ZILLENE MADRIGAL
NANG Imulat ko ang mga mata ko ay ang puting pader ng ospital ang unang sumalubong sa akin. Ramdam ko ang panunuyot ng lalamunan ko, pati na rin ang mainit kong katawan, na sa tingin ko ay may lagnat. Mabilis akong nilapitan ni Zenaida nang makitang gising na ako.
"Ate Zillene." Halata sa mukha nito ang pag-aalala nang lapitan ako. "Buti na lang nagising ka na. Nag-alala kami sayo."
"T-Tubig," aniya ko.
Mabilis naman itong humayo upang kumuwa ng tubig at ibinigay ito sa akin. Kinailangan niya pa 'kong tulungang uminom dahil wala akong lakas at kahit pag-inom lang ng tubig ay hindi ko magawa ng maayos.
Subrang nanghihina ang katawan ko. Hindi ito ang unang beses na i-sugod ako sa ospital matapos atakihin ng asthma.
Noon pa ay sakitin na 'ko at mabilis dapuan ng lagnat, isabay pang may sakit ako sa baga kaya ang simpleng pag-iyak lang ay enough na upang matrigger ang asthma ko.
"Si Mama?" pinilit ko ang sariling itanong iyon sa kabila ng panghihina. Nakatulong ang tubig na ininom ko para bigyan ako ng lakas kahit papaano.
"Kinausap niya sila Mrs. Villacarte sa labas," aniya. "Ano ba kasing nangyari? Sabi ni Terrence, nahimatay ka raw dahil sa anak nila Mrs. Villacarte," problemado niyang untag.
Napayuko na lang ako ng maalala ang nangyari sa bahay ng mga Villacarte. Hindi ko inakalang aatakihin dahil medyo matagal-tagal na rin noong huling beses akong inatake ng asthma.
Nasira ko pa tuloy ang dapat sanang masayang kaarawan ni Maddison, gusto ko mang manghingi ng paumanhin sa kaniya at kila Mrs. Villacarte pero sa kalagayan ko ngayon ay mukhang malabong mangyari yon. Hindi ko naman kasi alam na nakakatakot pala ang kuya ni Maddison.
Dapat pala ay hindi na lang ako sumama kay Terrence ng mag-aya siyang magpunta kami sa birthday ni Maddison. Kung alam ko lang na mangyayari iyon ay dapat pala hindi na lamang ako pumunta. Kahit sa Ibang bahay ay nakakaabala pa ako.
Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang pagbukas sara ng pinto. Iniluwa non si Mama kasunod si Mrs. Villacarte na nasa likod niya.
"M-Mama," parang maiiyak ako nang makita si Mama.
Nilapitan ako nito at niyakap. "Jusko po. Anak ko, Zillene, tahan na. Nandito lang si Mama," pagpapatahan niya sa akin.
Marahan nitong hinimas ang likod ko na nakapagpagaan ng pakiramdam ko kahit papaano.
Dahil yakap yakap ko si Mama ay maayos kong nakita ang taong nasa likod nito. Maliit akong nginitian ni Mrs. Villacarte ngunit batid ko sa mga mata nito ang pag-aalala.
Pinunasan ni Mama ang luha ko at iniharap ako sa kaniya. "May iba pa bang masakit sayo? Sabihin mo lang para napatingin natin sa doctor."
Umiling ako, "W-Wag na po. Uwi na lang po tayo, Mama. Baka mas tumaas lang pa ang bayad dito sa ospital dahil sakin. O-Okay naman na po ako."
Dadagdagan ko lang ang problema ni Mama kung magtatagal pa 'ko rito. Ayoko ng dumagdag pa sa problema niya. Paniguradong ang pagsi-stay ko lang sa kuwartong ito ay aabutin na ng libo-libo. Saan naman kami kukuwa ng ganon kalaking pera?
Subrang dami na naming utang. Ayokong maulit na naman ang nangyari noon na kinailangan pa ni Mama na lumuhod sa harapan ng mga kamag-anak namin para pautangin kami upang maisugod ako sa ospital. Ayokong muling makita si Mama sa ganoong sitwasyon dahil lang sa 'kin.
Hindi sumagot si Mama sa naging kumento ko pero kita ko ang pagdaan ng sakit ng mga mata niya nang marinig ang sinabi ko.
"You don't need to worry about it, Zillene. Nag-usap na kami ng Mama mo. I'll be the one to pay the bills and other things that you migth need while staying here. So you don't need to worry."
Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Talaga po?"
"Oo, anak," segunda ni Mama dahilan upang muling mabalik sa kaniya ang paningin ko. "Kaya huwag nang isipin yong mga bayarin. Isipin mo lang ay magpagaling lalo na't andaming nag-alala noong nahimatay ka."
Tumango ako bilang sagot sa sa sinabi ni Mama. Mabuti na lang at sinalo ni Mrs. Villacarte ang lahat mga bayaran. Wala siyang kasalanan sa nangyari sa 'kin pero inako niya pa rin ang pagpapagamot sa akin.
Napakabait talaga nito.
Hindi rin nagtagal ay kinailangang umalis ni Mrs. Villacarte dahil may kailangan pa itong asikasuhin. Nabanggit niya rin na sa susunod na dumalaw siya ay baka kasama niya na si Maddison. Hindi raw ito makatulog dahil sa pag-aalala noong nahimatay ako.
Gusto kong itanong dito ang tungkol sa Kuya ni Maddison pero pinili kong huwag na lang.
Alam kong nag-alala rin ito nong mahimatay ako. Wala naman siyang kasalanan kung bakit ako nahimatay, masyado lang talaga akong sakitin at mahina kaya kahit unting pagsigaw lang ay nati-trigger na 'ko. Siguradong siya ang nasisi ng lahat kung bakit ako nasa ospital ngayon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil dumating sila Maddison. Totoo nga ang sinabi ni Mrs. Villacarte. Kasama rin ng mga ito si Terrence na mukhang pinilit na sumama sa kanila upang makita ako.
"Nag-alala talaga kami nong bigla ka na lang nahimatay. Akala namin ano ng nangyari sayo," kwento ni Terrence sa tabi ko habang patuloy na pinapapak ang orange na dinala ni Mrs. Villacarte para sana sa akin.
Hinayaan ko lang siya dahil hindi ko naman mauubos iyon lahat. Wala akong ganang kumain dahil mahina pa ang katawan ko. Pakiramdam ko ay lahat ng kinakain ko ay isusuka ko lang.
Sabi naman ng doctor ay normal lang daw iyon dahil hindi pa kaya ng katawan ko.
"I'm really sorry, Zillene."
Napabaling ako kay Maddison nang sabihin niya iyon. Nakaupo siya sa dulo ng higaan, malapit sa akin. Nakayuko ito habang pinaglalaruan ang mga kuko niya. Mukhang naguilty talaga ito sa nangyari sa akin dahil hindi ito nagtataray 'di tulad ng palagi niyang ginagawa.
"Ano ka ba. Wala lang kasalanan. Masyado lang talagang mahina ang katawan ko kaya kaunting bagay lang ay bumibigay na ako."
"But it's still my fault," itinaas niya ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ako. "I should have protect you from Brother Magnus that time," aniya.
Sa tingin ko ay ang lalaking iyon ay tinutukoy niya dahil tinawag niya rin itong 'Kuya' noong mga panahong iyon. 'Magnus' pala ang pangalan nito. Tulad ni Maddison ay maganda rin ang pangalan nito.
Nagpatuloy si Maddison, "I'm the one who insist us to go in the kitchen instead of staying in the garden with the others. If it's not because of me, you shouldn't have met brother that time and you shouldn't be staying here rigth now. This is all my fault!"
"Pero nangyari na ang nangyari. Hindi mo na kailangan sisihin pa ang sarili mo sa bagay na nangyari na." Natahimik si Maddison dahil sa sinabi ko. Kinuwa ko ang kamay nito at hinawakan. "Tyaka, pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan kahit ganon, 'di ba?"
Napangiti si Maddison dahil sa sinabi ko. "That's rigth!"
"Baka kinalimutan niyo na 'ko nyan?" kunyaring nagtatampong untag ni Terrence.
Natawa lang kami dahil dito.
Kami lang tatlo ang kasalukuyang na sa kwarto. Wala si Zenaida dahil kailangan nitong bantayan si Baby Zelle sa bahay kaya naiwan akong mag-isa rito.
Bawal niya kasing dalin si Baby Zelle dahil baka mahawa pa ito ng kung anong sakit dito sa ospital, lalo na at tulad ko ay medyo sakitin rin iyon.
Habang si Mama naman ay umalis dahil may kailangan din itong gawin pero babalik din iyon maya-maya.
Mabuti na lang at dumalaw sila Terrence at Maddison, kung hindi ay baka malungkot lang akong mag-isa rito sa ospital.
Napag-alaman ko rin mula kay Mama na sila Mrs. Villacarte ang nagpresenta na dito na lamang ako pag-istayin sa private room ng ospital na pag-aari nila habang nagpapagaling pa ako. Subrang laking pasalamat ko sa pamilya Villacarte dahil sa magandang loob na ipinapakita ng mga ito sa amin kahit pa hindi kami nito kaano-ano.
"After you get release, I'll introduced to my dog," aniya ni Maddison.
Ayon rito ay nanganak na raw ang alaga nilang aso at hindi na siya makapag-intay ka ipakita ito sa akin. Hindi na tuloy ako makapag-intay na makalabas upang makita ang tuta nito.
"Ako rin, Maddison. Gusto ko ring makita," untag ni Terrence.
"Alright. But first, you need to recover faster, Zillene so that I can introduce him to you the both of you."
Natigilan kami sa pagkwe-kwentuhan nang dumukas ang pinto at pumasok mula roon si Mrs. Villacarte.
"Maddie, Terrence. We need to go now. Tumawag sa akin ang Daddy mo, Maddie. Ikaw din, Terrence. Halika na."
Malungkot na napabaling sa akin si Maddison. "We need to go now, Zillene. See you again next time," nahihimigan ko sa boses nito na ayaw niya pang umalis.
Nginitian ko lang siya upang pagaanin ang loob niya. "Okay lang yan, Maddie. Maglalaro tayo nila Terrence kapag labas ko."
Mukhang naintindihan naman nito ang naging pahayag ko. Pinanood ko ang mga itong lisanin ang kuwarto.
Malungkot akong nahiga nang maka-alis na sila. Gusto ko nang gumaling agad para maalis na 'ko rito. Miss ko na rin si Baby Zelle.
Siguradong nahihirapan si Zenaida na alagaan itong mag-isa, kami nga lang dalawa ay nahihirapan na. Paano pa kaya na wala ako sa bahay upang tulungan siya?
Lumipas ang oras pero hindi pa rin bumabalik si Mama. Nagsisimula na 'kong mag-alala. Sabi niya kanina ay babalik din daw siya agad pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Hanggang sa dumating na ang pagkain na ibinibigay sa mga pasyenteng nasa private room ay hindi ko pa rin nakikita si Ma'am.
Napahikab ako nang makaramdam ng antok. Gusto ko sanang intayin ang pagbabalik ni Mama pero kinakain na ako ng antok. Sana lang makabalik na siya agad. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang antok na lumukob sa sistema ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas simula nang matulog ako pero naalimpungatan ako nang maramdaman ang presensya ng kung sino. Gusto ko mang imulat ang mata para tignan kung sino ito ay hindi ko magawa dahil kinakain pa rin ako ng antok.
Gising na ang diwa ko pero tulog na ang katawan ko. Nararamdaman ko pa rin ang mga nangyayari sa paligid ko.
Naramdaman ko ang isang malaking kamay na humawak sa noo ko at tinanggal mula roon ang buhok na napunta sa mukha ko at inilagay sa gilid ng tenga ko.
Malake ang palad nito pero malambot na tila ba hinihile ako sa tuwing dumadampi ito sa balat ko, ibang iba sa makalyos na palad ni Mama dulot ng maghapong pagtatrabaho.
"You don't know how stupidly worried I am after that day," aniya nang isang baritonong boses.
Pamilyar sa akin ang boses pero hindi ko matandaan kung sino ang nagmamay-ari nito.
"Damn. You're the only woman who make me feel this way, and I don't have any f*****g idea what kind of spell you did to me to make me feel this way towards you," nagpatuloy siya. "You bewitch me. My little witch."
Rinig ko ang pagbukas ng pinto nang pinto kung nasaan kami dahilan para bitawan ako ng estrangherong ito.
"S-Senyorito? A-Ano pong ginagawa niyo rito?" boses iyon ni Mama, mukhang nagulat ito nang makita ang lalaking iyon.
Hindi ko alam kung sino ang estrangherong ito. Pamilyar ang boses nito pero hindi ko naman mawari kung sino ito. Hindi ko maintidihan kung bakit ganon na lang ang gulat sa boses ni Mama nang makita ito.
Muli akong nilukob ng antok pero bago pa ako tuluyang makatulog ay rinig ko ang boses ng estrangherong ito sa huling pagkakataon.
"Luckily your here. I was waiting for you," aniya. "Come with me, Zyrine. We need something to talk to regarding your daughter."
Hindi ko na muling narinig ang boses ng mga ito pero rinig na rinig ko ang pagsara ng pinto, wari ko ay nakalabas na sila.
Muli akong niluyob ng antok hanggang sa muli akong nakatulog.
Kinabukasan, nang magising ako ay si mama ang unang sumalubong sa akin. Prente itong nakaupo sa upoang nasa harapan ko habang seryosong nakatingin sa kawalan, tila ba may malalim itong iniisip na hindi ko mawari kung ano.
"Mama," pagkuwa ko sa atensyon niya na mabilis ko namang napagtagumpayan, nakuwa ko ang atensyon nito.
Mukhang nagulat siya nang nakitang gising na 'ko.
"Zillene," aniya at nilapitan ako. "Gising ka na pala? Gutom ka na ba? Gusto mo i-kuwa kita ng makakain? Sabihin mo lang kung gutom ka na at baba si Mama para kumuwa ng pagkain mo," sunod-sunod niyang aniya.
Umiling naman ako bilang sagot. "Busog pa po ako. Mamaya na po siguro ako kakain, Mama."
Mukhang naintindihan niya naman ang naging sagot ko. Muli itong bumalik sa inuupo niya kanina.
"Anong oras po kayo nakauwi, Mama? Inantay ko po kayo kagabe pero hindi pa rin kayo dumarating kaya natulog na 'ko," untag ko.
Maliit lang ako nitong nginitian bago sumagot. "May ginawa lang si Mama sa labas. Pasensya ka na dahil anong oras na 'kong nakabalik," sagot niya.
Gusto ko mang itanong kung saan ito nagpunta at bakit natagal itong bumalik pero nabaliwala iyon nang maalala ko ang nangyari kagabe.
"May nagpunta po ba dito kagabe habang tulog ako?"
Natigilan si Mama dahil sa tanong ko. Saglit na nawalan ng kulay ang mukha niya pero agad din siyang nakabawi. Bumuka ang bibig niya upang sagutin ako pero mabilis din iyong natutop.
Napabuntong hininga siya. "W-Wala. Bakit mo naman na tanong, Zillene? M-May pumunta ba rito habang wala ako?"
Kung ganon ay panaginip lang ang nangyari kagabe? Pero mukhang totoo ito para maging isang panaginip lang.
"May narinig po kasi akong boses ng lalake kagabe. Hinawakan niya po yong noo ko."
Iinuro ko ang bandang noo kung saan hinawakan nong lalake sa panaginip ko.
"Tapos may sinabi ko siya," kwento ko at nagpatuloy. "Nandon din po kayo sa panaginip ko. Narinig ko rin po ang boses niyo, Mama. Akala ko nga po totoo, e-" natigilan ako sa pagku-kwenta nang putulin ni Mama ang sasabihin ko.
"Panaginip lang 'yon, Zillene," pagpuputol niya sa sinasabi ko. Seryoso ang itsura nito.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ito makareact pero tila ba ayaw niyang maalala ko pa ang panaginip kong iyon.
Tumayo ito at lumapit sa kinaroroonan ko. Mariin niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kaniya.
"Huwag mo ng alalahanin 'yon. Okay? Panaginip lang 'yon. Walang kahit na sinong nagpunta rito kagabe. Tyaka sino namang pupunta rito ng ganoong oras 'di ba?" aniya.
Tumango ako kahit sa totoo lang ay may kung ano sa loob ko ang nagsasabi na huwag ko itong paniwalaan. Hindi sinungaling si Mama kaya hindi ako nakakakita ng dahilan upang magsinungaling ito sa akin.
Hindi na 'ko nagtanong pa dahil mukhang ayaw itong pag-usapan ni Mama. Hindi nagtagal ay dumating ang doctor na tumitingin sa akin at sinabing pwede na raw akong lumabas dahil okay naman na ang kalagayan ko, pero kailangan ko pang magpacheck up upang masigurado na walang komplikasyon o ano man.
Masaya akong tinulungan si Mama na magligpit ang mga gamit ko. Sa wakas ay makakauwi na rin ako matapos ang halos isang linggong pagstay ko rito. Excited na kong makauwi kaagad at makita ang si Baby Zelle pati na rin sila Terrence.
Dahil sila Mrs. Villacarte ang nagbayad ng bills ay wala na kaming pinroblema pa at nilisan ang ospital.