Ferreira Point of View
Sunday morning!
Paggising ko ay agad akong nag online, bigla akong napabangon dahil bumungad sa 'kin ang mensahe ni Alford.
Alford:
"Hi Ferreira. Goodmorning, thank you kahapon ah? Sobrang saya ko talaga. Anyway, kain kana. Chat mo 'ko 'pag nabasa mo 'to ah? Take care always." :)
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Matutuwa ba ako o matatakot at baka may balak siyang masama sa 'kin pag nakuha na niya ang loob ko? Hindi naman siguro.
Hinihintay ko ngayon 'yong bestfriend kong si Yvonne dahil pinapunta ko siya rito sa bahay para ikwento sa kanya ng buo ang mga pangyayari. Hindi ko masyado masabi sa chat kaya curious siya at gusto niya raw makilala si Alford.
I just can't believe na mage-exist in real life 'yong panaginip ko. Can you imagine? Nangyari 'yong panaginip ko in reality? Hindi ba't nakaka amaze malaman na parehong-pareho 'yong panaginip niyo ng isang tao?
Tingin niyo ba coincidence lang 'yon? This is my very first time na makaranas ng gano'n, tipong eksaktong pangyayari talaga. Ayoko sang bigyan ng kahulugan pero paano ko pa nga ba lalayuan ang taong iyon? Ang taong kapareho ko ng panaginip, paano ko sasabihin sa kanya?
Maya-maya ay may narinig akong sumisigaw sa baba at binabanggit ng malakas ang panagalan ko.
"FERREIRAAAA!" alam kong si Yvonne 'yon.
Ang ingay talaga ng babaeng 'yon.
Dali-dali kong pinagbuksan ng pinto si Yvonne at agad niya naman akong sinunggaban ng yakap.
"Mayghad Ferreira! Napakahaba ng hair mo alam mo ba 'yon, huh?! Pakilala mo naman sa 'kin nang makilatis ko yang bebe Alford mo!" excited na sambit ni Yvonne na may halo pang kindat.
"Ano bang pinagsasabi mo? Kalma lang uy wala akong bebe alam mo 'yan." paglilinaw ko na ikinatawa niya.
Maya-maya ay biglang pumasok si mama sa kwarto, "Anak, Ferreira…"
Nagmamadali ito at hinihingal pa.
"Oh Ma, ano nangyari sa 'yo?" nagtataka kong tanong.
"May bisita ka sa baba, Anak! Si Alford 'yong lalaki na tumulong sa 'yo noong nahimatay ka. May dala-dala pang bulaklak at saka tatlong box ng pizza." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Hala! Seryoso?!" natataranta kong sigaw.
"Oh my god Tita! Manliligaw po ni Ferreira 'yon!" sigaw ni Yvonne kaya naman nataranta ako lalo dahil 'di pa alam ni mama.
Bigla kong naalala na hindi ko naman manliligaw 'yon kaya walang dapat malaman.
"Ikaw anak hindi mo sinabi 'yan sa 'kin. By the way, kumilos kana. Maghahain ako ng pagkain at kami na bahala ni Yvonne kay Alford, sige na dali!" P
pagtutulak sa 'kin ni Mama, natataranta na tuloy ako.
Jusmiyo Alford! Bakit 'di ka nagsabi na pupunta ka rito sa bahay?
Well, alam kong hindi magagalit si Mama sa 'kin kahit pa mnliligaw ko si Alford o hindi. Siya pa nga ang may gusto na magkaroon ako ng ka-date jusko.
Dali-dali na akong naligo at nag-ayos.
Suot ko ay gray fitted flamenco dress na nabili ko pa sa Flamenco store doon sa SM Villa, tapos naka high heels three inches. Saktong terno sa necklace ko na may heart stone pendant.
Hindi ko alam kung bakit ito ang napili kong isuot.
Ang assuming ko baka mamaya napadaan lang siya tapos iniisip ko agad na mag-aaya siyang umalis.
Habang bumababa ako sa hagdan, unti-unti kong nasisilayan ang maamong mukha ni Alford. Nakangiti siya sa 'kin, hindi ko tuloy magawang magsalita. Napalunok na lang ako nang maramdaman ang mabilis na pintiy ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag 'yong emosyong namumuo sa 'kin ngayon habang magkatitigan kami. Para bang may kung anong kuryenteng dumadapo sa dibdib ko.
Lumapit bigla sa'kin si Alford at inabot ang bulaklak kasabay ng malawak niyang ngiti.
"You look so gorgeous Ferreira," he said with a glorious smile.
Para tuloy akong nahihiya kay Mama, tapos itong si Yvonne masyadong ma-issue kilig na kilig ang gaga!
"Ahh… thank you. Kain na muna tayo nagluto si Mama." pag-aaya ko.
Tahimik lang akong kumakain habang si mama at Yvonne ay todo interview kay Alford. Kinuwento rin ni Alford ang tungkol sa pagkikita namin kahapon, punong-puno tuloy ako ng pang-aasar mula kay Yvonne at ngiting nakakaloka mula kay Mama.
Jusmiyo! Bakit ganyan kayo? Hindi ko tuloy alam kung paano makikisali sa usapan nila dahil sa hiya. Kung makapagtanong naman kasi 'to si Mama akala mo aasawahin ako ni Alford.
Si Alford naman sobrang confident sa mga sagot niya. Hindi ko tuloy alam kung sinasakyan lang niya 'yong mga tanong ni Mama at Yvonne or sadyang totoo.
"Uhmm, Tita pwede po bang manghingi ng permiso? Ilalabas ko lang po si Ferreira then ihahatid ko rin po siya mamaya sa pag-uwi." pakiusap ni Alford habang todo ngiti pa ang loko.
"Sige, Alford, pumapayag ako basta 'wag kayo masyado magpapagabi ng sobra ah? Alam mo naman 'yong reason hindi ba?" Sambit ni Mama.
Bigla tuloy akong napaisip kung anong reason amg tinutukoy ni Mama at ano ang pinag-usapan nila Mama at Alford kanina habang naliligo ako.
Saan kaya ako dadalhin ni Alford? Sa totoo lang nagtataka pa rin ako kung bakit gano'n na lang niya 'ko itrato na parang matagal na kaming magkakilala. Minsan sumasagi sa isip ko na baka masamang tao o may balak siyang masama sa 'kin. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na masama ang balak niya..
"Ah….Yvonne sama ka sa 'min, sige na." tugon ko habang naka-paawa effect.
Ewan ko ba kahit magaan loob ko sa kanya, mahirap magbigay ng tiwala kase 'di ko pa siya lubos kilala. Hindi pa rin nawawala sa 'kin ang nakaraan ko kaya ayokong maging kampante sa mga taong mabuti ang ipinapakita sa 'kin. Bakit? Dahil lahat ay pwede pang magbago.
"Ano ka ba? Moment niyo 'yan ni Alford, kayo na lang dalawa. At saka may date rin kami ni Macky 'yong gay bestfriend kong galing Hongkong, remember?"
"Oo nga pala, sige enjoy na lang din kayo. Balitaan mo na lang ako ah?" tugon ko.
Pagkatapos kumain ay agad kaming nagpaalam ni Alford kay Mama at Yvonne.
Agad na kaming sumakay sa kotse at nagsimula nang magbiyahe.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay Alford habang siya ay nagmamaneho.
"Hindi ako sure kung matutuwa ka sa place na pupuntahan natin but promise me na 'di ka magagalit." tugon niya na ng nakangiti kaya naman nginitian ko lang siya pabalik kahit ang totoo ay gusto ko pang magtanong.
Halos isang oras na ang nakalipas.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa puputahan namin.
"We're here," he said.
Agad siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Laking gulat ko dahil bumungad sa 'kin ang napakaraming taong nagsasaya, mapa-babae o lalaki, bata man o matanda. Para kaming nasa baryo na may handaan, andaming halaman sa gilid at puno. Napapaligiran ng mabuhanging daanan ang paligid at makukulay na dekorasyon. Mayroon ding iba't ibang kulay ng banderitas na 'di ko mawari kung anong kahulugan?
Ang ganda sana nitong view ang kaso lang ay hindi ako sanay sa maraming tao.
Ayoko sa lugar na maraming lalaki dahil naiilang ako. Bakit niya 'ko dinala rito?
"Uhmm… Alford bakit pala tayo rito pumunta? H-hindi kasi ako…."
"I know your past. But trust me. I'm gonna make sure everything will be alright. Just follow me, you'll be safe," he said with his genuine smile.
Hindi pa rin ako umiimik dahil sa pag-aalangan. Pero bakit ang sabi niya alam niya ang past ko? Iyon kaya ang pinag-usapan nila ni Mama kanina?
"Just follow me, you'll be safe." pag-uulit niya.
Pagkasabi niya ng salitang iyon ay para bang nakaramdam ako ng kaunting kalma sa sarili kahit papaano.
Inilapad niya ang kanyang palad sa aking harapan kaya naman pumayag na 'ko at sabay kaming naglakad palapit sa mga taong nagsasaya.
Palapit nang palapit, ang puso ko ay parang nalalaglag. Pinaka ayoko sa lahat 'yong na sa 'kin ang atensyon ng karamihan lalo't andaming kalalakihan. I don't feel comfortbale.
Hanggang sa malampasan namin 'yong mga tao at makarating kami rito sa dulo. 'Di ko akalain makakadaan ako sa gano'n karaming tao. Ultimo pagbili ng kung o pagdaan sa lugar ay 'di ko magawa kapag maraming tao.
In fairness! Nakakamangha ang ganda ng paligid.
Isang dagat na napakalawak, tanging hangin lang ang tunog na maririnig at dumadami sa pisngi namin ni Alford.
Parang may pagka-beach bar 'yong dinaanan namin kanina, andami kasing nag-iinuman at mga handaan. Tapos may pagka-province or baryo. Mayroon naman palang itinatagong ganda sa likod nito.
Naglakad-lakad kami sa gilid ng dagat habang nilalasap ang preskong hangin.
"I hope you like it," he said.
"Oo naman, ang ganda nga e," sagot ko.
'Di ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang paligid.
"Buti naman nagustuhan mo." isang ngiti ang kanyang pinakawalan.
"Uhmm… ayos lang ba na umupo tayo rito?" tanong ko.
"Oo naman." agad niyang sagot kaya naman sabay na kaming umupo dito sa upuan na gawa sa bato.
Maya-maya ay bigla siyang nagtanong dahilan para ako'y maubo.
"Have you ever seen a dream you had, play out in real life?" he asked, seriously.
Nakatitig lang siya ng diretso sa dagat at parang ang lalim ng iniisip.
"Ehem! Ehem!" napaubo ako bigla dahil 'di ko alam kung anong dapat isagot.
"Hey, are you okay?" he asked.
"Ah… yeah. I'm fine. By the way, are you still feeling depressed? Kasi 'di ba sabi mo hindi ka okay."
"Hmmm, actually, I have been feeling well since yesterday." sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko kaya agad akong lumingon sa ibang direksyon.
"Thank you, Ferreira."
"For what?" I asked.
"For every hour we have spent together… since the day that I've met you." dagundong ang pintig ng puso ko sa sinabi niya.
Bigla kaming nagkatitigan.
Bakit gano'n? Sobrang bilis ng heartbeat ko, parang may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko na naman maipaliwanag.
Napangiti na lang tuloy ako ng bahagya.
"Masaya akong medyo ayos ka na. Bakit mo pala 'ko dinala rito?" nagtataka kong tanong.
"To prove that nothing in life is to be feared," he amswered.
Napatingin tuloy ako sa kanya, "What do you mean?"
"I know, you've been involved in a traumatic even and you've been struggling from social anxiety that's why you're scared of being surrounded by too many people and voicing your views in front of others. But I know, it's a good place to relax and calm your mind."
He was right.
"Uhmm… thank you. I really appreciate it," I said.
Tama siya, biglang gumaan ang loob ko. Dahil nga ba sa lugar na ito o dahil sa kanya?
Nabalot ng katahimikin ang paligid ngunit maya-maya ay…
"Alam mo ba 'yong kwento sa pagitan ng dagat at ulap?" seryoso niyang tanong kaya naman napailing ako pero ramdam kong pamilyar sa 'kin ang kwentong 'yon.
"Noong unang panahon daw ang namumuno sa lahat ay si Haring Lupa. Lahat ng nilalang ay takot sa kanya kaya sinusunod nila ito at ang sino man na sumuway ay maparurusahan. Hanggang sa isang araw nalaman ni Haring Lupa na may malalim na relasyon and Dyosa ng Ulap at Dyos ng Dagat kaya ito'y pinilit niyang paghiwalayin dahil may pagtingin siya sa Dyosa ng Ulap, ngunit matatag ang dalawa dahil naniniwala sila na ang pag-ibig ay walang sinusunod. Kalaunan ay muntik ng mapatay ni Haring Lupa ang Dyos ng Dagat subalit nanghingi ng pabor ang Dyosa ng Ulap, 'yon ay ititigil na nila ang relasyon nila, huwag lamang sasaktan ang sino man sa kanilang dalawa." nakangiting sambit ni Alford habang nakatitig sa langit.
"Kaya pala palaging magkaparehong bughaw ang kulay ng dagat at ulap, pero hindi nila kailanman maaabot ang isa't isa." sandali akong tumingala at tinitigan ang asul na kalangitan.
"Pero alam mo ba kung anong pin-point ng story na 'yon?" tanong niya habang seryosong nakatitig sa 'kin.
Nginitian ko siya bago kunin ang bato na nasa gilid ko, pagkatapos ay nagsulat sa buhangin.
"El amor no respeta la ley, ni obedece a rey."
"Ayan ang sagot sa tanong mo, dahil ang pag-ibig ay hindi madidiktahan ng kahit na sino man." sambit ko na para bang eksperto sa larangan ng pag-ibig.
"Naiintindihan mo ba ang sinulat ko?" tanong ko.
Nakatitig lang siya sa 'kin habang gulat na gulat sa ginawa ko. Kahit ako mismo hindi ko alam kung bakit naisip kong isulat iyon.
"Love doesn't respect the law, nor obeys king." pagkakabasa niya na ikinagulat ko dahil 'di ko inaasahang maiintindihan niya iyon.
Ang salitang iyon ay galing sa salitang espanyol na isinalin sa Inglest. Natutunan ko 'yon dahil sa isang libro na nabasa ko na ang title ay "Our horizons".
Patungkol sa isang babae at lalaki na magkasintahan na naudlot ang pag-iibigan dahil tutol tatay ng dalaga. Hindi niya ito tunay na ama at ang totoo ay may pagtingin siya sa dalaga at labis na pagnanasa rito. Ang kanilang pamilya ay tutol na sila'y magkatuluyan dahil isa sa pinakarason ay nagmula sila sa dalawang angkan na matalik na magkaaway.
Isinalin ang istorya na 'yon sa mas mababaw na imahinasyon gamit ang Diyos ng Ulap at Diyosa ng Dagat, kaya halos pareho lang ang kwento ni Alford sa nabasa ko.
Bigla na lamang kaming nagkatitigan ni Alford.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang lumabo 'yong paningin ko at medyo ramdam ko ang pagkahilo.
***
Madilim ang paligid, tanging tunog lang ng alitaptap ang maririnig. Habang ako'y nakaupo sa lupa at nasa gitna ng kadiliman, hindi ko mapigilan ang pangamba dahil sa aking pag-iisa.
Iba't ibang tunog na nakakakilabot ang aking naririnig. Bigla na lang akong nakaramdam ng labis na takot.
Ilang minuto ang lumipas.
Yapak ng paa ang aking narinig na papalapit sa 'kin.
Siya…
siya na naman…
si blur man.
"Halika sumama ka sa 'kin." inilapad nito sa harap ko ang kanyang palad upang tulungan akong tumayo.
"Sino ka? Atsaka, saan mo naman ako dadalhin?" pagtataka ko
"Hindi na mahalaga kung sino ako, ang importante ay madala kita sa lugar na alam kong ikagagaan ng loob mo," sagot niya.
Sumama ako sa kanya at sa paglalakad namin ay magkahawak ang aming mga kamay na para bang matagal na kaming magkasintahan. Hanggang sa makarating kami sa isang lugar na napapaligiran ng puno at malalaking sanga. Sa madaling salita ay gubat na may maliit na kuweba.
Napabitaw ako sa kanya dahil nag-aalangan na 'kong sumama pa.
Ayokong pumasok sa kuweba.
Ang tulad ko ay may labis na takot sa mga lugar na madidilim, kung kaya't nag-aalangan akong sumama sa kanya.
Muli kong naalala ang nakaraan ko. Ang siyang nagtulak sa 'kin para hindi na muling magtiwala sa kahit na sinong lalaki.
Segundo ang lumipas…
Nginitian niya lang ako pagkatapos ay
lumapit siya sa 'kin. Pinunasan niya ang aking mga luha at hinawakan ang aking kamay dahilan upang mawala ang pangamba na aking nadarama.
"Solo sígueme, estarás a salvo," sambit niya.
Anong ibig noyang sabihin?
Isang gubat na madilim ang aming dinaraanan.
"Solo sígueme, estarás a salvo."
"Solo sígueme, estarás a salvo."
Isang linyang nagpaulit-ulit sa utak ko.
"Bakit mo ba ko gustong dalhin sa lugar na tinutukoy mo? Anong ang 'yong tunay na dahilan?" tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako naririnig ng lalaking kasama ko, o baka hindi niya lang ako pinapansin.
Maya-maya ay napatigil ako dahil binitawan niya 'ko. Ngunit lumapit siya sa 'kin at ipinikit niya ang aking mga mata.
"Solo sígueme, estarás a salvo."
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng linyang iyon pero sa bawat pagbigkas niya nito ay kumakalma ako.
Para bang isang gabay sa aming paglalakbay.
Hanggabg sa kami ay huminto na sa paglalakad.
Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa 'kin ang isang lugar na nakakamangha. Ang ganda ng paligid, napapaligiran ng mga bulaklak sa gilid ang isang asul na karagatan na nasa harap ko ngayon.
"Maraming salamat!" masaya kong tugon kasabay ng paglingon.
Laking pagtataka ko dahil wala na pala 'kong kasama.
Nasaan na kaya siya? Saan kaya siya pumaroon? Bakit bigla siyang nawala?
Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya dahil ang takot na nadarama ko kanina, ngayon ay napalitan ng galak.
Ngayon ay nakaupo ako sa tabing dagat habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid kasabay ng pagdama sa simoy ng hangin.
Isang oras na ang nakalipas, wala akong maramdamang negatibong emosyon.
Tumayo ako nagsimulang maglakad.
Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang paligid at nilalasap ang preskong simoy ng hangin. Ang makintab na karagatan kung saan ang mga buhangin sa ilalim ng dagat ay agad mapapansin dahil sa linaw ng tubig.
Umupo ako sandali sa buhangin at tumingala sa langit.
"Ang malawak na karagatan ay napakasarap pagmasdan lalo na sa tuwing sasapit ang paglubog ng araw, mas lalong lumalamig ang paligid." bulong ko sa 'king sarili.
"Ngunit mas masarap damhin ang hangin na nagmumula sa malawak na karagatan kung ang bituin sa langit ay patuloy na kumikinang."
Isang boses ang aking narinig.
Paglingon ko ay nakita ko siya…
'yong lalaking kasama ko kanina.
Sa kabilang banda, ipinagtataka ko kung saan nga ba siya nanggaling?
Napangiti na lang ako't tumayo para lapitan siya.
Sa sobrang saya ay niyakap ko siya at hinimas niya lang ang aking likod.
"Maraming salamat. Pwede mo na ba 'kong samahan makabalik sa 'min?" tanong ko sa kanya na nakangiti.
Hinawakan niya lang ang aking kamay sabay turo sa kuweba na dadaanan namin. Kami ay nagsimula na maglakad.
"Solo sígueme, estarás a salvo."
Huli niyang sinabi at kami ay nagpatuloy na sa paglalakbay habang magkahawak ang aming kamay.
***