***
"Aaaaaaaaaaaa!"
Malakas kong sigaw dahil isang kotse ang sasalubong sa 'kin. Ito na ba ang katapusan ko?
Maya-maya ay biglang may humila sa 'kin kaya naman agad kong naimulat ang mata ko. Pagtingin ko ay isang lalaki ngunit hindi malinaw ang kanyang mukha.
"Sino ka?" tanong ko.
"Hindi na mahalaga kung sino ako. E ikaw?
Bakit ba nasa gitna ka ng kalsadang dinaraanan ng mga sasakyan hindi ka ba nag-iisip?" aniya na may pagkaseryosong pananalita.
"Hindi ko naman alam na may sasalubong sa'kin na kotse pagdaan ko." pagtataray ko.
"May pagkakataon kang umiwas, pero mas pinili mong sumigaw." tuluyan na niya 'kong binitawan.
Gusto ko pa sanang makipagsagutan pero naisip kong utang na loob ko pala sa kanya yung buhay ko.
"Uy, thankyou ah." sambit ko, dahilan para mapahinto siya.
"You're welcome." walang gana niyang sagot sabay alis.
Ilang minuto na ang lumipas at ngayon ay naglalakad na ako papuntang sakayan, bigla akong may nadaanang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman.
Hinarangan ako nung dalawa kaya naman kinabahan ako at sinubukang iwasan sila. Ang babastos ng mga sinasabi nila kaya naman iniirapan ko sila habang nakikipag-patintero sa mga kupal na 'to. Bigla nila kong hinila dahilan para magsisigaw at piliting 'wag maiyak sa takot.
"Tulong! Tulong!" paulit ulit kong sigaw.
Ilang segundo lang ay…
"Hoy gf ko yan g*g* kayo ah!"
Sigaw ng isang lalaki at 'di ako nagkakamali. Siya 'yong kaninang nagligtas sa 'kin no'ng malapit na akong mabunggo ng sasakyan.
Dali-daling tumakbo 'yong mga lalaki at iniwan na ako. Ma-out of balance na sana ko pero bigla niya 'kong nasalo.
"Sorry 'di ko agad nakita. 'Yong sinabi ko kanina, ginawa ko 'yon para tumigil sila. So, ayos ka lang? Ano ba kasing ginagawa mo at lagi kang napapahamak? Tara hahatid na kita." sambit niya na may pagkaseryosong pananalita.
Hinawakan niya 'ko sa kamay at sabay kaming naglakad. Sa mga sinabi niya, hindi na ako nakakibo pa ni isang salita ay wala akong nasabi ngunit nagpapasalamat ako dahil nandyan siya.
Pero may gusto akong malaman.
Sino nga ba siya?
***
Nagising ako at napagtantong panaginip na naman ang, akala ko totoo na. Muli, sobrang bilis ng pintig ng puso ko at literal na hinihingal ako. Napanaginipan ko na naman siya, si Blur Man as usual.
Hanggang kailan ko kaya siya mapapanaginipan? Hindi ko na naman naitanong 'yong name niya.
Kinilabutan tuloy ako dahil bigla ko na naman naalala 'yong nabasa kong sumpa ang panaginip.
Pero hindi ko alam.
Sa manila ng lahat ay hindi pa rin maalis sa isip ko si Alford.
Nawala ang antok ko dahil pumasok na naman sa isip ko si Alford. Magkikita pa kaya kami ngayong nasira na ang phone ko at nawala 'yong calling card? Ano kayang iniisip niya ngayong 'di na 'ko nagparamdam?
I wonder if there's a chance to see him again? Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko siyang makilala pa.
Masisiraan na ata ako ng bait dahil sa mga misteryosong bagay na gumugulo sa utak ko, una ay si Alford. Pangalawa ay 'yong nabasa kong libro. Pangatlo ay ang panaginip ko na naman.
Naisipan kong mag-f*******: muna pero hindi sa real account kung hindi sa rp account ko na ang pangalan ay Lucy Hernandez. Biglang may nag-notif na message sa 'kin at nagkataon pa na Jacob din ang pangalan ' yon nga lang ay walang surname. Naalala ko si Alford noong nasa Hospital kami ay pinapalitan niya sa 'kin ang Alford Lyxander Cardenas bilang Jacob Cervantes.
Nakakainis ka na tadhana. Masyado kang nananadya. Sa lahat ng pwedeng makausap bakit Jacob pa ang pangalan na bubungad sa 'kin pwede naman ibang pangalan na lang. Ayaw mo bang malimutan ko na 'yong lalaking 'yon? Pinamumukha mo ba sa 'kin na marami naman ibang Jacob dito sa mundo o 'wag akong sumuko dahil magkikita pa kami ni Jacob este Alford?
JACOB
Him: Hi Lucy :)
Me: Why?
Him: In-add mo ko tas tatanungin mo 'ko kung bakit?
Me: Sorry ah, malay ko ba kung napindot ko lang. Paki-block na lang ako 'di kasi kita kilala.
Him: No :( Pati ba naman ikaw? I badly need someone right now. I know it's weird, pero pwede bang kausapin mo 'ko. Kahit ngayon lang.
Sineen ko lang siya at nagbabalak na i-block siya pero nag-aalangan ako dahil baka may problema at kailangan niya nang masasabihan. Maya-maya ay muli siyang nagchat.
JACOB
Me: Can you please listen to me? Grabe kasi napanaginipan ko na naman 'yong girl na lagi kong inililigtas sa panaginip ko. Everytime na mapapanaginipan ko siya, magigising na lang ako then hindi na makakatulog. Hindi ko kasi alam 'yong itsura niya, even her name. Ang alam ko lang, lagi ko siyang inililigtas gaya ng panaginip ko ngayon. Muntik na siya mabunggo, then suddenly I saw her kaya hinila ko siya. May kadugtong pa, napagtripan siya kaya ipinagtanggol ko siya. The end. Haha sorry ang korni ba? I just can't explain what I feel about her. Anyway, nvm.
Bigla akong napatayo nang mabasa ko 'yong mga sinabi niya. Biglang lumakas ang heartbeat ko at ngayo'y gising na gising ang diwa ko. Dali-dali akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Seriously? Ano 'yon? Parehong-pareho kami ng panaginip. Jusmiyo! Nagkataon lang ba? Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na gano'n din 'yong panaginip ko. Pero bakit gano'n? Kailangan ba talagang sabihin niya 'yon sa'kin. Andaming pwedeng i-topic, bakit 'yon pang nakakaloka na panaginip niya?
Pero..
What if siya 'yong lalaki sa panaginip ko? Anong gagawin ko? May gano'n ba?
May nag-notif na naman at 'yong chat niya ulit.
JACOB
Him: Any comment? If you're not interested, can we just talk? Any topic. :)
Me: Lagi mo ba siyang napapanaginipan?
Him: Hindi naman araw-araw pero madalas. May times na one week puro siya ang laman ng panaginip ko. Then, the other day hindi.
Me: Bakit mo ba siya inililigtas?
Him: Hindi ko alam. But, to be honest ang gaan ng loob ko sa kanya kaya ayoko siyang napapahamak. Actually, problemado akong tao. Gaya ngayon, depres akong tao tipong nagkakaroon ako ng thoughts na sana kahit isang araw lang 'wag muna ko magising. Kalalaking tao ko, ang problemado ko.
Pero… napansin ko, sa tuwing mad-depress ako, sa pagtulog ko mananaginip ako then bigla ko siyang nakikitang nasa pahamak tapos inililigtas ko siya.
Me: So what do you mean by that?
Him: Na sa kabila ng pagiging depress ko, meron pa ring taong mas nangangailangan sa 'kin at malaki ang chance na in real life, 'yon ang babae sa panaginip ko. Kaya hindi ko dapat sirain 'yong buhay ko. Isa sa misyon ko na makita at makilala siya. Pakiramdam ko kasi hindi lang 'yon basta panaginip.
Me: So you mean, na 'yong panaginip mo pinahihiwatig na makikilala mo 'yong girl na 'yon sa realidad?
Him: Yes, maybe not now but soon.
Biglang tumindig 'yong mga balahibo ko na para bang tamang-tama ako sa mga sinasabi niya. Napakataas ng confident niya na makikita niya rin 'yong girl sa panginip niya.
Hindi ko tuloy alam ang sunod na sasabihin ko pero makulit siya. Chat siya nang chat.
Kaya naman nir-replyan ko siya.
Lumipas ang ilang oras.
It's already 4 a.m.
Magkausap pa rin kami. Nagbalak siyang makipagkita sa 'kin bukas para lang mag-open ng problema, para na rin magkakilala kami. Sumang-ayon agad ako kahit 'di ko pa siya gaanong kilala. Hindi ko alam kung bakit ako sumang-ayon at bigla na lang gumaan 'yong loob ko sa kanya na para bang matagal na kaming magkakilala.
Nakahiga ako habang patuloy na itinatanong sa aking sarili kung sino kaya siya? Ano kaya itsura niya? Ano kayang mararamdaman at gagawin ko kapag nakita ko siya?
Oras na para ipahinga muna ang utak ko.
KINABUKASAN
"Hi, Lucy, goodmorning. Sana maayos ang tulog mo. Take care ,Lucy, see you later."
Umagang-umaga ito 'yong bumungad sa 'kin pagkaopen ko ng messenger.
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako.
Aminado akong 'di ako mapakali kapag naiisip kong pareho kami ng panaginip, pero kahit gano'n hindi ako umaasa na magkakatuluyan kami. 'Di ko ugaling mag-imagine na magiging soulmate ko ang isang tao. Hindi ko kinasanaynan ang pagpapantasya sa kahit na sinong lalaki. Mahirap na lalo't mapanlinlang ang tadhana. Ayokong umasa sa mga senyales ng panaginip naming magkapareho, malay ba namin kung coincidence lang ang lahat. Minsan akala mo siya na, pero sa huli, hindi pala.
Napalingon ako sa gilid ng kama at may note ako na nakita.
To: Ferreira
May meeting kami ngayon nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth. Hindi na kita isinama para makapag-relax ka riyan. Mag-enjoy ka, mamasyal at magsaya para naman bago ka umalis ay nasulit mo ang bawat araw dito sa Pilipinas. Take care, Anak, I love you.
From: Mama
Why so sweet, Mama? Timing pa sa lakad ko mamaya.
KASALUKUYAN akong nakaharap sa salamin. Mahigit dalawang oras na akong nag-iisip kung paano sasabihin doon sa Jacob na 'yon na pareho kami ng panaginip pero nag-alalangan ako at baka 'di siya maniwala. Baka isipin niya ginagawa kong rason 'yon para maging part ako ng buhay niya.
Mas mabuti siguro kung hindi ko na muna sabihin sa kanya 'yong totoo.
Few hours later….
Finally ready na 'ko. I have a curly hair and I'm wearing a denim skirt with sabrina fitted blouse.
Alas tres na ng hapon at nandito na 'ko sa SM Villa Mall. Naglalakad ako papunta sa mismong place na pagkikitaan namin malapit sa parking lot. Kinakabahan ako ng todo pero gusto ko siyang makita at makilala.
Akalain mo 'yon, napaka-mysterious ng lahat dahil dito lang kami sa rp account nagkakilala. Gusto ko din na damayan siya dahil alam kong depress siya ngayon.
I wonder, is this really me? Nagawa kong makipagkita sa hindi ko kilala? Isang hindi kapani-paniwalang pangyayari itong nagawa ko.
Lumipas ang ilang minuto.
Naiinis na ako, hindi siya nagr-reply. Sisipot pa kaya 'to?
Na saan na kaya siya? Ayokong pinag-aantay ako sa wala dahil hindi ako sanay.
Habang naglalakad ako at palingon-lingon sa gilid, isang kotse ang sasalubong sa 'kin kaya agad akong napasigaw.
"Aaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko habang nakapikit at tila hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Biglang may humila sa 'kin kaya naman agad kong naimulat ang aking mata.
Sh*t!
Naulit na 'yong ganitong pangyayari. Sa panaginip ko nga lang. Jusko ano to? Is this coincidence or what?
Isang lalaking may suot na shades, matangkad, matangos ang ilong, moreno, makapal ang kilay at may maskuladong katawan ang bumungad sa 'king harapan na talaga namang nakakatulala.
"Uhmm, thankyou ah?" sambit ko ng bahagyang nakangiti habang magkaharap kami.
Hindi pa rin siya gumagalaw at parang natameme. Hindi ko naman matukoy kung nakatitig siya sa 'kin dahil sa dark shade na suot niya pero parang titig na titig siya.
"Uhmm… is there any problem?" I asked him.
"Excuse me, may problema ba?" dagdag ko pa pero nanatili siyang nakatayo sa harap ko at 'di lumilingon sa ibang direksyon.
Bigla niyang inalis 'yong salamin niya at nanlaki ang mata ko dahil aking napagtanto na…
"ALFORD?!"
"Yes Ferreira, it's me." malawak na ngiti niyang sinabi.
Ang ngiti sa 'king labi ay 'di ko maipinta.
"Napakaliit talaga ng mundo, akalain mo 'yon magkikita ulit tayo."
"Pangalawang beses na 'to na iniligtas mo 'ko, thank you ah?" paglilinaw ko.
"Sorry din pala, nasira 'yong phone ko kaya 'di kita natext. Tapos nawawala pa 'yong calling card na binigay mo sa 'kin," umaasa akong mauunawaan niya 'ko.
"I see, I thought you were ignoring me." malungkot niyang sinabi.
Umiling ako na nagsasabing hindi.
Bakit gano'n? There's something about him. I don't know if it's the way that he looks at me, or the way that I feel when I'm around him. I can't explain it.
Halo-halo na 'yong nasa isip ko ngayon.
Muling naibalik ang isip ko sa realidad at naalala 'yong panaginip ko na kapareho ng nangyari ngayon, which is ganito rin ang panaginip ni Jacob na naikwento niya sa 'kin.
Napalunok na lang ako dahil sa kaba at bilis ng pintig ng puso ko. Ngitian lang ang tangi naming nagawa. Anong klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon?
Bakit ba kasi ngayon lang tayo nagkatagpo? Ngayon pa na may kikitain ako na kapangalan mo. Parang kahapon lang ay halos magmukmok ako dahil 'di kita macontact, tapos magkikita rin pala tayo.
"Oo nga pala may appointment ako ngayon, ako naman magbibigay sa 'yo ng calling card ko. Bawi ako next time." kinuha ko sa loob ng bag ang calling card sabay abot nito kay Alford.
Sh*t! My heart…
kumikirot bigla.
"Sure, actually ako rin. By the way, I hope you're fine." isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan.
"Yes, I'm fine. Uhmm… Anyway, would you be free to meet within this week?" I asked him.
Seriously? Inaya ko siya? Just wow! It's my very first time!
"I'm sorry, I'm afraid I might be out of town on Thursday. How does tuesday sound to you?" he asked.
"You mean… tomorrow? Sounds great. Shall we meet here at four o'clock?" nakangiti kong tugon pero parang gusto ko ngayon na.
"See you then! Bye." ngiti ang ibinato namin sa isa't isa bago tuluyang tumalikod.
Sh*t!
Ang kirot ng dibdib ko… bakit?
Nakakailang hakbang pa lang ay para bang may pumipigil sa 'kin. Sa bawat hakbang, katumbas nito ay ang pagkirot sa 'king dibdib na 'di ko matukoy kung bakit?
Para bang gusto ko siyang makausap sa hindi maipaliwanag na rason. Parang ayoko nang kitain 'yong nakilala kong Jacob sa rp account.
Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla na siyang nagsalita.
"Wait…"
"Can I ask, where are you going? What are you going to do today? Are you going to b-buy something or m-meet someone?" nauutal niyang tanong.
Awtomatikong humakbang ang paa ko paharap.
"I'm going to meet s-someone I met o-online." nauutal kong sabi dahil nahihiya ako sa rason ko't baka makornihan siya.
"Is he a boy?" tanong niya.
"Y-yes…"
"May I know his name?" para bang kakaiba na ang atmosphere sa 'ming dalawa.
"Jacob din… wala kasi siyang surname at nag-decide kami na magkita ngayon."
Pagkasabi ko no'n ay isang napakalawak na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Kasabay ng bigla niyang pagyakap
"I've finally met you… Lucy. It's me, Jacob."
Sh*t!