Chapter 21. Undescribable feelings

1583 Words
Bigla na lang nagpaulit-ulit ang salitang iyon sa 'king utak habang magkatitigan kaming dalawa. "I told you, sa 'yo lang ako nakatingin." "I told you, sa 'yo lang ako nakatingin." Aktong sasara na ang elevator, pero biglang hinila ni Alford ang kamay ko. Pagkalabas ay doon ko na-realized na nakadikit na ang mukha ko sa bandang dibdib niya kaya naman napatingin ako sa kanya. Sa pagkakataong ito ay magkatitigan kami at ang pagpintig ng puso ko ay dinig na dinig ko talaga. Bigla kaming natawa ng sabay. Sa gano'ng paraan ay para bang alam na namin ang ibig sabihin ng isa't isa kahit hindi pa nagsasalita. Tipong sa una awkward pero idadaan na lang sa tawa. "So, are you okay?" tanong niya. "Obviously, I'm fine," nakangiti kong sinabi. Bakit ganito? Kahit 'di ko aminin ay ramdam kong masaya ako kahit pa tarantang-taranta ako kanina at hiningal ako ng kaunti katatakbo ay ramdam kong worth it 'yong pagtakas ko kina Señora at Señor. Nazario Point of View Pagbalik ko sa tapat ng room 207 ay wala na si Ferreira. Saktong tapos na rin makipag-usap sina Mama at Papa sa pamilyang Alvaro. "Mama, where is Ferreira?" I asked. "The last minute I saw her, nakatayo lang siya rito," sambit ni Mama. "Hijo, hanapin mo na sya," dagdag pa ni Papá. Walang gaanong place na pwedeng puntahan sa floor na 'to dahil halos lahat dito ay meeting room o 'di kaya ay Conference room. Dumungaw ako sa ibaba at laking gulat ko dahil nakita ko si Ferreira na may kausap na lalaki pero nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang itsura. "Ferreira!" pagtawag ko rito. Gulat siyang napatingin sa 'kin. Maya-maya lang ay hinila siya ng lalaki at sabay na silang tumakbo. Goodness! Who's that man? Nagmadali akong tumakbo para sundan si Ferreira. "Hijo!" "Nazario! Where are you going?" Paulit-ulit na sigaw ang naririnig ko mula kina Mama at Papa pero hindi ko pinansin ang mga ito. Pagsilip ko sa baba ay wala na sila. Kaya naisip ko na bumalik muna sa kinaroroon nila Mama at Papa. "Hijo, what happened to you?" pagtatanong ni Mama. "I saw her pero… no'ng tinawag ko siya ay may biglang humila sa kanya. I tried to follow them pero nawala na sila sa paningin ko," dismayado kong sinabi. "Humila?! So it means may kumuha sa kanya!" gulat na tanong ni Mama. "I am sure, she can handle herself. Baka naman mali ang iniisip natin at kakilala niya pala 'yon." kalmadong sinabi ni Papa na siya ring nagpakalma sa 'kin. "I agree, Papa. Let us give her time to relax, eventually masasanay rin siya sa mga ginagawa niya, magiging busy rin," tugon ko. Parang kanina lang ay hindi ko naisip 'yon. Pero baka tama si Papa. Maya-maya lang ay biglang dumaan ang pamilyang Cardenas at halatang iritado ang mga ito. Ano naman kaya ang dahilan? "Mishka, ¿dónde está tu hermano?" (Mishka? Where is your brother?) "Dijo que tenía que ir al servicio." (He said he'd go to the restroom.) "Llamarlo ahora mismo." (Call him right now.) Hindi ako maaaring magkamali kahit pa mahina ay dinig na dinig ko ang usapan nila habang naglalakad. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka mamaya ay si Alford ang kasama ni Ferreira, siya nga ba? Teka mali ang naiisip ko, siguro nga ay kaibigan niya lang iyong lalaki kanina. Bakit naman makikipagkaibigan si Ferreira sa lalaking iyon? Siguro naman ay alam niya ang rules and regulations sa loob ng palasyo at maging sa kompanya namin. Kung inaral niya ng maigi ang mga papers na binigay ni Mama sa kanya noong nasa hotel siya, I'm definitely sure na nabasa niya rin pati ang rules and regulations dahil nakasulat din 'yon sa papers na hawak niya noon. Hindi na nag-reply pa si Ferreira kaya naman umuwi na kami. Ferreira Point of View "Hindi ako aware na runner ka pala," sambit ni Alford na ikinatawa ko. 'Di ko rin akalaing makakatakbo ako ng gano'n kabilis kanina. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse. Maya-maya lang ay tinext ko si Nazario. Nazario Point of View Habang naghihintay kami kay Ferreira ay biglang may nagtext sa 'kin, pagkatingin ko ay… Si Ferreira. Agad ko itong binasa. Ferreira: Hi Nazario, it's me Ferreira. I'm sorry kung hindi ko nagawang ipakilala sa inyo ang kasama ko kanina. Alam kong nagulat ka kanina, I'm sorry for that. My bestfriend is a gay kaya nahihiya siya na magpakilala sa inyo. Don't worry, I'll go home later, besides hindi naman ako nakalilimot sa mga responsibility ko as your partner. Kailangan ko lang na samahan siya ngayon, pakisabi na lang kay Señora Elizabeth at Señor Eduardo. I'm really sorry. Anyway, thank you in advance. See you later. Nang mabasa ko 'yon ay agad kong sinabi kina Mama at Papa. Napatawa naman sila pareho. Napagdesisyunan namin na umuwi na muna sa palasyo at doon na lang antayin si Ferreira. Ferreira Point of View Sa wakas ay nakarating na kami sa lugar na pupuntahan namin. Dinarayo raw ito ng karamihan, 'yon ang sabi ni Alford kanina habang nasa biyahe kami. Pagbaba sa kotse ay agad bumungad sa 'kin ang napakalaking puno at napakaganda ng dekorasyong nakalagay sa bawat gilid nito. "Woooow! Ang ganda!" natutuwa kong sinabi. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng puno na napapaliguran ng makulay na dekorasyon. Ngumiti lang si Alford sa harap ko at saka na kami tumuloy sa may bandang kaliwa kung saan naroon ang entrance way. Pagpasok namin sa entrance way ay bumungad ang isang hardin na kung titingnan ay para bang paraiso sa sobrang lawak at ganda. Maraming mga mushroom seat with table, mga naglalakihang puno at naggagandahang bulaklak na iba't iba ang kulay sa paligid. Ang nakapaskil dito sa itaas ay Quierra Jardin. "Ang ganda rito Alford!" masaya kong tugon habang pinagmamasdan ang kabuuan ng paligid. "Oo tama ka. Ang ganda sobra." pagtingin ko ay nakatitig pala siya sa 'kin. Sh*t! Bigla tuloy akong napatahimik ng wala sa oras. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gitnang bahagi, mayroon ding nakapaskil at ang nakalagay ay Quierra River. Bumungad sa 'kin ang mga pulang bulaklak na nakapaligid sa isang River. Napakalinis ng tubig at kitang-kita ang mga batong nasa ilalim pati ang mga maliliit na isdang lumalangoy rito ay nakaaagaw-pansin. "Ang sarap nila pagmasdan noh?" nakangiti kong tugon kay Alford. Bakit gano'n? Nakatitig na naman siya sa 'kin, "Ang sarap ngang pagmasdan, para bang nawawala lahat ng problema mo. Isang tingin lang, lahat ng bigat sa kalooban mo ay unti-unting nagiging bula at napapalitan ng tuwa." Seryoso siyang nakatingin sa 'kin habang ang dibdib ko ay nagsimula nang kumabog. Hindi ko tuloy alam ang susunod kong sasabihin kaya nginitian ko na lang siya. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa gitna ng mga naglalakihang puno at mga bulaklak na kulay pula. Bakit napansin kong kanina pa nakatitig sa 'kin si Alford? Para bang may gusto siyang itanong o sabihin sa 'kin. Kapag tiningnan ko siya ay bigla naman siyang ngumingiti tapos biglang lilingon sa ibang direksyon. "Ferreira… mahalaga ba para sa 'yo ang itsura ng isang tao?" "Kailangan ba maging presentable sa harap mo ang isang tao, para lang pagkatiwalaan mo siya?" sunod-sunod na tanong ni Alford. Sabi na nga ba ay may gusto siyang itanong. Ngumiti ako sa kanya habang patuloy kaming naglalakad, "Wala akong basehan para pahalagahan ang isang tao. Once you entered in my life, that's it." "At kahit sino pa siya… tanggap ko 'yon." sunod-sunod kong sinabi. Sa pagkakataong ito ay napahinto kami, sa gitna pa mismo ng mga naggagandahang bulaklak na kulay rosas. "P-paano kung ang taong kaharap mo ay may suot na maskara? P-paano kung ang taong lagi mong kasama, ay h-hindi mo pa pala talaga kilala? N-nagagawa niya lang naman ang bagay na 'yon… dahil ayaw ka niyang mawala… d-dahil gusto ka niyang protektahan palagi." "Will you stay with him?" sunod-sunod na sinabi ni Alford na siyang nagpalakas sa pagkabog ng dibdib ko. Muli kaming nagkatitigan ng hindi sinasadya. Bakit kahit hindi ko alam ang pinupunto niya ay napakagaan ng loob ko sa kanya? Bakit parang alam ko na agad ang sagot ko, tipong hindi isip ang nagsasabi sa 'kin kundi ang puso ko, na siyang nagdidikta ng tama. "Kung ang pinakamasama o ang maling tao nga ay nagagawang mahalin at kung minsa'y iniiyakan pa, 'yon pa kayang taong walang ibang ginawa kundi magpahalaga?" "Siguro nga't hindi ko pa siya lubos na kilala, pero sa puntong ayaw niya 'kong mawala, doon pa lang ay wala ng sapat na rason para iwan ko siya." nakatingin ako ng diretso sa mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Ang pagkabog sa dibdib ko ay hindi pa rin nawawala kaya naman naglakad ako ng kaunti at pinagmamasdan ang mga bulaklak habang patuloy kami sa pag-uusap. "Hindi ba't nakaka-amaze 'yong ganon? 'Yong taong nagagawang itago 'yong totoo niyang pagkatao hindi para manloko, kung hindi para protektahan 'yong taong gusto niya kahit sa pinakamasakit na paraan." hinaplos ko ang mga bulaklak kasabay ng isang ngiting 'di ko alam kung bakit ayaw magpaawat. Paglingon ko ay bigla na lang kaming nagkabungguan, tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Tumingin siya sa mga mata ko ng diretso at saka muling magsalita at sinabi, "Paano kung ang tinutukoy ko ay ang sarili ko?… W-will you stay with me?" Sh*t! Ang kabog sa dibdib ko ay mas lalo pang bumilis. "Hindi pa kita kilala, pinagkatiwalaan na kita. Paano pa kaya ngayong…" "Ngayong…" "Ngayong.." Napayuko ako sa kaba, sh*t! Paano ko sasabihin? Pagtingala ko sa kanya'y bigla na lamang naging malungkot ang mukha niya. "Ngayong ayaw kita mawala." lagkasabi ko no'n ay bigla na lang bumalik ang sigla sa kanyang mukha. Ang lungkot na nakapinta sa kanyang mukha kanina ay napalitan ng malawak na ngiti at tunay na saya. Nginitian ko siya pabalik, aktong maglalakad ako palayo pero bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para ako'y muling mapaharap sa kanya. "They said, hearts are often broken by words left spoken." seryoso niyang sinabi habang titig na titig sa mata ko. Iba na ang nararamdaman ko sa mga tingin niya. Bigla niya 'kong niyakap ng mahigpit, "Es por eso que estoy aquí… a tu lado en este momento, a decirte que… No te quiero perder, Ferreira." Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero aminado akong magaan ang pakiramdam ko kung ano man ang gusto niyang iparating. Sa pagkakataong ito ay wala akong maramdaman kundi saya, ang tunay na saya, na nararamdaman lamang sa taong lubos mong pinahahalagahan. Alford, ano nga ba ang gusto mong sabihin sa 'kin? Bakit 'di na lang niya ako deretsuhin? Habang magkayakap kami ni Alford, bigla akong napaisip, kung siya nga ba si blur man? Magkayakap pa rin kami… Hindi ako makapaniwalang~ Ikaw ay nasa aking piling~ Ngayong araw na ito ay may isang bagay akong napagtanto, na si Alford ay… Ayokong mawala. Kung panaginip lang ang araw na 'to, ayoko na munang magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD