Chapter 15. Residencia Palacio de Valencia Spain

2751 Words
Finally! Kasalukuyan akong naririto sa room, dito sa1 hotel at walang kasama. Umalis sandali sina Señor Eduardo at Senora Elizabeth. Isang envelope ang iniwan nila sa 'kin at sinabi na basahin ko raw 'yon para maintindihan ko ang company na ir-represent ko. Habang nakaupo sa kama, naisip kong buksan na ito at simulang basahin. Pagkakuha sa papel ay laking gulat ko sa 'king nabasa na… RESIDENCIA PALACE DE VALENCIA SPAIN Sh*t! Seriously? So, it means doon ako magi-stay ng ilang months? Bakit hindi man lang pinaalam sa 'kin na 'yon pala ang tutuluyan namin? Doon pala nakatira sina Señor Eduardo at Señora Elizabeth. Habang binabasa ko ito ay mas lalo akong hindi makapaniwala. Hindi ko akalaing palasyo ang uuwian ko rito sa Spain. Bakit hindi man lang sinabi sa 'kin ni Señora Elizabeth at Señor Eduardo ang tungkol dito? Akala ko ay isang normal na bahay lang, tipong malaking bahay pero hindi palasyo. Jusmiyo! Sa tuwing naaalala ko 'yong librong nabasa ko tungkol sa sumpa ang panaginip, hindi ko maiwasang mapaisip ng malalim at kabahan. Can you imagine? Nakasulat sa libro na 'yon na nakatira si Prinsesa Zerina sa Residencia Palacio de Valencia Espanya, tapos namatay siya sa huli. Ang pinagkaiba lang ay purong espanyol ang ngalan ng palasyo noon kumpara ngayon. Tapos malalaman ko ngayon na doon din ako tutuloy ng ilang buwan? Ayoko na nga! Ayokong isipin na totoo 'yon. Tama na. Isa lamang iyong kwentog haka-haka na 'di ko dapat katakutan at paniwalaan, pero kasi… Bakit pakiramdam ko, 'yong mga nangyayari sa 'kin this past few days para bang konektado. Si Alford, pareho kami ng panaginip, hindi ko lang sinasabi sa kanya at baka isipin niyang pauso lang ako. Hindi ba't sabi sa librong nabasa ko ay… Ang panaginip ay sumpa? Tapos 'yong matanda sa restaurant na pinaalalahan ako at sinabing amg naghihintay sa 'kin ay isang delubyo. Muli na naman nag-flash back sa utak ko ang nabasa kong kwento. "Ang panaginip ang magsisilbing daan upang matagpuan ang tamang tao para sa kanya." "Ang pangyayaring ito ang siyang pangitain na dapat niyang sundin at gawing gabay sa pagtahak ng kanyang buhay." "Sa oras na ang pangitain ay isinawalang-bahala, ang sumpa ay hindi mabubura at patuloy na mangyayari sa tuwing matatapos ang isang dekada." "Ang sumpa ay hindi kailanman masisira hangga't hindi nagkakatagpo ang dalawang nilalang na nakatakdang itama ang lahat." I feel something I can't explain. Para mabawasan ang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa at patuloy na nag-prepare para mamaya sa presentation. Nabasa ko rin dito na ang partner ko na isa ring representative ay anak nina Señor at Señora na si Nazario Baste Villa Fuente at ang edad ay dalawamput lima. Sa wakas ay natapos ko rin intindihan ang mga detalye tungkol sa negosyo. Tinatak ko sa isip ko lahat ng nabasa ko, tama nga si Mama dahil about modelling at cosmetics ang negosyo na panghahawakan ko. Pagkatapos kong aralin ng maigi ang mga detalye ay mabilis kong inayusan ang sarili ko, kaunting make up pero elegante. Ang black gown na puro glitters at fitted sa 'kin, lahat ay naisuot ko na pati ang accessories. Maya-maya lang ay biglang dumating sina Señor Eduardo at Señora Elizabeth kasama ang isang binatilyong matangkad, medyo maputi, at may maamong itsura. Sa palagay ko, siya si Nazario Baste Villa Fuente, na anak nina Señor Eduardo at Señora Elizabeth na isa ring reoresentative at siya ang magiging partner o kasama ko sa mga negosyong panghahawakan namin. "Hi, I'm Nazario Baste Villa Fuente and you're Ferreira Lorri Villacuel, right?" nakangiting bati nito sa 'kin. "Yes, nice meeting you Nazario." isang malawak na ngiti rin ang aking pinakawalan "I'm glad you're here now," sambit niya. Ang lawak pala talaga ngumiti ng mga binatilyong purong espanyol. "Nazario, Ferreira are you ready? Shall we?" pag-aaya ni Señora Elizabeth. Pinauna ako maglakad ni Nazario palabas ng hotel. Ngayon naman ay tutungo kami sa Royal Residencia de Madrid, doon kasi gaganapin ang business presentation. Habang nagbibiyahe ay kinakausap ako ni Nazario. Ultimo paboritong kulay at pagkain ay tinanong niya 'ko. Kung magf-face off sina Alford at Nazario ay may pagkakahawig sila sa ilong at kilay pero 'di maikakailang mas bata at maangas ang itsura ni Alford. Ito kasing si Nazario ay may maamong mukha. Medyo naiilang tuloy ako dahil panay ang tingin sa 'kin ni Nazario at 'pag nahuli ko siya ay nginingitian niya 'ko na para bang hindi siya naiilang. Hindi naman kasi kami close, magiging close pa lang, at oo alam ko 'yon dahil mula ngayong araw na 'to ay palagi na kaming magkasama dahil mga business partner ko siya. Hindi ko namalayan, nandito na pala kami. Isang napakalaking building ang bumungad pagkababa ko. Bigla akong hinawakan sa braso ni Nazario at na-realized na kailangan pala gawin 'yon dahil haharap kami sa maraming tao, para makita na kami ang representative na magkasama. Pagpasok sa loob ay namamgha ako dahil para itong open auditorium. May mga naggagandahang bulaklak sa paligid, mga camera man na nakapalibot sa bawat sulok. Mga bisita na nagpapalakpakan, may mga sundalo na nakatayo sa bawat corner at isang babae na nakatayo sa stage na sa palagay ko ay isang announcer. Lahat ng atensyon ay na sa 'min. Kami pala ang huling dumating. Nagsimula ang lahat sa pagbati ng announcer at pagpapasalamat, at sa wakas ay magsisimula na ang presentation ng bawat representative. "Let us call our first speaker, please come to stage," Announcer said. Sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat at halata sa kanilang mukha ang kasabikan na makilala ang isang babae at lalaki na ngayo'y na sa stage. "Good afternoon everyone! I'm Randel Cielo Alvaro and this is Elena Kiel Alvaro. We are the representative of Residencia Palace de Malaga, Spain. We sell, distribute and supply automobile spare parts to some of the major automakers particularly here in our country. We're located in the central part of Quito Siera Devú street, Malaga Spain," Radel said. Habang nagsasalita 'yong lalaki ay naroon sa gilid 'yong babae na si Elena at pinapakita sa lahat ang mga kotse na kanilang ipinagbibili. Napaka high-tect at cool ng car na pine-present nila ngayon. Malaki rin ang presyo syempre. "Our next speaker, please come forward," Announcer said. Isang babaeng maganda at lalaking matipuno ang ngayo'y nasa harapan. Pagdating sa kanila ang lakas ng palakpakan ng tao. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko gusto ang aura nitong babae, feel ko may ugali siyang 'di ko gusto makita. "I am Daniela Jaime Espinosa and this is Romelio Dominic Espinosa. We are the representative of Residencia Palace de Bilbao, Spain. We've been in business for the last decade.. I am responsible for the development of new software applications for our smart phones and my partner is responsible for ensuring that our new employees are well trained.. Aside from that, we are involved in writing software apps for our latest model of mobile phones due to be launched next month. We are located in Guléze Danbill Bilbao Spain," Daniela explained. So, siya si Daniela? Ang ganda rin ng pangalan niya infairness. Siya ay patuloy na nagpapaliwanag habang ang kasama naman niya ay pin'present iyong mga phones at iba pang gadgets through projector kaya kitang-kita ng lahat kung gaano kaganda at unique ang products nila dahil ang ibang gadgets ay sa company lang nila mabibili. "Let's proceed to third speaker, please come to stage," Announcer said. Isang babaeng simple pero napakinis ng balat at natural ang ganda niya. Sa palagay ko ay mas bata siya ng kaunti sa 'kin. Umakyat siya sa stage mag-isa pero bakit wala siyang kasama? Na saan kaya 'yong partner niya? "Hi everyone, I am Mishka Fiona Cardenas and my partner is not here due to his stomachache and chest congestion. I am sorry for that but I'm standing here infront of you now to briefly introduce our company. First of all, we are the representative of Residencia Palace de Madrid, Spain. We've been in business since 2007. We specialize in supplying pastries and cakes and we are the owner of Diamond Velbet in Calle suarez street, Madrid, Spain. We also specialize alcoholic beverages to large hotel chains and restaurants and we are the also the owner of Vida Wine Shop in Libertad Harit Madrid, Spain," Mishka said. So, ang surname niya ay Cardenas? Pareho sila ni Alford ng surname? Kapatid niya kaya 'yon o baka naman nagkataon lang na pareho sila ng surname. Syempre biro lang. Wala naman kasing sinabi si Alford na representative siya rito sa apat na palasyo ng Spain. By the way, nakakatuwa iyong babae dahil habang nagsasalita ay nagagawa niya pa ring i-present ang mga best selling products nila. Sigurado akong masasarap ang pagkaing binebenta ng company nila at pati ang alak ay sikat dahil nakakaabot pala ang mga 'yon sa iba't ibang restaurants. "Let's go?" Napatingin ako sa gilid ko at nakitang si Nazario ay nakatayo na at nakatitig sa 'kin. Oh sh*t! Kami na pala. "So now, let us welcome our last speaker, please come forward," Announced said. Nagulat ako dahil mas malakas ang palakpakan nila sa 'min kumpara sa tatlong speaker na nauna. Habang naglalakad sa gitna ng red carpet ay naririnig ko ang bulungan ng bawat tao sa paligid pero hindi ko maintindihan dahil Spanish ang salita nila. Ngunit nakasisiguro akong hindi masama ang sinasabi nila dahil sa mga ngiti na ibinibigay nila sa 'kin at kung paano nila 'ko tingnan. "Have a pleasant afternoon everyone. I'm Ferreira Lorri Villacuel and this is my partner Nazario Baste Villa Fuente. We are the representative of Residencia Palace de Valencia, Spain. We know that the beauty and cosmetics industry is one of the most popular and largest industries worldwide. We came up with this business because we do believe that beauty products are in great demand and will be always in demand as they increase beauty of an person to a maximum level. And also, we're here to introduce our fashion photography company, to improve modelling and photoshoot that will be conducted for advertisements, campaign and fashion magazines," I said. "So if you are interested, just visit our main branch Savanna Model Agency. It is located in Buenuar Aréz Valencia, Spain. And also, you can visit and try our Cosmetics products in Vicénte Leltad València, Spain," Nazario said. Patuloy na pinakikita sa lahat ang mga products at best quality ng mga photoshoot sa company namin. Bumaba na 'ko ng stage kasama si Nazario habang ang mga tao ay patuloy sa hiyawan at palakpakan. Sa wakas ay nakaupo rin kami. Nagpatuloy ang speech habang ang lahat ay nakikinig. Alford Point of View Papa is calling… "Alford! Nasan ka na ba? Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na kailangan ka sa Royal Residencia of Madrid ngayon din! Gumawa pa ng rason ang kapatid mo para lang 'di ka hanapin ng mga bisita. Akala ko ba ay nakauwi ka na rito sa Spain?!" sigaw niya. "I'm sorry, Papa. Sa tingin ko pwede naman ituloy ang business presentation kahit wala ako. Alam kong importante 'yon pero marami pang mas mahalagang event doon and I promise na a-attend ako. So would you please stop telling me what I need to do na parang bata ako." binaba ko na ang telepono at wala akong pakialam kung magalit siya. Tsk. Annoying. Kahit kailan ay ganiyan siya. Palagi siyang nagmamadali na akala mo'y may malaking ambag sa palasyo't negosyo. Hindi na 'ko dapat dinidiktahan dahil alam ko ang ginagawa ko. Honestly, nandito ako ngayon sa kotse na nakaparada lang sa tapat ng Royal Residencia of Madrid at inaantay si Lenard na kaisa-isa kong body guard sa palasyo simula pa man noong bata ako. Isa siyang purong Pilipino na nakilala ng tunay kong Papa sa Cebu at isinama rito. Inutusan ko siya na manghingi ng isang copy ng papel kung saan nakalagay ang mga representative ng bawat palasyo. Sa wakas ay nandito na siya. "Sorry, Sir, natagalan po ako. Napakarami po kasing tao sa loob at abala ang lahat." hinihingal na sambit nito. "It's okay. You can go now. Just don't ever tell them na nandito ako, okay?" mabilis naman siyang umoo at tuluyang nang umalis. Kinakabahan ako sa papel na hawak ko ngayon. Sinimulan ko nang basahin ito at laking gulat ko sa aking nabasa… Business Corporation: Madrid & Bilbao Spain RESIDENCIA PALACE DE MADRID, SPAIN Representative: Alford Lyxander Cardenas and Mishka Fiona Cardenas. RESIDENCIA PALACE DE BILBAO, SPAIN Representative: Daniela Jaime Espinosa and Romelio Dominic Espinosa. Business Corporation: Valencia and Malaga Spain. RESIDENCIA PALACE DE VALENCIA, SPAIN Representative: Ferreira Lorri Villacuel and Nazario Baste Domingo. RESIDENCIA PALACE DE MALAGA. SPAIN Representative: Randel Cielo Alvaro and Elena Kiel Alvaro. Sh*t! Isang malaking HINDI! Bakit sa lahat ng pwedeng maging katunggali ng pamilya ko ay ang mga taga Valencia pa… na kinabibilangan ni Ferreira. Sigurado ako, simula ngayong naipatupad na ang tungkol dito, mahigpit na ipagbabawal ang pakikipagkaibigan o relasyon sa mga katunggali namin. Hindi ko maaaring ipaalam ito sa kahit na sino, maging kay Ferreira ay hindi maaari. Hahayaan ko munang lumipas ang mga araw at ibabaon sa 'kimg sarilo ang katotohanang hindi kami maaarinh maglapit? Pero paano? Paano na 'to? Paano kami magkakakilala pa ng husto kung ang mismong tadhana ang gumawa ng paraan para lahat ay maihinto? Ferreira Point of View Na saan na kaya si Alford? Siguro ay dumiretso muna siya sa kanila. Mamaya ko na kakausapin si Señora Elizabeth about sa new phone at mga gamit na kailangan ko. Gagawan ako ng paraan para ma-contact si Alford mamaya at lalo na si Mama. Sa wakas ay natapos din ang ilang oras na pagpupulong. Hapon na rin kaya naisip na ni Señora Elizabeth at Señor Eduardo na umuwi. Umuwi sa… RESIDENCIA PALACE DE VALENCIA SPAIN. Habang na sa biyahe ay napakarami kong tanong sa isip ko. Mula sa itsura ng palasyo, kung gaano kalaki at kung mababait ba ang mga tao sa loob. Aminin ko man o hindi ay patuloy kong naaalala ang librong nabasa ko tungkol kay Prinsesa Zerina. Maya-maya. Pagmulat ko sa 'king mata ay bumungad sa harap ko ang maamong mukha ni Nazario na nakatitig sa 'kin. Bigla tuloy nanlaki ang mata ko. Sh*t! Ang awkward naman. Lalo pa siyang lumapit sa 'kin at laking gulat ko dahil pinunasan niya ang noo ko na may pawis gamit ang hawak niyang panyo. "Nakatulog ka sa bintana kanina kaya isinandal ko na lang ang ulo mo sa balikat ko para hindi ka mangalay o mauntog." nakatitig lang siya sa 'kin kasabay ng malawak niyang ngiti. "Thank you." nahiya ako sa part na 'yon pero salamat sa kanya. "Ang ganda mo pa rin kahit tulog," sambit niya. Nang-aasar ba siya? "Marunong ka rin pala mangbola." pagkasabi ko no'n ay bigla siyang tumawa at sinabing hindi raw iyon pambobola bagkus pagsasabi ng katotohanan. Bumaba na kami ng kotse. Bumungad sa 'kin ang isang palasyo at maraming sundalo ang nakabantay sa isang gate na napakataas. Sa pangalawang pagkakataon ay muling pinalupot ni Nazario ang braso niya sa aking braso. "Welcome to your new house, Ferreira," Nazario said with a big smile on his face. Larang mas masaya pa siya sa pagdating ko rito kaysa sa 'kin. "Nazario, I want you to show her everything Much better kung ililibo mo siya," sambit ni Señora Elizabeth. "Yes, but for now kailangan muna natin tapusin at magpulong dito sa palasyo bago kayo umalis o mamasyal," singit ni Señor Eduardo. "No te preocupes, yo me ocuparé de ella." (Don't worry, I'll take care of her.) isang ngiti ang pinakawlaan ni Nazario matapos niyang sabihin iyon. Ano kayang ibig sabihin nang sinabi niya? Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pagpasok sa loob ng palasyo ay bumungad sa 'kin ang napakalawak na paligid. Napapaligiran ng mga bulaklak at samu't saring disenyo sa bawat sulok, at ang aming nilalakaran ay red carpet. Narito lahat ang mga bantay o sundalo at ang ibang tao ay nakangiti sa amin. Ang iba ay bumabti sa 'kin. Hindi ko man maintindihan ang iba nilang sinasabi, ang importante ay ramdam ko ang pagtanggap nila sa 'kin. Sa kabila nito, hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko sa lugar na ito. Gusto kong sumimangot ngunit pilit na ngiti ang ibinabato ko sa lahat ng taong naririto. Habang pinagmamasdan maigi ang palasyo, para bang isang maskara ang lugar na ito na tanging ganda ang nangingibabaw kung titingnan ngunit hindi nakikita ang tunay na nangyari sa likod ng mga nakaraan. Iyon ang aking nararamdaman. Bakit nga ba ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD