ZILLENE MADRIGAL MAAGA akong gumising upang sumabay kay Maddison papasok sa university. Naging routine ko na yata ang sumabay dito tuwing papasok ako. Malaki rin kasi ang natitipid kong pera na para sana sa pamasahe sa tuwing nakikisakay ako kila Maddison. Tyaka magandang oportunidad na rin ito ito upang makausap siya tungkol sa nangyari kagabe. Baka kapag pinahaba ko pa ang hindi namin pagkakaintindi ay baka mas lalo lang itong lumake. Ayoko namang mangyari na magkatampuhan kami ng kaibigan ko dahil lang sa isang hindi pagkakaintindihan. Natigilan ako sa pag-aayos ng mga iiwanan kong pagkain ni Papa nang makarinig ng busina mula sa labas, hudyat na naririto na sila para sunduin ako. "Papunta na!" sigaw ko. Tumigil ang busina dahil do'n. Sinigurado ko muna na maayos ang lahat bago ko

