bc

SEASON COLLIDE OF TOMORROW

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
fated
confident
sporty
sweet
bxg
bold
secrets
lonely
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

They fell in love in the right time, but not in the right place. They both knows how they feel, but they don't know how to let go.

chap-preview
Free preview
C H A P T E R O N E
C h a p t e r o n e Island can be a home too Malalaking alon ang huling natanaw ko bago muling itinuon ang paningin sa harapan. Kasabay niyo'n ang malamig na klima, masarap ito sa pakiramdam, marahil ay karagatan ang sumasakop sa buong lugar. Tanging ang makina nang sasakyang pandagat lamang ang nagsisilbing ingay sa buong byahe namin, sa tingin ko'y aabutin ng dalawang araw ang byaheng ito. Tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ng tubig, bawat hampas niyon. Karamihan ay mga mag asawa ang kasamahan ko, miminsan lang ang kasing edad ko, kung walang kayakap na nobyo ay hindi ko naman gustong maka-usap. Nakakamanghang pagmasdan ang bawat hampas ng alon sa sasakyang ito. Pilit na kumakawala sa kanilang kulungan kahit pa nga wala naman talagang tunay na kalayaan. My beloved father loves sea too... Kung anong mangyayari sa akin ngayong sinusuong ko ang tahanan ng kaisa-isang aking kadugo ay hindi ko alam. Maaring matagumpay, maari din namang mabigo. "Excuse me, do you want some drink? Food?" Sinalubong ng isang lalaking nalalapit sa aking edad ang aking paningin, nag aantay ng kasagutan. Matangkad siya, halatang may lahi dahil na rin sa kulay ng kaniyang mga mata. Lagi itong may dalang sigla, laging nakangiti at para bang may binabalak na hindi mo magugustuhan. Faded white hair na mas lalong umangat ang kaniyang natural na kutis. Kung sa ibang pagkakataong nagkaharap kami ay mabibigyang pansin ko ang aking mga papuri, ngunit nasa ganitong sitwasyon kami kaya hindi ko iyon mahagilap. "No..." Maikling tugon ko at muling itinuon ang tingin sa labas ng sasakyan. "Ako din e. By the way, I am Rith Tadefa." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. Ilang sigundo ko iyong pinagmasdan bago abutin, ayaw kong maging rude sa unang araw ko rito. Kahit na hindi ko gusto ang pakiramdam'ng ito, kailangan kong makisama. "Fe... Fe Partellis." Halata ang pagkagulat sa kaniyang mukha pagkatapos ay mahinang tumawa. Umupo siya sa kaharap kong upuan at muli akong pinakatitigan. "So, ikaw pala ang anak ni Ms. Fathima?" Manghang tanong niya. Tumango ako bilang tugon sa sagot niyang yun. "I see, so ilang weeks ka dito? Or maybe months?" Wala akong balak na magstay dito ng ganoong katagal. I don't even think days will be my longest stay here. "Not sure..." Hindi ko alam kung nakuha ba niyang ayaw kong may kausap sa ngayon or wala na talaga siyang maitanong. I don't want to be rude at him ngunit kailangan kong pakiramdam muna ang aking sarili, kung magugustuhan ko ba ang lahat dito, kung okay ba sa akin ang ganito, o kung kailangan bang ako ang mag adjust sa buhay ko ngayon. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko. Sa tingin ko'y kalahating oras ang binilang bago siya muling humarap sa akin at nagtanong ng kung ano ano. Kung tutuusin ay masaya siyang kausap, sa ngayon ay hindi ko pa iyon mabibigyang ng pansin dahil sa daming pumupuno sa aking isipan. "Itago mo nalang yung mga dala mong gadgets, hindi yon kailangan dito." Mabilis siyang tumayo at inabot ang aking kamay. "Ipapakita ko yung bahay niyo, tara." Tiningnan ko ang service ng aking cellphone at umaasang nagbibiro lang siya noong sinabi niya iyon, ngunit kahit pumikit yata ako'y hindi iyon pakikinggan. Walang signal sa lugar na'to! Paniguradong wala akong ibang gagawin dito kundi ang humiga at matulog hanggang sa bumalik na ulit ako, kung saan ang totoo kong tahanan. Napunta kami sa harapan ng port at marahang pinagmasdan ang papalapit na Isla, madaming punong nakapaligid dito, kahit sa malayo'y ramdam mo ang masarap na simoy ng hangin. Iba't ibang kulay na mga bahay ang tumambad sa akin nang lumiko ang port at dahan dahang huminto. "The green house are your mother's house, Fe." May itinuro siyang kulay puting bahay, tatlong bahay ang pagitan niyo'n sa bahay ni Fathima. "Iyon naman ang amin..." Kahit mainit ay hindi ko manlamang maramdaman ang sakit ng kainitan, parang wala lamang iyon. Nag-antay muna kami ni Rith ng tiyempo bago kami tuluyang lumabas, kakaunti na lang ang sakay niyo'n kaya hindi gaanong mahirap makipagsiksikan sa labas. Pwede kang hindi mabalisa, at eenjoy ang tanawin habang naglalakad. "Ihahatid na kita sa inyo Fe, kung okay lang sayo?" Mabilis ko siyang nilingon dahil sa sinabi niyang iyon. Kung hindi ko pa iyon pansinin ay paniguradong mayroong magaganap na hindi ko gugustuhing maranasan. "Okay lang Rith, I can find my way to Fathima's house." Inayos ko ang nilipad ng hangin na aking buhok at inilagay iyon sa likuran ng aking tainga. "Saka, baka madami ka pang gagawin, sapat ng tulong ang natulong mo sa akin." Hindi ko na lamang pinansin ang pagbabago ng kaniyang emosiyon ng bitawan ko ang mga salitang iyon. Mabuti nang ganito. "Honey..." A tall and skinny girl run fast towards him. Sa bawat takbo niya'y umaalon ang kaniyang mahabang kulot na buhok. Kulay brown na may pagka white iyon kaya nagmumukha siyang banyaga. Namumula ang balat, dahil na rin siguro sa init ng panahon. She's wearing a summer dress that really suit her well. Sophisticated yet elegant. "Sino siya?" Hindi ko mapigilang tanong sa katabi. "Ah... Ano...Kiffy, she's Kiffy. My girlfriend..." Napipilan ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko dapat na pansinin iyon ngunit mayroon sakin na gustong kumawala. Mabuti nalang at nalaman ko iyon, hindi ko alam kung anong gulo ang maari kong dalhin kapag hinayaan ko ang mga simpleng bagay na kaniyang ginawa kanina. Halatang hindi tahimik ang babaeng iyon, andoon ang kakaibang uri ng kaniyang tingin sa akin. Ibinaling ko na lamang ang aking atensiyon sa aking harapan nang lantaran silang maghalikan sa aking tabi. Para bang walang tao sa kanilang paligid. "Let's go, kanina pa sila nag aantay." Nakangiting buling niya kay Rith. We are just a few inch away kaya hindi malabong hindi ko marinig ang kanilang pag uusap. "Susunod ako..." Binigyan niya muna ako ng mapanuring tingin bago magsimulang tumalikod at tuluyang umalis. "Ah, hatid na kita Fe." "Hindi na Rith. Nandito si Fathima, susunduin niya ako dito." Binuhat ko ang aking dalang bag na hindi naman gaanong madaming damit ang laman kaya hindi iyon mabigat. "Okay... So, nice to meet you Fe. I hope makita kita sa midsummer bukas." Nangunot ang aking noo sa sinabi niyang iyon. "Para iyon sa pagsisimula ng summer, lahat imbitado. Your mom too." "I'll give it a try Rith..." Kahit nakatalikod na ay ramdam ko pa din ang kaniyang binibigay na mga tingin sa akin. Mas lalo akong naiinis sa pag asta niyang iyon. "Hi..." A woman aproach before me with an smile. May kakulotan ang kaniyang buhok at hanggang balikat niya ito, medyo mayroong halong brown at red niyo'n na lalong nagpabatang tingnan sa kaniyang itsura ngayon. This is really my mother, para kaming magkapatid sa physical na anyo. A typical Island girl. "Hi..." Iyon na lamang ang tangin naibulalas ko sa kaniyang harapan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na iasta ko sa ngayon. Naninibago ako sa lahat. Mula sa pagtitig sa kaniyang mga litratong itinago ng aking ama ay ngayon ko pa lamang siya nakita ng ganitong kalapit. Para itong panaginip sa akin. "Kamusta ang naging byahe mo?" Nahalata ko mula sa kaniyang mga mata ang pagiging awkward, kung iyon ba ang tamang itawag para sa emosiyong iyon. Naghahanap ng mga tanong para lamang hindi magkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin, na ang totoo ay ramdam ko iyon kahit na kung ano ano ang itinatanong niya sa akin. Sinabi ko na lamang ang totoong pakiramdam ko mula sa mahabang pagbyabyahe patungo sa Islang ito. Kasama na doon ang pagkahilo at pagkabagot. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod at panghihina ng aking katawan o dahil wala lang talaga akong gana sa hapag kainan, sa tingin ko'y hindi ko gusto ang pagkaing nakahain. Hindi ako mapili sa lahat, ngunit kakaiba ang sitwasyong ito, nakakasuka. "Ganito ang kinakain namin sa Isla, kung hindi mo gusto ay magsabi ka lang dahil pupunta ako bukas sa grocery, bibilhan kita ng gusto mong pagkain." Patuloy siyang kumain habang panaka-nakang sumusulyap sa akin. Hinihintay kung ano ang magiging reaksiyon ko para doon. "Okay lang... Siguro'y masasanay din ako, sa ngayon ay naninibago palamang ako. Pasensya na..." "Hmmm, sige. Kung tapos ka na ay pumunta ka na sa kwarto mo, magpahinga ka na muna, ako na ang bahala dito." Dahan dahan akong tumayo sa upuan at marahang inayos ang mga kubyertos na hindi gaanong nagalaw. Binalingan ko siya ng tingin, nagpapanggap ang kaniyang mga mata. Masayang hindi totoo. "Pwede ba akong magjogging dito?" "Yeah...oo naman. Sa burol malapit sa lupain ng mga Gordeon. Bumalik ka na kapag may nadaanan kang lubaklubak na daan." Sinimulan niyang ligpitin ang mga platong nakahain, hindi ko mawari kung bakit hindi ko maihakbang ang aking mga paa para umalis na. "Gusto mo bang samahan na kita?" Nagkaroon ng awkward na ngiti sa kaniyang mga labi at naglumikot ang kaniyang mga mata. "I'm sorry...siguro ay masyado na akong trying hard to keep our conversation longer." "Hindi...Okay lang. Magpapahinga na ako. " Wala na akong nilingon at diritsong tinungo ang daan patungo sa aking kwarto. Kumakalat na ang dilim sa isang bahagi ng bintana kaya panigurado'y gabi na nga. Ang bilis lang ng oras. Gawa sa light materials itong kwarto ngunit halatang matibay ang pagkakayari sa lahat ng mga muwebles na naririto. Sapat lang ang sukat sa kagaya kong babae. Clean bedsheet, a lampshade. Isang maliit na lamesa, maayos ang bawat nakalagay doon. A closet, hindi kalakihan ngunit kasya doon ang mga dala kong gamit. Isang bathroom, maliit pero pwede ng pagtyagaan. Today's work is enough... I need to visit the world I am counting on.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE DESIGNER’S MUSE

read
2.3K
bc

The Probinsyana's Two Husbands

read
28.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

He Divorced His Precious Wife Now He Regrets It (R18 Tagalog)

read
3.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.3K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook