San Felipe felt smaller when I returned for my second year. Hindi dahil lumiit talaga, pero dahil kabisado ko na ang mga pasilyo ng Science Building. Ang mga maingay na tricycle sa labas ng gate, at ang covered court na dati’y nakaka-intimidate pero ngayon ay parang isa na lang sa mga pamilyar na parte ng araw ko. “Finally, hindi na tayo baby batch,” masayang bungad ni Lianne habang nakatayo sa harap ng library. Inaayos ang ribbon ng uniform niya. “Finally,” sabay ngiti ni RJ dala ang malaking tumbler. “At least hindi na tayo inuutusan palagi mag-set up ng lab.” Natawa ako, pero may halong kaba. Second year meant mas mabibigat na subjects, mas maraming fieldwork, at mas mahirap na pressure. Pero dala ko na rin ang kumpiyansa mula sa naunang taon. By the second week, balik na rin sa o

