ZILLENE MADRIGAL SA ITSURA nito ngayon ay halatang hindi nito nagustuhan ang nakita. Napakamot na lang ako sa sariling batok. May masama ba sa ginawa namin? Kung makatingin ito ay para bang nakita niya ang asawa niya kasama ang ibang lalake sa kama. Kulang na lang ay magkaroon ng sniper sa mga mata nito at pagbabarilin kami ni Terrence. "Sino siya, Zillene?" nagtatakang bulong sa akin ni Terrence na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa tabi ko. Mukhang nalimutan na nito si Kuya Magnus. Well, hindi naman na nakakapagtaka pa iyon lalo na at matagal na rin noong huli niya itong nakita, at hindi rin ganon kaganda ang huling pagkikita nila... dahil sa nangyari sa akin. Akmang ipapakilala ko ito kay Kuya Magnus, nang humakbang si Kuya Magnus at harapin ito. Nagmukha tuloy akong maliit na

