Panaginip na naman! Jusmiyo!
Hingal na hingal akong napabangon. Pakiramdam ko tuloy ay tumakbo ako ng 1000 meters.
Napagtanto ko na ala cinco pasado pa lang ng umaga. Masyado pang maaga.
Nanaginip na naman ako. Muli na namang dumalaw sa panaginip ko si blur man. Bakit gano'n? Malinaw naman ang istura niya pero bakit biglang na naman naging blur ang mukha niya sa utak ko ngayon. Kung kailan naman gusto kong alalahanin, jusmiyo!
Sa pagkakataong ito ay si Alford ang na sa isip ko dahil sa panaginip na 'yon. Kung paano kami mag-usap ni Alford noong isang araw sa Valencia de Estrito ay ganoon din kami ni blur man sa panaginip ko. Sa tuwing patuloy kong iniisip na si Alford at si blur man ay iisa, ang kirot sa dibdib.
Sumasabay pa 'yong utak ko na parang binabaunan ng turnilyo.
Maya-maya ay nabalik ako sa realidad, naalala ko na naman 'yong tungkol kagabi. Ang mga katotohanan tungkol sa 'min ni Mama na kailangan kong harapin na puno ng tapang. Paano ba naman kasi? Hindi na nga ako sanay na mawalay sa kanya, tapos mawawalan pa kami ng komunikasyon. Hanggang kailan kaya? 'Yon ang bagay na 'di ko naitanong kay Señora.
Maya-maya
Sa kalagitnan ng pag-iisip ko ay biglang pumasok dito sa kwarto ko si Mama Carol.
"Ms. Ferreira, pinatatawag ka na ni Señora at Señor para sa umagahan." Bungad sa 'kin ni Mama Carol.
"Salamat sa paalala Mama Carol, susunod na po ako." pagkasabi no'n ay agad akong bumaba sa 'king kama.
"Oo nga pala, nakausap mo ba si Señora kagabi?" tanong nito kaya napaharap ako sa kanya.
"Opo." ngumiti ako kahit ang totoo ay nakalulungkot ang mga bagay na nalaman ko.
Maya-maya lang ay nagulat ako dahil bigla akong nilapitan at niyakap ni Mama Carol.
"Alam ko ang dahilan ng kalungkutan mo Anak. Alam ko rin sa pakiramdam na mawalay sa kaisa-isang mahal mo sa buhay. Hindi mo maaaring kausapin ang Mama mo, 'di ba? Huwag kang mag-alala, pansamantalang ako muna ang 'yong Ina." sa pagkakataong ito ay muli kong naramdaman ang yakap ng isang Ina, na siyang dahilan upang kahit papaano ay maramdaman ko na hindi ako nag-iisa.
"Maraming salamat po, Mama Carol." sa wakas ay totoo na ang aking mga ngiti.
"Kung kailangan mo ng isang Ina o kaibigan, nandito lang ako, 'wag kang mag-alala dahil mananatili akong tapat sa 'yo Ferreira," sambit niya.
Bakit parang may iba siyang gustong iparating?
"Mama Carol, ano pong ibig niyong sabihin sa… mananatili kang tapat sa 'kin?" pagtataka ko.
"Anak makinig ka sa 'kin ah? 'Wag mong hahayaan na saktan ka o abusuhin ng kahit na sino rito sa loob ng palasyo, maipapangako mo ba 'yan sa 'kin?" seryoso ang kanyang pagkakasabi.
"Oo naman po. Teka lang po, sino pong tinutukoy niyo? May nagbabalak po ba na manakit sa 'kin rito?" nakakunot noo kong tanong.
Tatlong segundo ang lumipas bago siya umiling.
"Gusto ko lang na mas magtiwala ka sa sarili mo. Kahit pa mabuti ang pinakikita nila sa 'yo, 'wag mong ibibigay ng buo ang tiwala mo sa kanila, Ferreira." huminga siya ng malalim bago muling ituloy ang kanyang sasabihin. "Madaling ngumiti at magbitaw ng mabulaklaking salita, para lamang makuha ang loob ng isang tao at pagtakpan ang hindi magandang binabalak. Mag-iingat ka palagi," sunod-sunod na sinabi ni Mama Carol.
"Hindi ko man alam ang eksaktong punto niyo Mama Carol, naiintindihan ko pa rin ang gusto niyong iparating sa 'kin. Maraming salamat po,"
nakangiti kong sinabi bago siya tuluyang umalis.
Sinimulan ko nang ayusan ang aking sarili.
Sa aking pagbaba ay naabutan ko si Señora at Señor. Si Nazario ay tulog pa rin at sure ako na mamaya pa 'yon magigising.
Walang bago, ganoon pa rin ang pakikitungo nila sa 'kin lalo na si Señora sa kabila ng mga pinag-usapan namin kagabi.
Kinumusta lang nila 'ko at maya-maya lang ay natapos din kami sa pagkain.
Kasalukuyan akong nakatayo rito sa terrace at nakamasid lang sa paligid. Kitang-kita ko ang nasa harap ng main gate, naalala ko si Alford. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Saan ba kasi siya nakatira? Napakarami kong tanong tungkol sa kanya pero kapag magkasama kami, lahat ng tanong na 'yon ay nakakalimutan ko. Para bang nakatuon ako sa kanya palagi. Ang saya ko kasi 'pag kasama siya, sana gano'n din siya. 'Di bale susulatan pa rin niya 'ko ng letter mamaya, at sa oras na matapos ang photoshoot at meeting ay agad ko siyang tatawagan.
Matapos kong isipin si Alford ay sumagi na naman sa isip ko si Mama. Sana ayos lang siya at hindi malungkot, hindi gaya ko.
Napagdesisyunan ko na umakyat muna sa kwarto, aalis na rin kasi kami mamaya.
Aakyat na sana ko sa second floor pero napagtanto ko na walang tao rito sa first floor kaya maglilibot ako sandali.
Kasalukuyan akong naglalakad ako sa first floor, napakalaki talaga ng palasyo na 'to. Akala ko dati ay hindi totoo ang palasyo at kathang isip lamang ngunit ngayon ay narito ako mismo na may malaking responsibilidad.
Habang ako'y naglalakad, damang-dama ko ang kapayapaan pero bakit katumbas ng bawat paghakbang ko ay ang damdaming 'di mawari kung bakit nagsisimula na namang kumirot. Sa bawat sulok na madadaanan ko ng tingin ay mas lalo akong natatagalan sa paglalakad. Para bang may magnet na awtomatikong inihihinto ang paa ko.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.
Pagkarating ko sa dulo ay tumambad sa 'kin ang bukas na kwarto, pumasok ako rito at laking gulat ko dahil naabutan kong nananahi si Laura, ang babaeng kasambahay dito na laging nakatitig sa 'kin.
"Buenos días, Señ-"
"Ferreira."
"You can call me Ferreiray," nakangiti kong sinabi kahit 'di ako sure kung naintindihan niya 'ko.
"I'm sorry, did I bother you?" nananahi kasi siya ng bag na may wakwak sa hawakan.
Hindi niya 'ko sinagot.
Bakit siya nakayuko? Hindi ko naman siya pagagalitan.
Naisip ko na, bigyan ko kaya siya ng bag? Tutal hindi ko naman na magagamit ang mga 'yon. May dalawang bag kasi akong dala rito sa Spain na hindi ko na magagamit.
Agad akong lumabas ng kwarto niya at dali-daling umakyat sa kwarto ko. Pagkarating dito ay agad kong hinalungkat ang gamit ko at sa wakas ay hawak ko na ang bag na ibibigay ko kay Laura.
Mabilis akong bumaba sa first floor at dumiretso sa kwarto ni Laura.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay nagulat ito, siguro ay nagtataka siya kung bakit ako bumalik at may bitbit na bag.
"Hey, for you. Hindi ko na kasi ginagamit 'yan. 'Wag ka mag-alala 'di ko ipababayad sa 'yo yan." nakangiti kong inabot sa kanya ang bag na nabili ko pa sa Sm Villa.
'Di rin naman niya naiintindihan ang mga sinabi ko kaya wala ring saysay pero atleast sa reaction ko at way ng pagsasalita ay maramdaman niyang sincere ako at hindi nanghihingi ng kabayaran k kapalit.
Sa wakas ay kinuha niya ang bag at nakita ko na siyang ngumiti. Pero bakit ba parang takot na takot siya sa 'kin? Nakayuko siya sa hindi ko maipaliwanag na rason.
Maya-maya ay naisipan ko na ring lumabas at dumiretso sa 'king kwarto. Naligo ako at muling nag-ayos bago bumaba.
Pagsapit ng ala seis pasado ng umaga ay bumaba na ako kaya naman agad akong sinalubong nina Señora at Señor. Si Nazario ay natutulog pa at mukhang pagod siya dahil mas marami siyang inasikaso kahapon. Mamayang 9:30 ay susunod din siya sa Royal Residencia de Madrid.
Sa kalagitnan ng biyahe, napansin kong gano'n pa rin naman ang trato sa 'kin ni Señora. Patungo kami ngayon sa Savanna Model Agency at saktong alas nueve ay matatapos rin ang photoshoot ko kung kaya't didiretso naman kami sa Royal Residencia de Madrid para sa pagpupulong kasama ang pamilyang Alvaro at iba pang nakatataas na posisyon.
Mahigit 20 minutes ang biyahe sa wakas ay nakarating na kami rito.
Pumasok agad kami sa loob ng Savanna Model Agency at pinagpalit na 'ko ng damit. Isang long back bohemian dress ang suot ko ngayon.
Inayusan na ako ng dalawang babae, isang make up artist at hairstylist.
Sinimula na 'kong lagyan ng cream, matte foundation, eye brow, eye shadow, at lipstick na may pagkalight brown ang color para natural sa lips at bagay sa outfit ko. Hindi na nila ko nilagyan pa ng eye lash extension dahil mahaba na raw ang pilikmata ko, kahit ang kilay ko ay 'di ko na pinaayos at baka lalong kumapal, jusmiyo ayusin na nila lahat sa mukha ko 'wag lang ang pinakamamahal kong kilay. Naka-curl na rin ang buhok ko ngayon at sa wakas ay natapos din akong ayusan.
Nasa tapat ko na ang mga camera, ang mga spotlight ay nakatutok sa 'kin.
Magsisimula na, finally!
Hindi pa man nagsisimula ay nalay na agad ako hanggang sa tuluyang nang mag-umpisa.
Paiba-iba ng pose, nakakalito ah!
"Smile! Fierce! Good! Okay, cross your arms. Smile! Bend your left knee. Fierce! Beautiful! Now put the sunglasses in your mouth. Smile! Okay, good! Now, turn your head on the right side! That's it. That's it. Okay, look up. Look down. Look at me. Smile again! Side view! Pout! Smile again!"
Akala ko ay madali, akala ko simpleng ngiti lang ay magagawa ko ng husto ang photoshoot na ganito. Napagtatno kong nakakapagod din pala. Tipong kada maling anggulo ay uulit ako sa pose ko.
Alford Point of View
Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse ko rito sa tapat ngayon ng Savanna Model Agency. Sinundan ko ang sinasakyan ni Ferreira kasama ang kanyang Señor at Señora dahil may photoshoot siya ngayon.
Inaantay ko ngayon si Lenard dahil may ipagagawa ako sa kanya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay natatanaw ko na siya sa bintana ng aking kotse bitbit ang isang paper bag na naglalaman ng chocolates at pati ang best seller namin na cake and pastry. Tinted kasi 'tong kotse ko kaya ang na sa loob lang nitong kotse ang makakakita ng mga taong na sa labas.
Agad kong binuksan ang binata ng kotse para kausapin si Lenard
"You know what to do. Go." pagkasabi ko no'n ay agad naman ito umalis at nagsimula na maglakad.
Nakatingin lang ako kay Lenard habang siya ay papunta na roon sa model agency. Hanggang sa makapasok na siya rito.
Ferreira Point of View
Katatapos lang ng photoshoot ko ngayon. Nakakalagod din pala. Nakakaubo ng enerhiya pero buti na lang ay nagawa ko. Bukod sa pag-handle ng negosyo ay isa ito sa mabigat kong trabaho at responsibilidad.
Nakaayos na 'ko at ibang suot na ang damit ko na mas classic at medyo formal dahil didiretso na kami sa meeting
"How are you Ferreira? I am sure na nag-enjoy ka, kahit pa medyo nakakapagod."
"Bagay naman sa 'yo ang mga damit ni minodel mo, mas lalong kang magaging sexy at elegante sa paningin ng mga tao. Once na magawan ka ng cover sa magazine, mas malaki ang benefits nito."
tuloy-tuloy ang puri sa 'kin ni Señora Elizabeth habang si Señor ay kausap pa rin ang pamilya ng Alvaro sa telepono.
Maya-maya
Isang babae ang palapit sa 'min ngayon, siya 'yong babae kanina sa entrance way.
"Ms. Ferreira Lorri Villacuel, someone wants to give you this." agad niyang inabot sa akin ang paper bag ikinagulat ko at ni Señora.
"Excuse me? Who's the person you're talking about?" pagtataka ni Señora.
Umiling lang ito senyales na hindi niya alam at saka na umalis. Mukhang hindi nagpakilala. Sino naman kaya? Hindi ba si… Alford?
"I think, that's one of her fans," singit ni Señor. Tapos na pala siyang makipag-usap.
Alford Point of View
15 minutes have passed.
Finally!
Natatanaw ko na si Lenard pabalik sa kinaroroonan ko.
"Sir, naipabigay ko na po." pagtapos no'n ay pinaalis ko na si Lenard.
Ferreira Point of View
Papunta na kami ngayon sa Royal Residencia de Madrid.
Sa wakas ay nakarating din kami! Pagpasok dito ay namangha ako , napakalawak dito sa loob, tapos walang katao-tao.
Umakyat kami sa second floor at dumiretso rito sa room 207.
Nagsimula na ang malalimang pagpupulong ng bawat isa sa 'min nila Nazario, Elena at Randel sa pagsasalita at pagsagot ng mga katanungan na nauukol sa negosyo namin. Kasama din sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo, pati ang mga magulang ng Alvaro. Samo't saring ideya ang pag-iisahin namin upang maging patay at walang lamang mula sa kaalaman, proseso at maging kapital na gagamitin.
"A businessman has to be a constant thinker. He needs to think not only about the profits and losses of his business but about his expansion as well."
"We aim to achieve a comfortable net profit by next year.
"We need to develop and generate production systems for each product classification that are easy to reproduce with new customers to keep it simple, fun and valuable."
"Have a customer relationship system and call plan that will keep us informed of individual customer needs at all times.."
"We have those three objectives because it's the evaluation of how the company or the company provides the service to the satisfaction of the clients."
"In addition, we are in this company to enjoy photography, have fun with people and capture the hearts of all people. We want to make it simple but reliable."
Sunod-sunod kong sinabi hanggang sa nagpatuloy pa ang pag-uusap at pag-d-dicuss about sa business namin kasama ang pamilyang Alvaro.
Bukod pa riyan, kasama rin ang mga taong may nakatataas na posisyon dito sa Royal Residencia de Madrid o sa madaling salita ay ang kilalang Board of Directors sa isang kompanya noong taong 2000 at ito ay ang Línes de Contenedores de España (Shipping Container Line of Spain). Ang kontrata nila ay nakatakda ng matapos sa susunod na taon dahil sa panibagong kompanya na itatayo rin next year, kaya nandito sila ngayon para magpakilala at bigyan kami ng ideya. Sila rin ay nag-volunteer na mag-sponsor samin ng kalahating milyon. Simula nang makita nila 'yong business presentation namin noong unang dating ko rito ay nagustuhan nila ito. Hindi ko nga rin expected na ganito pala talaga kayaman ang mga tao dito.
"I am Antonio Javier Suarez, Chairman of the Board. I often serve as the president of the organization and develop short and long-term goals, plans, and strategies. I am also responsible to lead the company and other employees as well." isang lalaki na akto ang porma sa posisyong binanggit niya. Tingin ko ay 'di lalagpas ang edad niya sa singkwenta
"My name is Dolores Catalina Rubio, and I'm the vice-president who acts as the alternate or second in charge of the President, taking over when he is unable to carry out his duties. I am in charge of managing a functional area of the company as well as the Royal Residencia of Madrid." isang babae na kung titingnan ay napakaseryoso at suplada pero 'pag magsalia ay puno ng ngiti sa labi. Tingin ko ay ganoon din halos ang edad niya. Naalala ko na namn tuloy si Mama.
"My name is Alex Herrero, and I am the secretary who keeps the files and the administration. I'm also responsible for the preparation of the agenda. Records and non-financial legal documents, including articles of incorporation and minutes of historical meetings, are also noted by me." isang babae na sa palagay ko ay 28 pataas ang edad. Kung titingnan siya ay parang napakaamo ng mukha at the way na magsalita siya ay parang napakabait niyang empleyado.
"My name is Conor Romelio Martinéz, and I am the treasurer of a board of directors that keeps the financial records of the organization, signs the audits that the corporate manager or accountant writes, and approves the purchases. And I'm the one who preserves the values of a business." isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edaran niya 'yong secretary na si Alex. Hindi ako nagkakamali dahil may pagkakahawig siya kay Jak Roberto, pero medyo matured ng kalahati.
Pagkatapos nilang magpakilala ay nagpatuloy pa ang usapan. Hanggang sa lumipas ang mahabang oras.
Alford Point of View
Katatapos lang ng meeting namin kasama ang pamilyang Espinosa. Naburyo lang ako sa loob. Isama mo pa ang mga nakauumay na titig sa 'kin ni Daniela. Buti na lang ay maagang natapos.
Paglabas ko ng room 305 ay agad akong nagpaalam kay Mama at Papa na magc-cr lang ako. Ngunit ang totoo ay pupunta ako ng second floor room 207 para tingnan si Ferreira. Kanina ko pa siya actually sinusundan, at nakita ko silang dumiretso sa room 207 kaya ngayon ay doon ako patungo.
Pagbaba ko ay walang katao-tao sa hallway, hanggang sa maya-maya ay halos mag-vertical ako sa gulat dahil biglang lumabas si Señora Elizabeth at Señor Eduardo. Luckily, they're both busy talking with someone. Siguro ay isa sa sponsor nila, gano'n din kami, mayroon ding sponsor ang company namin.
Mabilis akong nagtago at palihim na nakamasid dito gilid, and finally... I saw an angel.
I mean. I saw her…
Ferreira
Kasama niya si Nazario. Nanatiling nakatayo sa tapat ng room si Ferreira. Dumiretso naman sa kabilang room sina Señor Eduardo at Señora Elizabeth. Habang si Nazario ay naglalakad palapit nang palapit sa kinaroroonan ko. Mabilis akong tumalikod.
Maya-maya lang ay nakalayo na siya, muli kong pinagmasdan si Ferreira, kahit ang layo niya ay 'di nauubos ang kanyang ganda.
Habang palihim kong tinititigan si Ferreira ay halata sa mukha niya ang pag-simangot.
Ferreira Point of View
Natapos ang halos dalawang oras na pagpupulong at ang buong akala ko'y uuwi na kami. May kakausapin pa pala sina Señor Eduardo at Señora sa kabilang room at kahit hindi na raw kami sumama ni Nazario ay ayos lang kaya naman nanatili kami sa labas.
Nagpaalam sa 'kin si Nazario na may bibilhin siya saglit kaya naman tumango lang ako.
Habang nakatayo mag-isa, 'di ko maiwasang mainip. Muli na namang sumagi sa isip ko si Alford, nasan kaya siya? Hindi ako sigurado kung magkikita kami ngayon, basta ang sabi niya maghintay lang daw ako. Ang sabi rin niya ay 'wag ko siyang i-text dahil siya na raw ang bahala.
Maya-maya
Biglang may nag-text sa 'kin, iyon pala ay si…
Alford
Him: Hindi bagay sa 'yo ang nakasimangot, kaya ngumiti ka.
Teka, paano niya nalaman na nakasimangot ako?
Me: Paano mo nalaman?
Him: Ramdam ko.
Me: Gusto kong lumabas dito ang kaso lang wala 'kong kasama.
Pagkasabi ko no'n ay 'di na siya nagreply.
Ilang sandali lang ay may tumawag sa 'kin, si
Alford…
"Hello… Alford."
"Ferreira… tumingin ka sa ilalim," sambit niya.
"Huh? Teka, saan?" napayuko tuloy ako para tumingin sa sahig.
"Hindi sa sahig ah, sa first floor ka tumingin." teka nga…
"Paano mo nalaman sa sahig ak-"
"Just do it." tiningnan ko sina Señora at Señor sa room kung nasaan sila. Obvious naman na busy silang dalawa na kausap ang pamilyang Alvaro kaya agad akong naglakad para sumilip sa baba.
"Ilibot mo lang ang paningin mo," sambit niya.
Naguguluhan tuloy ako kung bakit niya pinagagawa 'to sa 'kin.
"Wait… bakit mo pinaga-" para akong naistatwa nang makita ko sa baba si Alford na nakatayo sa tapat ng isang restaurant. Nakatitig siya sa 'kin kasabay ng mga ngiti na tila nagbibigay sa 'kin ng pagkabog sa dibdib.
"Alford…"
Sa pagkakataong ito ay pareho na kaming nakangiti, kahit ang itsura ko ay 'di na maipinta sa tuwa. 'Yong ngiting malawak na tipong masaya at ang sarap maramdaman. Kaya ba ang sabi niya sa 'kin kahapon ay 'wag akong mag-alala dahil siya na ang bahala? Pero bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito at paano niya nalaman na naririto ako?
Ilang segundo lang ay natatanaw ko na si Nazario at pabalik na siya sa kinaroroonan namin kanina kaya naman agad akong tumalikod para hindi niya 'ko makita.
"Alford, parating na si Nazario…" mabilis akong napalingon kay Alford at sumenyas siya sa 'kin na bumaba na raw ako.
Maglalakad na sana 'ko pababa sa 1st floor gamit ang elavator na malapit sa pwesto ko kanina pero 'pag dumaan ako roon ay makikita nila 'ko.
"Ferreira… 'wag mong i-off ang call…"
"Baka maligaw ako…ang daming pasikot-sikot…"
"Sa 'yo lang ako nakatingin, kaya paano ka maliligaw?"
Sh*t! 'Wag ngayon, Alford, at baka... mahulog ako.
I mean baka madapa o matisod.
"N-nasan ka?.. Mag-e-elevator na lang ako roon sa pinakadulo.."
"Alford… nasan ka?…"
Nakasakay nga 'ko ng elevator, bigla naman naputol ang tawag niya. Ito lang kasi ang paraan ko para makababa sa 1st floor na hindi nakikita nila Señora Elizabeth, Señor Eduardo at Nazario. Mag-isa pa naman ako rito at walang ibang kasama. Kung sakaling maligaw ako ay wala akong mapagtatanungan.
Tinawagan ko si Alford at sa wakas ay sinagot niya ito.
"Alford… nasan ka? Nasa elevator na ak-"
Biglang bumukas ang elevator at bumungad sa 'kin si Alford at...
"I told you, sa 'yo lang ako nakatingin."