makakarating sa Villa Builders.” A faint smile touched my lips. “So ako po talaga ang may utang na loob sa inyo.”
Miss Agnes let out a slow sigh. “Don’t say that. Deserve mo lahat ng meron ka ngayon. Pinaghirapan mo ’yan.”
Then, softer. “You’re young, Shane. And you’ve been through more than most people your age. Natural lang na gusto kitang protektahan — lalo na sa mga mata ng mga taong mabilis manghusga.” Her voice wavered. “Ayokong makarinig ng masasakit na salita tungkol sa mukha mo… lalo pa’t ako ang dahilan kung bakit may sugat ka diyan.”
“I know po,” I said gently. “Pero mas gusto ko pong piliin kung kailan ako magiging handa. For now… I’m okay. Wala po akong pakialam sa sasabihin ng iba.” A pause. “I can do better.”
“I know,” she said, resting a hand on my shoulder. “Hindi kita pinipilit. But remember… you don’t owe anyone an explanation. And you don’t have to hide.”
For a second, I couldn’t answer.
But there was no pity in her eyes — only care. The kind that didn’t pressure.
She lifted one loose strand near my cheek and let it fall naturally, still covering the scar.
I smiled faintly. “Salamat po, Ma’am. Pero… this is me. And I’d rather people see what I can do… not what happened to me.”
She studied me, then nodded. “That’s why I trust you. Hindi ka nagpapadala.”
She glanced at my outfit and smiled. “And you look very nice tonight. Simple. Malinis. Professional. Pero… may dating.”
I laughed softly. “Thank you po.”
“Tara na,” she said. “The van is waiting.”
Before opening the door, she looked at me again. “And if anyone makes you uncomfortable tonight… you tell me.”
Warmth spread in my chest.
“Opo, Ma’am.”
Tahimik kami sa loob ng van.
The cool air calmed my skin as I fixed the strands of hair near my cheek. Ramdam kong minsan-minsan ay tinitingnan niya ako, but she didn’t say anything.
After a few minutes, she spoke.
“Shane… hindi ko na uulitin ’yon ha. About your face.”
I nodded. “Salamat po.”
“But remember this,” she continued. “Hindi mo kailangang itago ang sarili mo para lang respetuhin ka. Your work already speaks for you.”
I smiled, eyes on the window. “I appreciate that po.”
“Kahit noon pa,” she said, “I already saw how careful and detailed you are. Kaya nga kita kinuha. Kanina sa site — klaro, maayos. Para ka nang beteranong engineer.”
My throat tightened.
“Please,” she added softly, “huwag mong hayaan na ibang tao… o anumang pilat… ang magdikta kung sino ka ngayon.”
“I won’t po,” I whispered.
Then her tone shifted, lighter.
“By the way,” she said, smiling, “Luisito seems… unusually attentive today.”
My heart skipped. “H-ha? Paano niyo po nasabi?”
“Oh, Shane,” she chuckled, shaking her head. “I’ve worked with that man for years. Alam ko kung kelan siya neutral. Kelan siya professional. And kelan siya… observant.”
Heat crept up my neck. “Nagkataon lang po siguro, o baka cautious lang din for the project.”
“Hm... maybe,” she hummed, unconvinced. “Anyway, just stay grounded tonight. Maraming tao. Maraming mata. But I trust your judgment.”
“Yes po,” I said firmly. “I’ll handle myself.”
“Good,” she replied, patting my hand once. “Because tonight is important — not just for him, not just for the company… but for all of us representing this project.”
I straightened in my seat as city lights slowly came into view.
And with them came the quiet reminder that tonight wasn’t just another duty.
It was a moment where every step, every glance, every word… would matter.
Bumagal ang takbo ng van habang pumapasok kami sa driveway ng hotel.
Sinalubong kami ng maiinit na ilaw na tumatagos mula sa malalaking glass walls.
“This place is… huge,” bulong ko, halos hindi ko namalayang nasabi ko iyon.
Napangiti si Ma’am Agnes. “Vice Mayor doesn’t seem to do things halfway.”
"Kung alam niyo lang po, Maam..." Gusto ko sanang isagot, pero mas pinili kung tumahimik.
Huminto ang van.
She straightened her blazer. “Ready, Shane?”
Tumango ako kahit ramdam kong kumakabog na naman ang dibdib ko.“Opo.”
Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. Pagbukas ng pinto ay naramdaman ko ang malamig na hangin ng gabi. Sumunod ako kay Miss Agnes papasok sa lobby — chandeliers, eleganteng dekorasyon, mga taong mukhang sanay sa ganitong klaseng pagtitipon.
Kumikinang ang marble floor sa loob, at sa bukas na pinto pa lang ay rinig ko na ang mahihinang tawanan, ang tunog ng baso, at ang banayad na tugtog ng instrumental music. Bigla akong naging conscious sa lahat. Sa heels ko. Sa blouse ko. Sa buhok ko. At sa pilat na maingat kong tinatago sa likod ng mga hibla nito.
“Relax,” bulong ni Miss Agnes habang naglalakad kami. “You belong here.”
Pinilit kong paniwalaan.
Pagpasok namin sa ballroom, bumungad ang malalaking round tables na may puting tela at sariwang bulaklak sa gitna. Sa harap, may maliit na stage na may banner ng project — magkatabing logo ng LGU at Villa Builders.
Hindi ito isang simpleng welcome dinner. Ang daming tao. Mga politiko. Mga engineer. Mga executive. Mga contractor.
“Stay close Shane,” sabi ni Ma’am Agnes. “I’ll introduce you later.”
“Opo.” Sagot ko, though I wished for the opposite. I wanted to be invisible. Kung puwede lang, hindi na sana ako sumama pa dito.
Sumunod ako sa kanya — hanggang sa maramdaman ko ‘yon. ‘Yong pakiramdam na may nakatingin.
Hindi dahil sa ingay. Kundi dahil sa presensya. Dahan-dahan akong tumingala. And then I saw him.
Si Boss G...
Nakatayo malapit sa registration table, suot ang dark suit na sobrang bagay sa kanya. Walang kurbata, bukas nang kaunti ang collar — relaxed, pero halatang may awtoridad pa rin.
May kausap siya. Tumatango, nakangiting pormal. Tapos bigla siyang tumingin sa direksyon namin. At nagtagpo ang aming mga mata. Parang biglang humina ang lahat ng tunog sa paligid.
Hindi siya matalim tumingin. Hindi rin nagtatanong. Malambot. Nagulat. At… may kung anong hindi ko kayang matukoy.
Napahinto ang hininga ko. Ako ang unang umiwas ng tingin. Ang tanga mo, Shane.
“Ah,” sabi ni Ma’am Agnes sa tabi ko, walang kamalay-malay. “There’s Luisito. Let’s greet him.”
Biglang nag alburuto ang aking sikmura. Habang palapit kami ay mas lalo ko pang nararamdaman ang kabog sa aking dibdib. Paglapit namin, humarap siya kaagad sa amin.
“Tita,” bati niya, may ngiting pormal. “Good evening po,” at saka bumeso.
“Good evening, hijo,” sagot ni Ma’am Agnes. “You look very presentable tonight.”
“Thank you. So do you.”
Pagkatapos sy lumipat ang tingin niya sa’kin. At doon ko napansin ang bahagyang pagbabago sa mukha niya.
Hindi halata. Pero… mas lumambot.
“Good evening, Shane,” sabi niya.
Napalunok ako. I'm still not used to this. For the longest time ay nasanay na akong Miss De Castro ang tawag niya sa akin.
“Good evening po, Boss,” sagot ko, bahagyang yumuko.
Saglit na napatingin ang mga mata niya sa buhok kong nakatakip sa aking pisngi. Mabilis. Halos walang makakapansin.
Pero napansin ko. May sandaling katahimikan.
“You look…” nagsimula siya, tapos biglang huminto. Naglinis ng lalamunan.“…very professional tonight.”
Napangiti si Ma’am Agnes. “Bagay naman sa kanya, di ba?”
“Indeed, Tita." Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa’kin.
Naramdaman ko ang pag-init ng aking batok.
“Thank you po,” mahina kong sagot.
Manipis na katahimikan ang namagitan sa amin.
“So,” singit ni Ma’am Agnes, iniligtas kaming pareho, “shall we find our table?”
“Yes, of course,” sagot ni Gavin.
Habang naglalakad kami, sumabay siya sa amin. Masyadong malapit. Hindi naman ako hinahawakan.
Pero sapat para maramdaman ko ang init ng presensya niya.
“So,” sabi niya casually, “how was your rest, Shane?”
Nag-alinlangan akong sumagot.
“It was… okay po.”
“Good,” tumango siya. “You worked extra hard today.”
Simpleng pangungusap lang dapat. Pero parang may bigat.
“Thank you po.”
Pagdating namin sa mesa, umupo muna si Ma’am Agnes. Sumunod ako.
At si Boss G… piniling umupo sa mismong tapat ko.
Of all places. Sa tapat ko pa talaga?
Itinuon ko ang tingin sa mesa — sa napkin, sa baso, sa kahit na ano, just to avoid his gaze. Pero ramdam ko ang pagmamasid niya sa akin.
Nang inaayos ko ang isang hibla ng buhok ko, napansin kong sinundan ng mata niya ang galaw ko.Agad siyang umiwas ng tingin.
Nagsimula ang programa. Mga speech. Palakpakan. Mga formalidad. Halos wala akong marinig.
Dahil paminsan-minsan… Nagkakatitigan na naman kami. At sa bawat sandali, lalo lang lumalalim ang tensyon.
Walang salita. Walang paliwanag. At sa pagitan ng tawanan at tunog ng baso…Isang bagay ang malinaw sa akin.
Hindi lang professionalism ang susubukin ng gabing ito. Pati ang puso ko.