Nang makasakay na kami, marahang humarap siya sa’kin, habang ang isang kamay ay nakapatong sa steering wheel. “Let’s have dinner,” basag niya sa katahimikan, banayad ang boses. Napahigpit ang kapit ko sa seatbelt at wala sa sariling tumango na lang. Nahuli ko ang bahagyang ngiti niya, at marahan siyang natawa bago yumuko para paandarin ang kotse. “So… where do you want to eat?” tanong niya, diretso pa rin ang tingin sa kalsada. Agad akong lumingon sa kanya. “Kahit saan.” God, Aya. Nakagat ko ang dila ko sa sobrang walang kwenta ng sagot ko. “Diyan na lang,” sabay turo ko kung saan. Bahala na. He glanced at where I was pointing, and a grin spread across his face. “At the Jollibee?” Napatingin akong muli. Jollibee nga. Baka hindi siya mahilig sa fast food. Nakakahiya ka, Aya! sigaw n

