TWO

1932 Words
MARIA ISABELLA "Bye, Sean! Hintayin mo ko sa cafeteria after ng class mo ha?" paalam ko sa kaniya.  Naghiwalay na kami ng landas, siya pumunta sa building ng engineering at ako naman sa room ni Sir Henry. Sa lahat ng professors na meron ako, pinakapaborito ko 'tong teacher ko sa Biotechnology. Bukod sa palagi siyang handa at magaling magturo, hindi rin lilipas ang isang araw na wala siyang iiwang life lesson samin.  Nasa kalagitnaan kami ng exam, kakatapos lang ng isang lesson namin sa Bio-Tech. Lahat kami medyo nahihirapan sa pagsagot, paano ba naman 'eh inuna naming lahat yung thesis namin sa Physics. Na-bad trip yata si Sir, hinampas niya yung board gamit yung eraser. "Tigilan niyo na 'yang pagsasagot n'yo. Mukhang wala naman kayong isasagot diyan," sabi niya ng may naiinis na boses. Akala naming lahat, ibabagsak niya kami sa exam na 'yon, magwo-walk out na sana siya, pero bigla siyang napatigil.  "Hindi naman kasi sa exam nakikita kung talagang may natutunan kayo 'eh. Hindi rin sa exam nakikita o nasusukat 'yung intelligence n'yo," sabi niya.  Natahimik kaming lahat kasi hindi namin in-expect na gano'n yung sasabihin niya. "Ga-graduate na kayo, malapit na oh, isang buwan na lang. Papahirapan ko pa ba kayo?" dagdag niya.  "Pag-alis niyo dito, pwedeng hindi na kayo bumalik. Pwede rin na hindi n'yo na ko maalala, pati yung ibang mga prof. dito. Ayoko namang umalis kayo ng wala kayong maalala kahit isang bagay galing sakin. Ito, ito 'yung maaalala niyo sakin. Isang professor na hindi nagbigay ng final exam. Alam n'yo medyo masakit rin 'yon para sa mga teachers. 'Yung pag-alis n'yo, 'pag naging matagumpay man kayo o hindi, hindi na kayo babalik. Kung may babalik man, iilan lang," parang nasampal kami ng katotohanan nung sinabi niya yung mga salitang 'yon. Kailan nga ba namin binalikan yung mga nagturo samin dati?  "Mas masarap mag-aral kesa magtrabaho, alam kong alam n'yo 'yan. Kapag nagtrabaho na kayo, hindi na pwede yung mga ginagawa n'yo dito. Hindi na pwede yung uunahin mo yung isang gawain tapos hindi mo bibigyan ng oras 'yung isa pa. Hindi pwede yung aabsent ka kasi gusto mo lang. Habang nag-aaral kayo, sulitin n'yo na. Galingan n'yo na rin. Hindi n'yo alam, baka kapag tapos niyong grumaduate hindi na kayo magkita ulit ng mga kaibigan n'yo. Madami kayong dapat sulitin habang nag-aaral kayo. Bukod sa allowance na galing sa parents n'yo, yung parents n'yo mismo sulitin n'yo rin. Kapag nagtrabaho na kayo, may chances na bihira na lang rin kayo magkikita kasi magiging busy na kayo,” dagdag niya.  "Ang gusto ko lang i-point out talaga is that, mag-focus kayo sa pag-aaral n'yo. Pero 'wag na 'wag niyong kakalimutang magfocus rin sa buhay n'yo outside the campus. Sa nakikita ko kasi, nilalamon na kayo ng studies niyo. 'Wag niyong hayaan na i-conquer kayo ng mga thesis at exams n'yo, kayo ang magconquer sa kanila. Kasi kung hindi mo bibigyan ng focus 'yung buhay mo sa labas, paano ka na lang kapag tapos ka nang mag-aral?" the reality slapped us really hard.  Sir Henry is right. Tama siya, nagpapalamon kami sa thesis at exams namin. Oo, kailangan mo talagang pumasa para makapagtapos ka, pero hindi sa point na pababayaan mo 'yung outside life mo.  At dahil wala si Sir Henry, pumunta muna ako sa music room. Dala-dala ko 'yung tape recorder na binili ko kahapon. Binabalak kong i-record rito 'yung kantang ginawa ko para kay Sean. Ito 'yung magiging regalo ko sa kaniya sa fifth anniversary namin.  Masuwerte ako ngayon, walang tao sa music room. Walang hahampas ng drums na parang walang bukas. Walang magp-pluck ng gitara na sobrang sakit sa tenga. Marerecord ko na rin sa wakas 'yung minus one ng kanta ko para kay Sean.  Kapag "Sean" lang 'yung tawag ko sa kaniya, nakukuha niya pa kong asar-asarin tapos pagtawanan. Pero kapag "SEAN RILEY CHARLES LEVI CRUZ VILLANUEVA" tatahimik na 'yan. Alam niya nang galit na ko.  Magkabaliktad kami, kapag tinatawag ako sa buo kong pangalan, magpapa-cute pa ko. Gustong-gusto ko kasi 'yon. Pero kapag siya ang tinawag mo sa buo niyang pangalan, ayaw na ayaw niya. Kasi ayaw niya rin na magagalit ako. Hehe.  Si Sean rin ang nagturo sakin na, "Normal lang naman magkamali, lalo na kapag baguhan ka pa lang sa ginagawa mo. Kahit gawin mo yung best mo, magkakamali ka pa rin. Pero kapag nagkamali ka, hindi mo kailangang sumuko agad. Kasi isang beses ka pa lang naman nagkakamali. ‘Yung iba nga daang beses pa, pero hanggang ngayon tuloy pa rin sa ginagawa nila. Tuloy ka lang din, makakayanan mo lahat ng yan." Kaya kapag nagkakamali ako sa mga thesis ko, go lang ako ng go.  Binuksan ko 'yung keyboard. Luma na kasi 'yung piano, nakakatakot na 'yung tunog. Ewan ko ba, simula noong nanood ako ng Insidious at saka Conjuring, takot na ko sa mga lumang piano. Feeling ko kapag may pinindot akong isang key, may lalabas na demonyo tapos sasapian ako.  Si Sean lang 'yung nakakaalam na kumakanta ako. 'Yung iba, akala sabog na sabog at wala sa tono 'yung boses ko. Wala rin siyang idea na ito 'yung ireregalo ko sa kaniya.  Palagi ko kasing binibigay tuwing anniversary namin, sapatos. Kung 'yung mga tatay tunay na anak 'yung mga manok, 'yung mga nanay tunay na anak 'yung mga tupperware, si Sean naman tunay na jowa 'yung mga sapatos niya! Pero okay lang, at least hindi siya naadik sa iba. Hehehehe.  Nagsimula na kong tumugtog. Inabot ako ng limang ulit dahil sa mga nagsisigawang varsity players. Maaga silang nagttraining para sa championship, gusto kasi nila na manalo next year. Lumabas na ako ng music room at tinago ko na sa bag ko 'yung record. "Anong ginawa mo sa loob ha?” napasigaw ako sa takot at gulat dahil sa boses na narinig ko galing sa likod ko, si Sean lang pala. "Sean naman, baka atakihin ako sa puso dahil sayo 'eh!" sigaw ko.  "Aatakihin ka lang kapag inaya na kitang magpakasal, easy ka lang," heto nanaman 'yung hari ng mga walang ka-class-class na mga banat. Hahahahaha!  "'Eh kung hindi kita sabayan umuwi, aatakihin ka?" sagot ko.  "Joke lang naman. Last subject mo na ba 'yung Bio-Tech today, Isabella kong mataray kahit hindi bagay?" tanong niya.  "Yes, last subject ko na. Last mo na ring pang-aasar 'yan! Iiwan na kita," sabi ko sabay takbo.  Para lang kaming mga kinder na puppy love ang datingan habang naghahabulan.  "Uwi na tayo!" sigaw niya.  "Pagod ka na?" tanong ko.  "Pagod ka na bang mahalin ako?" dagdag ko with sad face.  "Timang ka talaga. Halika na, Maria Isabella Alvarez. Treat kita, kain tayo sa labas," edi syempre, go na agad kapag treat.  "Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang humahawak sa bewang ko. This is his way of saying na, "Hoy, akin 'to. Akin lang 'to" to the other boys around. Alam niya kasing madalas ako bastusin ng mga lalaking nakakasalubong ko sa daan, it's his way of protecting me in a very simple manner. And I know that some boys or some "men" rather, are also like this to their girlfriends.  Sino ba namang lalaki 'yung gustong mabastos 'yung girlfriend nila? Sampal raw kasi sa kanila 'yun kapag hindi nila naprotektahan 'yung mga mahal nila, ayun yung sabi ni Sean.  "Pwede ano, one piece chicken tapos nuggets saka iced coffee?" request ko while hugging him.  "Sure, pero ikaw umorder," sagot niya na may nangbibisong mukha.  "Ayaw ko na ngang kumain!" kunware nagtatampo. Hahaha, halos lahat yata ng babae ganito kapag inaasar sila ng jowa nila.  "Joke lang, dito ka na sa tabi ko,” suyo naman niya. Hindi kasi ako marunong umorder. Para akong nilalamon ng cash register, ewan ko ba! Hahaha. Kaya nga bihira ako makakain sa labas. Makakakain lang ako sa mga ganitong fast-food kapag kasama ko siya.  Habang umoorder siya, edi sa gilid lang ako. Para akong tarsier na nakahawak sa stem ng puno at naghihintay sa pagkain ko. Habang kumakain kami, he opened this topic. "Paano kaya kung magkasakit ako? O kaya ikaw? Alam mo 'yung sakit na sobrang lala? 'Yung gano'n," sabi niya.  "Edi magpapagaling," sagot ko. Hindi siya natawa this time sa joke ko. Natahimik lang siya at parang naghihintay sa isang matinong sagot.  "Ah, eh... Sean alam mo namang ayaw kong pag-uusapan 'yung ganiyan diba? Kaya nga ako mag-dodoctor kasi nga gusto ko na gagaling 'yung mga mahal ko. Pati 'yung mga tao na nasa paligid ko,” sagot ko habang hinahawakan 'yung kamay niya.  "Pero Sab, what if?" tuloy niya.  "Kung may magkakasakit man sating dalawa, lalaban dapat. Hindi pwedeng sumuko dahil lang sa sakit. Kasi marami pa tayong pangarap. Madami pa tayong gustong bilhin. Madami pa tayong pupuntahan. Sabi mo pa nga nung high school tayo, gagawan mo ako ng bahay. Kaya hanggat kaya namang lumaban, laban lang," sagot ko.  Medyo nabuhayan 'yung mukha niya. "I'm just worried, love. Kasi I had a dream last night. It's not very clear pero ang alam ko lang, isa sa atin 'yung nagkasakit. Tapos hindi lumaban,” seryoso niyang sagot.  Hindi ko talaga siya kayang makita na ganito, sobrang bigat ng feeling kapag 'yung boyfriend mo malungkot o may iniisip. Hindi ko alam kung ako lang 'yung nakakapansin, pero kapag may iniisip, may problema, o may dinadamdam 'yung mga lalaki, ang tatahimik nila. Matatakot ka na lang kasi hindi mo alam kung ano 'yung nasa isip nila.  Totoo nga siguro 'yung sabi nila mas malaki ang chance na mag-suicide ang lalaki kaysa sa babae. Bakit? Kasi hirap daw silang mai-express 'yung sarili nila. Pero depende rin sa lalaki 'yun.  "Alam mo, sabi nila kapag 'yung mga panaginip mo daw sinabi mo hindi na raw magkakatotoo 'yun," gumawa na lang ako ng excuse para kahit papaano gumaan 'yung feelings naming dalawa. Saka ayon naman kasi talaga ang sabi sakin ng mga kaklase simula elementary. "Hays, basta ha. Kapag may ganoong nangyari, laban lang okay?" sagot niya. Nagpatuloy kaming kumain. Maya-maya, kinuha niya 'yung phone niya at nagyaya siya ng picture. He loves taking photos of every moment we have. That's what I like about him, he likes to capture and record things.  Mabilis na dumaan 'yung mga araw, hanggang sa dumating na 'yung araw ng bigayan ng toga.  "Let's go, ready ka na?" tanong niya.  Nasa labas lang naman siya ng bahay pero tumawag pa sa phone. "Pababa na ko," sagot ko.  He borrowed his dad's car para lang hindi kami ma-traffic. Hassle kasi masyado kapag traffic. Nakarating kami sa campus, at 'yung ibang college students nagsisimula ng magpaalam sa isa't-isa. 'Yung iba nag-iiyakan na kahit bigayan pa lang ng toga. Siguro nga ganoon kalawak ang mundo pagkatapos ng college.  Habang kumukuha kami ng toga, nakasalubong namin si Sir Henry. "Alvarez and Villanueva!" sigaw niya.  Agad namin siyang nilapitan para sa kaniya na kumuha ng toga. While waiting for the gown, biglang nagsalita si Sir.  "Anong balak niyo pagka-graduate?" tanong niya. Sean has clear plans after ng graduation. He already sees his future. Sabi niya pa nga, 'Yung future ko handa na, ako na lang hinihintay’.  He answered, "I will be an engineer, Sir."  "An engineer, huh," sagot ni Sir. "Then create establishments na makakatulong sa ating mga tao. Pati na rin sa nature. That's a challenge, Mr. Villanueva," demand ni Sir Henry.  "Yes sir, I will," confident niyang sagot.  I was silenced for about a minute. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Uhm, sir..", sabi ko.  "Yes? What are you going to do after graduation, Ms. Alvarez?" tanong niya.  "Actually sir, I have no plans yet. Pero I will have plans later on po," sagot ko.  "That's actually good. It's good that you don't plan your life too quickly. But, you know that it is also good to have at least simple plans as guidelines," sabi niya sabay ngiti. Inabot niya samin ang toga, na-feel ko na 'ito na 'yon'. One week pa bago mag-graduation pero parang nakakaramdam na ko ng pagkamiss sa buhay ko habang nag-aaral. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD