Kung babalikan ko ang nakaraang taon, parang maikling pelikula lang siya na paulit-ulit tumatakbo sa likod ng isip ko. Puro araw. Puro hangin. Puro halimuyak ng lupa. At sa gitna ng liwanag ng San Felipe, may mga pangalang dahan-dahan kong nasanay banggitin sa loob-loob ko. Si Sofia na laging humihila sa akin papasok ng mansyon. At isang boses na mababa, malinaw, iilang salita lang pero ramdam ko hanggang ngayon. Hindi ko binabanggit kung ano iyon. Hindi ko binibigyan ng pangalan. Hindi ko rin sinasabi kaninuman. Pero alam kong totoo—gaya ng gaan ng kamay ko tuwing humahawak ng bagong usbong na halaman. May mga gabi na mas mahaba kaysa iba. Sa veranda, gumuguhit ako habang bukas ang ilaw sa study. Doon siya nakaupo, nakayuko sa mga papeles. Hindi siya lumingon, hindi rin ako nakatingi

