bc

The Long Lost Princess of Elementallia (TLLPOE) [TAGALOG]

book_age12+
614
FOLLOW
1.8K
READ
adventure
powerful
brave
princess
campus
magical world
school
like
intro-logo
Blurb

Isang ordinaryong mag-aaral na namumuhay ng mapayapa kasama ang kanyang ama si Hermione Athena Granger. Subalit, paano kung nalaman niya na hindi pala talaga siya isang ordinaryong mag-aaral o nilalang? Matatanggap niya kaya ito? Ngunit, paano naman kung sakaling malaman niya na siya ang babae sa Propesiya? Magagampanan niya kaya ang tungkulin na naka-atang sa kanya?

Tunghayan natin ang istorya ni Hermione Athena Granger upang malaman kung ano ang kanyang magiging pasya.

*** Paunang Salita ***

Ito ay kathang-isip lamang. Ang ibang pangalan ng mga tauhan ay hango sa isinulat na Akda ni J.K Rowling, ang Harry Potter Series. Samantalang ang iba pang ngalan at nasabing pook dito sa aking akda ay hango sa mga pangalan ng mga K-Drama at Anime na aking napanood. Ang iba pa ay bigla ko na lamang naisip.

Maraming salamat sa pagsuporta n'yo sa aking Akda. Ikinagagalak ko na mayroon ng nagbabasa. Hindi ko hangad ang makilala, nais ko lamang talaga ibahagi ang laman ng aking isipan na naging dahilan upang makagawa ako ng isang akda na tulad nito.

Muli akong nagpapasalamat sa mga tao na nagbabasa o magbabasa pa lamang nito. Nawa'y suportahan n'yo ito hanggang sa matapos. Nawa'y magustuhan din ninyo ang akda kong ito. Maraming salamat.

Ang mahiyain n'yong manunulat,

JFabzzz

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Hermione Athena Granger
Hermione Athena POV Kasalukuyan akong narito sa kagubatan dala ang aking busog at palaso upang mangaso kasama si Ama. Maya-maya ay may nakita akong usa na nanginginain kung kaya't hinanda ko na ang aking palaso para ito'y panain. Dahil sa hindi ko siya nais na paslangin, pinatamaan ko na lamang siya sa kanyang paa. Dali-dali ko siyang nilapitan at tinawag si Ama upang ipabatid na ako ay nakahuli ng isang usa. "Ama, nakahuli na po ako ng isang usa!" - Ani ko na mahahalata ang galak sa aking tinig Maya-maya lamang ay dumating na si Ama dala ang lagayan ng kanyang mga gamit panggamot. "Kung gayo'y tayo ng umuwi nang sa ganoon ay makapaghanda ka na sa iyong pagpasok sa paaralan." - Ani naman ni Ama na may ngiti sa kanyang mga labi sapagkat nakahuli muli ako ng Usa Ngunit nilunasan muna ni Ama ang sugat sa paa ng usa na dulot ng pagtama ng aking palaso. Pagtapos niyang lunasan ang natamong sugat ng usa ay agad na kaming umuwi. Pagdating namin sa aming tahanan, agad akong nagtungo sa aking silid upang magpalit ng uniporme. Nang ako ay nakapagpalit na, kinuha ko ang aking mga gamit sa paaralan at hinanap si ama. "Ama, aalis na po ako." - Paalam ko nang makita ko siyang nakaupo sa hapag habang nagbabasa ng pahayagan at umiinom ng kape "O sige anak. Mag-ingat ka at mag-aral ng mabuti." - Ani naman niya matapos ibaba ang pahayagan sa ibabaw ng mesa na tinanguan ko lamang at saka dali-daling umalis Makalipas ang ilang minuto, narito na ako sa TU o Trinchera University at naglalakad sa Hallway dahil may ia-announce si Prince Epal este si Principal subalit ang tawag namin sa kanya ay Head Master. Anyway, kanina pa ako daldal ng daldal dito ay hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Hermione Athena Granger. O diba pangalan pa lang MAGANDANG DIYOSA na hahahaha! Charot lang hahahaha! Siyempre hindi ako MAGANDA at mas lalong hindi ako PANGIT, minsan may pagkabaliw rin ako. O siya, tama na ang INTRODUCTION ako lang naman ang tumatawa eh. Kasalanan ba namin na tawa ka ng tawa riyan Hermione? Eh wala naman talagang nakakatawa. - Ms.W Hay naku Ms.W, huwag ka ngang nangingi-alam sa TRIP ng may TRIP. Palibhasa wala ka pang LOVE LIFE eh. Eh bakit? IKAW ba may LOVE LIFE huh? at teka nga AYAW mong paki-alaman kita sa TRIP mo? Baka gusto mo ng mamatay sa Story na to? - Ms.W Huwag naman Ms.W, hindi ka naman mabiro oh. Siya... sige na nga titigil na ako at saka nandito na ako sa Great Hall oh. Back to Story na tayo, narito na nga ako sa Great Hall dahil may sasabihin si Head Master. Medyo marami ng mga STUPIDYANTE kaya sa unahan na lang ako pumunta para marinig ko ng maayos 'yong sasabihin ni Head Master. Isa pa, alam ko naman na sa Unahan din pupunta 'yong BEST FRIEND ko na singlakas ng SPEAKER ang boses kung magsalita. Nang biglang may tumawag sa MAGANDA kong PANGALAN. "ATHENA!" - Ani niya sa malakas na tinig End of Chapter 1 Released Date: January 24, 2021

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
601.0K
bc

Be Mine Again

read
106.2K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
118.7K
bc

Wandering One

read
24.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Professor's Wife

read
465.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook