“Aya!” tawag ni Sofia isang hapon. Dala niya ang malamig na juice sa pitcher at dalawang baso. “Come with me by the koi pond.” Napabuntong-hininga ako pero ngumiti. Sumama ako, dala naman ang sketchpad na parang natural extension na ng mga kamay ko. Naupo kami sa tabi ng tubig habang pinagmamasdan ang mga isdang kumikislap sa ilalim ng araw. May ilang koi na halos kulay ginto ang buntot, naglalaro sa liwanag na tumatagos sa pond habang lumalangoy. “Your birthday is coming,” panimulang sabi niya na halos sumisigaw sa tuwa, parang siya ang mas excited kaysa sa akin. “Eighteen! We should do something special.” Napayuko ako at marahang nag-drawing ng linya ng pond. “Wala naman akong balak mag-celebrate nang bongga. Simpleng salu-salo lang sana. Doon sa quarters. Kasama sina nanay, tatay, at

