Alford Point of View
Alas seis pa lang ng umaga at ngayon ay nagmamaneho ako pabalik sa palasyo namin sa Madrid. Alam kong galit na naman si Papa dahil 'di ako um-attend sa business presentation kahapom pero tapos naman na iyon. Isa pa, hindi naman ikasisira 'yon ng kompanya.
Sa wakas ay nakarating na rin ako.
Pagpasok sa palasyo, kalalagpas ko pa lang ng gate ay bumungad na sa 'kin ang kapatid ko.
"Hermanooo…" pagtawag nito sa 'kin.
"¿Dónde has estado?" (Where have you been?) tanong niya.
"Somewhere." dire-diretso akong pumasok sa loob at maya-maya lang ay…
"Alford!" Sigaw ni Papa habang pababa ng hagdan.
Napatingin ako sa kanya, halatang galit na naman siya.
"Where have you been? We've been waiting for you. Why didn't you come yesterday? Alam mong kailangan ka pero hindi ka dumating! No one else is responsible for that, Alford.
"If our total rating falls below the lowest, there was no one to blame for that, but yourself. You need to obtain preference ratings to maintain the improvement of our business, do you understand?" mariin niyang sinabi.
Humarap ako sa kanya, "I know. But not everything can be resolved in a meeting. Mataas ang ratings natin ngayong taon lalo last year, wala kayong dapat ikabahala. Just because I did not attend the business presentation doesn't mean I can't maintain the progress of our business. I care about what is best for this company, hindi ako uuwi rito kung wala akong pakialam."
Maya-maya lang ay biglang sumulpot si Mama.
"Dios mi, hijo! Where have been? Are you alright?" sambit ni Mama sa harap ko.
"Amanda! Cynthia! Please prepare some food for my son, right now," tawag ni Mama sa mga kasambahay namin.
"I'm not hungry. I just want to rest a little bit more." walang gana kong sinabi at saka umakyat sa second floor para dumiretso sa kwarto.
Kasalukuyan akong nakahiga sa 'king kama at nag-iisip. Patuloy kong inaalala ang mga nangyari sa 'min ni Ferreira, mula noong nasa Pilipinas kami hanggang dito sa Spain. Aminin ko man o hindi ay kusa na lang lumalawak ang ngiti sa 'king labi 'pag naiisip ko siya, para bang ang sarap balikan ng bawat minutong kasama siya. Pero sa tuwing bumabalik ako sa realidad at naiisip na ang pamilyang kinabibilangan niya ay kaaway ng pamilya ko, kusa na lang akong nakakaramdam ng kirot sa dibdib.
Hindi.
Hindi pwede.
Ayokong maulit ang mapait na karanasan ko. Sabagay ay mas malalim ang relasyon na mayroon ako noon kumpara ngayon sa amin ni Ferreira, pero… pero kung paano ako sumaya noon, para bang mas natutumbasan ngayon.
Ramdam kong oo pero bakit? Hindi ko mantindihan kung bakit parang may kakaiba kay Ferreira na hindi ko magawang ipaliwanag.
Kailangan ko na magpahinga ngayon para mamaya ay mapuntahan ko si Ferreira. Magkikita kami before lunch.
Ferreira Point of View
"Ms. Ferreira?'
"Ms. Ferreira?"
"Ms. Ferreira…"
Nagising ako mula sa boses na tumatawag sa pangalan ko. Pagmulat ko ay isang babae ang na sa harap ko ngayon kaya napabangon ako. Sa tingin ko ay mas matanda lang siya ng mga limang taon kay Mama, bigla ko tuloy siyang namiss.
"Goodmorning po Ms. Ferreira, ipinahahatid po sa inyo ito ni Señora Elizabeth. Ito raw po ang isusuot niyo sa party sa susunod na araw na po 'yon. Inaantay na rin po kayo ni Señor Nazario sa baba para kumain ng umagahan." naangiting sinabi nito sa 'kin sabay inilapag niya ang isang box na malaki sa gilid ng kama ko.
"Sige po, maraming salamat. Ano po pala ang pangalan niyo?" sinuklian ko rin siya ng isang ngiti.
"Ay pasensya na po kung nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. Tama po ang sinabi nila, napakaganda mo po… Ako po pala si Carol Medina, ako po ang taga-silbi niyo kaya kung may iuutos po kayo, handa po akong sundin ang lahat," malawak na ngiti niyang sinabi.
"Salamat po, pinay rin po pala kayo." nakakatuwa dahil hindi ako mahihirapan makipag-komunikasyon sa kanya.
"Opo Ms. Ferreira, ako pa ang pinili nina Señora at Señor para mas madali niyo raw pong maipaalam o maiutos ang mga gusto niyong ipagawa," sagot niya.
"Mama Carol na lang po ang itatawag ko sa inyo, tawagin niyo na lang din po akong Anak o Ferreira," sagot ko.
"Panigurado pong magagalit sa 'kin sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo, kapag iyon po ang tinawag ko sa 'yo." malungkot ang kanyang mukha.
"Ganito na lang po, tawagin niyo na lang po ako sa pangalan ko o 'di kaya'y anak kapag wala na pong ibang makaririnig." napangiti naman siya sa sinabi ko.
Nagsimula na siyang magpaalam at saka lumabas. Naligo na rin ako at saka nag-ayos.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba na para kumain. Habang naglalakad ako palapit sa table ay natanaw ko na agad si Nazario, nakangiting nakatitig sa 'kin habang nakaupo.
"Goodmorning Ferreira. Sit down and have breakfast with me," bati ni Nazario.
"Goodmorning. I am sorry it took so long." pagpapaumanhin ko.
"No problem. Actually, I did not join my Mom and Dad for breakfast. I've been waiting for you to wake up." hindi ko mawari kung dapat ba 'kong makonsensya dahil ngayon lang ako nagising o ano.
"I'm sorry, Nazario, pero hindi ka na dapat nagpagutom." palusot ko nang maitago ang hiya.
"Don't you want to have breakfast with me?" sambit niya sabay simangot.
"No. Honestly, I really appreciate your effort. Thank you. So… should we eat now?" nang sabihin ko 'yon ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"It's okay. Mas maganda ang umaga ko kung ikaw ang unang makikita ko kaysa pagkain o kahit ano." titig na titig siya sa 'kin habang nakangiti.
Shit! Ang awkward ah. Tagalog na tagalog na naman 'yong sinabi niya tapos parang iba ang dating sa 'kin.
"May lahi ka bang bolero? Nakakadalawa ka na ah." pagbibiro ko.
"Sa pagkakaalam ko, 'yong dila ko ay napakatotoo sa mga sinasabi, so hindi ako bolero." bigla na lang kaming natawa.
Marunong naman din siya magtagalog dahil nasanay at natutuan na siya ng Mama niya, may times lang na purong english.
Nagsimula na kaming kumain. 'Di maikakailang gwapo rin si Nazario pero kapag may sinasabi siya kung minsan ay naiilang ako kumpara kay Alford na komportable ako. Sabagay ay kakakilala ko lang kay Nazario… teka nga.
Bakit ba pinagkukumpara ko silang dalawa?
Habang kumakain ay panay tanong na naman sa 'kin si Nazario tungkol sa mga pagkaing paborito ko pati ang inumin. Kulang na lang ay itanong niya rin kung anong klaseng upuan ang paborito ko. Tingin ko ay mabuti na rin na ganito para kahit papaano ay mabilis kaming magkakilala.
"Na saan na pala ang Mama at Papa mo?" tanong ko.
"I'm sorry I forgot to tell you, may follow up meeting kasi sila. Don't worry, after lunch darating din sila," sambit niya.
Napakabusy naman ng mga tao rito, kung titingnan ay parang wala ng kulang, ang yaman na nila.
Obviously, mas mayaman sila sa 'min pero nakakapagtaka lang. Mayaman na nga, pera pa rin ang problema.
