Buong araw parang dumaan lang nang mabilis. Pagmulat ko pa lang ng mata ay gising na si Nanay. Abala na siya kusina. Amoy bawang at sibuyas mula sa adobo at pancit. Sa labas naman, rinig ko ang tunig ng apoy—si Tatay nagli-litson na. Puno ang maliit naming quarters ng amoy na para lang sa mga espesyal na okasyon. Hindi engrande, pero ramdam ko ang saya. “Anak, disiotso ka na,” sabi ni Nanay habang inaayos ang buhok ko. Hawak niya ang suklay na parang hindi na humiwalay sa kamay niya. “Dalaga ka na talaga.” Ngumiti ako saka hinawakan ang kamay niya. “Dalaga po, pero anak niyo pa rin.” Bahagyang natawa si nanay. Kita ang luha sa gilid ng mata na pinunasan niya agad. Si Tatay naman ay nakatayo sa pinto, hawak ang maliit na kahon na parang akala mo'y may lamang ginto. Nang buksan niya yon

