Umaga pagkatapos ng lahat, pakiramdam ko wala na akong lakas. Mabigat pa rin ang dibdib ko mula pa kagabi. Nakaupo ako sa kama habang hawak ang lumang lata na dati pa naming ginagamit ni Nanay para sa mga retaso ng tela. Doon ko nilagay ang lahat—ang bracelet na bigay niya, mga tuyong petals ng rosal at kalachuchi, pressed bougainvillea na minsang binigay ni Sofia, pati mga pahina ng lumang sketchpad na puno ng mga kwento na ako lang ang nakakaintindi. Isinara ko nang mahigpit ang kahon. Para bang sa pagsara ko, kasabay na ring ikinulong ko ang lahat ng hindi ko dapat dalhin pa. Hindi para ipaglaban. Hindi para ipakita. Kundi para itago. “Aya!” tawag ni Sofia. Lumapit siya at agad na umupo sa tabi ko. “You didn’t come when I called you yesterday.” Napatda ako. “Busy lang ako sa quar

