Kabanata 7

1382 Words

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang, bitbit ko ang lumang sketchpad ko sa ilalim ng kalachuchi ng Madriaga. Ngayon, tapos na ang unang taon ko sa kolehiyo. At sa dami ng nangyari sa loob ng isang taon, pakiramdam ko iba na rin ang Aya na bumalik ngayong summer. San Felipe College never ran out of noise. Ang covered court tuwing tanghali ay parang palengke. May cheer practice, varsity training, org meetings. Sa gilid, may mga naglalatag ng org booths. Sa hallway, may tumatawa, at may nagsisigawan. Ako? Madalas nasa gilid lang at tahimik na gumuguhit habang nakatingin sa mga halaman sa science wing. “You’re always sketching,” biro ni Lianne isang hapon, pawis mula sa cheerleading. “Kaya tuloy lahat ng lalaki dito, curious kung anong nasa isip mo. Hindi ka kasi nagpapakita ng interes

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD