NANG mapansin ni Kuya Magnus na hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ay nagtanong ito. "What are you still waiting for?" tanong niya.
Napayuko ako at pinaglaruan ang damit na suot ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan pero mas maganda siguro kung magiging honest ako. Ayokong ma-misunderstand nito ang gusto kong sabihin tyaka isa pa, hindi na ko tinatantanan ng konsensya.
"S-Sorry," paumanhin ko.
"For what?" batid ko ang pagtataka sa boses niya pero hindi pa rin nawala ang kasungitan ng boses niya.
Napayuko ako. "D-Dahil nasira ko ang remain ng Mama mo," sagot ko at nagpatuloy. "H-Hindi ko po sinadyang masira ito, promise. K-Kung alam ko lang na naroroon ang amo ng mama mo ay sana pala nag-ingat ako—" napahinto ako nang marinig siyang magsalita.
"What's the point of your apology?" pagpuputol niya dahilan upang mapaangat ako ng tingin. Nagpatuloy siya. "The damage had been done, what's the point of saying sorry?"
Natigilan ako nang maproseso ng utak ko ang ibig nitong sabihin. Tama naman siya. Kahit anong sorry ko ay hindi nito magagawang maayos ang kasalanang nagawa ko pero kahit ganon ay gusto ko pa ring humingi ng paumanhin rito.
Nilapitan niya ang cabinet at kinuwa ang picture phrame nila ng kaniyang ina at ipinasok ito sa loob ng cabinet bago ako muling harapin.
"What are you still waiting for? Don't tell me you'll stay here and throw tantrums just because I didn't accept your apology?" taas kilay niyang tanong.
Mabilis ko naman itong inilingan. "Y-Yong sinabi mo po kanina. A-Alam kong hindi maayos ng sorry ang ginawa ko pero gusto ko lang pong malaman niyo na hindi kayo ang may dahilan kung bakit ako naospital noong araw na 'yo. Ako ang may kasalanan nang lahat kaya sana wag na kayong naguilty dahil sa nangyari," panimula ko.
Muli akong nagpatuloy. "P-Pasensya siya na rin kung kayo ang nasisi ng iba dahil sa nangyari sa 'kin. P-Pero wag po kayong mag-alala dahil hindi ko na uulitin ang ginawa ko. K-Kung maari lang po ay lalayo na rin ako o sa inyo at hindi na kayo guguluhin pa. Nang sa ganon ay makabawi ako sa ginawa ko..." mahabang lintana ko.
Sandaling nabalot nang katahimikan ang baligid bago ko naisipang basagin ito.
"A-Aalis na po ako. S-Salamat," paalam ko at nilisan ang kuwarto niya. Hanggang sa makalabas ako ay hindi ko na ito narinig pang magsalita.
Malungkot kong tinahak ang daan papaalis. Kahit pa na nakapagsorry na 'ko ay hindi no'n naalis ang bigat sa dibdib ko. Simula ngayon ay gagawin ko ang lahat para lang iwasan ito, alam kong hindi no'n nawawala ang guilt ko pero at least makakabawi ako.
"Zillene?" Rinig kong aniya nang kung sino. Nang lingunin ko ito ay kita ko ang nagtatakang si Mrs. Villacarte.
Kunot ang noo nito nang makita akong lumabas galing sa kuwarto ni Kuya Magnus. Pasimple niya lang sinilip ang nakasarang kuwarto ni Kuya Magnus bago nagtatakang ibinalik sa akin ang tingin niya.
"Galing ka sa kuwarto ni Magnus? Anong ginagawa mo ro'n?" tanong niya. May kung anong emosyon sa boses nito pero hindi ko mawari kung ano iyon.
Napayuko na lang ako. "O-Oo," sagot ko. "M-May sinabi lang po ako kay Kuya Magnus. B-Bakit po?"
Pinatitigan ako nito. Tila ba kinukwestiyon ang sinabi ko bago siya mabuntong hininga. "Nothing, I'm just curious since Magnus hate it when someone invade his space."
Natigilan ako dahil sa sinabi nito. Sa muling pagkakataon ay mukhang nakagawa na naman ako nang katangahan kay Kuya Magnus. Mukhang tama nga ang naiisip kong layuan na lang ito dahil puro problema lang ang naidudulot ko sa mga tao.
"Anyway, can you call Maddison for me. Tawagin mo rin si Terrence at dito na kayong kumain ng hapunan bago kayo umuwi. Sigurado akong gutom na kayo."
Ginawa ko naman ang utos nito. Pinuntahan ko ang kuwarto ni Maddison kahit na medyo labag sa loob ko.
Paniguradong pinapanood pa rin nila ang anime na iyon hanggang ngayon!
Nang marating ko ang kwarto ni Maddison ay hindi na 'ko kumatok pa at basta na lang binuksan ang pinto. Dahil sa ginawa ko ay mukhang nagulat ko pa yata ang mga ito.
Kita ko panglalaki ng mga mata ng mga ito. Nakatayo pa sa harap ng tv si Maddison at halatang balak na patayin ang tv para hindi sila mahuli pero agad din itong napaayos ng tayo nang makitang ako lang ito.
"Damn! You scared the s**t out of me!"
"Zillene! Akala ko nahuli na kami!"
Napangisi na lang ako. Nakaganti rin akong sa wakas mula rito. Buti nga!
Pumasok ako at isinara ang pinto upang walang makakita sa amin.
"I thought you go home already because your innocent self can't handle what we are watching?" takang tanong ni Maddison nang makapasok ako.
"Uuwi na dapat ako," sagot ko. "Ang kaso inutusan ako ni Mrs. Villacarte na magpunta rito para tawagin kayo. Maghahapunan na raw," binaling ko ang paningin kay Terrence. "Dito na raw tayo maghapunan sabi ni Mrs. Villacarte."
Tumango ito lang si Terrence bago tumayo, hindi na ito nagsalita pa. Kita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Nakahawak ito sa sarili niyang shorts at hindi man lang magawang salubungin kami ng tingin.
Para itong natrauma sa napanood. Kung dati ay kita ko ang pagningning ng kaniyang mga mata kapag kainan na ang usapan ay ibang iba ang itsura nito ngayon. Napailing na lang ako. Sinasabi ko na nga bang walang magandang maidudulot sa amin ang palabas na 'yon!
"I'll just end this," aniya ni Maddison at akmang papatayin ang telebisyon kung saan kasalukuyan pa ring ipinapalabas ang movie na pinapanood nila.
Nang matigilan kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Maddison at iniluwa no'n si Kuya Magnus. Automatikong nanlaki ang mga mata naming tatlo nang makita siya.
Agad namang dumako ang paningin ni Kuya Magnus na nakabukas na telebisyon. Kita ko ang pag-awang ng labi nito ng makita iyon.
"The f**k is that?!"
"K-Kuya Magnus..." kinakabahan saad.
Mabilis namang pinatay ni Maddison ang Tv at batid ang takot sa mukha niya nang muling harapin ang kuya niya.
"B-Brother Magnus. W-Why are you here?" halos hindi na maintindihan ang boses ni Maddison nang itanong ito.
Mabilis namang dumilim ang mukha ni Kuya Magnus. "What the f**k do you think your watching?" tumaas ang boses nito nang sabihin iyon.
Napayuko na lang ako. Sa lahat ng pwedeng makahuli sa amin ay bakit si Kuya Magnus pa?! Alam kong kagaya ko ay nangangamba din sila Terrence na baka isumbong kami nito kung sakali.
Kung malalaman ni Mrs. Villacarte ang ginagawa namin ay paniguradong hindi niya na kami hahayaang makalapit kay Maddison baka nga makarating pa ito sa mga magulang namin pagnagkataon.
"How old are you? You think a decent woman would watch something like that?" sermon ni Kuya Magnus. "You even bring your friends to join your stupidity," panandalian pa ako nitong nilingon bago muling ibalik ang masamang tingin kay Maddison.
Kita ko ang pagbuo ng mga luha sa mata ni Maddison. Nakayuko lang ito at tinanggap ang mga sermon na ibinabato sa kaniya ng kuya niya. Alam kong gaya ko ay natatakot rin ito kay Kuya Magnus sa mga oras na ito.
"What's happening here?"
Lahat kami ay napabaling kay Mrs. Villacarte nang makita ito. Kumunot ang noo niya nang makita si Kuya Magnus. Magpabalik balik ang tingin nito sa amin at sa anak na lalaki.
"Mom," mabilis na nilapitan ni Maddison ang ina niya at yumakap sa bewang nito doon umiyak. Malakas itong humikbi.
"What did you do, Magmus? Why are you harrasing the kids?" Inis na tanong ni Mrs. Villacarte kita at binato ng masamang tingin si Kuya Magnus.
"Ha! Why don't you ask your stupid and her friends what happened before accusing me?" inis ding tanong ni Kuya Magnus rito.
Nagpalitan sila ng masamang tingin at ni isa ay walang gustong magpatalo.
Hindi ko na mapigilan pa at nakisali sa usapan nila bago pa lumala ang gulo. "W-Wala pong kasalanan si Kuya Magnus. Kami po ang may may kasalanan," pag-amin ko.
Dahil do'n ay napunta sa akin ang paningin ng mga ito. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Mrs. Villacarte bago sa huling pagkakataon ay sinulyapan si Kuya Magnus at sinimulang patahin si Maddison.
Bahala na kung palayuin man kami ni Mrs. Villacarte kay Maddison pagkatapos nito. Bahala na kung magalit man sa akin si Maddison. Ayokong masisi na naman si Kuya Magnus dahil kagagawan namin.
Dahil nangyari ay kinausap kami ni Mrs. Villacarte about dito at sinagot naman namin ito ng totoo. Ilang beses pa kaming napagsabihan ni Mrs. Villacarte na masama ang bagay na iyon at para sa bata. Sinabi rin nito na hindi makararating sa mga magulang namin ang nangyari at walang ibang makakaalam nito.
Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa pangako nito pero hindi no'n nagawang tanggalin ang tinik na nakatarak sa dibdib ko.
Matapos kaming pagsabihan ni Mrs. Villacarte ay dito na rin kami sa bahay nila naghapunan. Tumigil na rin si Maddison sa kakaiyak pero nanatiling maga ang mga mata nito. Matapos nang hapunan ay pinauwi na rin kami.
"Mabuti na lang at bumating si Mrs. Villacarte," aniya ni Terrence.
Tumango ako. "Ang kulit niyo kasi! Ilang ulit ko nang sinabi na ilipat niyo at hindi kayo nakinig," anis kong saad dito.
Napakamot ito sa sarili batok. "Malay ko bang mahuhuli tayo. Tyaka si Maddison ang may gustong manood no'n noh. Sinabayan ko lang,' aniya.
Napabuntong hininga na lang ako pero agad ding natigilan nang maramdaman ang tingin nang kung sino. Nilibot ang paningin sa paligid pero wala naman akong makitang ibang tao bukod sa amin.
Tumaas ang paningin ko at dumako iyon sa mansyon ng mga Villacarte. Kita ko ang isang taong nakatayo sa balkonahe ng mansyon ng Villacarte. Dahil madilim na ay hindi ko ito makita ng maayos pero nasisigurado kong na sa amin nitong nakatingin.
"Anong tinitignan mo, Zillene?" kunot noong tanong ni Terrence nang mapansin nitong may tinitignan ako.
Itinuro ko ang balkonahe kung saan ko parang nakita ang isang bulto. "Parang may roon," aniya ko.
Tinignan naman ito ni Terrence. "Wala naman akong makita," aniya at hinila ako. "Halika na kung ano-ano na lang nakikita mo. Baka mamaya may magpakitang multo sa atin niyan kaya hilika na," takot niyang saad.
Hindi na ko nagsalita pa at hinayaan siyang hilahin ako. Muli kong sinulyapan ang madilim na bahagi kung saan ko nakita ang bulto ng isang lalaki. Wala na ito ngayon roon. Mukhang namamalikmata lang ako.
NAGISING ako nang maramdaman ang pananakit ng tyan ko. Hindi ko alam kung anong oras na. Nang bumangon ako ay wala si Baby Zelle sa tabi ko, pati si Mama ay hindi ko rin makita kaya naman hindi ko mapigilang magtaka.
"M-Mama," tawag ko kay Mama pero wala akong kahit anong narinig na sagot mula rito. Nasa'n naman kaya si Mama? Pati si Baby Zelle ay wala rin ito.
Pinilit kong tumayo sa kabila nang nararamdaman. Subrang bigat ng tyan ko. Tila ba may batong inihulog rito. Kumikirot rin ito sa hindi ko malamang dahilan. Ito ang unang beses kong makaramdam ng ganitong sakit.
"Mama..." muling tawag ko.
Hindi ko na mapigilang maiyak. Nasa'n ba kasi si Mama? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Ang sama ng pakiramdam ko at ramdam ko rin ang pamamasa ng salawal ko sa hindi ko maintindihang dahilan.
Hinawakan ko ang garter ng shorts ko at pati na rin at panty na suot ko ay sabay itong ibinaba para tignan.
"D-Dugo..." Nanglaki ang mata ko nang makita ang dugo sa panty ko. Maraming dugo at patuloy ito sa pagtulo. Sa tingin mo ay galing ito sa p********e ko.
Napaiyak na lang ako. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari. Wala si Mama kaya hindi ko ito matanong ang tungkol dito. Hindi ako pumapasok sa school kaya clueless ako pagdating sa mga ganitong bagay.
Ito ang unang beses na may dugong lumabas sa p********e kaya hindi ko napigilang matakot, at the same time ay maiyak. P-Paano kung may sakit na pala ako kaya ako dinudugo?
Pinilit ko ang sariling lumabas at hanapin si Mama. Siguro kung siya ang tatanungin ko ay alam niya kung anong nangyayari. Baka sakaling wala akong sakit at simple bagay lang ito.
Nang makalabas ako sa kuwarto ay mabilis na kuminang mga mata ko nang makita si Mama pero agad na nagtungo ang paningin ko sa bag na hawak hawak ng mga ito at tila ba papaalis. Kasama siya si Zenaida na buhat buhat si Baby Zelle. Anong meron? Saan sila pupunta?
"M-Mama," tawag ko sa kaniya.
Gulat ako nitong binalingan. Nanglaki ang mata niya nang makita ako.
"Z-Zillene. Ang aga mo namang magising anak," saad niya pero kita ko ang pangamba sa mga mata nito.
"Saan po kayo pupunta?" nagtataka kong tanong dito.
Natigilan siya dahil sa tanong ko. "M-May pupuntahan lang si Mama, bumalik ka na do'n at matulog. Anong oras pa lang, o."
"M-Masakit po ang tyan ko, Mama," naiiyak kong sumbong. "Nong tinignan ko po ang short, m-may dugo po," natatakot kong aniya. "A-Anong gagawin ko? N-Natakot po ako."
Natawa siya pero kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha nito pati na rin ang luhang namuo sa gilid ng mga mata niya.
Masuyo nitong hinaplos ang buhok ko.
"Dalaga na ang panganay ko," aniya bago pinunasan ang hulang tumulo sa kaniyang mga mata.
Nagtaka naman ako nang makitang umiiyak ito, hindi ko mapigilang magpanic dahil dito.
"B-Bakit ka po umiiyak, Mama?"
"M-Masaya lang ako," sagot niya. "Masaya ako para sayo, Zillene. Tandaan mo, n-nandito lagi si Mama. Wag mo 'kong kakalimutan, a.P-Pasensiya na kung kailangan muna ni Mamang umalis. Tandaan mo, Zillene. Bbalik si Mama. Babalikan kita."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin promoproseso sa utak ang nangyayari
"H-Hindi ko po maintindihan." "Saan po kayo pupunta nila Baby Zelle? Ano po bang nangyayari? Bakit may dala kayong bag?" naguguluhan kong tanong. "Saan po kayo pupunta? Isama niyo po ako, mama. Promise po magpapakabait ako."
Pilit akong nginitian ni Mama. "Balang araw, maiintindihan mo rin anak kung bakit ko ito kaylangang gawin."
Binitawan niya ako.
"Bumalik ka na sa loob, Zillene."
"P-Pero?" magtatanong pa sana ako nang unahan niya 'ko.
"Wag nang makulit, anak."
Wala akong nagawa kundi panoorin silang papaalis. Kita ko ang pagsulyap sa akin ni Mama sa huling pagkakataon bago nito lisanin ang bahay kasama ang mga kapatid ko.
Sa mga oras na iyon ay hindi ko lubos akalain na ito na ang huling sandaling makikita ko si Mama at mga kapatid ko....
Iniwan ako ni Mama... Iniwan ako nito dahil hindi na niya makayanan pa ang pananakit na ginagawa sa kaniya ni Papa... Iniwan niya ko upang bigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko...
Tinalikuran niya ang bahay na naging kanlungan namin nang hindi man lang inaalala na may isa pa siyang anak na nasa loob ng tahanang iyon at kailangang-kailangan siya sa mga mga oras na 'yon...