Kabanata 1

1021 Words
Mainit ang sikat ng araw kahit hindi pa tuluyang sumisikat. Ramdam agad ang lagkit sa batok at pawis sa sentido, at mabigat ang hangin na parang ayaw gumalaw. Pero sanay na ako rito. San Felipe summers always felt this way—sticky and heavy, yet oddly comforting. Nagising ako sa tilaok ng manok, kasabay ng lagitik ng walis-tingting ni Nanay sa labas ng quarters. Mahina siyang kumakanta ng lumang awit habang nagwawalis, at sumisingaw ang amoy ng murang sabon na hinalo sa alikabok. “Aya, gising na. Tulungan mo si Tatay mo sa hardin,” tawag niya, lambing na may kasamang utos. “Opo, Nay.” Mabilis akong bumangon at nagsuot ng lumang shorts at puting t-shirt. Tinali ko ang buhok gamit ang lumang scrunchie, at nakapaa akong lumabas, ramdam ang gaspang ng semento sa ilalim ng talampakan. Sa gilid, nakita ko si Tatay. Pawis na pawis kahit hindi pa mataas ang araw, hawak ang hose at tinatapatan ng tubig ang mga bougainvillea. “Tay, akin na po ’yan,” sabi ko sabay kuha ng hose. Tinapat ko sa mga paso ng succulents na itinanim ko pa noong nakaraang taon. Project ko iyon, at buhay pa rin sila hanggang ngayon. Para silang ngumiti sa akin habang sinasabuyan ko ng tubig, sumisigla sa bawat patak. “Ang sipag naman ng anak ko,” biro ni Tatay, nakangiti ng ngiting puno ng pride. Ngumiti rin ako. “Tay, parang mas dumami po ang bulaklak ng bougainvillea?” “Maganda kasi ang panahon,” sagot niya habang pinapahid ang pawis sa noo. “Tamang ulan, tamang araw. Ganyan din sana ang tao. Tamang tiyaga, tamang pahinga, uunlad din.” Lagi siyang may kasamang paalala. Napatingin ako sa mansyon na ilang metro lang ang layo mula sa quarters. Malalaki ang mga bintana, parang sumisigaw ng yaman at kasaysayan. Minsan maririnig ko ang piano ni Ma’am Sofia, minsan makikita ko ang mga kurtina nilang sumasayaw sa hangin. Tahimik ang paligid pero may bigat—parang kahit walang tao, may iniingatan itong sikreto. Kami ay nakatira sa maliit na service quarters sa likod ng malawak na lupain ng Madriaga. Hindi bongga, pero maaliwalas at sapat para sa amin. Tuwing summer break, dito ako palaging nakatira kasama si Nanay at Tatay. Si Nanay, kilala bilang Aling Myrna, tagalaba at minsan tumutulong sa kusina. Si Tatay naman, Mang Ben, hardinero. Mas kabisado niya ang pangalan ng mga halaman kaysa pangalan ng mga kapitbahay namin sa baryo. Ang staff ng mansyon ay parang extended family na rin. Si Manang Belen, ang housekeeper, paborito akong pakainin ng tortang talong at sinangag, at tinatawag pa akong apo. Si Mang Tonyo naman, ang driver na madaldal, laging may dalang tsismis mula bayan hanggang barangay. Si Aling Berta, kapwa tagalaba rin ni Nanay, may anak na si Jun na kaedad ko. Noon, madalas kaming magtaguan pero ngayon, mas madalas siyang tumutulong sa nanay niya. “Grabe talaga, kahit mahangin, parang walang kalat sa bakuran,” minsang sabi ni Mang Tonyo habang nag-aayos ng sasakyan. “Si Don Alfredo kasi, ayaw ng magulo. Kapag dumaan siya, dapat siguradong maayos ang lahat.” Naalala ko iyon habang nagdidilig ako. Bihira kong makita si Don Alfredo, pero kahit mula sa malayo, parang ramdam mo talaga siya. Minsan din, nadaanan ako ni Ma’am Celeste. Eleganteng-elegante, tahimik lang, pero matalim ang mga mata. 'Yung tipong kahit wala siyang sabihin, alam mong nababasa ka niya. Si Ma’am Sofia naman, iba. Minsan nuya akong inabutan ng mangga habang tumutugtog siya ng piano. “Aya, tikman mo,” sabay ngiti. Palakaibigan, at madaling lapitan. At syempre, si Sir Zedrick. Madalas ko siyang makita sa veranda, may hawak na libro o minsan mga folder. Hindi suplado pero hindi rin approachable. Kapag dumadaan, ramdam mong may dating ang bawat hakbang. Para siyang laging nasa sariling mundo, isang mundong hindi basta pwedeng pasukin ng sinuman. Matapos ang trabaho sa hardin, pinatawag ako ni Nanay. “Aya, bumili ka ng pandesal sa kanto.” “Opo.” Bitbit ang basket, naglakad ako palabas. Mahaba ang daan pero sanay na ako. Nakakasalubong ko ang mga ibang kasambahay, mga driver, pati si Kuya Gilbert na bantay sa gate. “Good morning, Aya,” bati niya ng may ngiti. “Good morning po,” sagot ko. Pagbalik ko, naamoy ko agad ang kape at tortang talong. Halos tumakbo ako papunta sa kusina. “Aya, tikman mo ito,” bungad ni Manang Belen, sabay abot ng plato. “Salamat po, Manang.” kinikilig ko pang sagot. Habang ngumunguya pa ako ng pandesal, bumukas ang pinto. At halos mabilaukan ako nang makita ko kung sino ang dumaan. Si Sir Zed. Fresh-looking kahit maaga pa. Naka-white shirt, sleeves folded neatly, may hawak na libro. Diretso siyang dumaan papunta sa garahe kung saan nakapark ang kotse. Wala siyang sinabi, wala ring tingin sa amin, pero parang nag-iba ang hangin sa kusina. Walang umimik maski si manang, saglit na natigilan bago nagpatuloy sa pagwawalis pero hindi rin nakatiis. “Grabe, ang tahimik talaga ng batang iyon,” bulong niya. Tumango lang ako bilang sagot. Oo nga, tahimik siya. Pero kahit wala siyang sinasabi, parang may naiwan siyang marka. Hapon na at nakahiga lang ako sa maliit naming kwarto. Hawak ang sketchpad at lapis sa kamay, habang gumuguhit ng bougainvillea na diniligan ko kanina. Bawat talulot, bawat kurba ng sanga, pinilit kong alalahanin. Habang gumuguhit, biglang pumasok na naman sa isip ko ang mga kwento tungkol sa Madriaga. Isang pamilyang kasing yaman daw ng lupang tinataniman nila. Laging malayo, pero palaging nakikita. Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing naiisip ko sila lalo na si Sir Zed ay parang may kakaibang bigat na dumarapo sa dibdib ko. Hindi siya yung tipong hahanapin mo. Pero kapag dumaan naman siya, hindi mo rin kayang hindi mapansin. Nakatitig ako sa sketch pero ang isip ko, bumabalik sa tunog ng sapatos niya kaninang umaga. Ang paraan ng pagdaan niya, parang wala lang. Pero nag-iwan kakaibang pakiramdam sa'kin. At bago ako nakatulog, isang tanong ang naiwan sa isip ko. Ano kaya ang pakiramdam na pumasok sa mansyon, hindi bilang anak ng hardinero... kundi bilang taong may puwang sa loob nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD