Chapter 5

2504 Words
ZILLENE MADRIGAL KASALUKUYAN kaming naritito sa loob ng kuwarto ni Maddison. Pinalipat kami rito ni Mrs. Villacarte nang magsimulang umulan sa labas. Dahil hindi kami pwedeng magpakalat-kalat sa bahay ng mga Villacarte ay napagpasyahan nitong dito muna kami papuntahin habang hindi pa tumitila ang ulan sa labas. Wala naman iyong problema sa akin. Noong unang punta ko rito ay nakasira pa 'ko kaya mas okay na ito. Mas maganda nga rito kesa sa hardin. Maraming mahahalagang bagay sa loob ng bahay ng mga Villacarte. Kaya natatakot akong mangyari ulit ang nangyari noon kung hindi pa 'ko mag-iingat. Ayokong makaabala na naman sa mga ito. "So, what movie should we watch?" tanong ni Maddison sa amin. Nakatayo ito sa harapan ng malake niyang Tv habang may hawak hawak na remote at sinimulang magtingin tingin ng magandang movie na papanoorin namin. Napagpasyahan ng mga ito na manood ng tv para hindi naman kami maboryong dito sa loob ng kuwarto niya. Nagulat pa nga kami ni Terrence kanina nang malamang may sarili itong Tv sa loob ng kuwarto niya. Subrang laki rin ng kuwarto nito at halos mas malaki pa yata sa bahay namin. "Kahit ano okay lang," tanging sagot ko at sinimulang ikutin ang paningin sa loob ng kuwarto niya. Nakakamangha talaga sa ganda at kami nito. Kung hindi lang siguro ipinaliwanag ni Maddison kanina na sa kaniyang kuwarto ito ay iisipin kong limang tao ang nakatira rito dahil sa laki. Poruru ang theme ng kuwarto niya. Mukhang mahilig talaga ito sa character na iyon dahil pati ang loob ng kuwarto niya ang napupuno rin ng mga stuff toy na poruru. Meron lang human size na poruru sa tabi ng kama nito. Dumako ang paningin ko sa isang key chain na nakasabit sa study table niya. Napangiti na lang ako nang mamukhaan iyon. Ito ang ibinigay na regalo ni Terrence sa kaniya noong kaarawan niya. Naalala ko, kung hindi dahil sa key chain na ito ay baka hindi kami naging magkaibigan nito ngayon. Sinong mag-aakalang sa simpleng key chain ay magiging dahilan nang pagkakaibigan naming tatlo. Bumalik ako sa pwesto namin kanina matapos kong makita ang buong kuwarto ni Maddison. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha pero natigilan ako nang makita sila. Magkatabi ang dalawang ito at may pinagbubulungan, rinig ko pa ang mga mahinang hagikhikan ng dalawa nang makalapit ako. Para bang may interesanteng bagay na pinag-uusapan. "Anong meron?" nagtataka kong tanong nang makalapit. Naupo ako sa tabi ni Maddison, habang na sa kabilang gilid niya naman ay naroon nakaupo si Terrence. Nginisian lang ako ni Maddison. "Secret, no clue," saad niya at tumawa pati si Terrence ay nakisabay rin sa pagtawa nito. "You'll be surprised!" Kinunutan ko lang sila ng noo. Hindi ko mapigilang magtaka kung bakit parang ang saya-saya pa ng mga ito. Umalis lang ako saglit para inspeksyunin ang kuwarto ni Maddison pero ganito na sila pagbalik ko. Ano naman kayang meron? Hindi ko na sila pinansin pa nang magsimulang mag-umpisa ang palabas. Sa una ay para bang isang normal lang itong palabas. Sa tingin ko anime ang tawag sa ganitong movie. Ipinakita sa usang scene ang isang babae ang gumagawa ng assignment niya nang pumasok ang isang lalaki at nagusap sila. Hanggang sa nagulat na lang ako nang magsimulang maghalikan ang mga ito. Nanglalaki ang mga mata kong napabaling kila Maddison na tutultok ang mga mata sa pinapanood. Muling bumalik ang paningin ko sa Tv nang makitang nagsisimula ng maghubad ang dalawang artor na naroon. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang lalaki na patuwarin ang babaeng kasama nito at sinimulang kalasin ang belt niya. T-Teka, anong movie ba 'to? Hindi ko na makayanan pa at napatayo ako dahilan upang nabaling sa akin ang paningin nang mga kasama. Kahit labing isa pa lang ako ay meron na 'kong unting kaalaman sa ginagawa ng mga ito at alam kong hindi dapat nanonood ng mga ganitong bagay ang mga batang tulad namin. Namumula ang mukha kong itinuro ang TV kung na saan ang dalawang aktor na nagsisimula nang salubungin ang katawan ng isa't isa. Kung hindi lang siguro dahil sa blurred ay baka kanina pa kong nasuka sa mga ginagawa ng mga ito ngayon. Kaya pala sila tawa ng tawa kanina nang makalapit ako dahil ito ang pinag-uusapan nila! "A-Akala ko ba manood tayo nang anime?" hindi mapigilang tumaas ang boses ko. Pakiramdam ko ay nasira ang ka-inosentehan ko dahil sa mga ito. Hindi ko kinakaya ang mga napapanood. "Anime nga," aniya ni Terrence. Namumula rin ang mukha nito kagaya ko pero kita ko ang paulit-ulit niyang pagsulyap sa tv. Feeling ko ay nawala na ang inosente kong kaibigan. Walang may ibang kasalanan nito kundi si Maddison! "Sinungaling," inis kong aniya. Ginamit ko ang palad upang harangan sa paningin ko ang direksyong ng Tv pero hindi rin nakatulong iyon dahil nagsimulang maglikha nang kakaibang tunog ang tv. Mas lalong namula ang mukha ko dahil don. Hindi ko kinakaya ang mga malalaswang tunog na naririnig mula rito at the time ay hindi ko rin mapigilang kabahan. Paano kung may makarinig ng ingay na iyon mula sa labas? Paniguradong mayayare kami kapag nagkataon at baka pagbawalan na kami ni Mrs. Villacarte na makipaglaro kay Maddison kapag nalaman nito ang pinapanood namin ngayon. "It's an anime..." aniya ni Maddison bago ako inosenteng ngunitian at nagpatuloy sa sasabihin. "..but a little bit hoter." Kung alam ko lang na ganito ang panonoorin nila ay sana pala ako na lang ang decide noong magtanong si Maddison kanina! "I-Ililipat niyo yan o uuwi na 'ko!?" banta ko. Imbes na matakot ay natawa lang si Maddison. "Stop being so innocent, Zillene. Gagawin din naman natin 'to sa future," aniya. Medyo nagulat pa 'ko nang marinig itong magtagalog. Ito ang unang beses ko itong marinig na magsalita ng tagalog. Halata ang accent sa boses niya pero naiintindihan ko ang nais nitong iparating. Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang pagtatagalog niya. Ngayon ko na nga lang ito marinig na magtagalog pero para sa kalukuhan pa talaga. "H-Hindi ako nagbibiro! Aalis talaga ko kapag hindi niyo yan nilipat!" muling banta ko. Siniko naman ni Maddison si Terrence dahilan upang mapunta sa amin ang atensyon nito pero ang mga mata ay hindi mawala-wala sa telebisyon. "Zillene said she will go home if we didn't change the movie," aniya ni Maddison rito. Saglit akong nilingon ni Terrence. "O-Okay lang kahit umuwi ka muna, Zillene. Magkita na lang tayo bukas," paalam niya at muling ibalik ang paningin sa tv. Nanlaki ang mga ko dahil sa sinabi nito. Si Maddison naman ay natawa lang. Nagdadabog kong nilipatin ang pinto. Hindi ako makapaniwalang mas gugustuhin pa ni Terrence na manood ng bagay na tinatawag nilang anime kesa sa kaibigan niya. Nakilala niya lang si Maddison ay pinagpalit niya na 'ko rito! Parang hindi kami naging magkaibigan ng matagal. Tatanda ko ang araw na 'tp! Ang araw na ipinagpalit ako ng kaibigan ko! Hinarap ko sila sa huling pagkakataon, umaasang may pipigil sa aking umalis. "Goodbye, Zillene," paalam ni Maddison at kinawayan pa 'ko. Hindi ko mapigilang mainis. Alam ko namang nang-aasar lang siya. Dumako kay Terrence ang paningin ko pero para bang wala lang dito na paalis na 'ko dahil nanatiling nakatuon ang paningin niya sa pinapanood. Nihindi man lang ako nito nagawang tignan sa huling pagkakataon. Inis ko silang tinalikuran at padabog na isinara ang pinto nang kuwarto ni Maddison. Naiinis ako sa mga ito. Gusto ko silang isumbong kay Mrs. Villacarte. Upang mapagalitan sila pero pinigilan ko ang sarili. Ayoko namang mapahamak ang mga kaibigan ko dahil lang nagtatampo ako sa mga ito. Nagmamarsha kong tinahak ang mahabang hallway ng mansyon nang makasalubong ko sa daan ang dalawang katulong. Ngayon ko lang silang nakita rito kaya sa tingin ko ay bago lang sila. Mukhang bata pa ang mga ito kumpara sa ibang katulong rito. Siguro ay mas matangda lang sila ng isang taon kay Kuya Magnus. Hindi ko na sana papansinin pa ang mga ito nang marinig ang usapan nila. "Ikaw na ang magbigay nito kay Senyoraito," aniya nang isa. "Ikaw na. Trabaho mo yan 'di ba?" "Ikaw na. Noong nakaraan ay napagalitan ako no'n dahil lang napatapon ko ang juice niya. Dahil lang sa maliit na bagay naghuhuramentado na siya," kwento pa nito. Hindi na 'ko nagtaka pa nang marinig iyon. Kahit ano ay rin maitatanggi na may bad attitude si Kuya Magnus. "Sinabe mo pa," segunda ng isa. "Hay, sayang ang itsura niya kung ganon lang din ang ugali niya. Paano ba 'yon naging anak ng mga Villacarte? Subrang layo ng ugali niya sa mag-asawa." "True. Sayang gwapo pa naman." Napahinto ako nang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya Magnus ang pinag-uusap nila. Mukhang nagtatalo ang mga ito kung sino ang nagbibigay ng pagkain kay Kuya Magnus base sa tray ng pagkaing hawak hawak ng isa mga ito na kanina pa nilang pinagtutulak sa isa't isa. Hindi ko na sana sila papansinin pa nang marinig ko ang isa mga katulong na tawagin ako. "Bata." Dahil tatlo lang naman kami rito ay hindi na ko pagkamali pa na ako ang tinatawag nito. Taka ko naman itong nilapitan. "Bakit po?" takang tanong ko. "Ikaw yong kaibigan ni Senyorita Maddison 'di ba?" Kahit nagtataka ay tumango ako. Kita nag paglapad ng ngiti niya. "May kailangan pa kasi kaming trabahong kailangang gawin nitong kasama ko. Pwede bang ikaw na ang magbigay nito sa kaniya," turo niya sa tray na may lamang pagkain. Natawa dito ang kasama niya. "Gaga ka talaga. Bata pa talaga ang uutusan mo." "Nanghihingi lang naman ako ng favor," sagot nito at muli akong hinarap. "Ikaw na lang magbigay nito kay Senyorito." "P-Pero..." Tatanggi na sana ko pero mabilis nitong itinulak sa akin ang hawak na tray. Mabilis ko naman iyong hinawakan sa takot na mahulog. "Nasa dulo ng hallway ang kuwarto ni Senyorita. Kahit ilagay mo na lang sa table niya," aniya at hinila ang isa pang katulong papaalis. "Salamat." Naiwan ako doong mag-isa habang hawak hawak ang tray na may lamang pagkain ni Kuya Magnus. Napakamot na lang ako sa kilay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ko naman pweding habulin ang mga ito para sabihing sila na lang ang magbigay nito kay Kuya Magnus. Kung maari lang ay ayokong lumapit kay Kuya Magnus. Baka mapagalitan na naman ako nito katulad ng nangyari noon pero kung hindi ko naman ito ibibigay ay anong kakainin niya? Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tahakin ang direksyong itinuro ng katulong kanina. Ang dulo ng hallway... Kung nasaan ang kuwarto ni Kuya Magnus. Nang marating ko ito ay humugot muna ko ng isang malalim na hininga bago katukin ang pintuan niya ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala akong narinig na sagot mula sa loob. Muling inulit ang pagkatok. "K-Kuya Magnus," tawag ko pero kagaya kanina ay hindi pa rin ako nakatanggap ng sagot mula rito. Siguro natutulog ito kaya hindi makasagot o may ginagawa? Sa huli ay naisipan kong pumasok. Hindi ko naman pwedeng iwanan na lang dito ang pagkain niya. Baka ano pang isipin no'n kapag ginawa ko iyon. Hindi nakalock ang pinto kaya ginawa kong pagkakataon iyon upang buksan ang pinto at silipin ang na sa loob pero wala akong makitang tao na naririto. Niluwagan ko ang pagkabukas ng pinto at pumasok. Malaki ang kuwarto kagaya ng kuwarto ni Maddison pero ang pinagkaiba lang ay mas plain ang kuwarto nito pero hindi pa rin nawawala ang kalegantihan ng kuwarto. Amoy na amoy sa kuwarto ang pabangong gamit ni Kuya Magnus. Mahahalata mo talaga na ito ang kuwarto niya. Rinig ko ang pagtagastas ng tubig mula sa CR. Kaya siguro hindi siya makasagot sa pagtawag ko kanina ay dahil naliligo siya. Napagpasyahan kong iwanan ang pagkain sa lamesa kagaya ng sinabi noong katulong kanina. Nang mapansing nakasara ang bintana nang kuwarto nito ay pinakialaman ko rin iyong buksan para naman lumiwanag sa mga kuwarto ni Kuya Magnus. Akmang aalis na sana ko nang mapahinto ako nang makita ang isang bagay. Isang picture phrame na nakalagay sa taas ng maliit na cabinet sa tabi ng bedside nito. Nagtataka ko naman itong kinuwa at tinignan. Picture ito ni Kuya Magnus kasama ang isang magandang babae. Mukhang bata pa siya nang kinuwaan ang litratong ito. Napunta ang paningin ko sa babaeng na sa tabi niya. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda nito. Kamukhang-kamukha ni Kuya Magnus ang babae, pati ang kulay ng mata nito ay parehas ng kay Kuya Magnus. Siguro ay ito ay totoong Mama niya na sinasabi ni Maddison sa akin. Mukhang ang saya saya nila sa picture. Sayang dahil maagang pumanaw ang ina ni Kuya Magnus. Siguro kung buhay pa ito ay hindi ganito ang ugali ni Kuya Magnus ngayon sa lahat ng nagmamagandang loob sa kaniya. Lahat naman ng tao ay may rason. Kahit ang pinakamasama pang tao sa mundo. Pansin ko na ito lang ang picture na nakalagay roon. Wala man lang ni isang picture ni Mrs. Villacarte. Ayokong magtamang hinala pero sa tingin ko ay katulad ni Mrs. Villacarte ay hindi rin sila okay ng ama niya. Natigilan ako nang marinig ang pagtunog ng pagbukas at sara ng pinto. Mabilis kong ibinalik ang picture phrame sa pinaglalagyan at umaktong aalis na nang marinig ko ang boses nito. "What the heck are you here?!" pasigaw niyang tanong. "And who the f**k are you to come to my room without my permission?!" Napapikit na lang ako sa kaba bago itong hinarap. Dapat pala ay umalis na 'ko agad pagkabigay ko ng pagkain. Mukhang mapapagalitan pa yata ako nito. Unti-unti ko itong hinarap. "K-Kuya Magnus. A-Ako po 'to si Z-Zillene," pakilala ko. Sumalubong sa akin ang kunot na kunot ang noong si Kuya Magnus. Nakapamewang pa ito sa harapan ko. Amoy na amoy ang mabangong body wash sa kaniya, basa din ang buhok nito pero nakadamit na siya. Halatang galing ito sa pagligo. Mas nangunot pa ang noo nito nang makita ako. "What are you doing here? Who told you to come here?" sunod-sunod niyang tanong pero pansin ko ang paghina ng boses nito. Hindi na katulad kanina na pasigaw. "Y-Yong maid po. S-Sabi niya, A-Ako na lang daw po ang mag-iwan ng pagkain dito dahil may ginagawa siya," aniya ko ang itinuro pa ang tray ng pagkain na dala ko kanina. Sumunod naman ang paningin niya ron. Problemadong mapahawak si Kuya Magnus sa sariling sintido nang makita ang itinuro ko. "And you follow what she said?" tanong niya pa pero halatang halata naman ang sagot. Dahan dahan akong tumango. Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Kuya Magnus dahil don. M-May ginawa ba 'kong masama? Sinunod ko lang naman ang inutos sa akin. Malay ko bang magagalit ito. "You can leave now," utos niya. Hindi ko sinunod ang utos nito at nanatiling nakatayo lang roon. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maddison sa akin na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako tinatantanan ng guilt. Gusto kong gamitin ang pagkakataong ito para mag-sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD