THREE

1439 Words
SEAN RILEY's POV Napansin kong naging tahimik si Isabella simula nung tinanong siya ni Sir Henry tungkol sa plano niya sa buhay.    "Huy, bakit naman ang tahimik mo? May problema ba?" tanong ko.    "Wala naman..." malamig niyang sagot.    "Alam ko na, halika na," hinila ko siya papunta sa kotse ni daddy. Tulala siya habang bumabyahe kami. Pero nakuha niyang magtanong kung saan kami pupunta.    "Pupunta tayo kung saan mapapagaan ko 'yung loob mo," sagot ko sabay hawak sa kamay niya. Ilang minuto pa ang nakaraan, nakarating kami sa isang bangin. Mga approximately two hundred kilometers away from Manila.    "Hoy! Tahimik lang ako kasi may iniisip ako pero hindi ko naman sinabi na gusto ko nang mamatay!!" galit niyang sigaw.    "Hahaha, hindi kita dinala dito para itulak sa bangin. Dinala kita dito para gumaan naman 'yung loob mo," sagot ko.  "Paano gagaan loob ko dito, Sean? Ipaliwanag mo nga!” galit pa rin si Isabella'ng mataray kahit hindi naman bagay.    "Bago ako pumunta sa inyo kanina, bumili ako ng mga pagkain sa supermarket. May blanket din akong dala. Picnic tayo, nakakasawa rin kasi kapag puro sa restaurant kumakain diba?" sagot ko.    Nagulat na lang ako nang biglang umiyak si sungit. Niyakap ako habang umiiyak siya, napakababaw talaga ng luha niya. "Bakit ka umiiyak? Ayaw mo bang mag-picnic?" tanong ko.    "Gusto ko, gustong-gusto ko. Sobra mo kong napasaya Sean, I love you!” sabi niya habang umiiyak.  Nilatag ko na 'yung blanket sa damuhan. Siya naman 'yung nag-ayos ng mga pagkain para may hihigaan kami. Nang matapos ang lahat, umupo kami ng magkatabi at saka nagsimulang kumain.    "Alam mo Sean, I envy you," nagulat ako sa sinabi niya.    "Ano? Anong sinasabi mo d'yan?" tanong ko.    "I envy you, kasi ikaw buo na 'yung plano mo para sa future mo. 'Eh ako, wala,” malungkot niyang sagot.   "It's not about having complete plans for the future, love. Alam mo naman yan. It's about being who you are, truly, and making your dreams come true," sabi ko. She leaned on my shoulder.    "Sean," wika niya.   "Yes, love?" sagot ko.    "Promise me isasama mo ko plans mo para sa future ah," sabi niya sabay pakita ng pinky finger niya.    "Promise."  Kinuha ko 'yung journal kong sobrang luma na. "Luh, ano ba 'yan? Notebook mo nung grade one?", tanong niya.  "No, it's not. Sa journal na 'to nakalagay buong pagkatao mo. Actually mga 5 years na rin 'tong nasa akin. Simula pa nung naging tayo. Everytime na may memorable moment tayo, o may unforgettable moment ka, sinusulat ko dito. I record everything. Para 'pag tanda natin, tapos kapag humina na memorya natin, lagi natin matatandaan kung saan tayo nagsimula tapos kung paano natin nalagpasan 'yung mga struggles. Kung gusto mo, pwede rin naman 'tong pamana para sa mga future anak at apo natin. Para may guide sila 'pag nagmahal sila," sagot ko. She smiled so bright, sabay kuha ng journal ko. Nakikita ko sa mukha niya na sobrang saya niya.    "Napaka-thoughtful mo naman, Sean!” sigaw niya. Pinagbawalan ko siyang basahin lahat at iuwi, it's my own record of her. Saka isusulat ko rin 'tong araw na 'to doon sa journal. Ito rin ang balak kong iregalo sa kaniya sa kasal namin. Mas matimbang pa rin 'yung hand written letters at saka mga records mo sa kaniya kaysa sa kahit anong materyal na bagay.    She hugged me tight and returned the journal back and said, "Thank you. Alam mo talaga kung paano ako magiging okay."  Pauwi na kami noon ng mapag-usapan naming mag-travel pagtapos ng graduation. Kahit dalawa o tatlong lugar lang. She suggested Baguio, Tagaytay, Antipolo. 'Eh napuntahan na namin 'yun lahat. Instead of asking her, naisipan kong i-surprise na lang siya. I planned to go to Cebu, Siargao, and Palawan. Mas malayo, mas masaya. Pero mas magastos rin, pero okay lang. Ngayon lang naman kami magt-travel ng malayo. Saka graduates na rin naman kami. I believe that you don't always have to be anxious about money. Kailangan mong magsave ng pera, pero 'wag mong kalilimutang libangin at pasayahin din 'yung sarili mo.  After ko siyang ihatid, I booked airplane tickets online. I booked the tickets one month from now. Para two months before ng fifth anniversary namin, makapaghanda pa ko. Sa sobrang excited ko, nag-check na ko online ng mga hotels malapit sa lugar na gusto naming puntahan.  [Having plans for the future is a good thing. But what's better is that you don't let your plans control you and forbid you from doing the things that you like. Best if you make your plans, your guidelines.] Nakita ako ng bunso kong kapatid habang nagb-book ng plane tickets. "Kuya, aalis ka?" tanong niya. "Oo, Edward 'eh. Aalis kami ng Ate Sab mo," sagot ko. Medyo nalungkot 'yung mukha niya. Ako lang kasi kalaro niya dito sa bahay. Dalawa lang kaming magkapatid ni Edward. 20 years old ako, siya naman 6 years old pa lang.    Edward Christian Isaac William Villanueva, syempre kapatid ko 'yan kaya mahaba rin pangalan niya. "Hindi ba ako p'wedeng sumama kuya?" tanong niya ng may malungkot na mukha.    "Hindi pwede, Edward 'eh. That's too far, tapos matagal pa bago kami uuwi. Kung isasama kita, mamimiss mo sila mommy," sabi ko.  "Okay, then..." sagot niya ng may malungkot na mukha.    "Hmm, pa'no kung uwian na lang kita ng mga pasalubong? Besides, marami naman kaming pupuntahan ni Ate Sab mo. Anong gusto ng bunso ko?" tanong ko.    Ngumiti siya, mukhang naging excited, "Kuya I want toys from those places ha," he answered. "Pero kahit wala ka ng uwi na toys kuya, basta umuwi ka lang ng safe, I am glad," dagdag pa niya.  "Awww, hayaan mo Ed uuwi si Kuya ng safe okay? And here's the thing. You can't tell Ate Sab kasi it's a surprise," pangongontyaba ko.    "Okay kuya!", sagot niya sabay nakipag-apir sakin. He came back to his room, it's 10PM. Gabi na rin kaya pinatulog ko na siya.    A few minutes later, Isabella called. "Hello, love?" sabi niya. "Are you asleep? Did I wake you?"  "No, you didn't. Actually magh-halfbath pa nga lang ako. What made you call, mahal?", I asked. "Wala lang. I just want to thank you for today..." she answered.  "Are you happy?” tanong ko.  "I am genuinely happy. Siguro kung hindi dahil sayo, wala na kong nagawa kundi magmukmok at umiyak," she replied.  "What am I going to do without you?" dagdag pa niya.  "Hmm, ano nga bang magagawa mo kapag wala ako? Hahahaha!" sabi ko. "Well, isa lang 'yan. Siguro magkakagulo ka sa decisions mo."  "Grabe ka naman! Kaya ko namang gumawa ng mga decisions, hindi nga lang accurate lahat," sagot niya. "I'm just kidding, silly. I know you can do everything, make great decisions, and such. You just need time," sagot ko.  Isabella, like any other girls out there, alam kong may kakayahan. Deep inside, alam kong may kaya silang patunayan. Hindi pa lang siguro nila nailalabas o nalalaman, pero everything takes time.  Lumipas ang gabi, nagising ako in the middle of the night, calling her name. Dumadalas 'yung weird dreams ko simula nung nag-usap kami tungkol sa gagawin namin sa anniversary namin.    "Isabella?" ang naalala ko lang sa panaginip ko ay hinahanap ko siya.  "Isabella?! Isabella?!!" wala akong tigil sa kakasigaw ng pangalan niya. In my dream, I am just calling and searching for her. Pero hindi ko siya nahanap doon.   Nagising ako, I sent her a message sa sobrang pag-aalala ko na baka may nangyari sa kaniya. Kahit alam kong hindi siya magrereply sa messages ko, I kept on texting her. Lumipas ang isang oras, I fell asleep again. In that very same night, I had two weird dreams. 'Yung pangalawang panaginip ko, na para bang continuation ng panaginip ko kanina.  "Isabella?! Isabella!!" this time I found her.  I was about to hold her shoulder. She’s turning away from me. Pero may pumigil sakin na hindi ko alam kung ano. Basta hindi lang ako makalapit sa kaniya. Nakatalikod siya, at parang hindi niya naririnig 'yung mga sigaw ko. Tatlong beses kong isinigaw ng malakas ang pangalan niya.  "ISABELLA!!!" she didn't looked back.  "ISABELLA!!!!" I screamed louder. I think she heard me this time. Tumagilid siya na para bang hinahanap kung saan galing 'yung tunog na naririnig niya.  "ISABELLA!!!!!" she looked at me. She saw me. She saw me in tears. This time, nakita ko siya. Pero nakangiti lang siya sakin.    Hindi niya ko nilapitan.  She just smiled, and at that very moment, she disappeared.  It was just like a glimpse of her.  [The scariest thing in the world, probably, is losing the one you love so quickly that you have never even get the chance to say 'good bye' or 'I love you'.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD