Chapter 16. Valencia de Estrito

2370 Words
Hindi ko namalayang hanggang dito na lang ang aming paglalakad. Inalalayan ako sa pag-upo ni Nazario para makinig sa brief introduction nina Señora Elizabeth at Señor Eduardo. Habang nagsasalita sila ay may malaking projector kung saan ang mga sinasabi nina Señor at Señora ay doon nakasalin sa wikang espanyol. "The advertising campaign has generated hundreds of new business customers and by the end of next year we will have gained over 2,500,000," sambit ni Señora. Lahat ay natuwa at nagpalakpakan, ang iba naman ay nag-usap usap ng halatang nagagalak sa kanilang nalaman. Ako rin ay natuwa sa aking narinig dahil alam ko sa sarili ko na makatutulong ako sa mga taong kinauutangan ko ng buhay. "Let us express our gratitude for our journey together in this palace with our dear representative, Ferreira Lorri Villacuel. Thanks to her, we are now able to launch a business and finally, we are going to continue our advocacy," Saad ni Señor. "Ms. Ferreira Lorri Villacuel, please stand up." agad naman akong tumayo at damang-dama ko ang presensya ng lahat. "And, ladies and gentlemen, let's give her a round of applause!" nagagalak na sambit ni Señora. Nagpalakpakan ang mga tao kaya naman dama ko ang pag-welcome nila sa 'kin. "Let me call my son, Nazario Baste Villa Fuente," dagdag pa ni Señora. Ngiti lang ang aking isinukli habang ang lahat ay nagpalakpakan at nakangiti rin sa 'king harapan. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Halo-halong emosyon ang nadarama ko ngayon. Ngayon ko lang naranasan ito. Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid, isang babae ang nakapukaw sa 'king atensyon. Sa palagay ko ay isa siyang katulong dito sa palasyo. Titig na titig ito sa 'kin na para bang may gustong sabihin. Hindi ko alam pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanyang tingin. Nginitian ko lang ito at saka ako umiwas. Maya-maya ay umupo rin ako sa wakas at nagpatuloy ang speech nina Señora Eduardo at Señora Elizabeth tungkol sa pamamalakad sa kanilang kompanya, including income, benefits and also disadvantage na pwedeng makasira sa negosyo. Isang oras ang lumipas sa wakas ay natapos ang speech. Bigla kong naalala si Mama. Kung hindi ko magawang i-contact ngayon si Alford, mas lalong 'di ko magawang tawagan si Mama. Namimiss ko na siya, sana ay maayos lang siya. Sabagay, matatag 'yon si Mama pero kasi… Kahit ang pinakamatatag na tao ay mayroon ding kahinaan. "Before I end this speech, I would like to announce that everyone is invited for upcoming party in this palace next sunday. We've sent out the invitations." linyang binitawan ni Señora Elizabeth na siyang nagpalawak ng ngiti sa lahat. Kitang-kita sa mukha ng bawat isa ang saya at pananabik sa araw na 'yon. Kahit ako mismo ay nagulat din dahil wala akong ideya sa ganoong party. "Well actually, we've already planned to start a new party to welcome Ferreira as a newest representative of Residencia Palace de Valencia, Spain. Everyone can join the party, even the Espinosa and Cardenas Family will also be here. That day will be nothing but feasts and parties in celebration," dagdag pa ni Señora. "On the next day, Cardenas and Espinosa Family will be having a party, and everyone can join them including us." pangwakas ni Señor. Ilang minuto ang nakalipas… Finally, natapos din ang speech at oras na para maghanda ang lahat sa susunod na linggo para sa gaganaping party. Nandito ako ngayon sa terrace, nakatanaw sa paligid habang nakatayo at nag-iisip. Hindi nagr-reply si Alford sa 'kin. Bakit kaya? Habang nakatitig ako sa tapat o labas ng palasyo ay may dumaan na isang Van na kulay black, ang nakalagay ay Mercadó el Antiguo. Ano naman kaya ang ibig sabihin no'n? Maya-maya… Bigla akong napalingon sa likod ko at nakita ko na naman 'yong babaeng kasambahay dito sa palasyo na nakatitig sa 'kin kanina sa speech. Bakit ba gano'n siya makatingin? Nakatayo lang siya at nakatitig sa 'kin, hindi ko alam pero bakit parang may gusto siyang sabihin? Agad akong lumapit dito at… "Excuse me? Do we know each other? It's just that I noticed you oberserving me. Is there something I can help you with or what?" I asked her directly dahil 'di maganda ang pakiramdam ko sa mga tingin niya mula pa kanina. "Estás en peligro… Será mejor que te vayas de aquí, las cosas están empezando a verse un poco difíciles!" Paano na 'yan? Hindi ko siya maintindihan. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at para bang nagmamakaawa, "Por favor, tenga cuidado! No puedes confiar en ellos!" Ano bang ibig sabihin niya? Bakit parang binabalaan niya 'ko? Bakit parang may ipinakikiusasp siya sa 'kin? Umiling ako sa harap niya senyales na 'di ko siya naiintindihan,"I'm sorry, but I don't understand what you're saying. Can you speak english?" Sana ay marunong siya. Maya-maya lang ay napayuko siya at segundo ang lumipas bago siya tuluyang umalis sa harap ko. He left me confused and there's nothing I can do about it. Just forget all the things she said. Tutal hindi ko rin maintindihan. 15 minutes have passed It was insane that I was just standing here. Kapag mag-isa ka talaga, napakaraming tumatakbo sa isip mo. Ano kayang ginagawa ni Mama? Kumusta na kaya siya? Na saan kaya si Alford? "Hi Ferreira." boses mula sa isang lalaki, paglingon ko ay si Nazario pala. "Hello…" "Mukhang may iniisip ka ah. Siguro 'yong boyfriend mo sa Pilipinas namimiss mo na, tama ba 'ko?" sambit niya na nakangiti na parang nang-aasar. "Tama ka may namimiss ako pero si Mama 'yon. At mali ka naman dahil wala akong boyfriend." bakit naman kasi kasintahan agad ang naisip niyang rason? "Seryoso? Ikaw lang ang kilala ko na napakaganda at talino pero walang boyfriend. Nakaka-amaze naman 'yon." halata sa mukha niya ang pagkagulat. "Siguro, wala pa talaga sa isip ko," sagot ko. Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid. "How about you? Do you have a girlfriend?" tanong ko rito. "I don't have one, but I think I found her," sambit niya. Teka, may gano'n ba? Sa 'di inaasahang pagkakataon ay nagkatitigan kami. "And I am hoping na katulad ka niya." muli mong naramdaman ang ilang sa sinabi niya. "Kapag nainlove ka, tanggal lahat ng ideal mo sa babae. Kahit pa gusto mo sa matalino o mabait, once you fall inlove… that's it." Kusa na lang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. "Bakit parang sanay ka na?" napagkamalan pa 'kong bihasa sa larangan ng pag-ibig, samantalang ako 'tong mangmang sa pag-ibig. Umiling na lang ako sa harap niya at ngumiti. "By the way, I'll talk to you later. Just call me in case you need something or else." pamamaalam niya at tuluyan na siyang umalis. Nanatili akong nakatayo rito sa terrace at nakamasid ako sa labas at tapat ng gate. Bakit gano'n? Simula nang ihakbang ko ang mga paa ko papasok dito sa palasyo ay may naramdaman akong kakaiba, hindi ko maipaliwanag kung ano. Maya-maya lang ay may isang itim na kotse ang huminto sa tapat ng gate na natatanaw ko ngayon mula rito sa terrace ng palasyo. Lumingon-lingon ako sa paligid, saktong walang tao kaya naisip kong lumabas. Dali-dali akong bumaba ng terrace at lumabas ng gate, kaya pinagbuksan ako ng mga body guard at sundalo. Nasan na 'yong kotse kanina? Umasa pa man din ako na si Alford na 'yon. Palingon-lingon ako sa paligid at nagbabakasakaling may Alford na maligaw dito. Paano nga ba niya malalaman na taga rito ako, jusmiyo. Alford Point of View Nandito ako ngayon sa loob ng kotse. Ipinarada ko sa gilid ng palasyo saglit dahil hindi ako pwedeng magpakita sa pamilya na kinabibilangan ni Ferreira. Hindi alam ni Ferreira na mula kanina ay sinusundan ko siya. Kahit pa ang pagbaba nila sa airport ay palihim akong nakasunod. Sa wakas ay lumabas din siya at mukhang may hinahanap. Lumabas ako ng kotse at habang siya ay nakatalikod, tinakpan ko ang mata at bibig niya gamit ang kamay ko. "Mmmmmmn!" Hinila ko siya papasok ng kotse at pagbitaw sa kanya ay bigla niya 'kong siniko at dali-dali siyang lumabas ng kotse. "Ferreira…" tugon ko bigla naman syang humarap. "Alford?" gulat na gulat siyang napahawak sa kanyang bibig at mabilis na lumapit sa 'kin. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. "Pinuntahan kita," tugon ko. Sh*t! Nadulas ako baka malaman niyang sinusundan ko siya palagi. Bigla kaming nagkatitigan at damang-dama ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. "Sorry hindi ko sinasadya na saktan ka… bakit mo naman kasi ako gano'n nilapitam? Isa pa, paano mo nalaman na nandito ako?" sunod-sunod niyang tanong. "Uhmm… can we talk inside the car?" I asked her dahil 'di pwedeng makita ng iba na magkasama kaming dalawa. Marahan ko siyang hinila at nagmamadaling pinapasok sa kotse. "Buti nakarating ka? Kanina kasi bigla kang nawala tapos 'di kita na-contact kasi may pagpupulong sa palasyo kanina at pagpapakilala sa 'kin. Ang sabi pa ni Señora ay may party na magaganap ang apat na palasyo at kami ang mauuna," sambit niya. Bigla akong napalunok at 'di ko alam kung anong sunod na sasabihin, hindi ko pwedeng sabihin na isa akong representative sa mga palasyong iyon. "Actually, hindi ako aware na may mga palasyong involve sa company. Ang alam ko lang talaga ay tungkol sa negosyo nila," sambit niya. Nagpatuloy na kami sa biyahe habang ako ay nagmamaneho. Siya ay nagkukwento sa mga naganap kanina. Ang sabi pa niya ay may ka-apelyido ako na representative ng Madrid, Spain at… hindi niya alam na kapatid ko 'yon, si Mishka. Buti na lang ay nakalimutan na niyang itanong kung paano ko nalaman kung na saan siya. Gusto ko siyang dalhin ngayon sa Valencia de Estrito kung saan matatagpuan ang malawak na karagatan na dinarayo ng karamihan dahil sa napakalinis at kintab ng tubig. Isama pa ang mga bulaklak na nakapaligid sa gilid ng dagat ang kaso lang ang sabi ko sa kanya ay 'di ko na maalala ang daanan. "Hindi mo na talaga maalala kung saan ang way? Ayos lang naman kung magtatanong tayo," sambit niya. Agad kong inihinto ang kotse, pagbaba ay bumungad sa 'min ang isang bahay na medyo may kalumaan. Matagal na rin kasi ang lumipas simula noong makarating ako rito sa Valencia, palagi akong nasa Madrid at Barcelona. Ferreira Point of View "Alford, hintayin mo na lang ako rito," tugon ko at saka lumakad palayo. Isang bahay na may kalumaan ang ngayo'y na sa 'king harapan. Susubukan kong tingnan kung may tao para magtanong kung saan ang daan papuntang Valencia de Istrito. Bukas ang pinto kaya feeling ko may tao sa loob. "Hello…" "Anybody here?" Paulit-ulit na kong binabanggit pero kahit lakasan ko ang boses ko ay walang taong lumalabas o sumasagot man lang. Sinubukan kong sumilip, hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang nararamdaman ko sa bahay na 'to. Pakiramdam ko ay may hangin na nagtulak sa paa ko para tuluyang pumasok sa loob. Dahan-dahan akong naglakad at maya-maya lang ay may isang matandang babae ang bumungad sa 'kin na ikinagulat ko. Lumapit siya sa 'kin na para bang gulat na gulat sa itsura ko. Hinaplos niya ang aking pisngi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Mukha siyang Pinay, tama nga ba 'ko? "Kay tagal kitang hinintay, sa wakas ay naparito ka na." nakangiti nitong hinaplos ang mukha ko. "Pasensya na po pero 'di ko po kayo maintindihan, magkakilala po ba tayo?" pagtataka kong itinanong. "Ang sumpa ay nakatakda ng mangyari at natitiyak kong maitatama mo ang lahat… kasama siya..." sagot niya kaya lalo akong naguluhan. "Pasensya na po pero hin—" "Makinig ka sa'kin. Alam kong mahirap unawain ang ganitong sitwasyon ngunit nais kong malaman mo na ang sumpa ay na sa 'yo. Magsisimula na ang oras upang maitama mo ito at buksan mo ang 'yong mata at puso nang makita mo siya. Alam kong nariyan na siya." Pagkasabi niya non ay dali-dali akong lumabas, hingal na hingal akong lumabas ng bahay at bumalik sa kinaroroonan ni Alford. "Hey, what's wrong? What happened?" nag-aalalang tanong ni alford at saka ako inalalayan papasok ng kotse. Hindi pa rin ako makakibo. "May nanghabol ba sa 'yo or what? Tell me." halatang nag-aalala siya. "Yes." napalunok ako dahil wala akong ibang masabi maliban doon. Aktong lalabas si Alford pero pinigilan ko siya. "Don't worry, wala na siya. I'm fine." pilit ngiti kong sinabi. Kahit ako ay hindi maintindihan ang ibig sabihin ng matanda. Isa pa, sinong "siya" ang tinutukoy niya na kasama ko. Sa kabila ng lahat ay may isang bagay na gumugulo at bigla na lamang sumagi sa utak ko… Ang librong nabasa ko. HABANG nasa biyahe, palaisipan sa 'kin 'yong sinabi ng matandang babae kanina at sumasabay pa ang librong nabasa ko noong nakaraang araw na pinag-usapan namin ni Mama. Aminin ko man o hindi, ngayon ay naitatanong ko na sa sarili ko… totoo kaya ang librong nabasa ko? Kung oo, na sa 'kin nga ba ang sumpa? Ano ang dapat kong itama? Anong solusyon para maputol ito? Kung hindi, bakit ang mga panaginip ko ngayong mga nakaraang araw ay konektado sa nangyayari sa buhay ko? Anong ibig sabihin nito? Teka, maling isipin ko na totoo iyon. Hindi maaari. Lumipas ang ilang minuto "Finally! We're here," sambit ni Alford. "I told you, maaalala mo rin ang daan." nginitian ko siya. Bumaba na kami ng kotse at naglakad, napahinto ako dahil kaunting lakad na lang ay kailangan ko nang tumapak sa buhangin ang kaso lang ay nakaheels ako. Bakit naman kaya may dalang paper bag 'tong si Alford? "Don't worry walang ibang tao dito maliban sa 'tin." paalala niya. "Magpapaa na lang ako," tugon ko. Napatingin siya sa heels ko. Nagulat ako dahil bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Now, just put your hand on my shoulder, Ferreira." sandali niyang inilabas ang flat shoes sa loob ng paper bag. Iyon pala ang laman no'n. Inalis niya ang heels ko pagkatapos ay inilagay sa paper bag. Isinuot naman niya sa 'kin ang isang flat shoes na terno sa suot ko. Planado ba niya na dalhin ako rito? Tumayo na siya at… "Bagay sa 'yo." titig na titig ito sa mata ko. Sh*t! My heart... Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pagkatapak ko sa buhangin, hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang kumirot ang dibdib ko. Napakaganda ng paligid, ang mga bulaklak sa bawat gilid, ang mga naglalakihang puno at ang napakalinaw na karagatan na patuloy sa pag-alon. Pero bakit sa kabila nito ay may emosyong nangingibabaw sa damdamin ko. Bakit ganito? Ang kirot. "Alford, thank you pala sa pagdala sa 'kin dito. Thank you din k-kasi… pinuntahan mo 'ko." pagpapasalamat ko. "Wala 'yon, salamat din sa 'yo." bigla na naman kaming nagkatitigan. Naglakad ako palapit sa dagat habang nilalasap ang simoy ng hangin, saktong palubog na rin ang araw kung kaya't wala ng init. Ang kirot sa dibdib ko ay 'di pa rin nawawala. Bigla kong naalala 'yong panaginip ko sa dagat na may babaeng nalulunod at nang tulungan ko siya ay sinabi niya sa 'kin na ang sumpa raw ay na sa akin at kailangn ko itong tapusin kasama siya. Pero hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya, iyon din ang sinabi ng matanda kanina sa 'kin. Sh*t! Kakaisip ko ayan tuloy lalong kumirot ang dibdib ko. Bigla akong napatingin kay Alford. Hindi ko alam pero bakit sa pagkakataong ito ay 'di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Alford… can I ask you something?" sana ay 'di siya makahalata. "Sure, go ahead," Sambit nito ng nakangiti. "N-naniniwala ka ba talaga na 'yong mga p-panaginip mo about sa babaeng palagi mong inililigtas ay… s-senyales na m-magkikita kayo? G-gusto mo ba talaga siyang m-makilala?" kuryosidad kong tanong. Sh*t! Kusa na lang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na 'yon. Ang kirot pa rin ng dibdib ko. Lalo pang kumikirot. Lumapit ng bahagya si Alford sa 'kin at sa pagkakataong ito ay biglang nawala ang kirot sa aking dibdib. Habang nakatanaw siya sa karagatan ay muli siyang nagsalita. "I admit noong una, natural na lang sa 'kin ang mga panaginip ko kaya… kahit pakiramdam ko ay may kakaiba at may gustong iparating, dinededma ko lang." "Pero nagbago ang pananaw ko simula nang mangyari ang isa sa mga panaginip ko, na paulit-ulit." sunod-sunod na sambit ni Alford habang nakatanaw sa dagat. "Alam mo kung minsan parang ayoko na magising. Kaso napaka-imposible, kasi 'yong landas namin para banginya na may pagkakataong magtagpo ang isa't isa pero hindi talaga magdudugtong ang direksyon naming dalawa." bigla naman siyang napatingin sa 'kin. Sobrang kumakabog na ang dibdib ko. Hindi ko akalain na pareho kami ng pananaw tungkol sa panaginip. "Mabuti pa nga 'yong babae sa panaginip ko binibigyan ako ng rason para mabuhay," seryoso niyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko. "Like what I said before, sa tuwing may emosyong nangingibabaw sa 'kin, pag malungkot o depress mas madalas ko siyang mapanaginipan na lagi ko siyang tinutulungan at inililigtas. Kaya paggising ko, nar-realized ko na siguro sign 'yon na may taong mas kailangan ako at siya 'yon, si blur woman." lalong bumilis ang pintig ng puso ko.. I don't know what to say. Kung ako may blur man, siya naman ay may blur woman. Lumayo ako at tumalikod sandali kay Alford. Sh*t! Ayan na naman ang pagkirot ng dibdib ko. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, ang alam ko lang ay may mga ilang panaginip ako na may pagkakahawig sa nangyayari sa 'min ni Alford lalo na noong araw na 'di ko inaasahang siya rin pala iyong ka-chat kong Jacob sa rp account. "Hey, are you okay?" tanong niya kaya napaharap ako. Napansin ko lang, bakit sa tuwing malayo ako sa kanya ay kumikirot ang dibdib ko pero sa tuwing magkalapit kami ay biglang nawawala? "Ferreira, are you okay?" muli niyang tanong. Hindi ko alam kung anong hangin ang nagtulak sa 'kin para lapitan siya. Niyakap ko siya ng mahigpit, ginawa rin niya ito pabalik. Sa pagkakataong ito ay wala akong maramdamang kirot sa dibdib. Nagmimistulang bula ang lahat ng kirot sa tuwing kami ay magkalapit. Totoo nga ba na ako ang sumpa? Totoo nga ba ang aking mga panaginip? Kung gano'n… Alford? Ikaw nga ba si blur man? Ikaw nga ba ang kasagutan sa mga tanong ko na matagal ng gumugulo sa 'king isipan? Alford Point of View Kasalukuyan kaming magkayakap ni Ferreira, hindi ko alam kung bakit ganito ang mga kinikilos at sinasabi niya sa 'kin. Ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa panaginip pero bakit pakiramdam ko ay may ayaw lang siyang pag-usapan, pakiramdam ko ay interesado rin siya sa mga ganoong bagay kagaya ko. Bakit siya magtatanong sa 'kin about sa panaginip kung wala siyang gustong malaman? "Sorry, bigla kasi akong nakaramdam ng 'kirot sa d-dibdib." agad siyang bumitaw sa 'kin. Lumayo siya ng kaunti at saka tumalikod. Ferreira, may gusto ko nga bang sabihin sa 'kin o baka naman may itinatago ka na dapat kong malaman pero takot kang ipaalam? Sa ginagawa niya ay mas lalo niya 'kong binibigyan ng rason para kilalanin siya ng husto pero paano na? Ngayong nalaman ko na ang pamilyang kinabibilangan niya ay matalik na kaaway ng pamilya ko. "Ferreira…" pagtawag ko rito. "Can I ask you a favor?" dagdag ko pa. "Sure, what is it?" napaharap siya sa 'kin. "Please don't tell this to anyone, ang tungkol sa atin… promise?" kusang lumabas sa 'king bibig ang salitang iyon. "Sure, if that's what you want," nakangiti niyang sagot. Pagkatapos ng usapang iyon ay naglakad-lakad kami saglit at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay na puro kasiyahan. Tuluyan na ring nawala ang kirot sa 'king dibdib, hindi ko tuloy alam kung nawala nga ba iyon mula sa yakap ni Alford o baka naman coincidence lang 'yon? Makalipas ang ilang oras ay naisipan na rim namin umuwi ni Alford. Alford Point of View Alam kong mali ang ginawa ko na 'wag sabihin kay Ferreira ang totoo, na isa rin akong Representative pero… paano kung layuan niya 'ko pag nalaman niya? Hindi ako sigurad dahil baka mas manaig sa kanya ang takot. Alam ko rin na mali na ituloy ko pa ang pakikipagkita sa kanya lalo ngayon, sigurado akong lahat ay magiging mahigpit sa 'ming mga representative. Habang na sa biyahe, napansin kong tahimik si Ferreira at para bang ang lalim ng iniisip niya. Sa wakas ay nandito na kami sa palasyo na tinutuluyan niya. Ipinarada ko sa gilid ang kotse at saka bumaba si Ferreira. Nagpaalam na siya at tuluyan nang pumasok sa palasyo. Naisip ko rin na tumuloy muna sa hotel at bukas ng umaga na 'ko uuwi sa palasyo namin. Ferreira Point of View Pagdating ko sa loob ng palasyo ang lahat ay nagulat. Nagmamadaling lumapit sa 'kin si Señora Elizabeth, "Dios mio! We're worried about you hija." "I'm sorry… I just went out with my friend and I forgot to ask your permission." pagsegway ko. Sh*t! Nakakahiya naman ang kauna-unahing gabing pamamalagi ko rito, sorry agad ang bungad ko. "Ferreira, pinag-alala mo kaming lahat. Ano bang ginagawa mo sa Valencia de Estrito? Sino ang kasama mong pumunta roon?" pag-aalala ni Señora Elizabeth, pero teka… Paano niya nalaman na nanggaling ako roon? "Uhmm… pasensya na po kung ginabi ako. Paano niya po nalaman na nanggaling ako roon?" pagtataka ko. "Iyang phone mo, sa tuwing nakaopen ay nalalaman namin kung nasan ka dahil sa gps. Inayos ko 'yan habang nasa biyahe tayo, 'di ba? Ferreira, sagutin mo ang tanong ko, sino ang kasama mo na pumunta sa Valencia de Estrito?" tanong ni Señora. Seriously? Bakit kailangan pang alamin kung saan ako pumunta at kung sinong kasama ko? Pakiramdam ko tuloy ay kontrolado ang bawat galaw ko rito sa palasyo. "K-kaibigan ko po," sagot ko. "Sinong kaibigan? Ang Valencia de Estrito ay pansamantalang isinara hangga't 'di natatapos ang isang buwan. Makakapasok ka lang kung kilala ka ng taga-pamahala roon. Nagtataka kami kung sinong kaibigan ang kasama mo dahil bago ka lang dito kaya't hindi ka pahihintulutan na pumunta roon maliban na lang kung kilalang tao ang kaibigan mo o kaya ay kilala ng taga-pamahala," sambit ni Señor Eduardo na siyang nagpakaba sa 'kin. "A-ang kaibigan ko po k-kasi, ay may kakilala at kaibigan din sa Valencia de Estrito kaya po napakiusapan niya." pagpapanggap ko. Sh*t! 'Di ko pwedeng sabihin na si Alford ang kasama ko. 'Yon ang sinabi sa 'kin ni Alford, na itago ang tungkol sa 'ming dalawa. Hindi ko rin alam ang rason ni Alford pero ang sabi niya ay 'wag ko raw muna itanong ang tungkol doon dahil sasabihin din niya. Malaki ang tiwala ko kay Alford kaya paniniwalaan ko iyon. Pero nagtataka ako sa sinabi ni Señora at Señor. So it means, hindi kami makakapunta roon sa Valencia de Estrito kung walang kumausap sa taga-pamahala na kilalang tao o nasa mataas na posisyon dito sa Spain. So paano napakiusapan iyon ni Alford kung hindi siya kilala roon? Sinabihan nila 'ko na umakyat na sa aking kwarto at inihatid na lang doon ng kasambahay ang aking pagkain. Sa wakas ay settle na ang lahat dahil binigay na sa 'kin ang new phone ko at ibang kakailanganing gamit. Tapos na 'kong kumain at oras na para magpahinga. Gustuhin ko man na sagutin ang mga tanong sa 'king isipan gaya na lamang sa sinabi ng matandang babae kanina at ang pagpunta sa Valencia de Istrito. Ang araw na ito ay hindi ko makakalimutan dahil napakaraming nangyari isama pa ang saya na idinulot ni Alford. Bago ako matulog ay kinuha ko ang notebook na binigay sa 'kin ni Mama, isinulat ko ang mga nangyari mula sa pagpupulong kanina, ang tungkol sa matanda, ang pag-alis namin ni Alford hanggang sa aking pag-uwi. Agad kong tinawagan si Mama, pero hindi niya ito sinagot. Muli ko siyang tinawagan pero bakit gano'n. Nagr-ring lang ang phone niya at hindi ito sinasagot. Siguro ay may ginagawa si Mama ngayon, bukas ko na lang siya tatawagan para mas mahaba ang oras ng pag-uusapan namin. Sa aking pagpikit ay muling pumasok sa 'king isip ang sinabi ng matandang babae sa akin doon sa restaurant na ang buhay na naghihintay sa 'kin ay isang delubyo. Hindi naman siguro, ang harsh ni Nanay sa part na 'yon. Bigla tuloy akong napaisip. Simula bukas, sa pagmulat ng aking mata ang buhay ko ay tuluyang maiiba, sana lang ay walang mangyaring masama sa pamamalagi ko rito sa Spain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD