Chapter 18. Untold truth

4487 Words
"Ang ganda… ang galing mo pala tumugtog ng piano," tugon ko ng nakangiti. "Hindi ako gagaling kung walang dahilan," sagot niya. "What do you mean?" pagtataka ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit muli kong naisipan na tumutugtog," diretsuhan niyang sinabi. Bakit naman ako? "Kailan ka ba huling nag-piano?" tanong ko. "When I was in high school." "Bakit hindi mo tinuloy? Ang galing mo kaya." iyon naman kasi ang totoo. "Kahit gaano ka pa kagaling, kapag walang naniniwala sa kakayahan mo ay mananatiling balewala ito," seryoso niyang sinabi. Kita ko sa mulha niya ang lungkot. "Kahit pa sabihin kong ang sarap pakinggan at gusto ko ulit marinig, mababalewala pa rin ba?" tanong ko. Umiling ito at ngumiti sa 'kin. "Gaya ng sabi ko sa 'yo, tutugtugan kita hangga't gusto mo. Hangga't nakikinig ka, 'di ako magsasawa," sambit niya. Nagkatinginan tuloy kami at sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng hiya. Maya-maya lang ay napagdesisyunan na namin na bumalik sa kanya-kanyang kwarto, maghahating gabi na rin kaya oras na para magpahinga. Hanggang sa makarating kami sa second floor. "Goodnight Ferreira." isang ngiti ang kanyang pinakawalan. "Goodnight." tuluyan na rin akong naglakad. Nandito na 'ko sa tapat ng kwarto ko, aktong bubuksan ko na ang pinto nang biglang itong bukas at bumungad sa 'kin si Señora Elizabeth. "Señora…" "Ferreira, it's already midnight, where have you been?" pagtatanong nito. "Uhmm… I just went to the music room with Nazario. Ang galing po pala tumugtog ng anak niyo." "That's great. Uhmm… I just want to check if you are lying in bed and resting. You told me awhile ago that you went outside to see your friend, right?" she smiled at me but she totally faked it. "Yes but, we've been talking for a while Senorá…" nag-usap pa lang kami kanina pero bakit parang nalimutam niya? Honestly, I don't like the way she looks at me. There was just something about the way she looked at me that made me feel uncomfortable. "Ohhhh… Yeah sweetie. I forgot hahaha. I'm sorry Ferreira, I'm exhausted all day and I don't have the energy that I used to have. Pasensya ka na, hija. By the way I have to go back in my room, goodnight sweetie!" she smiled at me as she quickly walked by. Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Nakakapagtaka lang, ano kayang ginagawa niya rito sa kwarto ko? Bakit kailangan ako i-check kung nandito ako, parang kanina lang ay pumasok na siya sa kwarto ko. Sa wakas ay nakaupo na 'ko rito sa kama. Sinubukan kong tawagan ulit si Mama pero nabigo ako dahil hindi pa rin niya ito sinasagot. Ipagpapabukas ko na lang ang lahat ng 'to. Bago ako humiga ay kinuha ko ang notebook na bigay sa 'kin ni Mama at inilahad ang lahat ng mga nangyari mula kaninang umaga hanggang ngayong gabi. It's time to sleep. Alford Point of View Panibagong araw na naman. Mabilis akong bumangon, naligo at saka bumaba para mag-almusal. "Goodmorning hijo, have a sit." salubong ni Mama. "You woke up so early today. By the way, we will be having a meeting tomorrow in Royal Residencia of Madrid, so, you can't go outside," sambit ni Papa. "What time?" I asked. "9:30 to 11:00 hijo. Both of you should be prepare for meeting tomorrow, so you can quickly set it out the next meeting," Mama said habang nakatingin sa 'min ni Mishka. "I know," Mishka replied. "That's good. So… Alford, do you have an appointment this morning?" Papa asked. "Yes, why?" "You should be here with Mishka. Espinosa Family will come at evening. You have to talk with Daniela and Romelio regarding to our company and how to run a successful business and manage everything." Papa said. "Exactly. Our food business is in demand. Hijo, hija you need to think how to improve market share and profitability with Espinosa Family Hindi pwedeng basta idea lang, kritikal na pag-iisip ang gawin niyo't hindi padalos-dalos, oky?" Mama said. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos ay umakyat na 'ko at nagpahinga. Mag-ayos pa 'koml mamaya para puntahan si Ferreira. Ferreira Point of View Alas nueve pa lang ng umaga ay nagising na 'ko dahil plano ko na tawagan ulit si Mama. Sa kasamaang palad ay hindi niya pa rin ito sinasagot. Nakakalungkot dahil ilang araw na 'kong walang balita kay Mama, hindi man lang niya sinasagot ang tawag ko. Wala rin sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo dahil may photoshoot ngayon si Nazario sa Savanna Model Agency. Pagkatapos ay didiretso sila sa Royal Residencia of Madrid para sa meeting at bukas ay ako naman. Medyo kinakabahan ako pero wala akong naman choice kung hindi gawin iyon dahil 'yon ang nararapat. Napansin ko lang na ang mga tao sa palasyo na 'to ay masyadong abala, tipong wala akong makitang excitement or kahit kaunting saya. Napakaseryoso ng mga tao dito lalo ang mga kasambahay. Napansin kong lahat sila ay nginingitian ako palagi sa tuwing makikita nila 'ko. Pero ang ngiti na 'yon ay parang may halong takot. Hindi rin nagpapansinan ang lahat ng kasambahay dito, kung titingnan ay napakaseryoso nilang lahat at halatang sanay na ang lahat sa mabibigat na gawain o tungkulin. Napapaisip tuloy ako kung matagal na bang naninilbihan dito ang mga kasambahay at mga kawal? Alas once na ng umaga, palakad-lakad ako ngayon dito sa may terrace habang nakatanaw sa may gate. Inaantay ko 'yong letter ni Alford, ang napag-usapan kasi namin na ilalagay or iipit na lang niya sa may gate pagsapit ng ala una ng hapon. Saktong break time ng mga guardiya sibil kaya makukuha ko 'yon ng mabilisan. Paikot-ikot ako rito sa terrace at puro phone para hindi ako mahalata na may hinihintay. Finally, break time na ng mga taga bantay. Ilang minuto lang ang nakalipas, sa wakas ay may isang sulat na ang natatanaw ko ngayon sa gilid ng gate. Lumingon-lingon ako sa paligid, buti na lang ay wala masyadong tao. Dali-dali akong bumaba ng terrace at naglakad ng mabilis papuntang gate. Ngiting tagumpay ang natamo ko dahil hawak ko na ngayon ang letter mula kay Alford. Dali-dali na 'kong pumasok sa loob at umakyat. Pagkarating ko sa aking kwarto ay agad kong binuklat ang papel at binasa. Hi Ferreira, I can't wait to see you again. I hope you know how much you're starting to mean to me. See you later. Matapos kong basahin 'yon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil aminado akong napangiti ako. Kahit hindi gaano marami ang sinabi niya, I appreciate his effort. I really do. Lumabas agad ako ng kwarto. Aktong pababa na 'ko pero bigla akong napahinto sa pagtawag sa 'kin ni Mama Carol. "Ms. Ferreira…" Napalingon ako at napangiti. "Mama Carol, kumusta po kayo?" nakangiti kong tanong. "Ayos naman ako. Salamat pala kagabi. Ikaw ba? Bakit mukhang nagmamadali ka? May pupuntahan ka ba?" tanong niya. "Opo, 'yong kaibigan ko po. Magkikita po kasi kami ngayon," sagot ko. "Nako po Ms. Ferreira, narinig ko kasi ang usapan ni Señora Elizabeth at Señor Domingo na mamayang hapon ay darating dito sa palasyo ang pamilya ng mga taga Malaga Palace at kailangan ka nila pati si Señor Nazario, kayo po ang kakausap sa mga iyon tungkol sa kompanya at negosyo dahil sila ang kasosyo niyo, hindi ba?" sambit ni Mama Carol. Sh*t! Bad timing. "Sige po, darating din po ako agad at-" "Huwag kang mag-ala ala, kung sakaling hanapin ka nila sa 'kin ay ihahanda ko na ang sasabihin ko. Mag-ingat ka," nakangiti niyang sinabi "Salamat po Mama Carol." niyakap ko ito at tuluyan na 'kong bumaba para lumabas. Hindi naman kasi ako sinabihan na may gagawin pala ngayon, tapos rush na naman jusmiyo. Pagkalabas ko ng palasyo ay bumungad sa 'kin ang isang kotse. Ang kotse ni Alford. Nakangiti akong naglalakad habang nakatingin sa kotse, alam kong naroon siya sa loob nito at inaantay ako. Sa wakas ay nasa tapat na 'ko ng kotse. Bumukas ang bintana at tumambad sa harap ko ang nakangiting mukha ni Alford. "Can I ask you? Do you know Ferreira Lorri Villacuel? 'Yong magandamh babae? I want to meet her." pinipigilan ko tuloy ang sarili ko na 'wag mamula dahil sa biro niya. "She's infront of you. Is there anything I can help you with?" sinakyan ko ang trip niya. Bakit gano'n? Siya pa 'yong namula ang pisngi. "I want… you…" "I mean… I want you to go inside my car." pangsegway niya. My heart went, oops! Akala ko tuloy ako na 'yong gusto niya. Pumasok na agad ako sa kotse at sa pagkakataong ito ay walang ni isa man sa amin ang kumikibo. Mabilis kong in-off ang phone ko para hindi ako ma-trace ni Señora Elizabeth. "So…how are you? Kumusta naman 'yong pag-stay mo sa palasyo? Anong trato nila sa 'yo? Mabuti ba ang pakikitungo nila sa 'yo? S-si… Nazario, close ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni Alford na ikinagulat ko. "Kilala mo si Nazario?" pagtataka ko. "Uhmm…h-hindi… narinig ko lang sa 'yo, 'di ba ang sabi mo sa 'kin siya ang partner mo mula sa paghandle ng negosyo?" sambit niya. "Sinabi ko ba 'yon? Parang wala kong maalala na naikwento ko si Nazario sa 'yo." napapaisip tuloy ako kung kailan ko nasabi 'yon sa kanya. As far as I know, nagkwento ako na isa ako sa representative pero hindi ko maalalang nag-kwento ako about kay Nazario. "Hindi mo na siguro maalala," sagot niya. Nagkwento ba talaga 'ko o kilala niya si Nazario? Sa wakas ay nakarating na agad kami rito sa Valencia de Estrito, sa pagkakataong ito ay wala na 'kong maramdamang kirot sa dibdib. "Buti pumayag ka na pumunta tayo rito? Ayaw mo talaga sa mga mall or restaurant noh?" pagtatanong ni Alford. "Hindi ko hilig gumala sa mga ganon, kahit pa may pera ako mas gusto ko sa mga lugar na katulad nito. 'Yon bang makakapag-relax ako habang nakikita ko 'yong magandang view." nakangiti kong sagot. "Come, follow me." hinila niya ang kamay ko at saka kami naglakad. "Saan tayo pupunta?" tanong ko rito. Hindi ito kumikibo at patuloy kami sa paglakad. 'Pag pinagmamasdan ko siya, napaka-familiar ng mukha niya 'yong tipong 'di ko lang matandaan pero para bang mayron na kaming nakaraan na 'di ko maipaliwanag. May kung anong bagay ang namumuo sa dibdib ko tuwing papakatitigan ko ang mukha niya. Huminto kami sa tapat ng isang kubo at pumasok sa loob. Maya-maya lang ay lumabas ng kubo si Alford. "Just wait." Agad siyang lumakad papunta sa isang kubo na mahigit limang kilometro ang layo rito sa kubo kung na saan ako. Ilang minuto lang ay natatanaw ko na si Alford na naglalakad pabalik dito kasama ang isang matandang lalaki. "Tay Yelson, siya po si Ferreira," pagpapakilala sa 'kin ni Alford. "Ikaw pala hija, nagagalak akong makilala ka. Tama nga ang kwento sa 'kin nitong si Alford, napakaganda mo sa personal," malawak na ngiting sinabi ni Tay Yelson. Napatingin tuloy ako kay Alford at nakita kong namula ang pisngi nito. "So, kinukwento po ako ni Alford sa inyo?" tanong ko habang nakatingin kay Alford at nakangiti. Ang sarap niyang asarin, ngayon lang ako nakakita ng lalaking namumula sa harap ko mismo na hindi man lang nababawasan ang pagkaginoo. "Oo simula nung isang ara—" "Oo nga pala, Tay, masarap kainin ang paella 'pag bagong luto." singit ni Alford na halatang nahihiya na sa mga sinabi ni Tay Yelson. Pagkatapos ay inilapag ang bitbit niyang paper bag. Anothet foods and drinks pala ang laman non. Nagsimula na kaming kumain, sa pagkakataong ito ay napansin kong sobrang close nga ni Alford kay Tatay Yelson. Halata sa ngiti nilang dalawa ni Alford na masaya sila sa simpleng kwentuhan at pagkikita. "Hija, kung 'di mo maitatanong, sa kabila ng kakisigan ni Alford ay may pagkaweirdo siya," sambit ni Tay Yelson. "Pwede ko po bang malaman kung ano pong mga weird na ugali ni Alford?" kuryosidad kong tanong. "Ang panaginip niya." segundong kumabog ang dibdib ko sa aking narinig. Napatingin naman ako kay Alford. "Uhmm… Tay 'wa—" 'Di ko na pinatapos magsalita si Alford. "Tuloy niyo po ang kwento Tay Yelson, makikinig po ako," nakangiti kong tugon kay Tay Yelson at saka ko rin nginitian si Alford. Alam kong pipigilan niya si Tay Yelson na magkwento about sa panaginip dahil ang alam ni Alford na ayoko sa ganonng usapan. Pero hindi. Kyng alam mo lang sana ang pareho nating panaginip ay hindi na 'ko maglilihim pa. "Sa tuwing mananaginip 'yan si Alford tungkol doon sa babaeng malabo ang mukha, nako halos mabaliw na 'yan kakakwento. Hindi pwedeng wala siyang pagkwentuhan dahil 'di siya mapakali," natutuwang sinabi ni Tay Yelson. Kaya pala noong unang beses na nagkausap kami ni Alford sa rp account ay nagkwento agad siya sa panaginip niya. "Noong bata pa siya, naikwento sa 'kin ng Papá niya noon, isang gabi nanaginip siya tungkol sa isang batang babae. Aba paggising daw nitong si Alford ay nagwawala siya dahil gusto niya makita 'yon batang babae sa panaginip niya," natatawang sambit ni Tay Yelson. Bigla akong napatingin kay Alford, ngumiti naman ito sa 'kin habang kumakain. Kung sakaling malaman mo na pareho tayo ng panaginip, ano kayang reaksyon at gagawin mo Alford? Maniniwala ka ba? Tanong na paulit-ulit sinasambit ng aking isipan. Nakatitig lang ako kay Alford habang nagkukwento si Tay Yelson. "Ikaw ba hija? May magagandang karanasan ka rin ba sa mga panaginip mo? 'Yong tipong paggising mo ay nanghihinayang at nasabi mo sana 'di ka na lang nagising?" bigla na lang tuloy akong kinabahan sa tanong niya. Napalunok tuloy ako, jusmiyo anong sasabihin ko? "Opo, may mga panaginip po ako na kapag masaya ay parang ayoko ng magising. Kung minsan ay binabalewala ko na lang po dahil 'di naman po 'yon makatotohanan." pagkukunwari ko. Sh*! Kung alam niyo lang, sa panaginip ay halos mabaliw ako dahil may taong nariyan palagi para sa 'kin pero napakalabo naman ng mukha niya. Hindi ako makatingin ng diretso kay Alford, pero sa peripheral vision ko ay kitang-kita ko na nakatitig siya sa 'kin. "Nako hija, 'wag mong babalewalain ang panaginip mo lalo na kapag ito ay paulit-ulit, lahat ay may rason kung bakit ganon tandaan mo 'yan," seryosong sinabi ni Tay Yelson. Tama siya. Maya-maya lang ay lumabas si Alford para i-check ang kotse. "Kung 'di mo rin maitatanomg hija ay napakabuti ni Alford, maswerte ang babaeng mamahalin niya. Sigurado akong namana niya ang pag-uugali ng Papá niya." "Naalala ko pa noong araw na nakilala ko ang Papa niya sa Cebu. Galing ako sa isang opisina nag-apply kasi ako ng trabaho pero hindi ako natanggap, 'di naman kasi ako nagtapos ng kolehiyo. Pag-uwi ko ay may lalaking na-holdapan ng bag, aba syempre kinuha ko iyong nakuhang gamit para ibalik sa may-ari at 'yon ang Papa ni Alford na si Camilo. Nabaril pa nga ako nung magnanakaw pero ang importante ay naisauli ko ang bag na naglalaman pala ng mga importanteng dokumento at malaking halaga ng salapi. Dahil doon ay isinama ako ng Papa niya dito sa Spain at binigyan ng magandang trabaho. Nagpabalik-balik ako sa Pilipinas at dito sa Spain dahil utang na loob ko rin kay Camilo ang magandang kinabukasan ng pamilya ko." "Pero kalaunan ay namatay si Camilo at 'yon ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Alford dahil walang nakapagsabi o nakakita kung sino ang bumaril dito sa mismong tahanan nila, pati ang kwintas na pinaka-iingat-ingatan nitong si Camilo na ibibigay sana kay Alford ay nawala. Walang kahit anong gamit ang nawala maliban sa kwintas na 'yon, siguro ay dahil ang kwintas na 'yon ang pinakamahal na alahas dito sa Spain na nagkakahalagang kalahating bilyon dahil pinasadya ito ni Camilo para talaga sa anak niyang si Alford. Buti na lang ay may naiwang mga alahas, 'yong iba ay nagkakahala pa ng isang bilyon." halata ang lungkot sa mukha nito habang magkukwento. "Kahit pa na sa langit na si Camilo ay nangako ako na 'di ko iiwan ang anak niya na si Alford." "Ibig po bang sabihin ay mayaman talaga ang pamilya ni Alford?" tanong ko dahil hindi gaano nagkukwento si Alford sa 'kin tungkol sa pamilya niya. Isa rin kasi iyon sa pinagtataka ko pero hindi na mahalaga sa 'kim kung anong estado ng buhay niya o kung saang pamilya siya galing. "Ang ibig kong sabihin ay pinag-ipunan lang 'yon ng Papa niya, para talaga kay Alford." sagot ni Tay Yelso. Napatango naman ako. Napakarami kong nalaman ngayon, ang kirot sa dibdib ng kwento ni Alford. Hindi na 'ko magtataka kung bakit may pagka-madrama siyang tao, hindi ko siya masisi. Ilang mimuto lang ang nakalipas ay bumalik na si Alford. Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa maiba ang topic. Hindi pa rin naaalis sa isip ko ang mga sinabi ni Tay Yelson. Nazario Point of View I just got home from Savanna Model Agency. Papa called me and told me that I have a meeting with Alvaro Family. It might be any time after noon but before evening. Ferreira and I will be having a meeting with Elena and Randel later. I climbed the stairs. As I turned the corner and left, I heard someone shouting repeatedly. While walking in the hallway, I quickly realized that it's my mom's voice. Ano na naman kaya ang nangyari't nagsisisigaw siya? At the end of the last room, I saw my mom. She shouted to Manang Carol. "I told you to watch her every minute. You have to make sure that Ferreira would be unaware that you was watching her every move!" "So where is she now? She went out to meet her friend without even thinking her responsibility inside the palace?!" "Next time, don't you ever allow her to go out alone!" sigaw ni Mama. As usual, the storms out of the hallway again. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman lumapit na 'ko at doon ay nakita kong umiiyak si Manang Carol. "Mama, what's going on here?" tanong ko. Biglang sinampal ni Mama si Carol kaya naman pinigilan ko siya dahil aktong sasampalin niya ulit ito. "Mamá, relax. 'Wag mo idaan sa pananakit kung nagkamali siya pagsabihan mo na lang," tugon ko habang nakaharang kay Manang Carol. "Señora, paumanhin po pero hindi ko naman po sinasadya. Ang akala ko po ay maaaring lumabas si Ferreira, hindi ko po alam na may darating na bisita mamaya. Paumanhin po." pagmamakaawa ni Manang Carol. Saan naman kaya pumunta si Ferreira? "Do you hear what she said? Umalis si Ferreira na walang paalam, so paano ang mga bisita mamaya? Hindi pwedeng laging umaalis ang partner mo at baka bumaba ang ratings natin kung mapapabayaan niya ang pag-aasikaso sa negosyo," mariin na sinabi ni Mama. "Dios mio! Kararating ko lang at ng Papa mo, tapos ito ang sasalubong sa 'min?!" dagdag pa ni Mama. "Mama, we are arare na nanggaling siya sa ibang bansa at iba ang buhay niya roon. So, it means iba ang kinagisnan niya. Masyado pang maaga para masanay siya, I am sure na naga-adjust pa 'yong tao dahil bago lang siya rito. So it's better to let her do whatever she wants. Don't worry, I'll talk to her later," sambit ko. "I know hijo. I just want to make sure where she is. Hindi ko nga rin ma-trace kung nasan siya mula kanina, and I'm sure na sinadya niyang i-off ang phone niya. Mygoodness!" naiinis na sambit ni Mama. "Mama, we're not sure about that. Malay mo naman ay may importanteng lakad, let her go wherever she wants, you don't have to be mad at her." nang sabihin ko 'yon ay kumalma na ang itsura ni Mama. "Kapag hindi dumating agad si Ferreira, ikaw na ang bahala na gumawa ng rason," sambit ni Mama at saka inirapan si Manang Carol bago tuluyang lumabas ng kwarto. "Manang Carol, ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Mamá. Sige na, bumalik na po kayo sa trabaho niyo," tugon ko. "Maraming salamat po Señor. Paumanhin po ulit." tuluyan nang lumabas si Manang Carol. Sinubukan kong tawagan si