Habang nagmamasid ako sa paligid ay muli ko na naman nakita 'yong kasambahay na nakatitig sa 'kin, ilang sandali lang ay lumingon agad ito sa ibang direksyon at bumalik sa pagtatrabaho.
"Ano pa lang name niya?" tanong ko kay Nazario, sabay turo sa babaeng kasambahay na laging nakatingin sa 'kin.
"Laura. That's her name," sagot niya.
So, her name is Laura. Gusto ko siyang makausap at malaman kung bakit lagi siyang ganoon makatingin sa 'kin, pero sa ibang araw ko na siya tatanungin.
Maya-maya ay bumalik na kami sa pagkain at pag-uusap ni Nazario.
Maya-maya
Natapos na kaming kumain at naisipan naming maglakad muna rito, at dahil inaatay ko si Alford ay naisip kong mag-stay sa labas. Doon sa terrace ko naisipan mag-stay para may pagkakataon akong makita kung may kotse ba na dadaan.
"Ang balita ko magaling ka raw sumayaw. Nung nalaman ko 'yon parang lalo akong naganahan." napatingin ako rito.
"Naganahan? Saan naman?" pagtataka ko.
"Sa pagp'piano," sagot niya.
Seriously? Tumutugtog din siya ng piano?
"So it means nagp'piano ka?" gulat kong tanong.
"Yes, at mukhang mapapadalas na ngayon ang pagtugtog ko," sambit niya.
Sandali niya 'kong tinitigan.
"Bakit naman?" pagtataka ko.
"May dancer na 'ko, kasi nandyan ka na. Ako ang tutugtog, ikaw ang sasayaw," malawak na ngiti niyang sinabi.
Bakit niya naman naisip na sabihin 'yon?
"Parang nakakahiya naman…" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ay nagsalita na siya.
"Don't worry, tutugtugan na lang kita hangga't gusto mo," sambit niya.
Bakit gano'n? The way na kausapin niya 'ko parang ang gaan ng loob niya sa 'kin, gano'n din naman ako sa kanya. Pero… napaka-direkta niya sa mga sinasabi niya.
"Sorry, nabigla ka ba sa mga sinabi ko? Basta kapag gusto mo na mag-relax, nandito lang ako tutugtugan kita ng mga kantang magpapagaan sa loob mo at ililibot sa magagandang lugar na sandaling magpapalimot ng lungkot mo. Kung may mga bagay man na nagpapabigat ng kalooban mo, 'wag mo problemahin ng mag-isa at kapag may bagay na hindi mo kayang gawin, sabihin mo lang sa 'kin," sambit niya.
Bigla kaming nagkatitigan, hindi ko alam pero bakit gano'n siya magsalita? Napaka-seryoso at kalmado niyang tao.
"Bakit mo pala sinasabi ang mga 'yon sa 'kin?" gusto kong malaman ang rason kung bakit o baka sadyang mabuti ang kalooban niya.
"Dahil bago ka rito at alam kong nag-a-adjust ka pa sa mga patakaran o kinagawian namin. Lalo sa mga susunod na araw, maninibago ka sa lahat pero 'wag ka mag-alala… hindi naman kita pababayaan," sambit nito.
Sa totoo lang ay napagaan niya ang loob ko sa mga sinabi niya.
"Thank you, Nazario," nakangiti kong sinabi.
Habang naglalakad kami sa terrace ay nasalubong namin sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo.
Ang bilis naman nila makauwi.
"Mama, Papa, napaaga ata kayo," saad ni Nazario.
"Yes… uhmm by the way…"
"Nazario, Ferreira…"
"There is a lot of work to be done by next week and everything will be in place sometime before emd of the month." ibig sabihin ay kailan na namin mag-asikaso ng negosyo.
"This document needs to be ready and revised by next week, so you have to pay attention," sambit ni Señor Eduardo, sabay abot niya sa 'kin ng isang envelope na may lamang documents.
"What about you and Papa? Won't you help us?" Nazario asked.
"You and Ferreira are responsible for getting ready in a new business. Focus on your work, okay?" sambit ni Señora Elizabeth.
"Mama, you have to pay attention to us, and not just stay busy doing work," sagot ni Nazario.
May punto naman siya.
"Hijo, we don't want to talk about this right now. We came back early so we'd have some time before photoshoot started." halata sa mulha nilang mag-asawa ang pagka-irita at pagmamadali.
"Photoshoot?" tanong ni Nazario.
"Yes, you have to make the photo shoot today," sagot ni Señor.
"Follow us. There is no time to lose. Can you please get ready fast?" nagmamadaling sambit ni Señora Elizaneth.
Naglakad na agad si Señora Elizabeth at Señor Eduardo.
"Ferreira, we need to prepare now. Just call Manang Carol if you need something, okay?" paalala ni Señora Elizabeth.
"Ferreira, see you later." nagpaalam na sa 'kin si Nazario at ngumiti bago tuluyang sumunod sa mga magulang niya.
Naglakad na sila papasok ng palasyo habang ako ay nandito pa rin sa terrace. Napansin ko kay Nazario na napaka-masunurin niya tipong isang sabi lang ng mga magulang niya ay susunod agad siya.
Kagaya ng sinabi ni Nazario kanina.
"Mama, you have to pay attention to us, and not just stay busy doing work."
Para bang nainis siya ng kaunti. Ura-urada ba naman kasi kung mag-utos, paano pala kung walang pahinga 'yong tao?
Nandito pa rin ako kaya naman naglakad-lakad ako sandali at maya-maya lang ay bumalik na 'ko sa loob at umakyat sa 'king kwarto.
Naisip kong magpahinga na muna ng ilang oras.
Pagkatapos magpahinga ay naligo na 'ko at nag-ayos para handa na 'ko, kung sakaling darating na si Alford.
Dumiretso ako sa baba at hinanap si Señora Elizabeth at Señor Eduardo para magpaalam. Buuti na lang ay 'di pa sila nakakaalis.
"Senora Elizabeth, Senor Domingo… I wanna visit my friend. Lalabas po sana 'ko," tugon ko habang palapit sa kanila.
"Oh sure, my dear. Just make sure that you'll be here this evening, okay take care," sambit ni Senora Elizabeth.
Wow 'di ba? Hindi sila nagtaka kung alam ko na ba ang buong Spain at baka maligaw ako. Mas mabuti na rin 'yon na 'wag na sila magtanong pa.
"Don't go home late, understand?" sambit ni Señor Eduardo.
"Noted, Señor," sagot ko.
"Ferreira, see you later." pahabol ni Nazario kasabay ng isang malawak na ngiti.
NAGMAMADALI akong lumabas ng palasyo. Paglabas ng bahay ay agad kong nakita si Alford.
Isang malawak na ngiti naman ang isinalubong niya sa 'kin.
Alford Point of View
Nginitian ako pabalik ni Ferreira na para bang wala ng bukas.
Her smile is my weakness.
Pero bakit? Bakit kumakabog ang dibdib ko 'pag nariyan siya?
"Shall we?" Ferreira asked.
Agad kaming sumakay sa kotse ko papunta ulit sa Valencia de Estrito.
Ang lugar na iyon ay madalas dinarayo ng mga turista dahil sa taglay na lawak at linis. Isama pa ang mga maririkit na bulaklak sa paligid, kaya mas prefer na dalhin ang tulad ni Ferreira sa gano'ng klaseng lugar.
"Alford…"
"Uhmm… alam mo ba kagabi pag-uwi ko, nalaman nila na galing ako sa Valencia de Estrito. Tin-trace pala 'ko ni Señora hindi ko man lang alam, kaya ngayon naka-off ang phone ko." ramdam ko ang kaba sa kanyang dibdib.
"Ano pang sinabi nila sa 'yo?" tanong ko.
"Tinatanong nila kung sino ang kasama ko roon, hindi raw kasi ako makakapasok maliban na lang kung nasa mataas na posisyon ang kasama ko or kilala ng taga-pamahala."
Napalunok ako sa sinabi ni Ferreira.
Sh*t!
Kilala kasi ako ng taga-pamahala rito at siya ay si Tay Yelson, ang matalik na kaibigan ni Papa. Simula ng yumao si Papa ay siya na ang nagsilbi kong pangalawang ama. Si Tay Yelson ay purong Pilipino, nakilala siya ng tunay kong ama sa Cebu isang dekada na ang nakalipas. Taong 2000 nang pumasyal si Papa sa Cebu, doon kasi nakatira ang dalawa niyang kapatid na babae na sina Leonora Avila Cardenas at Chailah Yenis Cardenas.
Napakabuti sa 'kin ni Tay Yelson, sa totoo lang ay mas itinuturing ko pa siya ama kaysa sa stepdad ko, ang asawa ni Mama ngayon.
"Uy, natulala ka na riyan!" natauhan ako bigla.
"Uhmm… sorry. Ano nga ulit 'yong tanong mo?" muli kong itinanong.
"May connection ka ba sa taga-pamahala ng Valencia de Estrito kaya tayo nakakapunta roon?" tanong niya.
"Uhmm… oo. Siguro bukas maipakikilala ko siya sa 'yo." tumango si Ferreira, buti na lang ay 'di na siya nagtanong pa.
Kailangan kong makausap si Tay Yelson bago ko siya ipakilala kay Ferreira. Kailangan kong tawagan si Tay Yelso para masabi ko sa kanya na hindi ko pwedeng ipaalam kay Ferreira ang tungkol sa 'kin, na ang tulad ko'y isa ring representative sa isang palasyo.
Maya-maya ay nakarating din kami.
Dali-dali kaming bumaba sa kotse at parang bata na tuwang-tuwa dahil sa ganda nitong paligid.
Para sa 'kin ay hindi lang ang paligid ang maganda, pati rin ang babaeng kasama ko na si…
Ferreira.
Habang naglalakad, bigla na lang akong napatingin sa kanya.
"What's wrong with my face?" tanong niya.
"Nothing, natulala lang ako." bigla na lamang lumabas ang salitang iyon sa bibig ko. Sana 'di niya narinig.
"Huh? Saan ka natulala?"
Sh*t! Narinig niya nga!
"Doon oh," pagtuturo ko.
Seriously? Talagang lumingon siya para lang tingnan.
"Wala naman tao roon, nasan ba?" muli niyang tanong.
Lumapit ako sa kanya habang nakatitig sa mga mata niyang tila parang bituing kumikinang.
Sh*t! Parang nangyari na 'to.
Déjà vu.
"Doon." Turo ko sa kanya. Lumingon siya sa gilid habang ako ay nakatitig lang sa kanya.
"Are you trying to—"
Napahinto siya sa pagsasalita at napalunok. Nagulat na lang din ako dahil sobrang magkalapit na ang mukha namin pareho. Damang-dama ko ngayon ang pagkaba sa 'king dibdib.
Lumingon sa ibang direksyon si Ferreira pero bakas pa rin sa itsura niya ang pamumula.
"Na saan ba kasi 'yon? Pinagtitripan mo lang ako e." lumingon-lingon pa siya sa paligid na akala mo ay may hinahanap talaga.
"Ferreira, you want to know?" I asked her.
Bigla naman siyang humarap sa'kin.
"Sino nakikita mo kapag nakatitig ka sa mga mata ko?" seryoso kong tanong.
"Kahit 'di ko sabihin, alam mo naman ang sagot." pansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Answer me," I said.
"Syempre ako," sagot niya.
"Precisely. You. You drive me crazy." bigla naman kaming nagkatitigan ulit, at sa pagkakataong ito ay nagmistulang robot ang katawan ko na para bang kinokontrol. Kasabay no'n ay ang pagbigay ko sa kanya ng isang matamis na ngiti.
"Simula ngayon, susulatan kita." nginitian ko siya. Sinuklian niya naman ito ng isa ring ngiti.
Bakit ramdam ko ang kakaibang pagtibok ng puso ko?
Masasabi ko na ang araw na ito ay hindi pa nagtatapos pero maituturing ko na napakasaya.
"Susulatan din ba kita pabalik? Paano ko naman iaabot sa 'yo ang letter kung hindi ko alam ang bahay mo?" pagtataka niya.
"You don't have to write a letter for me. Palagi kitang susulatan at ilalagay ko 'yon palagi sa may pinakasulok ng gate. Kapag nawala na 'yon sa paningin ko, it means kinuha mo 'yon. Kaya 'wag mong hayaan na may makakita sa 'yo sa tuwing kukunin mo ang papel."
Mabilis na sumang-ayon si Ferreira.
That's my only way to keep our communication. Bago lang kasi si Ferreira kaya siya tin-trace ng kanyang Señora at Señor. Mas mabuti na ang gano'ng dahil 'yong lamang ang nakikita kong pinakamadaling paraan para maiparating ko sa kanya ang mensahe.
Ilang oras din kaming naglakad-lakad, hindi ko alam pero napaka-coincidence talaga. Pati ba naman ang gutom ay pareho naming 'di maramdamam dahil mas nangingibabaw sa 'ming dalawa na sulitin at pagmasdan ang ganda ng paligid.
Hanggang sa sumapit ang ala cinco, naupo kami sa tabing dagat.
"Kahit kailan talaga ang sarap pagmasdan ng dagat lalo na kapag ganitong oras na palubog na ang araw, ang sarap ng hangin, noh?" malawak na ngiting sinabi ni Ferreira habang nakatingin sa pag-alon ng dagat.
"Tama ka. Pero mas masarap damhin ang hangin kung may bituin kang makikita sa langit."ll," sagot ko.
"Kung pwede lang na pagmasdan ang bituin at 'wag hayaang mawala sa paningin ko ay gagawin ko araw-araw." bigla naman siyang napatingin sa 'kin, sa pagkakataong ito ay ay ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib.
Pero teka…
"PARANG NANGYARI NA 'TO?"
Sh*t!
Sabay kami't pareho pa ang sinabi namin.
Bigla na lang kaming nagkatitigan sa 'di inaasahang pagkakataon.
'Pag minamasdan ka'y may nadarama~
Tinadhana nga tayong dalawa~
Siya ang unang lumingon sa ibang direksyon kaya naman natauhan din ako.
Lumingon ako sa gilid at doon itinapon ang ngiting pinipigilan ko lang din.
Bakit kusa na lang gumuguhit ang ngiti sa 'king labi? 'Wag sana niya mahalata.
Bukod sa saya ay may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.
Out of nowhere, sumagi sa isip ko na ang ganitong senaryo ay nangyari na pero…
sa panagnip nga lang.
Bago ko sunduin si Ferreira noong araw na pumunta kami sa dagat sa Cebu, nanaginip ako tungkol sa isang babae na parang naliligaw. Tinulungan ko siya at dinala sa isang magandang lugar kung saan mayroong malawak na karagatan at nagagandahang bulaklak sa paligid.
Is this coincidence? I wanna know.
Ferreira Point of View
Napagdesisyunan na namin umuwi ni Alford.
Habang na sa kotse ay wala pa rin tigil ang pag-uusap naming dalawa. Mga simpleng usapin na nagpapasaya sa 'kin, ganoon din siya sa palagay ko naman ay oo.
Hinatid ako ni Alford at agad ko na siyang pinauwi para hindi na siya makita pa nina Señor at Señora.
Pagkabukas ng gate ay agad akong sinalubong ni Nazario.
"Ferreira, I've been waiting for you. I'm glad you're here," he said.
"I'm sorry for taking too long. I just went out with my friend." nginitian ko lanh siya.
"It's okay, do not worry. I hope you had a nice day." he smiled.
"Thank you," nakangiti kong sinabi.
"No problem." he said.
Lalakad na sana ko para umakyat at pumunta sa kwarto ko nang bigla niya 'kong tinawag, "Uhmm… Ferreira…" .
Napaharap ako sa kanya, "Yes?"
"Can we have some dinner tonight?" sasabay ba 'ko o hindi?
"Uhmm, sure. Pero, punta lang ako sa kwarto sandali."
"Sure, I'll wait for you." nagdadalawang isip tuloy ako lalo ngayong umaasa siyang sasabay ako.
Naglakad na 'ko palayo at umakyat sa taas.
I'm going to take a half bath. Nakakahiya naman humarap sa kanya na hindi ako fresh.
Pilit ko man itago pero paulit-ulit na nagf-flash back sa 'kin ang mga nangyari kanina. Kung paano ako titigan ni Alford at ang kanyang yakap na kakaiba sa lahat.
Pag-akyat ko nakita ko agad si Mama Carol sa tapat ng pinto ko, at nang makita niya 'ko ay dali-dali siyang lumapit.
Wait, bakit naka-benda ang kamay niya?
"Ms. Ferreira buti na lang at dumating na po kayo." naagaw ng atensyon ko ang ngiti niyang halatang pilit.
"Mama Carol, ano pong nangyari sa kamay niyo? Bakit may benda?" pagtataka ko.
"Wala po ito Ms. Ferreira, maliit na sugat lang po," nakayuko niyang sinabi.
Halatang nagsisinungaling siya.
"Mama Carol, 'di ba ang sabi mo kapag may iuutos ako sa 'yo ay susundin mo?" nakatitig lang ako sa kanya.
"Opo Ms. Ferreira… ano po ba ang iuutos niyo at gagawin ko?" nakangiting sambit nito.
"Ngayon, inuutusan kita na sabihin mo sa 'kin kung anong nangyari sa kamay mo at bakit nagkaganyan?" mahinahon kong tinanong.
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at para bang takot na takot ang itsura niya matapos kong itanong iyon.
"Mama Carol, halika. Doon po muna tayo sa kwarto ko."
Naglakad na kami at pumasok sa kwarto ko.
Dali-dali niyang isinara ang pinto at humarap sa 'kin na nakayuko.
"Mama Carol, ngayon niyo po sagutin ang tanong ko, pangako hindi ko ipagsasabi kung ano man ang sasabihin niyo sa 'kin," nakangiti kong sinabi.
"Uhmm… Ms. Ferreira si… si S-señora Elizabeth po…"
Inaantay kong matapos ni Mama Carol ang sasabihin niya pero biglang bumukas ang pinto kung kaya't napahinto siya sa pagsasalita.
Bumungad sa 'min si Señora Elizabeth.
"Ferreira, there you are. How's your day sweetie?" malambing na pagkakasabi niya.
Bigla naman napunta ang tingin ni Señora Elizabeth kay Mama Carol.
"Oh Carol, bakit nandito ka sa loob ng kwarto ni Ferreira? Ganitong oras dapat ay nasa trabaho ka, ginugulo mo ba siya?" mariin na pagkakasabi nito habang nakatitig kay Mama Carol.
"Uhmm… Señora ako po ang nagpapasok sa kanya rito, gusto ko lang sana iutos sa kanya na sabihin kay Nazario na hindi na ako makaka baba para sa hapunan dahil bigla na lang pong sumakit ang ulo ko." malamya kong pagkakasabi.
"How bad sweetie. It's okay, just take a rest. Anyway, I have to go back in my room now. I'm sorry Ferreira nauna kaming kumain ng Señor Eduardo mo. Talk to you tomorrow, okay? Goodnight sweetie." hindi ko gusto ang mga ngiti ni Señora para bang isang maskara na may tinatago.
"Thank you. Goodnight Señora Elizabeth." naglakad na siya at sandaling tumigil sa tapat ng pinto.
"Carol, please follow me."
Napatingin ako kay Mama Carol, nginitian niya 'ko at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto para sumunod kay Señora Elizabeth.
Napapaisip tuloy ako kung anong nangyari sa kamay ni Mama Carol. Bakit parang takot siya na malaman ko ang rason? 'Di bale bukas na bukas ay kakausapin ko siya.
Bago ako matulog, gusto ko munang tawagan si Mama para kumustahin. Saktong gabi rito, kaya umaga ngayon doon.
Mama's phone ringing…
Nakangiti ako habang nag-aantay na sagutin ni Mama ang tawag ko.
Hindi niya sinasagot ang tawag ko, bakit naman kaya?
Sinubukan kong tawagan ulit siya pero hindi pa rin niya ito sinasagot.
Paulit-ulit ko siyang tinawagan pero hindi pa rin niya sinasagot. Hindi rin naman niya pinapatay ang tawag ko.
Busy kaya siya?
Hindi tuloy ako makatulog, gusto ko kasing kumustahin siya. Mukhang back to busy mode na naman siya. Sabagay, may bukas naman para tawagan ulit siya.
Lumabas ako ng kwarto at naisipan na pumunta sa terrace.
Wala pa man ako roon ay hinarangan na 'ko ng mga guardiya.
"Lo sentimos, pero no se te permite salir,"
(We're sorry, but you're not allowed to go outside) sambit no'ng isa. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.
Ang oa nila, pupunta lang naman ako sa terrace para magpahangin.
"Seriously? Kahit isa na 'kong representative dito ay pagbabawalam niyo 'ko?" nakakunot noo kong tanong kahit pa alam kong 'di nila 'ko maintindihan.
"Los sentimos, Señorita, per—"
(We're sorry, Ms. bu—)
"Le permiten."
(Allow her.) isang boses mula sa lalaki.
Mabilis na umalis sa harap ko ang mga sundalo at nagbigy puri at pagbati agad sila sa isang lalaki na ngayon ay natatanaw ko na.
Iyon pala ay si Nazario.
Lumapit ito sa 'kin.
"Thank you," tugon ko kasabay ng isang ngiti.
"Always."
"So… shall we?" pag-aaya niya.
Tumango ako kaya naman nagsimula na kaming maglakad at dumiretso sa terrace.
Habang naglilibot kami ay bigla na lang sumagi sa isip na hindi ko pala siya sinabayan kumain kanina. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkahiya.
"Uhmm, Nazario, sorry kanina, hindi na kita nasabayan sa pagkain."
"No, it's okay. So, how's your feeling now?" tanong niya.
"I'm fine, don't worry," tugon ko.
"So why are you still awake?" he asked.
"I felt guilty. I couldn't sleep." direkta kong nasabi.
Pakiramdam ko kasi kahit kagustuhan at tama naman ang desisyon ko na pumunta rito, minsan ay nakakaramdam ako ng lungkot at kaunting pagsisisi. Tipong sana mas pinili ko na lang na manatili roon sa Pilipinas kasama si Mama. Ang kaso nga lang ay kailangan talaga.
"I guess, you're thinking too much about your mom. Am I right?" he was right.
"Exactly. But I'm fine, don't worry."
Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid at maya-maya lang ay…
"Come, follow me." bigla niya 'kong hinila at ngayon ay naglalakad kami ng sabay.
Wala akong idea kung anong gagawin at saan kami pupunta.
Finally, we reached the second floor. Sa tapat ng isang room na ang nakakagay sa itaas ay Music room.
Pagkapasok sa loob nito ay pinaupo ako ni Nazario sa tapat ng piano table na may sapat na distansya.
Maya-maya lang ay bigla kaming nagkatitigan ni Nazario at ito ay ngumiti sa 'kin.
Sinimulan na niya ang pagp'piano at laking gulat ko dahil ang kantang tinutugtog niya ay ang…
C'est ça l'amour.
Sh*t!
Ngayon ay ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, pero bakit? Nagkataon pa na pareho silang marunong tumugtog ng piano ni Alford, parehong kanta rin ang alam nila.
He was playing a piano while I was just looking at him.
Habang nagpg-piano siya ay nakatitig lang ako sa kanya. May mga segundong nagagawi ang tingin niya sa 'kin na nakangiti kaya naman nagkakatitigan kami.
Habang tinutugtog niya iyon, ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kalmado lang akong nakikinig sa kanya at nakamasid.
Pero bakit 'pag si Alford 'yong tumugtog ay parang binabaunan ng pako ang dibdib ko dahil ramdam ko ang kirot?