Para akong dinapuan ng kuryente sa katawan nang sabihin niya iyon kasabay nang pagyakap niya sa 'kin.
"Alford? Jacob? Ikaw pala 'yan, ang liit ng mundo." nagagalak kong sinabi habang magkayakap kami.
Parang may isdang tumatalong sa dibdib ko habang magkayakap kami.
"Yes it's me. Ferreira, I had imagined countless times that we would meet again after the incident last time, but I didn't expect we would meet in this way." he said with his voice full of joy.
Bigla kong naalala 'yong panaginip niya na ikinuwento niya sa 'kin. Paano ko nga ba sasabihin na pareho kami ng panaginip?
"I'm sorry Ferreira, I just can't believ—" hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"No, it's okay. By the way, shall we go now?" pangsegway ko. Hindi ba parang napaka-excited ko?
"Sure, where do you want to go?" nakangiti niyang tanong.
I just found myself blushing nervously as his eyes met mine, "Sa loob na lang muna ng Mall, is it okay?"
"Let's go." naglakad na kami papasok ng entrance way.
Parang akong mawiwindang sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong magandang sabihin, 'yon bang hindi siya maiinip. Habang naglalakad kami ng sabay at magkatabi, 'di ko alam kung paano ko siya kakausapin. Siya tuloy ang palaging nauunang kumausap sa 'kin.
Sa tuwing magkakatinginan kami na walang dahilan, 'yong dibdib ko'y para bang humihiwalay sa pagkatao ko. Bakit ba kasi ganito kalakas ang pintig ng puso?
Jusmiyo, self, maghunos dili ka naman.
Bawat hakbang ay may katumbas na galak sa 'king puso. Iyon bang kahit ito ang unang beses na lumabas ako kasama ang isang lalaking hindi ko kilala, wala akong maramdamang kaba na baka may balak siyang masama o ano.
I feel safe walking behind him. Lahat ng taong mapasusulyap sa 'kin ay nauunang mapatingin kay Alford. Napakalakas naman kasi ng tindig ng kasama ko, sinong hindi makakapansin, 'di ba?.
Matapos ang paglalakad ay narating namin ang Chowking at doon nagsimulang kumain. Siya ang nag-order at halos makipagbato-bato pik pa 'ko para lang pumayag siya na sagutin ko ang gastos sa pagkain. Bandang huli ay nakumbinsi niya rin akong siya na ang bahala
Sa mga oras na 'yon, sinulit namin ang dalawang oras na pagkain at pagkukwentuhan. Mga simpleng detalye lang sa buhay namin ang pinag-uusapan namin.
Binigay ko na rin ang real account ako at ang full name ko. Purong espanyol pala siya. Kahit siya ay nagtataka sa apelyido ko at itsura, kaya naman sinabi ko ang totoo na may lahi akong espanyol.
Binigay ko rin ang address ko dahil hiningi niya ito.
Sa aming pag-uusap, kakaiba siya sa lahat ng inaakala ko. Sa totoo lang ay mas madrama pa siya sa 'kin. Kung gaano kadrama 'yong buhay niya, ganoon naman siya kaboka, iyon bang napaka-daldal niya lalo ngayong kasama ko siya.
He'd been glaring at me for my entire meal kaya medyo naiilang ako.
"Uhmm…may dumi ba 'ko sa mukha?" tanong ko sa kanya sabay turo sa mukha ko.
"Nothing. It's just…"
"I can't take my eyes off you." he said with his lovely smile.
Halos mabilaukan tuloy ako sa sinabi niya,
"Oh sorry for that. What I mean is you look so gorgeous."
"Sorry ayoko sa bolero." pagbibiro kong sinabi dahilan para mapangiti siya.
"Buti na lang safe ako." dagdag niya pa kaya natawa na lang ako.
Kahit anong gawin ko'y hindi ako nakakaramdam ng kaba sa kanya. Kahit medyo nakakahiya na pinuri niya 'ko, ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.
May mga tao na sa unang kita ay kakabahan tayo, minsan nga ay maiisip pa natin na baka masamang tao sila. Pero this time ay wala akong maramdaman na gano'n.
"What do you want to do today?" sabay kaming naglalakad habang pinaplano kung saan kami sunod na pupunta.
"Uhmm… we can go and walk around the mall for an hour and then…" ano bang pwede ko sabihin? Nai-speechless ako 'pag kinakausap niya 'ko
"And then what? Hmmm?" ang tamis naman ng ngiti niya. Pakiramdam ko tuloy namumula ako dahil wala na 'kong masabi.
"Hahaha don't worry, we can figure out what to do for another hour, maglibot muna tayo." suhestiyon niya.
Naglibot-libot kami ngayon dito sa loob ng mall.
Everything was getting ready to close. Kaunti na lang ang mga taong naririto. There were a few teenagers walking and having fun.
I stood in front of the store for a few minutes, kung saan naka-display 'yong mga stuff toy sa loob ng Black store, kung saan may tinitindang mga manika. Ang cute ng Panda 'di ko maiwasang ngumiti dahil kahit veinte tres na ako, 'yon pa rin ang hilig ko simula pa man bata.
"Gusto mo?" saad ni Alford kaya napatingin ako sa kanya dahil nakaturo siya sa sarili niya.
"Huh? Ang alin?" naguguluhan kong tanong.
"I mean 'yong panda, gusto mo?" pang-segway niya sabay turo sa mga panda.
Aba nakangisi pa ang loko.
"Ah… oo bata pa lang ako hilig ko na talaga 'yon." tugon ko na nakangiti.
"Oh I see. Uhmm, wait. May bibilin lang din ako sa Blue Magic. Stay here, I'll be back," he said.
Mahigit veinte cinco minuto ko rin siyang inantay sa wakas ay nasilayan ko na siya papunta sa kinaroroonan ko ngayon.
Ano naman kaya ang binili niya?
Baka binilhan niya 'ko ng panda stuff toy?
Just kidding?
Syempre isang malaking biro lang.
Napaka-assuming ko naman, mahal ang presyo sa Black store kasi 'yong last na binili ko is one thousand three hudndred ang presyo, partida hindi pa 'yon human size.
"Sorry natagalan, I just bought something for my friend. Tara? Hatid na ba kita or libot pa tayo?" he asked.
Napangiti naman ako, ang generous masyado, "Uhmm… sa ngayon kailangan ko na umuwi kasi may gagawin pa 'ko. Anyway, kung may sasabihin ka, may phone naman." itinuro ko ang phone ko. What I mean is uso naman mag-chat or mag-text.
"Sure. Hatid na kita pero hindi sa sakayan. Ihahatid kita gamit 'yong car ko, okay?" sambit niya kaya napakunot noo ako.
"Huh? Bakit? Okay na ako kahit sa sakayan mo lang ako ihatid," tugon ko.
Ayaw niya magpaawat kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.
Kasalukuyan kaming na sa biyahe, patuloy kaming nag-uusap tungkol sa mga simpleng bagay, mga likes and dislikes at maging ang paborito namin.
Hanggang sa makarating na kami sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya naman pumasok na 'ko.
Bigla siyang lumapit sa 'kin. Habang nilalagay niya 'yong seatbealt, nagulantang na lang nang tinitigan niya ako sa mata sa loob ng mahigit limang segundo. Doon ay muli kong naramdaman ang kakaibang pintig ng puso ko.
I can't speak. I can't even breathe when he's near me.
Layo-layo din sana pag may time. Sana uso 'yon sa kanya. Mukhang hindi.
Sa buong biyahe ay puro kami kwentuhan about personal life.
Finally! Nakarating din kami rito sa bahay.
"Thankyou, sa paghatid." nginitian ko.
Ngumiti din siya sa 'kin kaya naman tatalikod na sana ako pero bigla niya akong hinila.
"Wait…"
Huminto ako at humarap sa kanya, binuksan niya ang kotse at agad na kinuha 'yong paper bag kanina galing sa Black store
"For you." kasabay ng matamis niyang ngiti ay ang pintig ng puso ko.
"Seryoso ba yan? Hindi ko pa naman birthday ah?" sinubukan kong kumalma para man lang 'di mahalata na natutuwa ako.
"Kailangan ba laging may okasyon para bigyan ka ng isang bagay? Hindi ba pwedeng thankful akong nakilala kita?" nakangiti niyang sabi.
Niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman lalong bumilis ang pintig ng puso ko.
"Thankyou Ferreira. Uhmm.. I'm sorry if I made you feel uncomforable, lalo kanina. I just can't believe na magiging masaya ako ngayon." he said with his voice full of happiness.
Wala ng paligoy-ligoy pa at tinanggap ko na iyon kasabay ng pamamaalam.
Hindi nga ako nagkamali, para sa 'kin nga talaga 'yong binili niya kanina. Pero bakit parang ang bilis ng pangyayari? Bakit ganoon na lang kabilis 'yong pintig ng puso ko kapag magkalapit kami?
Pagkauwi sa bahay, aakyat na sana ako at mag-iisip ng dahilan kay Mama kung bakit gabi ako nakauwi.
Napadaan ako sa kusina at nandoon si Mama naghahain ng pagkain. Dahan-dahan akong naglakad pero…
"Ferreira…?
Sh*t!
Napaharap ako. Nakakahiya tuloy, jusmiyo!
"Kanina pa kita inaantay, mukhang may lakad ang anak ko ah. Pwede ko bang malaman kung…" pang-aasar niya.
Nakangiti siya ng nakakaloka sa 'kin kaya hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"H-hindi Ma, galing ako sa Mall uhmmm.. sinulit ko lang maggala kasi malapit na 'ko umalis at saka… 'yon lang pala. Mama maghilamos lang ako talk to you later." agad akong umakyat at dumiretso sa kwarto. Hindi kasi ako madalas lumabas at umabot ng ganitong oras. Kapag gabi na 'ko nakakauwi, may times na inaasar ako ni Mama.
Bigla na lang nag-flash back 'yong moments namin ni Alford kanina. Parang kahapon lang ay halos magmukmok ako na hindi ko siya makita.
Bakit ako ngumingiti habang naaalala 'yong kanina? That feeling na andami kong tanong sa isip ko pero 'pag naiisip ko 'yong kanina parang kinukuryente ang dibdib ko.
Jusmiyo!
Ilang minuto akong nagd-day dreaming dito sa kwarto. I wonder what my heart wants to say, sa tuwing bumibilis ang t***k kapag nariyan sa tabi ko si Alford o 'di kaya'y magkakatitigan kami.
Napagdesisyunan ko ng maghilamos at magpalit ng damit. Hanggang sa naisip ko na bumaba na para makausap si Mama.
Sa wakas ay nasa baba na 'ko. Sana lang hindi na magtanong si Mama.
"There you are. Come on Anak, kumain na tayo." pag-aaya nito habang naghahain.
Umupo ako sa tabi ni Mama.
"Saan ka ba galing Anak? Bakit ginabi ka? Buti naman ay naisip mong maggala ngayong araw." patuloy si Mama sa pagsasandok.
"Uhmm… oo Ma naisip ko kasi malapit na rin ako umalis kaya sinulit ko. Ma pwede ba tayo naman ang umalis bukas?" tanong ko, dahil isa rin naman 'yon sa gusto kong mangyari bago ako lumuwas papuntang Spain.
"Ofcourse anak! Kahit saan mo gusto pumunta ayos lang sa 'kin." nakangiti si Mama at halata na masaya ito.
Nginitian ko ito at nagpatuloy na kami sa pagkain.
"By the way Anak, nakabili ka na ba ng new phone mo?" tanong niya.
"Hindi pa Mama, baka sa Spain na 'ko bumili. Ang ayos pa kaya ng phone na bigay mo sa 'kin kaya ayoko muna palitan." Nakangiti kong sinabi.
"Sige anak, sa 'yo na 'yan, ingatan mo ah? Pero mas ingat mo ang sarili mo roon." nakangiting paalala ni Mama.
"Oo nga pala, galing ako sa meeting kanina kasama sina Señor Eduardo at Señora Elizabeth, sa thursday na ang final date ng flight niyo." muli niyang paalala.
Tumango ako.
Ramdam ko ang kaunting lungkot. bakit kung kailan naman aalis ako ay saka ko nakilala 'to si Alford.
Nagpatuloy na kami sa pagkain at kwentuhan hanggang sa matapos ay tinulungan kona maglinis si Mama.
Umakyat na 'ko sa taas at dumiretso sa kwarto. Habang nakahiga, damang-dama ko ang saya ngayong araw.
This is my first time na makaramdam ng kakaibang saya at excitement dahil sa isang lalaki.
Napakaliit ng mundo, 'di ba? Kadalasan 'yong taong hinahanap natin ay na sa harap na pala. Kung iisipin minsan ay talagang mapanlinlang ang tadhana. Sana lang ay totoong tao 'yong mga taong pinagkakatiwalaan natin.
Ang taong pinagmumukmukan ko kahapon, bigla kong nakita, akalain mo nga naman.
Finally!
Oras na para matulog.
Alford Point of View
Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko at iniisip 'yong mga nangyari kanina. 'Di ko akalain na ang Lucy na ka-chat ko ay si Ferreira pala. Imagine? Para bang gusto kaming pagtagpuin ng tadhana. Kung ano 'yong nasa panaginip ko, gano'n ang nangyari sa pagkikita namin ni Ferreira.
What does it mean?
Hindi ko na magawang i-topic pa kay Ferreira ang tungkol doon, ang importante ay nagkasama kami't parehong masaya ngayong araw.
Hindi muna 'ko iinom kasama si Dexter. Gusto ko siyang ayain bukas na lumabas. Gusto ko siyang makilala bago ako lumuwas ng Spain.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti Kailangan ko agahan bukas.
Goodnight…
Ferreira.