Matapos ang mahabang araw ay kita ko kung gaano kapagod ang lahat. Ang iba ay pinilit pa ring umuwi sa Manila. Pero ako, balak kong bisitahin si Nanay at Tatay. Nakaupo ako sa ilalim ng puno ng chile nang lumapit si Zedrick sa’kin pagkatapos, not minding the eyes following his movements. Tumingala ako at bahagya pang nasilaw sa huling sinag ng panghapong araw. “Any plans?” tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko. “Balak kong umuwi sa’min,” sabi ko. He opened the bottled water in his hand, then offered it to me. Tinanggap ko ’yon saka mabilis na uminom. “Salamat,” bulong ko saka ngumiti. “Then let me join you,” sabi niya pagkatapos. Pagdating namin sa bahay ay si Tatay agad ang nabungaran namin. Nasa labas siya at nagdidilig ng mga tanim niya. Nagtataka pa ang mukha nang tumigil ang ko

