Chapter 1

2616 Words
ZILLENE MADRIGAL SA MURANG edad na labing isa ay nagawa ko ng mamulat sa kasarimlan ng mundo. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay kaya hindi na siguro nakakapagtaka pa kung ang panganay na tulad ko ang magdala nang responsibilidad para sa mga nakababata kong kapatid. Ang ina ko lang ang tanging bumubuhay sa aming magkakapatid dahil wala namang trabaho si Papa. Labandera siya at paminsan-minsan ring suma-sideline sa club bilang waitress pero hindi pa rin sapat ang perang kinikita nito para tustusan kaming tatlong magkakapatid. Kaya kahit sa ayaw at sa gusto ay kinailangang kong tumigil sa pag-aaral. Habang ang ibang batang kasing edad ko ay walang inaalala kundi ang paglalaro at mag-aral ay ako naman ay naririto sa bahay at inaalala ang mga kapatid ko. "Zillene! Psst, pangit!" Inis kong binalingan ng tingin ang batang lalaking kasalukuyang nakadukwang sa bintana ng baku-bakong naming tahanan. Nakilala ko agad ang mataba nitong mukha, si Terrence ang kapit-bahay namin at siya ring kaibigan ko. "Ano na naman 'yon, Terrence?" tanong ko rito at inayos ng pagkakakarga kay Baby Zelle. Mabuti na lang at napatulog ko na ito kanina pa. Iyak kasi ito ng iyak dahil tinutubuan ng panibagong ngipin at kanina ko lamang itong napatahan. Malawak ako nitong nginitian dahilan upang lumabas ang puti puti niyang ngipin. Kitang kita ko ang kulang na isang pirasong ngipin dito. Kinakabahan na naman ako sa ngiting aso niyang iyan. Kapag kasi nakikita kong ngumingiti siya ng ganyan ay palaging kaming napapahamak o hindi kaya ay napupunta sa gulo. Ewan ko rin pero may sa demonyo yata ang ngiti niyang yan. "Punta tayo sa malaking bahay!" pagyayaya nito. "Sabi ni Mrs. Villacarte ay pumunta raw tayo sa birthday nong anak niyang babae. Siguradong maraming pagkain do'n!" Umiling ako, "Hindi pwede. Walang magbabantay kay Baby Zelle kapag umalis ako," tanggi ko. Nabanggit na rin ito sa akin ni Mrs. Villacarte noong nakaraang inutusan ako ng kapitbahay namin na ibigay dito ang prutas nitong tanim. Sinabi nito sa akin na kaarawan ng bunso nilang babae at inimbitahan ako nitong pumunta roon upang makilala ang anak niya. Wala rin kasi itong ibang kaibigan na tiga rito dahil kailangan pa nitong mag-adjust. Sigurado akong magiging bongga ang party katulad ng sinasabi ni Terrence dahil hindi naman mapagkakailang mayaman ang pamilyang Villacarte. Sa totoo nga ay ang bahay nila ang pinakamalaking mansyon rito sa lugar namin, na halos nagmukha ng isang palasyo dahil sa laki. Gusto ko rin sanang sumama sa party pero hindi naman pwede dahil wala ibang mag-aalaga kay Baby Zelle. Ang mahigpit na bilin ni Mama ay huwag na wag kong iwanan ang mga kapatid ko. "Ang killjoy mo naman," segunda ni Terrence. "Minsan lang naman 'to tyaka nand'yan naman si Zenaida 'di ba? Sabihin mo siya muna ang mag-alaga kay baby Zelle habang wala ka." "Narinig ko na naman ang pangalan ko," rinig kong boses ni Zenaida na kakalabas lang sa maliit naming kuwarto. Mabilis na napunta ang paningin nito kay Terrence na kasalukuyang nakadukwang pa rin sa bintana hanggang ngayon. "Nandito ka na naman, bungal?!" "Hoy, anong bungal!" inis na saad ni Terrence, mukhang na-Offend sa pagtawag sa kaniyang bungal ng kapatid ko. "Hindi ako bungal noh! Patubo na kaya 'to!" Dahil sa ingay ng mga ito ay tuluyan na ngang nagising si Baby Zelle. Mahina itong ngumawa na mabilis ko namang pinatahan. Dahil sa pag-iyak nito ay natigilan sa pagtatalo sila Terrence at Zenaida. Lumapit sa akin si Zenaida at kinuwa mula sa akin si Baby Zelle at siya naman ang nagpatahan dito. "Ako na bahala kay Baby Zelle, ate," aniya. Napangiti ako dahil dito. Mabuti na lang at nandito si Zenaida, may katulong din akong mag-alaga kay Baby Zelle. Pinanood ko itong patahin ang kapatid namin. Hindi tulad ko ay 'di hamak na mas magaling na mag-alaga si Zenaida. Madali nga lang itong mairita pero maasahan naman siya kapag dating sa mga ganitong bagay bagay "'Yon! Halika na, Zillene. May mag-aalaga naman na pala kay Baby Zelle, e," sutsot ni Terrence. Saglit kong tinignan ang sarili. Nakapangbahay lang kasi ako. Nakakahiya naman kung magpupunta ako sa bahay ng ibang tao nang mukhang hindi man lang nag-prepared 'di ba? "Magbibihis lang ako." Tinahak ko ang nag-iisang kuwarto rito sa baya namin at hinanap ang pinakamagandang bistida na meron ako. Napangiti ako nang mahalungkat ito. Isang kulay puti na bestida na merong bulak bulak na design sa itaas nito. Simple lang ang desenyo niya at napaghahalataang luma na pero mas okay na ito kesa naman wala. Ibinigay ito sa akin noon ng dati naming kapit bahay dahil hindi na ito magagamit ng anak niya. Sayang naman kung itatapon kaya naman sa akin na lang ibinigay. Minsan ko lang itong ma-suot lalo na kapag may mga ganitong okasyon. Naligo muna ako bago sinuot ang bestida. Matapos mag-ayos ay mabilis akong lumabas ng aming maliit na bahay at sinalubong si Terrence na kanina pang nag-aantay sa akin. Lukot ang mukha nito noong sinalubong ako, "Tagal mo." Hindi ko na pinansin pa ang naging komento niya. Sabay naming tinahak ang daan patungo sa bahay ng mga Villacarte gamit ang dala-dala niyang bisekleta. Isang pamilya ang may ari ng villa na iyon. Nakilala ko na noon si Mrs. Villacarte, mabait ito at ilang beses pa kaming binigyan ng tyokolate noon. Minsan ko na ring nakita ang asawa nito pero hindi ko pa nakikilala ang mga anak nila. Ang balita ko ay nasa ibang bansa raw nag-aaral ang mga ito pero migrante sa pinas upang dito na ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi nagtagal ay narating din namin ang bahay ng mga Villacarte. Sa labas pa lang ay rinig na rinig ko na ang mga nagkakantahan mula sa loob. Mabuti na lang at kilala na kami ni Manong guard kaya mabilis kami nitong pinapasok. Sa garden ng mga Villacarte nangyari ang venue. Mula sa gitna ay kita kong nakatayo si Mrs. Villacarte kasama ang asawa nito. May kasama rin silang isang batang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang namin ni Terrence. Nakasuot ito ng isang magarang kulay yellow na gown na talaga nga namang bumagay sa malagatas niyang balat. May suot suot din itong maliit na crown na kumikinang sa tuwing gumagalaw siya. Agad na nagniningning ang mga mata ko dahil sa pagkamangha. Nagmukha siyang princess katulad noong mga napapanood ko sa tv ng kapit bahay tuwing umaga. "Tignan mo, Zillene. Ang laki nong cake, o!" turo ni Terrence sa malaking cake na nakalagay sa gitna kasama ng iba pang mga pagkain. Hindi na 'ko nagtaka pa na iyon agad ang napansin niya. Nagsimulang kumanta ang mga tao ng happy birthday na sinabayan na rin namin. Nanatili akong nakatayo roon habang pinagmamasdan ang batang babaeng ihipan ang cake nito. Ilang buwan na lang mula ngayon ay sasapit na rin ang ikalabing dalawang taong kaarawan ko. Gusto ko ring magsuot ng magandang dress katulad niya at cake na mas malake pa sa cake nito. Siguro kung magdadasal ako kay Papa God tuwing gabi ay maririnig niya rin ang mga dasal ko. Noong mag-birthday kasi ako nakaraang taon ay walang pera si Mama kaya lumipas lang ang kaarawan ko na parang normal na araw lang. Sana sa pagkakataong ito ay madinig ni Papa God ang dasal ko. Sabi nila ay kapag mabait ka raw na bata ay susundin ni Papa God ang hiling mo kaya mas magpapakabait pa ako. Nang magtapos ang kantahan ay hinila ako ni Terrence upang lapitan ang anak ni Mrs. Villacarte. Wala na ngayon ang mag-asawa dahil umalis na mga ito upang batiin ang iba pang bisita. Kaya naiwan ang anak ng mga ito sa gitna kasama ang mga kaibigan nitong hindi rin nalalayo ang edad sa amin. "Happy birthday," bati ni Terrence nang makalapit kami. "Terrence nga pala, tapos itong kasama ko si Zillene, kaibigan ko. Ininvite kami ni Mrs. Villacarte." Tumaas ang kilay ng batang babae nang marinig ang sinabi ni Terrence. Mabilis nitong inilahad ang kamay sa harap namin. Nagtataka kaming nagkatinginan ni Terrence dahil don. "Where's my gift then?" tanong nito. "No gift, no entry. Did my mom tell you that?" bakas na bakas sa bawat salita nito ang accent niya. Pati ang ibang batang kasama namin ay nag-iintay din sa regalong i-aabot namin dito. Muli kaming nagkatinginan ni Terrence. Wala kaming kaide-ideya na may ganon pa lang rules dito niwala nga man lang kaming regalong inihanda at basta na lang nagtungo rito. "Don't tell me, you didn't prepare any gift for Maddison?" gulat na tanong ng kulot na babaeng nakatayo sa tabi nang anak nila Mrs. Villacarte. 'Maddison' pala ang pangalan nito. Ang ganda ng pangalan niya halatang pang amerikana. Hindi ko tuloy mapigilang tubuan ng hiya. Tama ang sinabi niya. Wala kaming hinandang regalo bago pumunta rito. "Syempre meron!" Napabaling ako kay Terrence nang sinabi niya iyon. May kung anong dinukot sa bulsa niya, mukhang may hinahanap. Napaawang ang bibig ko nang makita iyon. Isang maliit na kulay blue na penguin keychain. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang laruan na nakuwa niya sa tig pipisong chichirya na binili namin kahapon. Nang makita ito ay mabilis niya itong iniabot sa batang babae. Pinigilan ko ang sariling batukan si Terrence. Paano ko ba naging kaibigan ang isang 'to? Parang mas okay pa sana kung inamin niya na lang na wala kaming naihandang regalo kesa naman ibigay dito ang pipitsuging laruan na iyon. "Poruru?" mabilis na kinuwa ni Maddison ang key chain mula kay Terrence. Nawala na ang masungit na expresyon sa mukha niya at napalitan ng pagkamangha. "How did you know that I like poruru?" napatalon talon pa ito sa tuwa. Nagtataka namang nagsilapitan kay Maddison ang ibang kaibigan nito para tignan ang regalong ibinigay ni Terrence. "But Maddie it's just a key chain?" aniya ng isang batang babae na mukhang kaibigan din ni Maddison. "Bianca's rigth, Maddie." segunda pa nang isa. "There's nothing special in it. If you want I can ask my nanny to buy you a hundred pieces of it." "Shut up!" pagpapatigil dito nang batang si Maddison. "This is my birthday. I will accept the gift if I wanted to," pagtataray niya. Hindi naman nakasabat ang mga kaibigan nito sa mga sinabi niya. Buti na lang talaga at mukhang nagustuhan nito ang regalo ni Terrence. Kung hindi ay baka kami ang tinatarayan nito ngayon. "Buti na lang nagustuhan mo," aniya ni Terrence. "Pwede na ba kami kumain ng cake? Muli ay pinigilan ko ang sariling hampasin si Terrence. Kung makaarte ito ay parang hindi siya pinapakain sa kanila. "Sure," sagot ni Maddison. "Feel free to eat whatever you want here." Natuwa naman ni Terrence dahil sa sinabi nito. Inanyayahan kami ni Maddison sa kusina upang doon kumuwa ng pagkain, meron namang nakahandang pagkain sa garden pero dito niya kami niyaya. Nagmamadali naman akong hinila ni Terrence patungo sa kusina. Hindi na yata mapakapag-antay ang mga bulate niya sa tyan na makakain. "Andaming pagkain," kumento ni Terrence at nagsimulang magsandok. Kanina pa kaming pinagtitinginan ng mga staff dahil dito. Mukhang nagtataka sila kung paano kami naging kaibigan ng amo nila. Kahit ako ay nagtataka rin, e. "Let's go to my room after your done getting your food. Let's play my PS4," masiglang turan ni Maddison. Nang matapos kaming makakuwa ng pagkaing ay dumeretso naman kami sa kuwarto ni Maddison katulad ng gusto nitong mangyari. Namangha ako nang makita ang magandang desenyo ng bahay. Kung maganda ang labas ay hindi rin magpapatalo ang loob. Para itong palasyo. Sa subrang pagkamangha ay hindi ko namalayan pa ang nasa paligid ko. Nabalik ako sa ulirat nang tumama ang likod ko sa isang matigas na katawan ng isang lalake, umatras ako upang layuan ito pero sa ginawa ko ay isang laglagyan na kulay itim naman ang nabangga ko. Kumalat ang tila ba abong laman nito sa sahig at nabasag din ang babasagin nitong lalagyanan. Hindi ako nakareact agad dahil sa gulat pero nang makabawi ay nagmamadali akong lumuhod upang pilit na ayusin ang nasira ko. "Zillene, okay ka lang?" tinangka akong lapitan ni Terrence pero hindi niya rin ito magawa dahil sa mga bubog na kumalat sa paligid. "Okay lang a-" natigilan ako nang marinig ang isang sigaw na dumagundong sa paligid. "What the heck!?" Tumaas ang palahibo ko nang marinig ang baritonong boses na iyon. Pare-parehas kaming natigilan nila Maddison nang marinig ang boses na iyon. "B-Brother.." dinig ko ang paninginig sa boses ni Maddison nang banggitin ang katagang iyon, halata sa boses nito ang takot at pangamba. Itinaas ko ang paningin at tignan ang taong tinawag ni Maddison na kuya. Isang matangkad na lalake ang unang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung anong meron at bakit biglang naging maamong tupa si Maddison ng makita ito pero halata namang kapatid niya ito dahil sa tinawag dito ni Maddison. Bakas sa mukha nito ang galit. Madilim ang mukha niya habang nakatingin sa basag na laglagyanan, at sa parang abong laman nito na kumalat sa paligid. Nagulat ako nang lumipat ang paningin nito sa akin. Saglit na nagtama ang mga mata namin. Takot at pangamba ang kaagad na nanaig sa sistema ko nang makita ang madilim na expression sa mukha niya. Nabalik lang ako sa ulirat nang muli itong magsalita. "I told you to keep your stupid friends out of the house. Look what you've done," aniya habang nanatili sa akin ang tingin. Hindi ako tanga para hindi maunawaan ang ibig nitong sabihin. Nakayuko na lang ako dahil sa pagkapahiya. Napagalitan pa si Maddison dahil sa akin. Napakatanga mo talaga Zillene! Simpleng bagay lang ay hindi mo pa magawa ng maayos! Ramdam ko ang unti-unting pagbuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. "P-Pasensya na po. A-Ayosin ko na lang po to." Ginamit ko ang kamay ko upang ipagsama-sama ang mga abong laman ng lalagyanan. "What are you doing? Stop! You'll get hurt!" Natakot ako dahil sa sigaw niyang iyon. Ipinagbuti ko ang ginagawa para hindi na siya magalit pa pero mukhang mas pinalala ko lang ang init ng ulo nito. "I said stop!" Nagulat ako ng hinahin niya ang kamay ko upang pahintuin. Dahil sa ginawa niya na ay hindi sinasadyang dumausdos ang kamay ko sa isa sa mga bubug. Kita ko ang pagdaloy ng masagang dugo mula rito. Jusko po! Dugo! Tila lumabas ang kaluluwa sa katawan ko nang makakita ng dugo mula sa aking mga palad. Hindi ko na mapigilang pang magpanic. Takot ako sa dugo at ngayon ay para itong gripong lumalabas sa palad ko. Sa huli ay hindi ko na mapigilang pa ang sariling maiyak. Subrang sakit ng kamay ko dahil sa sugat na gawa ng bubog at sumabay pa talaga itong matinding takot na nararamdaman ko sa tuwing nakakakita ako ng dugo. Nanglaki ang mata niya nang makita ang pagdaloy ng dugo mula sa mga kamay ko. "s**t!" Nagmamadali niyang kinuwa mula sa bulsa ang panyo at ginamit iyon upang i-pangtakip sa palad kong patuloy sa pagdurugo. Nakatulong iyon upang matigil ang pagdurugo nito pero hindi non napatigil ang pag-iyak ko. Ramdam ko ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Para akong kinakapos sa hininga. Inaatake na naman ako ng hika dahil sa kaiiyak. Wala akong dalang inhaler dahil matagal na iyong naubos at wala rin akong pera pang bili ng panibago. Nataranta siya ng makita ang abnormality sa paraan ng hininga ko. Rinig ko ang ilang beses na pagtawag sa pangalan ko ni Terrence, ang iyak ng nag-aalalang si Maddison, at paulit-ulit na pagtawag sa akin ng lalaking nasa harapan ko upang pakalmahin ako pero sa lahat ng iyon ay walang ni isang nakatulong. Hanggang sa tuluyan na 'kong mawala sa wisyo. Subrang bigat ng dibdib ko. Nagsisimula na ring manlabo ang paningin ko hanggang sa unti-unting nilamon ng kadiliman ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD