Chapter 3

2582 Words
ZILLENE MADRIGAL SINALUBONG kami nila Zenaida nang makauwi kami. Buhat buhat nito si Baby Zelle na agad namang kinuwa ni Mama mula sa kaniya. "Kanina ko pa po kayong inaantay," aniya ni Zenaida kay Mama bago ako hinarap. "Kamusta ka na, Ate?" "Okay na 'ko," tugon ko. Itinaas ko ang dala naming pagkain ni Mama upang ipakita rito. "Bumili kami ni Mama nang ulam noong pauwi kami." Mabilis naman itong kinuwa ni Zenaida mula sa akin. "Sakto, gutom na 'ko," untag niya. Nagmamadali nitong binuksan ang dala namin. Kita ko pagliwanag ng mga mata nito ng makakita ng pagkain. Nangunot ang noo ni Mama dahil sa sinabi nito. "Di da iniwan ko kayo ng pera bago ako umalis para samahan ang ate mo sa ospital? Naubos niyo na 'yon agad? Anong araw pa lang, a." Natigilan si Zenaida dahil sa tanong ni Mama. Napayuko ito at pinaglaruan ang dulo ng kaniyang damit. Kilala ko si Zenaida kaya alam na alam ko ang ibig sabihin kapag ganito siya. Mukhang alam ko na kung bakit naubos agad ang perang iniwan sa mga ito ni Mama. "K-Kinuwa po ni Papa," aniya. Hindi nga ako nagkamali... "Jusko naman!" lumakas ng kaunti ang boses ni Mama. Nagulat kami dahil don, palaging malumanay ang boses nito sa tuwing kinakausap kami kaya hindi namin mapigilang magulat nang tumaas ang tono nito. Pati si Baby Zelle na hawak hawak nito ay napangawa rin dahil sa gulat. Ibinaba ito ni Mama sa maliit naming duyan. Mabilis ko namang nilapitan si Baby Zelle upang patahanin. "Pati ang perang iniwan ko para sa mga bata ay kukunin niya pa talaga!" napaghahalataan ang iritasyon sa boses nito. Problemado siyang napabuntong hininga bago muling harapin si Zenaida. "Nasan ang papa mo?" "Mama," tawag ko rito para sana makalmahin siya pero mukhang wala rin iyong nagawa. "N-Nakila Kuya Bong po," pagtutukoy ng kapatid ko sa kabit bahay namin kung saan merong lihim na pasugalan. Hindi na 'ko nagtaka pa na nandon iyon. Lahat yata ng perang napupunta rito ay ipinapangsugal niya lang kaya palagi silang nag-aaway ni Mama. Hindi naman ako makacomplain dahil baka ako lang din ang saktan nito. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Mama para puntahan si Papa. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa kaba kung anong mangyayari kapag nagpang-abot man sila. Sana lang ay hindi sila mag-away tulad ng nasa isip ko. Mas malake ang katawan ni Papa kesa kay Mama kaya walang magagawa si Mama kung mapagtaasan man ito ng kamay ni Papa. Pinilit kong pinakalma ang sarili at nilapitan si Zenaida na batid din sa mukha ang pag-alala. Kalalabas ko lang ng ospital pero mukhang babalik na naman ako. "Ate, si Mama," halos maiyak nang aniya ni Zenaida. "Okay lang yan. Wala kang kasalanan," pagpapatahan ko rito. "Kumain ka na. Sabi mo kanina gutom ka na 'di ba?" Tumango ito at pinunasan ang luhang malapit ng tumulo sa kaniyang mata gamit ang manggas ng kaniyang damit. Sabay kaming kumain habang iniintay ang pagbalik ni Mama. Kinakain ako ng pangamba. Sana lang talaga ay wala kahit anong masamang mangyare. "Oo nga pala, ate," pagbabasag ni Zenaida sa katahimikan. "Pumunta dito yong kaibigan mong bungal kanina, may kasama siyang babaeng mukhang mayaman. Tinanong niya kung nakauwi ka na raw ba," pagtutukoy nito kay Terrence. Sa tingin ko si Maddison ang tinutukoy nitong kasama ni Terrence dahil sa paraan pa lang ng pagkaka-discribe niya rito. Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala! Nawala sa isip ko! Pinangako ko nga pala sa kanila na titignan namin iyong alagang aso ni Maddison pagkalabas na pagkalabas ko sa ospital. Kaya siguro sila nagpunta rito at hinahanap ako. "D'yan ka lang. Pupuntahan ko lang sila Terrence," paalam ko. "Wag mo iiwan si Baby Zelle, a." Hindi ko ito muling narinig na sumagot dahil lumabas na agad ako ng bahay. Mabilis kong tinungo ang daan patungo kila Terrence. Sakto dahil nasa harapan ng bahay nila ang Lola niya habang naglilinis ng bigas. Panahinto ito sa ginagawa ng makita ako. "Zillene, ikaw pala," bati niya. Kinuwa ko ang kamay nito at nagmano. "Mabuti naman at nakauwi ka na." "Kakauwi ko lang po," sagot ko. "Nand'yan po ba si Terrence?" "Umalis siya kanina lang, e. Napakagala talaga ng batang iyon! Pumunta yata sa bahay ng mga Villacarte. Nagpaalam siya sa akin kanina na titignan raw nila ang alagang aso ng kaibigan niya." Nanlaki ang mga ko dahil sa sinabi ni Aling Tes. Ibig sabihin nagpunta silang dalawa ng wala ako! Hindi ko tuloy mapigilang magtampo! Ang sabi ni Maddison ay sabay sabay naming bibisitahin ang alaga niya pero nauna na sila! Nagpaalam ako kay Aling Tes bago tuluyang umalis at tinunggo ang direksyong papunta sa mansyon ng mga Villacarte, nasisiguro kong naroon sila ngayon. Hindi ako papayag na hindi ako makasama sa kanila! Hiningal ako nang marating ko ang mansyon ng mga Villacarte. Subrang haba rin ng tinakbo ko, makarating lang agad dito. "Zillene, ikaw pala," bati ng guard nang makita ako. "Hello po, Kuya." Nilapitan ko ito. "Nand'yan po ba sila Maddison?" "Oo, nariyan si Senyorita. Kasama niya yong kaibigan mong si Terrence. Nasa hardin sila nga. Kung gusto mo pwede mo silang puntahan. Mag-ingat ka lang na hindi makasalubong ang Kuya ni-" Hindi ko nagawa makinig pa sa sasabihin niya dahil sa pagmamadali. "Sige po, Kuya. Mauna na po ako," aniya ko at mabilis na pumasok sa loob ng bahay ng mga Villacarte. Humanda talaga sa akin ang dalawang 'yon! Nihindi man lang nila ako inintay! Naging magkaibigan lang sila ay kinalimutan na nila ako! Mabuti na lang at medyo kabisado ko na ang daan sa bahay ng mga Villacarte. Nagmamadali kong tinahak ang daan patungo sa hardin na tinutukoy ni Manong guard pero natigilan ako nang malaking bulto ang bumondol sa akin. Dahil sa lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig. Pakiramdam ko ay namanhid ang pwet ko dahil don. "You again," aniya nang isang pamilyar na boses. Nang magtaas ako ng tingin ay ganoon na lang ay panglalaki ng mga mata ko nang makita ang gwapong lalaking nakatayo sa harapan ko. Ang Kuya ni Maddison! S-Si Kuya Magnus! "K-Kuya Magnus..." gulat na bulaslas ko. Tumaas ang kilay nito nang marinig ang itinawag ko sa kaniya. "Since when did I become your brother?" nasungit niyang aniya. Napayuko na lang dahil sa sungit ng ugali nito. Hindi nga namaitatangging magkapatid sila ni Maddison. Hindi man sila gaanong magkahawig ay parehong-pareho naman ang ugali nila. Siguro masasabi ko ng mas mabait ng kaunti si Maddison kesa sa kuya niya. Ganyang ba talaga kapag tumatanda nagiging masungit? Nagulat ako nang isang kamay ang biglang sumulpot sa harapan ko at nasisiguro kong sa kaniya ang kamay na iyon. Sandali akong napatunganga habang nakatingin sa palad niya, nag-aalinlangan kung aabutin ko ba ito o hindi. Alam kong nagmamagandang loob lang ito pero mas natatakot akong madumihan ang kamay niya. "Is your head just for decoration or what? Hold my hand," nahihimigan ang iritasyon sa boses niya. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kamay nito. Tinulungan niya 'kong makatayo. Nagulat pa ko ng pinagpagan niya ang pwetan ko upang tanggalin ang dumi na napunta sa shorts ko. Pinamulahan ako dahil sa ginawa niya. "A-Ako na po," untag ko. Nang marealize nito ang ginawa ay mabilis ako nitong binitawan. Ginamit kong pagkakataon iyon upang lakihan ang distansya sa pagitan namin. Napansin nito ang ginawa kong paglayo pero isina-walang bahala niya lang iyon. Hindi ako sanay na malapit dito lalo na dahil hindi naging maganda ang una naming tagpo. "What are you doing here by the way? I thought you we're so sacred of coming here again after a monster that send you to the hospital the other day?" pagtutukoy niya sa nangyari noong kaarawan ni Maddison Naalala ko na naman ang nangyari noon. Baka isipin nitong weirdo ako para maospital dahil lang nasigawan ng kaunti. Hindi ko naman kasi inexpect na aatakin ako ng asthma noong mga panahon na iyon. "H-Hindi po," tanggi ko. Muling bumalik sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. "S-Si Maddison po pala?" Tumaas ang kilay nito nang marinig ang pangalan ng kapatid niya. "Don't tell me you also came here to see that stupid puppy?" Napayuko na lang ako at pinigilan ang sariling mapakamot sa sariling batok. Kuwang kuwa niya agad ang rason ng pagpunta ko. Mukhang tama na iyon bilang sagot sa kaniya. "Come with me. It's so risky to just let you go our around the house. What if you make some stupid trouble again? It would be safe if I guide you." Hindi pa tuluyang rumerehistro sa utak ko ang ibig niyang sabihin ng talikuran ako nito. Teka! Seryoso ba siya, siya mismo ang magtuturo sa akin papunta sa kinaroroonan ni Maddison? Kung ganon ay mukhang hindi naman pala ganon kasama ang ugali nito katulad ng kwenento sa amin ni Maddison. Kahit na hindi naging maganda unang tagpo namin ay mukhang bumabawi naman ito. Nang mapansin niyang hindi ako sumusunod ay iritable niya kong hinarap. "Are you waiting for a miracle to peak you up there or something?" "I-Ito na po." Hindi na ko nagsayang pa nang oras at sinundan ito. "You're so slow," kumento niya pero hindi na 'ko nagsalita pa at sumunod na lang na parang aso. Tahimik naming tinahak ang daan patungo sa hardin ng kanilang bahay. Nanatili akong nakasunod sa kaniyang likuran. Napakalapad ng likod nito. Hanggang dibdib niya lang yata ako. Matangkad ito ay malaki rin ang katawan. Isang hampas lang siguro nito sa akin ay sapat na upang liparin ako. Napahagikgik ako dahil sa na isip. Hindi ko man lang napansin ang paghinto niya. Napahinto lang ako ng tumama ang mukha ko sa malapad nitong likod. Mabilis akong lumayo sa kaniya habang sapo sapo ang aking noo. Tyaka ko lang napansin na narito na kami. Nalipat ang paningin sa dalawang batang nakaupo sa damuhan habang pinaiikutan ang isang bagay. "Maddie! Terrence!" tawag ko mga kaibigan ko. Mabilis kong nakuwa ang atensyon nito. Napatayo si Terrence nang makita ako. Nagmamadali itong tumakbo patungo sa akin na sinalubong ko naman. "Zillene! Nakauwi ka na rin sa kawas," tuwang saad niya. Inis ko lang itong inirapan. "Akala ko ba sabay sabay nating titignan ang tuta ni Maddison pero nauna na kayo! Nihindi niyo man lang ako inintay!" "Pumunta kami sa bahay niyo kanina para tignan kung nakauwi ka na pero sabi naman ng kapatid mo ay hindi ka pa raw nakakauwi kaya na una na kami ni Maddison," kwento niya. Lumapit sa amin si Maddison. "Zillene. You're here." Akala ko ay matutuwa ito nang makita ako pero ibang iba ang naging reaksyon nito sa inaasahan ko. Nahulaan ko agad ang taong dahilan kung bakit mukhang hindi masaya si Maddison ngayon. Nalimutan ko na nasa likod ko pa pala ang kapatid niya. Ang akala ko ay nakaalis na siya kanina dahil wala naman akong narinig na kahit na isang ingay. Nababatid sa itsura nito na hindi siya komportable na kasama namin si Kuya Magnus pero mukhang wala namang pakielam ang binata roon. Naglakad ito patungo sa kung saan. Akala ko noong una ay aalis na siya pero nagkamali ako dahil naupo lang ito sa maliit na duyang nakasabit sa malaking puno na 'di kalayuan sa amin. Kahit si Terrence ay mukhang ngayon lang din napansin ang taong nasa likuran ko. Nawalan ng kulay ang mukha niya. Hindi na 'ko nagtaka pa ganon na lang ang naging reaksyon niya ng muli itong makita. Lumapit sa akin si Terrence at bumulong. "B-Bakit kasama mo ang kuya ni Maddison, Zillene?" "Nakasalubong ko si Kuya Magnus habang papunta ako rito sa hardin," kwento ko. Hinarap ko si Maddison na manatiling nakamasid sa kapatid niya. "Akala ko ba ipapakita mo sa amin ang alaga mo?" Nagtagumpay naman akong makuwa ang atensyon niya. "R-Rigth. I forgot." Nilapitan namin ang direksyo kung saan ko sila unang naabutan kanina. Isang maliit na kulungan ang unang sumalubong sa akin nang makalapit kami. "Tignan mo, Zillene! Ang cute niya, o!" aniya ni Terrence. Dumukwang ako upang makita nang maayos ang laman ng kulungan. Namangha ako nang makita ang tutang naroroon. Mabalahibo ito at mataba, kulay brown ang lahat niya na talaga namang dumagdag sa kacute-tan nito. "Wow!" namamanghang bulaslas ko. "Anong pangalan niya?" "I'm still undecided about his name. Should we give it a name," masayang alok ni Maddison. Saglit akong napaisip. Ano naman kaya ang magandang pangalan na babagay rito? "Browney?" suwestyon ni Terrence. Napakamot na lang nang kilay si Maddison. "Ain't it very common?" "Bogart kaya?" "I don't think so." "E, Tanggol? O kaya Cardo? Para may isang daang buhay?" "Wait, where did you even get that weird names?" Hindi ko na pinansin pa ang mga ito ay muling sinilip ang maliit na tutang nasa kulungan niya. Hindi ko na naman mapigilang mamangha dahil sa itsura nito. Mukha syang cotton balls na kulay brown dahil sa kulay niya, idagdag pang subrang liit nito. Ipinasok ko sa kulungan nito ang kamay ko upang hawakan sana ang balahibo nito pero ganon na lang ang gulat ko nang muntik nya nang kagatin ang daliri ko. Mabuti na lang at mabilis ko itong nailayo bago niya pa tuluyang makagat. Natigilan sa pagtatalo ang dalawa at gulat na mapabaling sa akin. "Anong nangyare, Zillene?" nag-aalalang tanong ni Terrence. "Nakagat ka?" "H-Hindi," sinabayan ko pa ito ng iling. Ngumiti ako pero ngiwi yata ang naging dating non. "May galit yata sa akin ang aso niyo, Maddison," puna ko. Natawa si Terrence. "Parang yong kuya mo, Maddie," mahinang usal niya na sinabayan pa ng hagikhik. Pati kami ay natawa na lang dahil sa naging kuwento niya. Hindi ko tuloy maiwasang napalingon sa direksyon kung nasaan si Kuya Magnus. Nanatili pa rin ito sa pwesto niya habang hawak hawak ang phone niya at patuloy na kinakalikot. Hindi ko alam kung anong meron pero kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa phone niya. Masungit pa rin ang itsura nito kahit hindi tao ang kaharap niya. Kung hindi lang siguro ito gwapo ay iisipin kong pinaglihi ito sa sama ng loob. Mukhang maramdaman naman nito at paninitig ko. Nagulat ako nang magtaas ito ng tingin at saktong nagtagpo ang aming mga mata. Ang kunot na noo nito ay biglang nawala. Kita ko pagsulpot ng mapaglarong ngiti sa mukha niya. Ako ang naunang mag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Mukhang kailangan ko na namang muling bumalik sa ospital. Iba na tong nararamdaman ko. Nailing na lang at pilit na ibinaling ang atensyon sa mga kaibigan ko. Nagkaron na yata ako ng trauma dito dahil sa nangyari noong una naming tagpo. Walang magandang maidudulot sa akin ang isang Magnus Villacarte. "Paano kong tawagin na lang natin siyang Nux?" si Terrence. Kumunot ang noo namin ni Maddison. "Nux?" halos sabay naming tanong. Matandang pakinggan ang pangalang ito kesa naman sa mga naunang suhestiyon niya. Hindi ko alam kung saan na naman ito nakuwa ni Terrence pero sigurado akong kalukohan na naman ito. Gumuhit ang ngiting mukhang aso sa mukha ni Terrence. Nakita ko na naman ang bungal nitong pingin. Kapag ngumingiti siya nang ganito ay pakiramdam ko alam ko na agad ang gusto nitong ipahiwatig. "Nuz, short for Magnus. Total parehas naman silang ayaw kay Zillene," pagpapatuloy niya. Napangiwi na lang ako dahil dito. Sinasabi ko na nga bang puro kalukuhan na naman ang lalabas sa bibig nito. Simula nang araw na iyon ay nagkaroon nang pangalan ang alagang aso ni Maddison salamat sa kalukohan ni Terrence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD