Pagkalabas ko ng ospital, halos hindi ako pinayagan ni Nanay na kumilos. Bawat galaw ko ay may kasunod na paalala. “’Nak, huwag ka munang mapagod.” “Aya, huwag ka munang umakyat ng hagdan.” “Anak, dito ka lang muna sa lilim.” Tumango lang ako sa lahat. Hindi ko rin sila masisi. Halos mawala ako sa kanila. Kaya ngayon, parang ayaw na nilang mawala ako sa paningin nila. Pero kahit gaano kalapit ang pagbabantay nila, hindi maitago ng katahimikan ng summer ang katotohanan. Na bumalik ako rito hindi lang para magpagaling. Bumalik ako sa lugar na minsang nagbigay ng damdamin na hindi ko maipaliwanag. “Aya!” sigaw ni Sofia mula sa veranda. May hawak na dalawang baso ng malamig na juice. “Come here. Let’s draw together. I’ll paint while you sketch. Deal?” Natawa na lang ako. “Ako lagi ang n

