MARIA ISABELLA
7:00AM, nagising ako ng sinag ng araw na tumama sa mukha ko. I was about to get up and get ready para maghanap ng susuotin sa graduation namin two days from now, nang makatanggap ako ng tawag.
"Good morning love," bati ko.
"Okay ka lang ba? May nangyari bang masama sayo? Maayos ka bang nakatulog? Please tell me!" nagmamadali niyang sabi.
"Sean! Calm down! Okay lang ako. Kakagising ko nga lang, ang ganda ganda nga ng gising ko tapos ikaw natataranta ka. Ano bang meron? Bakit mo ko tinatanong ng ganiyan?" tanong ko. Naguguluhan ako, ngayon ko lang narinig na ganito yung boses ni Sean. Sobrang nag-aalala yung tono niya na parang hindi siya nakatulog sa pag-aalala.
"Nothing... Okay na ko ngayon na nalaman kong okay ka," sabi niya.
"No. Tell me what happened," cold kong sagot. I need to know what happened, hindi ako sanay na ganito siya sakin.
"I'll explain later. Mag-ready ka na, susunduin kita d'yan para alam kong safe ka palagi," sabi niya.
"Fine," I said and then I ended the call.
Ngayong araw, plano naming bumili ng susuotin namin sa graduation. Nagbabalak din kami na bisitahin 'yung lola niya sa sementeryo. He loved his lola very much. Si Sean 'yung typical na laking-lola. And automatic kapag laking-lola, sweet, malambing, at maaruga. Iba daw talaga kapag sa lola ka lumaki.
Sean's mom, Tita Myla, worked abroad after his 8th birthday. Matapang na bata si Sean noon, and he's very independent. His dad was also working overseas. Kailangan sumunod ni Tita Myla kay Tito Ian kasi sarili nilang business 'yun. Hindi daw kinakaya ni Tito mag-isa. Left with his grandmother, lumaki siyang matalino at masipag.
That's what I like about him. Marunong siya umintindi ng sitwasyon na nakakaharap niya. Kahit alam niyang hindi niya kakayanin, he keeps on understanding. Kasi ang mindset niya, 'everything will be fine', at 'everything has a reason'. He knows that there's a reason for his suffering. He knows that there's hope in everything. He knows and he believes that after the rain, there's always a rainbow. Kailangan mo lang maging optimist sa lahat ng bagay. Hopefully, gamit 'yung mga pinaniniwalaan niya sa buhay, naging piece of cake lang sa kaniya lahat ng problemang kinaharap niya. Kung lahat siguro ng tao magaaral kung paano maging positive at magtiwala sa sarili, siguro walang taong may depression. Walang taong may anxiety. Walang mga taong pinatay ng kalungkutan. At some point, mahirap din ‘yun, pero positivity is always the key to a happy life.
10AM, dumating si Sean. Suot niya 'yung polo shirt na niregalo ko sa kaniya nung birthday niya. White polo shirt, gray three-fourth shorts, and white shoes. Pormahang pogi!
Nakita ko siyang nagmano kay mommy pagbaba ko. Pagtingin niya sakin, natulala siya. Looks like he was startled kasi first time ever kong nag-tube top. I don't know kung yung pagtahimik niya, maganda 'yung suot ko o galit siya kasi ayaw niyang nagrereveal ako Papayagan niya naman siguro akong magsuot ng ganito ngayon.
"Shall we?" sabi ko.
“Let's go, madamme," sagot niya. Parang ewan nga si mommy habang nakatingin samin. Kinikilig, hahahaha. Ang cute talaga kiligin ng mga nanay. Nang makapasok na kami sa kotse, tinitigan niya ako ng masama.
"Oh, what's wrong?" tanong ko. "Hindi ba ako maganda?"
"Why did you wear such a top? Sab naman," he complained.
"Oops, you are not answering my question. Hindi ba ko maganda?" pangungulit ko.
"You are gorgeous," sagot niya.
"'Eh 'yun naman pala 'eh. Gora na beh!" sabi ko.
"Hmm, who cares if you're wearing clothes that are too revealing? It's fine. I can fight naman," he said.
But I felt something's wrong pero binalewala ko.
Una naming pinuntahan ang lola niya sa sementeryo. Walang masyadong tao kaya nakapagmuni-muni kami.
Nilapag niya ang mga bulaklak at kandila sa puntod ng lola niya. "Nanay, miss na kita," he said. Hindi niya siya umiiyak ngayon, 'di tulad ng dati. Siguro, he learned to let his lola go.
"Alam mo Nanay, may kasama akong bisita ngayon. Hindi mo siya naabutan 'eh, kasi 'di ba nasa 10th grade ako nung nawala ka. 'Eh 11th grade ko siya nakilala. Pero nandito na siya ngayon, 'nay," sabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsabing...
"Nanay, this is Isabella," he looked into my eyes. "Alam mo simula nung iniwan mo ko 'nay, I felt devastated. I suffered depression lalo na't wala ka na at ikaw lang 'yung nalalapitan ko. Noong mga panahon kasi na 'yun, hindi pa ko masyadong close kila mommy. Look at me now, I am happy. I am cured. At dahil po 'yun sa babaeng 'to. Isabella became my refuge, Nanay. Tingin ko nga po, binulong mo kay God na ibigay sakin si Isabella 'eh. Hehe. I know that you are in great hands now Nanay. Puwede po bang pakisabi kay God na sana si Isabella na 'yung the one ko? Thank you so much Nanay.
Miss na miss na kita."
When Tita Myla and Tito Ian went abroad, naiwan si Sean sa lola niya. Minsan lang umuuwi parents niya, kapag recognition at graduation lang. Kahit nalungkot si Sean, inintindi niyang para sa future niya ang ginagawa ng mga magulang niya. Lagi siyang iniispoil nila Tita Myles tuwing uuwi sila, pero hindi niya piniling maging spoiled lalo na't nung mga panahon na 'yun, siya pa lang ang anak.
I felt so proud of him noong kinuwento niya sakin 'yun. It's rare to meet someone na napakaopenminded at marunong umintindi at a very young age. Minahal ko tuloy 'yung lola niya kahit hindi ko nameet. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, alam ko na kaagad na napakabuti at napakamapagmahal ng lola niya.
Ang saya siguro kapag kasama mo 'yung lola mo ano? Hindi ko kasi naranasan. Namatay kaagad 'yung lolo saka lola ko on both sides bago pa man magpakasal sila Mommy.
It is sad, yes. Pero kahit hindi ko naranasan, I'm thankful na 'yung significant other ko laking lola. Malambing, mapagmahal, mabait, hmm ano pa ba? Ito lang kasi 'yung alam kong characteristics ng mga lumaki sa lola.
Pumunta na kami sa isang mall para maghanap ng damit. We prefer roaming at malls than sticking to one clothing brand. Mas okay kasi para samin 'yung nakakapili ka talaga, hindi 'yung kapag alam mong kilalang brand, 'yun na agad bibilhin mo. Ayaw naming kainin kami ng sistema.
Una namin siyang hinanapan ng isusuot. Kapag kasi ako ang nauna, baka sarado na 'yung mall bago siya makabili. Hahaha, minsan naiinis na siya kasi sobrang tagal ko talagang mamili ng damit. Ewan ko, pero tingin ko average ng mga babae talagang namimili ng susuotin nila. May list kasi ako kung bibilhin ko ang isang damit: maganda ang tela, hindi dumihin, pwedeng ibagay sa kahit anong pants, hindi nababanat yung tela, hindi nasisira yung tatak o print kung meron man, at saka syempre yung price. Kung tama ba yung price niya para sa quality niya. It's best to be picky about what to buy. Kesa pag-uwi mo saka ka magsisisi na mali o hindi mo gusto 'yung nabili mo.
Kung sa damit napakamapili ko, kabaliktaran naman kapag libro ang bibilhin ko. I'll buy whatever book na magustuhan ko. Hahahaha, wala ng check check! Naniniwala kasi ako na lahat ng published book, magaganda ang content. Hindi naman ip-publish yun kung walang kwenta yung content.
Nakapili na siya ng susuotin niya. As usual, plain lang. Hindi siya mahilig sa mga printed na damit. He bought red longsleeves, slacks, and a pair of black leather shoes. Fan siya ng ZARA. Pagtapos niyang magbayad, parang tinatamad na siya agad. Hahaha, alam niyang matagal akong pipili ng susuotin ko.
Bago kami bumili ng damit ko, nag-aya siyang kumain. Habang kumakain kami, naalala ko 'yung pagtawag niya sakin kaninang umaga.
"Hey, let's talk," sabi ko. "Nabasa ko messages mo. Why did you messaged me at 2AM? Hindi ka natulog kagabi?"
"I'll be honest, Isabella," he said. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Since we talked about our plans after ng graduation, nag-start akong magkaroon ng mga weird na panaginip tungkol sayo. Paulit-ulit lang simula umpisa."
"Sa panaginip ko, palagi kitang hinahanap. Hinahanap kita pero hindi kita makita. Basta sigaw lang ako ng sigaw ng pangalan mo. Kagabi, napanaginipan nanaman kita. Sa pagkakataong 'yun, nakita na kita," kwento niya.
"'Yun naman pala 'eh, bakit parang balisa ka?" tanong ko.
"No, Isabella. That's not the end," sabi niya.
"Nakita kitang nakatalikod. I was about to reach you pero may pumigil sakin. Hindi ko alam kung ano. Pero hindi kita malapitan. Wala akong magawa kung hindi sumigaw lang ng sumigaw para marinig mo ko. Nung unang sigaw ko, wala kang narinig. Nung pangalawang sigaw ko, parang alam mo na na may tumatawag sa pangalan mo. Nung pangatlo, nakita mo ko. Nakita mo ko pero hindi mo ko nilapitan. 'Yung itsura mo para kang nagpapaalam. Ngumiti ka lang, tapos bigla ka na lang nawala." "So it was just like a glimpse of me, then?" tanong ko.
"Yes."
I'm trying to figure out what his dream means. Hinintay niya akong matapos sa pagkain bago siya nagsalita ulit.
"Sab?" tanong niya. Hinawakan niya 'yung kamay ko tapos inayos yung buhok ko.
"Promise me na mag-iingat ka palagi. I know that dreams are just dreams. Walang connect sa totoong buhay."
"I promise. Ikaw rin, 'kay?" sabi ko sabay halik sa kamay niya. The heavy feeling we had, faded away. Medyo magaan na ulit ang pakiramdam namin. Ayaw namin na 'yung simpleng dream niya, maapektuhan 'yung masayang araw namin. After an hour of choosing between 5 dresses, nakapili ako ng tatlo. Hindi ko kinaya i-alis 'yung dalawa kasi bet ko talaga. Kaya binili ko na. Magagamit ko rin naman for other occasions.