Chapter 1- The Bitter Truth
POV: Shane
“Sige pa, baby... ibaon mo. Ipadama mo sa akin ang init ng pagpapakasasa mo.”
Napatigil ang kamay ko sa mismong tanso ng doorknob. Ang boses na iyon—paos, gagaralgal, at umaalingawngaw mula sa kabila ng manipis na kahoy ng pintuan ng silid ng kwarto namin mag asawa—ay hindi na bago sa pandinig ko. Pang-ilang babae na ba ito ngayong buwan? Hindi ko na mabilang.
“s**t, ang sexy mo, baby! Nandiyan na... malapit na!”
Isang malalim at pamilyar na ungol ang sumunod. Kay Dave. Rinig ko ang gipit niyang paghinga, parang isang atletang naghahabol ng hininga sa dulo ng isang karera.
Nanghina ang mga binti ko. Napasandig ako sa malamig na pader, mabilis na tinakpan ang sarili kong bibig para pigilan ang anumang tunog na gustong kumawala. May kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib ko—baga na parang pinipiga, hanggang sa maging kapos at mababaw ang bawat langhap ko ng hangin.
Gumapang ang init sa mga mata ko, kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha. Marahas kong binaon ang aking mga kuko sa telang laylayan ng aking maluwag at mahabang bestida, pinipilipit at nilalamos ang tela habang isinasara ko ang aking mga mata. Gusto kong takpan ang aking mga tainga, ngunit huli na.
“Ang sarap-sarap mo talaga, baby. Hindi ka nakakasawang kainin,” wika muli ni Ethan, na ngayon ay naririnig ko nang bumagsak sa kutson, humihingal.
Bumaon ang mga ngipin ko sa sarili kong ibabang labi. Idiniin ko iyon hanggang sa malasahan ko ang tila kalawang ng dugo, umaasang ang pisikal na sakit na iyon ang papatay sa pamamanhid ng buong katawan ko. Kasabay ng pag luha ng mga mata ko.
“Kailangan ko nang umuwi, baby. Baka hinahanap na ako sa amin,” marahang ungot ng babae.
“Mamaya na... ayaw mo ba ng second round?”
May sumunod na malanding hagikhik, tunog ng mga katawang nag-uunahan sa ibabaw ng nagrereklamong ginto at pilak na kama.
“Ikaw talaga, gigil na gigil ka sa akin palagi.”
“Paanong hindi kita panggigigilan, eh, ang sarap-sarap mong magmaneho?”
“Talaga? Nagustuhan mo ba? Hayaan mo, bukas magkita ulit tayo sa bar, tapos dalhin mo ulit ako rito sa bahay mo.”
Bawat salita ay parang bubog na pilit isinasaksak sa pandinig ko.
Nang marinig ko ang kaluskos ng mga yapak papalapit sa pinto, Kumaripas ako ng tayo. Humawak ako sa gilid ng cabinet, pilit na itinutuwid ang nangangatog kong mga tuhod. Gusto kong lumayo, gustong magtago, pero parang semento ang sapatos ko.
Bumukas ang pinto. Dahil nakasandal ako roon, nawalan ako ng balanse. Sumunod ang katawan ko sa pag-atras ng kahoy at buong lakas na bumagsak ang puwitan ko sa makintab na tiles. Parang isang bata na nadapa sa putikan.
“Oh my Gosh!” tili ng babae, sabay hakbang paatras habang hawak ang dibdib niya.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking paningin. Doon sa malaking kama, nakasandal si Dave. Walang saplot maliban sa manipis na kumot na nakatakip sa kanyang hita. Nang magtama ang paningin namin, hindi pagsisisi kundi isang malalim na gatla ng inis ang gumuhit sa kanyang noo.
“What the hell?! Anong ginagawa mo riyan?” asik niya.
Hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko. Humigpit ang kapit ko sa sarili kong braso, dahan-dahang yumuyuko habang umiikot ang paligid. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa bigat ng hanging nakapaligid sa amin.
“Sino ba 'to, baby? Ito ba ang asawa mo?”
Nandidiring itinuro ako ng babae gamit ang mahaba at pulang kuko nito.
Bumaba si Dave sa kama, marahas na hinila ang kanyang mamahaling silk bathrobe at isinuot iyon bago naglakad papalapit sa kinaroroonan ko.
Huminto ang kanyang mga mamahaling tsinelas sa mismong tapat ng mukha ko. Mukha akong pulubing nakaluhod sa paanan niya.
“Ang pangit nga pala talaga ng asawa mo, Ethan,” natatawang bulong ng babae, walang preno ang bibig.
“Hindi ko siya asawa. She's just a maid here,” malamig, walang emosyon, parang yelo na pumatak sa sugat ko ang bawat pantig na binitawan niya.
Mas lalong bumuhos ang luha ko, bumabasa sa malamig na sahig.
“Nakakatakot naman 'yan. Nakakatakot 'yung pagmumukha niya,” dugtong pa ng babae habang humahakbang palampas sa akin.
“Sige na, aalis na ako, baby. Tawagan mo ako, ha?”
Narinig ko ang tunog ng mabilis na lapat ng kanilang mga labi bago tuluyang sumara ang pinto ng mansiyon.
“Ano? Hindi ka pa ba tatayo riyan?”
Tumingala ako. Walang bakas ng hiya o guilt sa makinis at guwapong mukha ni Ethan. Para lang siyang nagpaalis ng isang langaw.
Dahan-dahan, gamit ang huling natitirang lakas ng aking mga binti, tumayo ako ng tuwid. Pinilit kong huwag manginig ang aking baba. Humitit ako ng malalim na hininga bago sinalubong ang kanyang mapanghusgang mga mata.
“Hanggang kailan mo ba gagawin sa akin ito, Dave?” Halos mapatid ang boses ko.
“Anong inaarte mo riyan? Ano naman kung may babae akong dinadala rito? Hindi ka pa ba nasasanay?” Isang mapang-asar na ngisi ang sumungaw sa kanyang labi.
“Asawa mo ako... pero harap-harapan mo akong ginagago.”
“Kahit kailan, hindi kita nakita bilang asawa ko! Yan ang palagi mong itatak sa bungo mo!” Lumapit siya sa akin, nagdidilim ang mukha.
“Hindi ako magmamahal ng isang pangit!”
Bawat salita niya ay parang latigo na humahagupit sa balat ko.
“Sa tingin mo, paano kita magugustuhan? Ni hindi kita magawang tignan! Nakakadiri ang mukha na meron ka! Tingin mo ba deserve ng kagaya ko ang itsurang meron ka?! Hindi ikaw ang tipo ng babae na hahawakan ko!”
Yumuko ako. Ang bawat kataga ay parang matatalim na kutsilyo na paulit-ulit na ibinabaon sa dibdib ko. Tatlong taon. Tatlong taon kaming kasal, nakatira sa iisang marangyang bahay. Pero kahit isang beses, hindi niya ako nagawang ipag handa ng pagkain, o abutan man lang ng tubig. Iba't ibang pabango ng iba't ibang babae ang sumasalubong sa akin gabi-gabi.
Magkatabi kami sa iisang kama pero parang may pader sa pagitan namin. At tuwing uuwi siyang lasing, ang mga sigaw at mura niya ang nagsisilbi kong hele.
Hindi niya ako maipakilala sa mga kaibigan niya. Tuwing may importanteng bisita, ikinukulong niya ako sa likod o kaya ay ipapakilala bilang katulong.
Noong una, nilunok ko ang lahat. Naintindihan ko. Alam kong nahihiya siya sa akin. Pero habang tumatagal, mas pinapamukha niya sa akin na isa lang akong basurang napadpad sa buhay niya.
Sino nga ba naman ang magkakagusto sa akin? Balot na balot ako ng makakapal na jacket at maluluwag na pajama. Ang balat ko ay puno ng mapupulang pantal. Ang mukha ko ay tadtad ng malalaki, nangingitim, at nagnanaknak na pimples.
Idagdag pa ang maitim at tila sunog na balat na sumasakop sa halos kalahati ng mukha ko. Isang sumpa.
Mayaman ang pamilya ko, pero mahigpit na ipinagbawal ni Mommy na ipagalaw ko ang mukha ko kahit saang doktor. Noong bata ako, hindi ko maintindihan. Hanggang ngayon, ang mga huling salita lang niya ang nagpapatakbo sa isip ko:
“Shane, anak... kaunting panahon na lang ang titiisin mo. Pagsapit ng ika-dalawampu't lima mong kaarawan, magsisisi ang lahat ng taong pinaunyak at humamak sa 'yo. Mawawala ang sumpa, at maaari ka nang magsimula ng bagong buhay.”
Ilang taon ko pa ba kailangang tiisin ang imperyernong ito?
‘Hindi ka mahina, Shane. Hindi ka basta iiyak na lang,’ bulong ng isang maliit na tinig sa kaibuturan ng utak ko.
Ibinaba ko ang aking mga kamay. Itinuwid ko ang aking likod. Huminga ako ng napakalalim—iyong mararamdaman ang hangin hanggang sa sikmura—bago ko pinunasan ang huling bakas ng luha sa aking pisngi gamit ang likod ng aking kamay. May kung anong bagong apoy ang biglang sumiklab sa dibdib ko.
‘Kailangan mong maging matapang sa bahay na ito. Sarili mo lang ang kakampi mo.’
“Ano? Nakaayos na ba ang pagkain ko?”
Narinig ko ang mabibigat at mayayabang na hakbang ni Ethan pababa ng hagdan. Humarap ako sa kanya, hindi na nakayuko, kundi diretso sa kanyang mga mata.
“Pagkain mo?” Bahagyang umangat ang sulok ng labi ko, matigas ang tono ng boses ko.
“Hindi ba't inutusan kitang ipaghanda mo ako ng pagkain?” Kunot-noo siyang huminto sa huling baitang ng hagdan, halatang nagulat sa kawalan ng takot sa mukha ko. Ito ang unang pagkakataon na hindi ako nanginginig sa harap niya.
“At bakit kita ipaghahanda ng pagkain?” Taas-noo kong tanong, unti-unting humahakbang papalapit sa kanya.
Mas lalong nag-salubong ang kanyang mga kilay. “Dahil asawa mo ako, at trabaho mong pagsilbihan ako!”
Isang maikling tawa ang kumawala sa bibig ko. Isang tawang puno ng pait at pang-uuyam.
“Anong sinasabi mong asawa? Hindi ba't sa mismong bibig mo nanggaling na hindi mo ako asawa? Ngayon, Dave, hanapin mo 'yung babaeng tinawag mong baby kanina, at siya ang utusan mong maghain ng pagkain mo!”
Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Kita ko ang dahan-dahang pagbuka ng bibig niya sa matinding gulat. Hindi niya inaasahan na ang "basura" na tinatapakan niya ay natutong lumaban.
Akmang tatalikod na ako para iwan siya nang biglang sumunggab ang kamay niya at mahigpit na pinihit ang braso ko.
“Teka nga! Ano bang problema mo?!” singhal niya.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, humugot ng natitirang pasensya bago mabilis at marahas na binaligtad ang aking braso para makakawala sa hawak niya. Lalong lumaki ang mga mata niya sa ginawa ko.
“Dapat ay umiiyak ka na ngayon at nagmamakaawang patawarin kita!” tila hindi makapaniwalang saad niya.
Isang mapanghamong ngisi ang isinagot ko.
“At bakit ako hihingi ng tawad sa 'yo? Bakit ako hihingi ng tawad sa isang lalaking walang kuwenta? Sa lalaking hindi marunong makuntento at walang natitirang kahihiyan sa katawan?”
“A-ano?” Nauutal na siya ngayon.
“Alam mo kung ano ang bagay sa 'yo?”
Lumapit pa ako ng isang hakbang, hinayaan ko siyang mapako sa kanyang kinatatayuan habang hinihintay ang susunod kong gagawin. “Hayaan mong ipakita ko sa 'yo kung ano ang nababagay sa lalaking katulad mo.”
Mabilis kong nilingon ang isang basong puno ng malamig na tubig sa ibabaw ng hapag-kainan. Walang pag-aalinlangan, hinawakan ko ang katawan niyon at buong lakas na isinaboy ang tubig nang diretso sa kanyang mukha.
Napapikit si Ethan habang marahas na pumasok ang tubig sa kanyang ilong at mga mata. Mabilis na umagos ang basa mula sa kanyang buhok, pababa sa kanyang makinis na mukha, hanggang sa mabasa ang suot niyang mamahaling bathrobe.
“What the hell! Gusto mo na bang mamatay?!”
kulog ng kanyang boses na umahon mula sa kanyang lalamunan.