Chapter 12. The old woman

2361 Words
"Ferreira!" "Ferreira!" Pagmulat ko ay naaninagan ko agad si Alford. "Nananaginip ka kaya ginising kita," sambit niya. "Ayos ka na ba? Kasi kanina bigla kang nawalan ng malay buti na lang may kakilala akong nurse, pinapunta ko siya kanina rito para tingnan ka. Ang sabi niya napagod ka lang daw." bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Bakit gano'n? Hindi naman ako pagod. Napanaginipan ko na naman si blur man, akala ko totoo na. 'Yong heart beat ko sobrang bilis dahil ang panaginip ko ay halos parehong senaryo ngayon sa realidad. Isang dagat na malawak, simoy ng hangin at isang lalaki ngunit malabo ang itsura. Hindi ko alam kung bakit pero tama ba ang naiisip ko? Si Alford at blur man ay iisa? "Oo nga pala, bakit ganon ang reaksyon mo habang natutulog ka? Parang may gusto kang habulin or tawagin pagkatapos ay lumuha ka pa." nagtataka niyang tanong. "Iyong panaginip ko na naman kasi…." "Anong panaginip mo?" tanong ni Alford, bakas sa itsura niya ang pagtataka. "Ah… eh nakakatakot kasi kaya gano'n ang reaksyon ko." kailangan kong magpanggap para hindi malaman. Ayokong bigyan ng kahulugan ang panaginip ko lalo't walang kasiguraduhan. "So are you okay?" he asked. I just nodded. "Uhmm… can I tell you something?" I asked. "Ofcourse, what is it?" kuryosidad niyang tanong. "Will you stop telling me about crazy or weird dreams and nightmare… something like that." pagsegway ko para hindi na niya i-topic ang tungkol sa panaginip, dahil sa tuwing 'yon ang pinag-uusapan namin ay nakakaramdam ako ng panghihina. Hindi ko rin masagot ang mga tanong niya ng maayos gaya kanina. "Sure. Don't worry." mabilis siyang sumang-ayon pero bakit parang napilitan lang siya? "By the way, gusto mo ba kumain or uminom ng water?" tanong niya. "Hindi na, ayos lang ako." Hindi pa kasi niya alam 'yong about kay blur man kaya hindi ko masabi, dahil baka 'pag nagkwento ako ay isipin niyang gaya-gaya ako or nagpapanggap. Palaisipan sa 'kin 'yong panaginip ko na 'yon. Bawat pangyayari sa panaginip ko ay tandang-tanda ko pero isa lang ang hindi ko maalala. 'Yon ay ang salitang paulit-ulit na binanggit ni blur man sa panaginip ko. Hindi iyon salitang Tagalog, alam kong ibang lenggwahe iyon pero bakit gano'n? Lahat naman naaalala ko ngunit iyon lamang ang 'di ko matandaan. Bukod pa riyan, bakit parehong senaryo ang panaginip ko sa kasalukuyan? Ano kayang ibig sabihin nito? Umalis na kami ni Alford sa tabing dagat at nagbabalak pa 'to si Alford na pumunta kami sa lugar na magugustuhan ko raw talaga. Sumakay na kami sa kotse at nagpatuloy sa biyahe. Infairness, walang traffic kaya tuloy-tuloy and andar ng kotse. Alford Point of View Kasalukuyan akong nagd'drive at balak kong dalhin si Ferreira sa Aleja Garden. Sigurado akong magugustuhan niya ang lugar na 'yon, puno ng magagadang tanawin, mga bulaklak na may iba't ibang kulay, mga magandang view 'pag nag-selfie. Ang lugar na 'yon ay tinatawag ding Enchanted Garden. Busog pa raw kasi siya, kaya naisip kong igala muna siya roon. Mabilis lang biyahe kaya konti lang ang pag-uusap naming dalawa. Finally! We're here. Pagkababa ng kotse, kitang-kita ko sa mata niya kung gaano siya kasaya sa nakita niya. "Alford, ang ganda naman dito!" she said with a big smile on her face. Naglakad siya sa gitna na napapaligiran ng mga bulaklak na may samo't saring kulay. Ang kanyang mga ngiti, ang sarap pagmasdan. "Sabi ko na nga ba't magugustuhan mo 'to." "Aleja Garden." Binasa niya ang nakalagay sa harap niya. "Marami pang magagandang view sa loob, shall we?" pag-aaya ko. Tumango naman siya. Hindi ko pa rin talaga lubos akalain na pareho kami ng gusto. Siya lang ang babaeng nakilala ko na mas gugustuhing pumunta sa mga ganitong klaseng lugar kaysa Mall. Mas gugustuhin na makita ang magagandang tanawin kaysa expensive materials. "Ang gandaaa!" "Sobrang ganda! Thank you ah?" masaya niyang sinabi habang pinagmamasdan ang buong palagid. Bakit sumasaya ako kapag nakikita ko siyang nakangiti? "Ferreira…" tawag ko. Tumingin siya sa 'kin "Sorry…" Bigla siyang lumapit sa 'kin, "Bakit ka nags-sorry?" "I'll go back to Spain on thursday… pero 'wag ka mag-alala babalik din ako after a month" pilit ngiti kong sinabi. "Seriously? I am planning to tell you about my flight pero nakakalimutam kong sabihin kasi mas nangingibabaw 'yong saya… lalo ngayon." teka, anong ibig niyang sabihin? "What do you mean by flight?" pagtataka ko. "Alford, luluwas din ako papuntang Spain sa huwebes." nagulantang ako sa sinabi niya. What did she said? Luluwas din siya papuntang Spain? So it means pwede kaming magsabay? "Seriously?!" gulat kong tanong. "Yes," sagot niya." "Can you tell me, bakit ka pupunta ng Spain, 'di ba dito ka sa Cebu nakatira? How about you mom?" tanong ko. "It's a long story e… hays. Hindi ko talaga alam ang tamang sagot pero ang totoo niyan is ako ang representative nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth sa company nila." Para bang may lungkot siyang dinaramdam habang binabanggit niya 'yon. Nakaramdam din ako ng kaunting kaba. Hindi kaya, representative din siya sa isang palasyo gaya ko? "Ferreira, ikaw ba talaga ang representative, kaya pinagkakaguluhan ka ng mga tao sa Residencia Palacio de Josefa Cebu noong isang araw?" kuryosidad kong tanong. Umoo naman siya. Sh*t! Mali ito. Bigla kong naalala 'yong sinabi ni Papa last time bago ako lumuwas dito sa Pilipinas. "Ang buong spain ay may apat na palasyo mula sa apat na pamilya. Ang pamilya mula sa Palasyo natin dito sa Madrid at Bilbao Palace ang magiging isa sa pamumuno ng kumpanya at mga negosyo. Ang Valencia at Malaga Palace naman ang magiging magkasama. Kaya dalawang panig ito na kung saan isa lang ang mananalo. Ang sino man na manalo ang siyang mamumuno sa buong Spain at ang negosyo ng dalawang pamilyang iyon ay mas magiging tanyag sa buong mundo at makikilala ng husto. Pero hindi pa sigurado kung magkakaroon ng pagbabago sa sinabi ko at magkaroon ng pagpapalitan. Malalaman natin lahat sa susunod na linggo." Kung isa siyang representative sa isang palasyo gaya ko, it simply means na siya ang magh-handle sa mga negosyo ng Señor at Señora na tinutukoy niya, pero sino ang isa niya pang kasama? So, kailangan ko pa rin malaman kung ang pamilang kabibilangan ni Ferreira ay magiging kaisa namin sa kompanya at mga negosyo dahil kapag hindi, isa itong malaking problema dahil…. hindi ko siya pwedeng lapitan o kaibiganin man lang. "Uhmm… Ferreira." Pagtatawag ko rito. "Pwede ba 'kong sumabay sa 'yo sa thursday? Don't worry, hindi ako magapahalata kina Señor Eduardo at Señora Elizabeth. Gusto ko lang sumabay, ayos lang ba sa 'yo?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya. Bigla naman siyang humarap sa 'kin. "Oo naman ayos lang sa 'kin na sumabay ka." Naglakad-lakad kami kung saan-saan, pareho pala talaga kami na mahilig sa mga aesthetic view. "Selfie tayo?" Pag-aaya ko. Ayokong palampasin ang araw na wala kaming remembrance. "Tara!" Nilabas ko na agad ang phone ko at dinala sa camera. Lumapit ako sa kanya habang siya ay nakatalikod, mukhang may hinahanap siya sa bag niya. Nagulat ako dahil pagkaharap niya ay sobrang magkalapit na ang mukha namin. Napalunok tuloy ako at habang magkatitigan kami, kitang-kita ko rin sa mukha niya ang pagkagulat pero teka? Bakit parang mukha ko ang namumula? Lumingon siya ibang direksyon at dumistansya ng kaunti sa 'kin. "Uhmm… sorry may hinanap lang ako sa bag. Tara selfie?" pag-aaya niya. Lumapit agad ako sa kanya at nagsimula na kaming mag-selfie sa iba't ibang anggulo. Ferreira… why so gorgeous? Nilibot namin ang Aleja Garden, napakasarap mag-stay sa ganitong lugar, parang wala kang problema. Pagsapit ng hapon ay inaya ko na si Ferreira na kumain at ngayon ay palabas na kami. Habang nagd-drive ako ay nakatulog si Ferreira. Ang sarap niya pagmasdan kahit kailan. Para tuloy akong timang dahil nakangiti ako habang nagmamaneho. Maya't maya ko siyang sinusulyapan, at sa bawat tingin ay nakararamdam ako ng kakaibang saya. Ngayon na lang ulit ako ngumiti ng ganito katotoo. Parang noong nakaraan araw lang ay palagi akong nab'beast mode at magagalitin, ngayon ay para bang bitbit ko ang langit sa 'king dibdib. Finally! Nandito na kami sa Galmore Restaurant. Maraming kainan dito sa Dalaguete Cebu pero ito ang napili ko dahil pareho naming hilig ang old style. Masarap din ang mga pagkain dito at sulit ang inumin. Hindi pa rin gising si Ferreira. Nanatili akong nakaupo sa driver seat at nakamasid kay Ferreira habang inaantay siya na magising. Why so gorgeous, Ferreira? Ferreira Point of View Pagmulat ko ng aking mata, si Alford ang bumungad sa 'kin kaya naman napabangon ako agad. "Sorryy, hindi ko namalayan…" nahihiya kong sinabi sabay ayos sa buhok ko. Nakakahiya, jusmiyo! "Nope. Ayos lang 'yon. Maganda ka pa rin." may binubulong ba siya? "Huh? Anong sabi mo?" tanong ko. "Ah wala sabi ko, okay ka na ba? Kain na muna tayo?" sabay turo niya sa isang Restaurant na nasa tapat namin ngayon. Bumaba na kami sa kotse at naglakad. Pagkapasok sa Restaurant ay nagulat ako dahil ang ganda ng Ambiance, makaluma ang style. Oo nga pala, naikwento ko sa kanya na mahilig ako sa makaluma. Umupo kami sa pinakadulong table at saka um-order ng pagkain. Habang nag-hihintay ay ramdam ko ang katahimikan. Maya-maya ay tuluyan na ring dumating ang order, nagsimula na kaming kumain ngunit wala pa sa kalagitnaan ay may biglang matanda ang lumapit sa 'min. "Maaari ba 'kong makiupo sa inyo?" mahinahon niyang tanong. Umoo naman kami ni Alford. Pagkaupo ng matanda ay bigla niya 'kong tinitigan. Titig na titig talaga siya sa mga mata ko. "Hija, maaari ko bang tingnan ang palad mo?" uminom ako saglit at saka ko ipinakita ang palad ko sa matandang babae. Bakit naman kaya? "Kinikilabutan ako…" sambit ng matanda. Napatingin tuloy ako kay Alford, kahit siya ay napahinto na sa pagkain. "Kinikilabutan ako sa mga linyang nakaguhit sa palad mo." kita ko ang paghinga niya ng malalim. "Napakagulo ng linya… nagdudugtong pero naghihiwalay din. Ang guhit sa 'yong palad ay nagpapahiwatig na ikaw ay may malaking misyon sa buhay na nalalapit nang mangyari." umiiling pa ito sa harap ko. Anong ibig niyang sabihin? "Samo't saring gulo at krimen ang 'yong kasasangkutan pero… hindi ka nag-iisa dahil ang taong nakatakda sa 'yo ay pilit kang poprotektahan… maging sa kamatayan…" agad naman niyang inilipat ang kayang tingin kay Alford. "Ngunit…" "Nakaguhit sa 'yong palad na sa pinaka-kasukdulan ng iyong pagdaraanan ay kailangan mong mag-ingat at maging matatag… dahil malaki ang posibilidad na ikaw din ang dahilan ng kamatayan ng taong nakatakda para sa 'yo…" Sh*t! Ang lakas ng pintig ng puso ko. Bigla tuloy akong nawalan ng gana kumain, hindi ako naiinis sa matanda. Ang totoo niyan ay nakaramdam ako ng takot sa mga sinabi niya. Hindi ko man alam ang pinupunto niya ay ramdam kong gusto niya 'kong balaan pero, totoo nga ba ang mga sinabi niya? Napaka-imposible naman no'n dahil ang buhay ko ay simple lang. Minsan na 'kong nasangkot sa krimen pero isang beses lang 'yon, ang tungkol sa photographer. "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay at maging handa sa mga posibleng mangyari…" "Dahil ang buhay na naghihintay sa 'yo… ay isang delubyo." sambit niya at saka tuluyang tumayo at umalis palabas ng restaurant. Halos malaglag ang puso ko sa kaba, hindi ko na naituloy pa ang pagkain ko. Kahit si Alford ay hindi na rin nakakain pa. Pero paano niya nalaman ang bagong buhay na naghihintay sa 'kin? Ang pagpunta ko sa Spain ay maituturing kong bagong buhay dahil mataga-tagal din akong maninirahan doon, paniguradong maraming pagbabago at adjustments. "Are you okay?" tanong ni Alford. "Y-yes," sagot ko. Ngunit ang totoo ay mabigat ang pakiramdam ko, jusmiyo! Paano ba kasi nababasa ang kapalaran ng isang tao? Ang galing naman ng matandang babae na 'yon kung sakaling totoo nga ang mga sinabi niya. Pero hindi, huwag naman sana. Napagdesisyunan namin umuwi na kaya naman nandito na kami ni Alford sa kotse para ihatid ako sa bahay. Saktong hapon na at gusto kong si Mama naman ang makasama ko. "By the way, are you free tomorrow?" he asked. "Uhmm, yeah. Why?" "Can you go with with me?" "Sure, saan?" tanong ko. "May pupuntahan kasi akong event sa Sm Villa bukas, then magp'perform ako. Kakanta ako habang nagp-piano. Kung ayos lang sa 'yo na samahan ako, ipapaalam kita kay Tita. 12pm naman mag-start, ayos lang ba sa 'yo?" sambit niya. Bigla tuloy akong napahanga sa nalaman kong iyon. "Oo naman, sige sasamahan kita." tugon ko sabay ngiti sa kanya. Maya-maya. "Oo nga pala, gusto mo bang malaman ang title nung song na ip-piano ko bukas?" makangiti niyang tanong habang nagmamaneho. "Ano?" tanong ko. "So this is love," sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib nang banggitin niya ang title ng kantang iyon. 'Di ko alam kung bakit bigla na lamang sumasama ang pakiramdam ko ngayong araw sa 'di inaasahang oras. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi na 'ko natutuwa sa pabago-bago kong emosyon. "Ayos ka lang ba?" pag-aalala niya. "Ah… oo naman okay lang ako." sagot ko. Agad akong inihatid ni Alford pagkatapos ay ipinagpaalam ako kay Mama. Buti na lamang pumayag si Mama. Napag-alaman ko rin na kada umuuwi si Alford rito sa Cebu ay kinaugalian na niya ang pagpapakitang gilas sa mga event sa pamamagitan ng pagkanta habang nagp-piano. Mag-stay pa sana 'ko sa sala para makausap ko si Mama pero pinaakyat na niya 'ko. Namumutla raw kasi ako kaya maaga niya 'kong pinagpahinga. Agad akong naghilamos at nagpalit, pagkatapos ay humilata sa kama ko. Andaming nangyari ngayong araw, pati nararamdaman ko ay masyadong magulo. Sumasabay pa ang panaginip ko sa mga nagaganap sa buhay ko. Para bang hindi na tama. Ang mga sinabi ng matanda kanina sa Restaurant. Nagpaulit-ulit tuloy sa utak ko ang huli niyang sinabi. "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay at maging handa sa mga posibleng mangyari…" "Dahil ang buhay na naghihintay sa 'yo… ay isang delubyo." Anong ibig niyang sabihin? Makalipas ang mahabang minutong pag-iisip sa wakas ay dinapuan din ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD