Chapter 4

2516 Words
ZILLENE MADRIGAL NANG lumipas ang gabi ay kinailangang na naming magpaalam kay Maddison. Kung ako lang ang tatanungin ay gusto kong dito na lang makitulog kung maari lang, ang kaso ay hindi naman pwede dahil paniguradong mag-aalala si Mama. Sabi nila ay bahay daw ang pagpo-protekta sa mga bata sa pang-aabuso pero sa lagay kong ito ay nagsisimula na 'kong magtaka kung totoo nga ba ito. Imbes na maging safeplace ko ang tahanan namin kagaya ng sinasabi nila ay napangangamba pa 'kong umuwi. Natatakot akong umuwi dahil alam kong mga sigawan na naman nila Mama at Papa ang bubungad sa akin pag-uwi. "Goodbye, Zillene," paalam ni Terrence at kinawayan ako. Pinanood ko lang itong pumasok sa bahay nila. Sunod ko namang tinungo ang daan patungo sa bahay namin pero natigilan ako nang mapansin ko ang isang grupo ng kalalakihan na nakatambay sa isang tindahan malapit sa amin. I-iignora ko na sana ito nang may tumawag sa akin, si Papa. "Zillene!" sigaw niya. Nagmamadali ko itong nilapitan at nagmano. "P-Pa." Kahit papaano ay nawala ang tinik sa dibdib ko ng makitang naririto siya. Ibig sabihin ba nito ay hindi sila nag-away ni Mama kaya siya nandito ngayon? "Saan ka na naman galing?" iritado niyang tanong at binatukan ako. "Gala ka talagang gaga ka! Parehas kayo ng nanay mong mukhang pera!" Napadaing ako dahil sa ginawa niya at hinawakan ang batok ko. Ang bigat ng kamay ni Papa. Umikot agad ang paningin ko sa pagbatok niya. "Anak mo, pre?" tanong nang isa sa mga kasama niya at sinimulang sipatin ako mula ulo hangang paa. Napadila pa ito sa ibabang labi at nginitian ako. "Mukhang nagmana kay Mareng Zyrine. Magandang bata. Bata pa pero mukhang masarap na." Nayuko ako dahil sa naging komento niya habang mga kasama niya naman ay nagsitawanan lang. Mukhang wala rin naman kay Papa ang pambabatos ng kaibigan niya at ngumisi lang na parang proud na proud pa at inakbayan ako. "Syempre. Ako ba naman ang ama. Hindi na nakakapagtaka kung lalakeng maganda 'to." "U-Uwi na po ako," paalam ko. Hindi na ito nagsalita pa kaya ginawa kong pagkakataon iyon upang umalis na. Ramdam ko pa rin ang malagkit na tingin ng mga kaibigan nito na nagpadagdag sa pangamba ko. Hindi ako komfortableng kasama ang mga kaibigan ni Papa. Hindi ko gusto ang mga tinging ibinibigay ng mga kaibigan nito sa akin. Para bang hinuburan ako gamit ang mga tingin nito. Lumiko ako sa madilim pathwalk patungo sa bahay namin pero natigilan ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ito ay unang sumalubong sa akin ang bulto ng isang lalake. S-Siya yong lalakeng kainuman ni Papa kanina. Hindi ko man lang napansin na sinundan na pala 'ko nito. "Ikaw yong anak ni Pareng Jerald 'di ba?" aniya at nilapitan ako. Napaatras ako dahil sa biglang paglapit nito. "B-Bakit po?" Friendly niya 'kong nginitian pero hindi naging dahilan iyon upang matatanggal ang pangambang lumukob sa sistema ko dahil sa lalaking ito. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kinakabahan ako sa presensiya nito. Wala naman siyang ginagawa sa 'kin pero may kung ano sa akin ang nangangamba rito. Natawa siya sa naging reaksyon ko. "Ba't parang natatakot ka? Wag ka mag-alala ko. Kumpare ko ang Papa mo. Safe ka sa 'kin." "H-Hindi po. N-Nagulat lang po ako," pilit na saad ko. "Talaga?" Muli ako nitong nilapitan, sa pagkakataong iyon ay hindi na 'ko nakaatras pa. Nang makalapit ito ay inakbayan niya 'ko at mariing pinisil ang braso ko. Napaigik ako sa ginawa niya pero walang lumabas na pagtututol sa bibig ko dahil mas pinangungunahan ako ng kaba. "Pauwi ka na? Hatid na kita." "H-Hindi na po. Malapit lang naman po ang bahay namin." "Zillene!" Parehas kaming natigilan nang marinig ang sigaw na iyon. Nagmamadaling kaming nilapitan ni Mama. Agad na nangunot ang noo nito nang makita ang lalaking nasa tabi ko. "Marson? Ang ginagawa mo rito? Bakit kasama si Zillene?" gulat na tanong niya. May kung anong emosyon sa mukha nito na hindi ko mailarawan pero nakasisiguro akong hindi ito natutuwa na makita ang kaibigan ni Papa. Ginawa kong pagkakataon iyon upang layuan ang lalake at lapitan si Mama. "Mama." Dahil sa paglapit ko ay doon ko lamang maayos na napagmasdan ang itsura nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking pasa gilid ng noo nito. Meron pa itong iilang galos katulad na lang ng pasa sa kaniyang braso at hiwa sa kaniyang labi na pinaghihinalaan kong dulot ng malakas na pagsampal. Anong nangyare? Bakit ganito ang itsura ni Mama? Wala naman ito kanina. Hindi kaya si Papa ang may gawa nito sa kaniya? Nangilid agad ang luha ko dahil sa naisip. Ito ang rason kung bakit takot akong umuwi sa bahay, dahil alam kong ganito ang bubungad sa akin pag-uwi. Napabuntong hininga si Mama ng makita ang naging reaksyon ko. "Pumasok ka muna ron, Zillene. Samahan mo ang mga kapatid mo ro'n," utos niya. Kahit labag sa loob ay wala akong nagawa kundi sundin ang utos nito. Muli ko pa silang binalingan ng tingin ni Kuya Marson sa huling sandali bago sila tuluyang iwanan. Nang makapasok ako sa loob nang bahay ay si Zenaida ang unang sumalubong sa akin. Napatayo ito ng makita ako at nilapitan ako. "Ate. Saan ka nagpunta?" tanong niya. "Kila Mrs. Villacarte," sagot ko. Nangingiti kong itinaas ang hawak nagpakain. Ito yong binalot kong pagkain kanina noong binigyan kami ng snack ni Mrs. Villacarte. "May dala." Mabilis na nagliwanag ang mga mata ni Zenaida nang makita iyon. "Sakto! Ayan pala yong na aamoy kong mabango kanina noong pumasok ka." Mabilis niyang kinuwa sa akin ang supot at tinignan ang laman no'n. "Si Baby Zelle?" tanong ko kay Zenaida nang hindi ito makita. Hindi niya naman ako nilingon dahil busy sa pagtingin ng mga pagkain. "Nasa kuwarto. Pinatulog na siya ni Mama." Agad ko namang tinungo ang kuwarto namin katulad nang sinabi nito. Natagpuan ko nga roon ang nakababata kong kapatid. Nilapitan ko ito at nahiga sa tabi niya. Dahil sa pagod ay hindi ko na namalayan pang unti-unti akong nakatulog. ILANG lingo ang nakalipas matapos mabigyan nang pangalan ni Nuz, ang alagang tuta ni Maddison. Walang araw na hindi kami bumibisita sa bahay nila Maddison upang makipaglaro rito at bisitahin na rin ang alaga niya. Bawal kasing maglabas labas si Maddison dahil dilekado. Nabalitaan kong balak tumakbo na Mayor ni Mr. Villacarte, ang ama ni Maddison, sa darating na eleksiyon. Kaya hindi na siguro nakapagtataka kung pa pinagbabawalang maglabas labas si Maddison sa bahay nila dahil hindi nito alam ang panganib na pwedeng mangyari. Halos ampunin na nga kami ni Mrs. Villacarte dahil palagi kaming naririto. Mabuti na lang at hindi naman nagrereklamo ang ginang na palagi kaming nakatambay rito. Masaya pa nga ito na nandito kami dahil may makakasama ang anak niya. "Kumain muna kayo," aniya ni Mrs. Villacarte. May hawak hawak itong tray na sa tingin ko ay pagkain ang laman. Inilapag niya ang mga ito sa maliit na mesa rito sa garden. Naunang tumayo sa amin si Terrence at agad na nilapitan si Mrs. Villacarte. "Nag-abala pa po kayo," kunyaring hiyang saad niya pero kamay ay nakahawak na sa isa sa mga platito. Natawa lang si Mrs. Villacarte rito pero hindi na ito nagkomento pa. Nasanay na rin yata ito sa katakawan ng kaibigan ko kaya normal na sa kaniya ang ugali nito. Isa rin sa dahilan kaya gustong gusto naming tumambay sa bahay nila Maddison ay dahil sa libreng meryenda. Kapag pumupunta kami ni Terrence sa bahay nila upang makipaglaro kay Maddison ay palagi kaming binibigyan ni Mrs. Villacarte nang libreng cookies o di kaya cake. Nabanggit ni Maddison na si Mrs. Villacarte ang mismong nagbi-bake ng mga ito. Mahilig daw ito sa pagbi-bake at merong pag-aari na isang maliit na shop sa Maynila. Pero dahil kaylangan nitong tulungan ang asawa sa susunod na eleksyon ay pansamantala muna itong isinara. Na-inspired naman ako nang marinig iyon. Balang araw ay gusto ko ring maging magaling na baker kagaya nito. Kapag dumating ang araw na iyon ay gagawan ko nang masasarap na pagkain sila Mama. Noong unang beses kong dinalhan si Zenaida nito ay talaga nga namang nagustuhan niya. Sa tuwing pumupunta ako rito ay kumukuwa ako ng ilan upang ipasalubong sa kapatid ko. Nilapitan namin ni Maddison si Terrence at tinabihan. Mahirap na dahil sa takaw ba naman ng damulag na 'to ay hindi na nakakapagtaka kung maobusan man kami. "Salamat po," aniya ko. "Kumain lang kayo d'yan, a. Sabihin niyo kapag kulang pa at dadalan ko kayo," usal niya. Akmang iiwan na kami nito ng mapahinto ito nang mapansin ang taong nakatayo sa veranda hindi ganon kalapit sa pwesto namin. Naririto kami sa may hardin ngayon nila Maddison at kitang kita mula rito ang veranda. Doon kasalukuyang nakatayo si Kuya Magnus. Kumunot ang noo ni Mrs. Villacarte nang mapansin ito. Hindi naman nagpatinag si Kuya Magnus at tinaasan lang ng kilay ang ina at pairap pang tinalikuran ang ginang. "M-Magnus, wait," tinangka niya pa itong habulin pero nagkunwaring walang na rinig si Kuya Magnus at nagpatuloy tuloy lang. Takang nagpabalik balik sa kanila ang paningin ko. Bakit parang wala man lang takot si Kuya Magnus sa ina nito? Tinarayan niya pa ito na akala mo ay ibang tao lang at hindi niya ina. Hindi ko alam kung anong meron pero halata namang hindi sila okay nito. Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Mrs. Villacarte dahil don. Pinagmasdan ko lang itong makapasok sa kanilang mansyon. Mukhang ako lang nakapansin ng pagtrato ni Kuya Magnus sa kaniyang ina dahil busy si Maddison at Terrence sa paglamon. "What are you waiting for Zillene? Eat, before Terrence and monster like mouth, eat this all," aya ni Maddison. Hindi na 'ko nagsalita pa at nakisali na rin sa kanila. Mabuti na lang at hindi pa 'ko nauubusan ng mga ito. Hindi naman ako kasing patay gutom ng mga kaibigan ko pero balak kong dalan muli sila Zenaida pag-uwi. Siguradong matutuwa iyon. Peace opering ko na rin dahil palaging ito ang nagbabantay kay Baby Zelle kapag wala ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang nangyari kanina. Pansin ko rin ang palaging pagtambay ni Kuya Magnus kung nasaan kami. Noong una ay isina-walang bahala ko lang ito pero dahil sa nangyari ngayon ay nagsimula na rin akong magtaka kung bakit palagi siyang nakatambay kung na saan kami. "Maddison." Napatigil si Maddie sa pagkain ng tawagin ko ang atensyon niya. "Hmn? What is it?" "May problema ba si Mrs. Villacarte at ang kuya mo? Para kasing gulat na gulat si Mrs. Villacarte kanina noong makita si Kuya Magnus," usal ko. Hindi naman sa nanghihimasok ako sa problema ng pamilya niya pero hindi na 'ko nilulubayan ng kuryosidad. Mabitin na 'ko sa lahat, wag lang sa chismis. Iwinastra kami ni Maddison na lumapit na ginawa naman namin. Nang makalapit kami ay nagsimula itong magkwento. "The truth is, Magnus isn't really my brother," panimula niya na ikinawindang ko. "We're not related by blood. Magnus biological mother already pass away years ago," pagpapatuloy niya. "And the thing you bump in to when you first come here is actually his mothers remain." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala parang walang pakielam si Kuya Magnus kay Mrs. Villacarte ay dahil hindi niya ito tunay na ina. Pero ang mas nakakagulat pa ay ang malamang abo pala ng yumaang ina ni Kuya Magnus laman nang bagay na nasira ko. Kaya pala ganon na lang siyang magalit nang mabasag ko ito. Ngayon na naiintindihan ko na kung bakit hanggang ngayon ay para bang masama pa rin ang loob nito sa akin. Sa simula pa lang ay kasalanan ko na ang lahat kaya nagkaganon. Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling makaramdam ng guilt. Sa huli ay si Kuya Magnus pa ang nasisi nang mapunta ako sa ospital samantalang mas malala pa ang nagawa ko rito. "I don't really know what happened but I've heard, after his biological mother pass away. Dad married my Mom and that's how he become my step-brother." Hindi makery ng utak ang mga pumapasok na impormasyon dito. Kung ganon ay maagang namatay ang totoong nanay ni Kuya Magnus. Mas lalong umubong ang guilt sa akin. Sigurado akong masakit para sa kaniya ang pagkamatay ng kaniyang ina. Hindi ko masisi si Kuya Magnus kung bakit ganito ang ugali nito. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng minamahal dahil ito rin ang naramdaman ko noong pumanaw si Lola. Kahit lumipas man ang panahon ay patuloy silang mananatili sa puso at isipan natin pati na rin ang sakit na dulot ng paglisan nila. "Kawawa naman si Kuya Magnus," komento ko. "Kung alam ko lang na mahalaga sa kaniya ang bagay na nasira ko ay sana pala mas nag-ingat pa 'ko." "Although I pity him. We can't forget the fact that he is a monster" usal ni Maddison. "So, Zillene, don't be swayed by his pretty face cause behind that pretty face of his is real demon! His a monster!" Noong mga oras na iyon ay hindi ko sinapuso ang banta ni Maddison, dahil sa mga oras na iyon ay mas pinapangunahan ako ng awa at same time guilt nang marinig ang storya nito. Akala ko noong mga panahong iyon ay ayaw lang talaga ni Maddison sa Kuya niya kaya niya nasasabi ang mga ito pero hindi ko lubos akalain na may mas malalim pang dahilan kung bakit niya nasabi ito. "Kaya siguro mukhang hindi sila okay ni Mrs. Villacarte," usad ni Terrence na ngayon ko lang napansin na nakikinig rin pala sa amin dahil mas nakatuon pa ang atensyon nito sa pagkain. "Mom has been trying her best to be on good terms with Brother Magnus but I guess we could never really break a wall in his heart when it was built by the monster himself," dagdag niya pa. Sa totoo lang ay hindi ko maintidihan ang sarili kung bakit parang mas naaawa pa 'ko kay Kuya Magnus sa mga oras na 'to imbes na mainis dito lalo na nang malaman ko ang rason kung bakit siya nagkakaganito. Siguro ay dahil naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya. Naniniwala ako na balang araw ay matitibog din ang batong itinayo nito para sa sarili at sa pagkakataong iyon ay makukuwa na rin nitong maging masaya sa kabila ng pinagdaanan sakit. "Anyway, we shouldn't waste our time talking about that monster. Let's eat," aya ni Maddison pero agad din itong natigilan nang mapansing wala ni-isang pagkain sa platito niya. "Wait, where's my food?!" hanap niya rito. Ngayon ko lang rin napansin na biglang nawala ang pagkain sa platito ko. Unti lang ang kinain ko rito dahil balak ko itong iuwi ito kaya imposibleng mawala na lamang ito bigla na parang bula. ...Maliban na lang kung may masamang daga ang tumirsiya nito. Sabay na nagtungo ang paningin namin ni Maddison kay Terrence. Natigil naman ito sa pagkain nang mapansin ang masamang tinging ibinabato namin rito. "B-Bakit ganyan kayong makatingin?" Hindi kami sumagot sa halip ay pinangliitan lang ito ng mata. Mukhang alam na namin ang salarin sa biglang pagkawala ng pagkain ni Maddison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD