***
I was walking alone in the road quietly. I stopped walking for a moment when I saw the gate. Para itong mansyon na ewan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. I opened the gate and stepped through and then I saw those men wearing tuxedos and women wearing cocktail, long formal dresses or dressy evening separates.
Now, I am walking on the red carpet and I was surrounded by many people. I don't know why, but everyone keeps smiling at me. Just wow as in wow, isa ba 'kong bisita?Jusmiyo, ang kanilang ngiti ay parang may isang sikretong ikinukubli.
Both man and woman bowed their heads without hesitation and I think it is a sign to signify their respect and gratitude.
I reached the front door and when I entered the house I saw a lot of drunken people greeting each other while dancing and having fun. I am pretty sure it's a party, sa pustura pa lang ng kanilang pananamit at maging ako ay nakasuot ng gown.
All of a sudden, tumugtog ang isang kantang pamilyar sa 'king tainga. Hindi ako nagkakamali, ang naririnig ko ay purong himig walang lyrics dahil tumutugtog ito sa pamamagitan ng piano.
Habang pinagmamasdan ko ang paligid, sa aking paghakbang ay may isang lalaki ang lumapit sa 'kin.
"Can we dance?" he asked.
I just nodded.
I don't know why but is it weird that I don't feel nervous around the person while having a romantic dance? Habang nagsasayaw kami nitong lalaki sa harap ko, pansin kong napakasaya niya, pati ang lahat, pero ramdam kong kakaiba ako sa kanila.
Bakit pakiramdam ko sa aking sarili ay may kulang at may mali?
"Who are you?" I asked him.
Isang tanong na kusang lumabas sa 'king bibig.
Hindi siya kumikibo, bakit wala akong maramdaman? Bakit pakiramdam ko ay may mali?
Maya-maya ay biglang may putok ng baril ang tumunog ng malakas at dinig na dinig dito sa loob. Hanggang sa isang ingay ang narinig ko na palakas nang palakas ngunit bakit parang walang pakialam 'tong lalaki sa harap ko?
Tumigil ako sa pagsayaw at bumitaw sa kanya.
Tumakbo ako palabas ng pinto pero hinila niya 'ko.
"Bitawan mo 'ko, sino ka ba?" pagpupumiglas ko.
"Hindi ka pwedeng lumabas, sasaktan ka nila kaya mas okay kung dito ka na lang muna." nakatitig ito sa 'kin ng seryoso habang hawak ang aking mga kamay.
"Kahit na... gusto ko pa rin lumabas, please 'wag mo 'kong pigilan." pagmamakaawa ko at saka bumitaw sa kamay niya.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin ang mga sundalo, hawak ang kanilang mga baril. Lumabas ako at laking gulat nang bigla nilang itinututok sa 'kin ang baril, lahat ay nakatingin sa 'kin. Pinili ko pa ring lumakad palabas at marahan akong humahakbang kasabay ng tanong sa 'king isip kung anong nangyayari at nasan ako? Bakit parang lahat ay galit sa 'kin?
"Hindi ka pwedeng umalis!" isang sigaw mula sa boses ng babae.
"Dapat kang parusahan!" isang sigaw naman mula sa boses ng isang lalaki.
Nanatili kong nakatayo at pinagmamasdam sila habang ako ay napupuno ng kaba at takot dahil isang baril lang nila ay baka mamatay na 'ko.
Ang mga luha ko ay nagbabadya ng pumatak.
"Sabi ko sa 'yo na 'wag kang lalabas, dito ka na lang sa 'kin hindi ka nila sasaktan." sambit ng lalaki kaninang nakasayawan ko na ngayo'y na sa 'king likuran pero 'di ko siya pinakinggan.
"A-ano b-bang kailangan niyo sa 'kin?!... T-tigilan niyo 'ko..."
Tuluyan na ngang pumatak ang aking mga luha dahil 'di ko na alam ang gagawin ko. Pinili ko pa ring maglakad sa gitna at maya-maya lang ay may isang lalaking naglalakad palapit sa 'kin. Napakalabo ng mukha niya.
Hanggang sa makarating na siya sa kinaroroonan ko, sa harap ko mismo. Pinunasan niya ang aking mga luha at sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang mabilis at 'di mawaring pagpintig ng puso ko. Ang kaba at takot na nadarama ko ay napalitan ng pagiging kalmado.
Naglakad kami na magkahawak ang kamay at nakakapagtaka lang dahil ang mga tao at sundalo kanina ay nagmistulang bula dahil wala ng tao pa sa paligid.
Ano kayang nangyari?
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at umatras ng kaunti sa kanyang likuran.
"Sandali lang, anong pangalan mo? Sino ka? Bakit mo ba 'ko nililigtas at tinutulungan palagi?" tanong na matagal ko ng gustong masagot..
Unti-unti siyang lumingon at sa wakas ay humarap na siya sa 'kin, ngunit gaya nga sinabi ko ay malabo ang kanyang itsura.
Habang palapit siya sa 'kin, unti-unting nagiging malinaw ang kanyang mukha hanggang sa...
***
Sh*t! Panaginip na naman!
Napanaginipan ko na naman si blur man. 'Di ko na naman mapigilan 'tong damdamin ko sa pagkabog, sobrang bilis ng bawat t***k. Jusmiyo! Hanggang sa pag-alis ko ng Pilipinas 'di pa rin siya nawawala sa panaginip ko.
Bakit gano'n kaya ang panaginip ko? Dalawang lalaking malabo ang mukha ang nakita ko pero 'yong isa lang ang tumulong sa 'kin dahil 'yong nauna kong nakita ay pinipilit ako na mag-stay sa loob ng malaking bahay nila na parang mansyon ang style. Jusmiyo, tama na nga at baka kulang lang ako sa pagkain.
Bumangon ako sandali.
Kinakalma ko ang sarili ko habang nakaupo sa kama ay in-open ko ang phone ko at pagtingin ko rito ay alas cuatro na pala ng umaga. Salamat na rin sa panaginip ko dahil 'di ako late nagising, kahit papaano ay may benefits ang pagdalaw sa 'kin ni blur man sa panaginip.
Tumayo na 'ko at bumaba para magluto ng breakfast, dahil mamayang konti ay magigising na rin si Mama at si Alford naman ay sasabay sa pagpunta ng Spain. 'Yon nga lang ay hindi alam nila Mama kaya hindi ko rin pinaalam kina Señor Eduardo at Señora Elizabeth. Patagong sasabay sa 'min si Alford, sana nga ay kaming dalawa na lang ang magkatabi sa loob eroplano.
Pagbaba ko ay...
"Anak sa wakas gising ka na. Halika dito kumain ka na at gusto ko magpakabusog ka, okay?" pag-aaya nito.
Nang tingnan ko siya ay napansin ko agad ang mata niyang namumugto.
Nagulat ako dahil napakaraming pagkain ang nakahanda sa mesa. Niluto niya 'to lahat para sa 'kin?
"Mama..."
"Anak 'wag ka na magtanong pa, inihanda ko to lahat para sa 'yo... k-kasi g-gusto k-ko m-maging maayos ka sa pag-alis mo...Sa ganitong paraan man lang maiparamdam ko sa 'yo na sa kabila ng lahat ay napaka-special mo para sa 'kin." paiyak ang boses ni Mama kaya naman para akomg dinudurog habang binabanggit niya iyon.
"Mama... 'di naman ako titira doon kaya 'wag ka na umiyak. Ayokong nakikitang pagod ang mata mo dahil sa 'kin. At kahit 'di mo sabihin na special ako, ramdam ko ang pagmamahal mo sa 'kin, Ma, at kahit kailan hindi mo 'ko binigo sa anumang bagay. Sapat na sa 'kin na naging mabuti kang Ina." sinubukan kong pakalmahin siya't nagbabakasakaling 'di na siya maiyak.
Niyakap ko si Mama at sa pagkakataong ito ay masaya ako dahil wala na ang kirot sa aking dibdib. Kahit magkakalayo kami, babalik ako sa kanya at 'yon ang panghahawakan ko sa pag-alis ko.
"Kumain na tayo Ma tara na." pag-aaya ko at sa wakas ay naging kalmado na siya.
Kwentuhan at tawanan ang ginawa namin sa loob ng mahigit dalawang oras. Ayokong nakikitang malungkot si Mama at alam kong hindi madali ito pero kailangan.
Maya-maya...
Dumating na ang sundo ko na sina Señor Eduardo at Señora Elizabeth, hindi na sasama si Mama sa 'kin sa paghatid sa Airport ayoko kasing makita siyang umiiyak sa pag-alis ako at isa pa ay mas kailangan siya sa Hospital.
Lumabas na 'ko ng bahay kasama si Mama. Hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing nakikita kong may luhang nagbabadyang pumatak mula sa mata niya, kung pwede lang na 'wag na umalis ay gagawin ko pero kailangan dahil buhay ko rin ang nakasalalay sa desisyon ay gagawin ko ang nararapat.
"Anak bago ka umalis, gusto kong dalhin mo 'to." inabot niya sa 'kig ang isang notebook na kumikinang ang disenyo at may pagka-old style.
Kinuha ko ito at saka siya niyakap.
"Alam kong 'di ka mahilig sa diary pero gusto ko sana, kapag nandoon kana isulat mo 'yong mga nangyayari sa 'yo. Kung masaya ka ba o ano mang nararamdaman mo. Kapag bumalik ka rito babasahin ko 'yon. 'Wag ka mag-alala dahil ganyan din ang gagawin ko habang wala ka at pagbalik mo ay ipababasa ko sa 'yo lahat. 'Wag mo 'ko masyado isipin okay? Ayos lang ako at gusto kong mag-focus ka sa mga ginagawa mo doon, alam kong magiging matagumpay ka. Mag-ingat ka palagi, okay? Kapag may nangyari o may manakit man sa 'yo 'wag na 'wag kang papaapi, ako ang tawagan mo, okay? I love you anak." sabay yakap sa 'kin ni Mama ng sobrang higpit at ganoon din ako.
"Itatatak ko sa isip ko lahat ng sinabi mo Ma, at sa pagbalik ko gusto kong ikaw naman ang makasama ko mag-travel sa ibang bansa, okay ba 'yon Ma? I love you so much Mama, palagi kitang tatawagan, okay?" tugon ko.
Niyakap din nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth si Mama at kinausap nila ito para kahit papaano'y makalma siya.
Pagpasok sa kotse, nginitian ko si Mama at siya naman ay sumenyas ng pamamaalam. Tuluyan na ngang umalis ang kotse at nagsimula nang magbiyahe papuntang Airport.
Oras na para itext si Alford, doon kasi kami magkikita sa mismong ticket booth. Kailangan sabay kaming makabili ng ticket para magkasabay kami sa isang eroplano.
Sa loob ng biyahe ay nagkwentuhan kami nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth. Napakaraming tanong at payo ni Senora Elizabeth sa 'kin. Buti na lang pala ay marunong siya magtagalog.
"Don't worry, 'pag nasa Spain ka na ay makikilala mo rin ang anak namin ng Señor mo, marunong din siya magtagalog kaya mas makakapag-usap kayo," sambit ni Señora.
"Once na makarating na tayo sa pupuntahan natin, kahit sinong makita mo, kailangan ngumiti ka hija, okay?"
"Kailangan mataass ang confident mo sa tuwing haharap ka sa maraming tao o kahit na sino man, ipakita mong kaya mong sagutin lahat ng tanong nila at 'wag na 'wag kang sisimangot."
"After ng flight natin ay sa hotel tayo didiretso, kaya pagkahatid namin sa room mo ay aalis kami ni Señor Eduardo mo at ikaw, ipababasa ko lahat ng papers about sa company natin at kung ano ang dapat mong paghandaan."
Sunod-sunod na sambit ni Señora Elizabeth, opo lang ang tangi kong sagot. Kinakabahan tuloy ako dahil pakiramdam ko ay sasabak ako sa isang gera na kung saan wala akong masyadong baon na bala. Ang sabi lang kasi sa 'kin ni Mama ang company daw ni Señor Eduardo at Senora Elizabeth ay about sa Cosmetics at Modelling. 'Dibale, malalaman ko rin ang lahat.
Nag-text si Alford at ang sabi niya ay naroon na siya sa Airport. Ang bilis naman niya makarating. Hihintayin na lang daw niya ko sa may ticket counter.
Sa wakas ay nakarating din kami sa Airport.
Halos isang oras ang biyahe partida wala pang traffic. Kinakabahan pa rin ako. Ano kayang pakiramdam na mamuhay sa Spain kasama ang mga taong hindi ko kilala? Pero utang ko sa kanila ang buhay ko.
Wala akong ideya.
Pagpasok sa loob ng Airport ay napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Kaya ayokong gumagala dahil sa ganitong sitwasyon. Kapag pinagtitinginan ako ng mga tao, gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
"Obviously hija, pinagtitinginan ka dito dahil sa ganda mong 'yan. Paano pa kaya 'pag na sa Spain ka na," sambit ni Senora Elizabeth.
"Hindi kami nagkamali sa pagpili sa 'yo," saad ni Senor Domingo.
Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa.
Maya-maya ay biglang nagring ang phone ko, pagtingin ko ay si Alford pala.
"Please, excuse me." lumayo ako ng kaunti at saka sinagot ang tawag.
"Hello, na sa'n ka na?" tanong ko.
"Lingon ka sa likod mo," sambit niya mula sa kabilang linya.
Lumingon ako at 'di nga 'ko nagkakamali dahil nakatayo na siya sa may bandang entrance. Ang angas ng porma niya, para siyang artista. Napalunok tuloy ako, jusmiyo bakit ganon siya makangiti para akong pinapalaso sa dibdib.
"Sundan mo 'ko, kailangan sabay tayo makabili ng ticket." titig na titig ito sa 'kin.
"Sure," sagot ko.
Nagsimula na siyang maglakad at sumenyas ako na sandali lang. Lumapit ako kina Señor Eduardo at Señora Elizabeth para mag-volunteer na ako na ang bibili ng ticket.
"Señor Eduardo and Señora Elizabeth, ako na lang po ang bibili ng ticket. Hindi kahabaan ang pila pero mangangalay kayo, kaya much better na antayin niyo na lang po ako sa may gilid ng entrance way." sabay turo ko.
"Nice idea hija pero... kahapon pa kami nakabili ng ticket," sambit ni Seńora Elizabeth.
"Sobra pa nga ng isa ang nabili namin dahil akala ko ay makasasabay ang pamangkin kong si Carlito," sambit ni Señor Eduardo.
Jusmiyo bakit 'di agad nila sinabi sa 'kin. Ang ayos pa naman ng pagkakapaalam ko na ako na ang bibili 'yon pala ay may ticket na. Nako po, problema ito.
"By the way, mag-cr lang kami at pakihawak na muna nito." sabay abot sa 'kin ni Senora ng apat na ticket.
Alford
Me: Alford, may ticket na pala kami dahil kahapon pa sila bumili, pero sobra ng isa, paano na 'to?
Alford: It's okay, bibili na 'ko ng ticket and then sabay na tayo sumakay.
Me: Paano niyan? Hindi tayo magkatabi?
Alford: Gusto mo ba 'kong makatabi?
Bigla tuloy akong napatingin sa kinaroroonan ni Alford at 'di ko inaasahang magkakatitigan kami.
Ako: Ikaw ang nagsabi no'n kahapon, 'di ba?
Alford: Isang OO mo lang, gagawin ko.
Mapang-asar din pala ang lalaking 'to.
Ako: Okay na 'yon kahit magkalayo ang pwesto natin.
Alford: Magkalayo? Atleast magkasama, am I right?
Napatingin ulit ako sa kanya at napakalawak ng ngiti niya habang nakatuon ang atensyon sa kanyang phone, hindi niya alam na nakatitig ako sa kanya.
Sa wakas ay nandito na sina Seńor at Señora.
Naglakad na kami papuntang entrance way. Medyo maraming tao kaya hindi kami nahahalata ni Alford sa tuwing magsesenyasan kami at pabulong na mag-uusap.
Nakapasok na kami sa loob ng eroplano, buti na lang busy sa pag-uusap sina Señor at Señora kaya hindi nila masyado napapansin si Alford, ganoon pa man ay tingin sila ng tingin sa 'kin na akala mo'y mawawala ako.
Sumenyas ako kay Alford na siya ang mauna pumasok, ginawa niya nga ito.
Maya-maya ay papasok na rin ako nang biglang may guard na humarang sa 'kin.
"Sorry po Ms. pero 'di ka po pwede pumasok ng mag-isa." bungad nito sa 'kin na ikinagulat ko.
"Excuse me? May ticket ako so bakit hindi ako pwede pumasok?" pagtataka ko.
Ayaw niya pa rin akong papasukin at paulit-ulit niyang sinasabi na kailangan ko ng kasama.
"She's my girlfriend, allow her." isang boses ang aking narinig.
Pagtingin ko sa likod ay si...
"Alford?"
Nilapitan ako ni Alford at hinawakan ang aking kamay. Tinitigan niya 'yong guard at agad naman itong nagbigay daan sa 'ming dalawa at nanghingi ng paumanhin.
Habang magkahawak ang kamay namin, bigla akong nakaramdam ng kakaiba pintig sa 'king dibdib.
The way he holds my hand, para bang familiar.
"Akala kasi niya artista ka, kaya ang sabi niya ay 'di ka pwedeng pumasok na walang kasama." iyon ba talaga ang rason.
Hindi pa rin binibitawan ni Alford amg kamay ko.
Hanggang sa makita ko sina Señor Eduardo at Señora Elizabeth ay mabilis na 'kong bumitaw kay Alford.
Sa wakas ay nakaupo na 'ko, isang matandang babae ang katabi ko. Buti na lang ay hindi lalaki.
Umupo na 'ko sa right side, hindi ako nakapwesto sa may window side dahil ang nakaupo roon ay ang babae sa tabi ko na sa palagay ko ay kasing edad ni Mama.
"Are you okay hija?" napalingon ako kay Señora.
"Yeah, don't worry." ngiti ang ibinalik ko sa kanila ni Señor.
Na sa bandang likuran si Alford kaya hindi ko siya makita, pero lumilingon ako para lang hanapin kung saan siya banda nakaupo.
Palingon-lingon ako pero bigo ako dahil hindi ko man lang siya nasilayan.
Habang nasa biyahe, hindi ko makita si Alford. Bago rin pala kami maghiwalay kanina ay sinabihan niya 'ko ma matulog dahil kailangan ko raw magpahinga. Sa totoo lang, habang nasa biyahe ng halos dalawang araw ay wala akong ibang ginawa kundi matulog at makinig ng kanta. May times na iniisa-isa kong tingnan ang mga selfie naming dalawa.
Ang ganda pagmasdan.
What I mean is 'yong background.
After 24 hours na biyahe, nag-stop over kami bago magtuloy-tuloy patungo sa Madrid, Spain.
Finally! Lumipas ang halos fifty five hours, nandito na kami sa Spain.
Paano ko na matatawagan si Alford nito ay mat-text? 'Di bale na, kinausap din ako nina Señor at Señora na sila ang magp-provide sa new phone ko at ibang gamit. Sila na rin daw ang mags-settle ng lahat ng kailangan ko. Buti na lang ay agad nilang in-open at inayos ang phone ko, pinalitan din ang simcard nito kanina habang na sa biyahe.
Nakalabas na kami ng Airport. Nakakamangha pala talaga dito sa Spain. Sobrang ganda, mga matataas ng building at samo't saring shop ang makikita sa paligid. Sana ay kasama ko rin si Mama ngayon, 'di bale sa susunod ay dadalhin ko siya rito.
Nag-selfie ako ng ilang beses at pinicture-an ang paligid, wala pa man sa sampung picture ang nagagawa ko ay napansin kong nginingitian ako ng iilang taong nakakakita sa 'kin.
"Oh, wow, eres preciosa!"
Sambit ng isang babae na dumaan sa harap ko. Tingin ko ay nasa ika-labing walong taong gulang na siya. Hindi ko alam ang dapat na sabihin lalo't bigla siyang kumaway sa 'kin at ngumiti bago tuluyang umalis.
Nagsimula na kaming maglakad nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth patungo sa lugar na wala akong ideya.
Biglang may lumpit sa 'kin na isang lalaki.
"¿Puedo hacerme una foto contigo?"
Napatingin ako kay Señora at Señor dahil 'di ko alam ang ibig sabihin noon. Sana pala noon pa 'ko nag-aral ng Spanish gaya ng sabi ni Mama.
"Ferreira, she wants to take a photo with you." nakangiti ito..
Halata sa mukha ni Señora Elizabeth at Seńor Eduardo na natutuwa sila sa tuwing may mga taong pumupuri sa 'kin.
Umoo ako at pumayag sa lalaki na magpicture kami.
Hindi man lang nag-thank you at nagmadali pang tumakbo na tuwang-tuwa.
Nakatayo kami ngayon sa tapat ng mga naglalakihang building at mukhang may aantayin kami dito.
"Ferreira, we're going to Engrande Hotel. I'll leave you those things you need to settle. 'Yong isusuot mo and make up. And then I'll give you all the papers regarding sa business na ir-represent mo sa company natin." sunod-sunod na sambit ni Señora.
"You have four hours to prepare yourself, we trust you," saad ni Señor Eduardo.
"Don't worry Señor Eduardo and Señora Elizabeth, I'll do my best to make everything worth it," sagot ko.
Niyakap nila 'ko na parang anak nila.
"Señor at Señora, la máquina ya está aquí." Bungad ng isang lalaki.
"Oh, the car is already here, let's go," sambit ni Señora. Iyon pala ang sinabi ng lalaki.
Naglakad na kami papunta roon sa sasakyan at saka sumakay. Ang destinasyon namin ngayon ay patungo sa Engrande Hotel.