Ferreira pero naka-off pa rin ang phone niya. Na saan kaya siya at sino naman kaya ang kasama niya? Alford Point of View Napagdesisyunan namin ni Ferreira na umuwi, may bisita raw kasi sila, iyong pamilya ng mga taga Malaga Palace, kaya kailangan siya roon pati ang partner niya na si Nazario. Hindi maalis sa isip ko ang mga naging usapin namin kanina, lalo ang tungkol sa panaginip. Hindi ko maipinta ang reaksyon ni Ferreira dahil may mga pagkakataon na para bang alam niya ang ibig sabihin ni Tay Yelson. May times na lilingon siya sa ibang direksyon at alam kong kinakalma lang niya ang kanyang sarili para hindi mapuna ang tunay niyang reaksyon. "Alford, may photoshoot ako bukas sa Savanna Model Angency. Tapos ay dederetso ako sa Royal Residencia de Madrid kasama sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo. Magkakaroon daw kasi ng meeting ulit at kailangan kasama ang representative," sambit ni Ferreira. Sh*t! Ngayon ko lang naalala na pupunta rin kami bukas nila Mishka, Mama at Papa sa Royal Residencia de Madrid. Kasama namin ang pamilya ng mga taga Bilbao Palace, ang kasama naman nila Ferreira ay ang pamilya ng mga taga Malaga Palace. "It's okay, susulatan pa rin kia. Tanghali rin naman matatapos ang meeting 'di ba?" Baka mahalata niyang alam ko. "Bakit alam mo kung anong oras matatapos?" nagtataka na siya. "Uhmm… magaling ako manghula haha." pagbibiro ko na dahilan para matawa siya. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa tapat ng Residencia Palace de Valencia Spain. Agad na bumaba si Ferreira at nagpaalam. Ferreira Point of View Nagmamadali akong pumasok sa palasyo at sa wakas ay natatanaw ko na si Nazario ang kaso lang ay mukhang huli na 'ko dahil naroon na ang mga representative ng Malaga palace. Sh*t! Kinakabahan tuloy ako. Marahan akong naglakad papunta malapit sa kanila, buti na lang ay may harang kung kaya't makakapagtago ako kaya naman nakikita ko sila ng patago. Makikinig muna 'ko bago ako gumawa ng eksena at baka mapahiya kung papasok ako sa usapan na walang kaalam-alam sa nagaganap. "We would like to use Ferreira as a cover model and car showgirl in our company. She wasn't tall enough to be a runaway model but she had the body and looks to model a car show," Elena said. Shit! Nag-start na pala sila mag-usap. So ako talaga ang gagawing model? Napaka-rush naman nila. "That is all, we're just here to talk about that. Some of the biggest and most successful companies around interested in using it as a clothing catalog model for major retail and cosmetics companies," Elena added. "If she handles that, why don't we use her as the model for the car show?" Randel asked. "I think, it would be a great idea. But before that, the first thing we need to do is to sell a superior product at a higher price and on more favorable terms for every customer. So, we need to ask the manufacturer to produce more radio for a particular car," Nazario said. Napakakalmdo talaga ng itsura ni Nazario kahit pa alam kong sa ganoong sitwasyon ay dapat siyang kabahan dahil wala siyang kasama. "I agree, but we can't produce a custom radio for a particular car unless we have those proper units and specifications. Am I right?" Randel said. "With regard to the suggestion of you both, I really like it, but I think we have to produce more portions of automobiles and tractors in our country. By the way, is Ferreira coming or not?" Elena asked. "Uhmm…" Kita ko sa mukha ni Nazario na nag-iisip siya ng sasabihin, agad akong naglakad at nagpakita sa kanila. "Good afternoon. I'm sorry I'm late Mr. and Ms. Alvaro… and Nazario. It was a pleasure meeting both of you." nakangiti akong nagpakita sa kanila at saka umupo sa tabi ni Nazario. "I agree that most of what you said has advantages, but not everything. Mr. and Ms. Alvaro, I suggest that your company must improve your automobile spare parts. First of all, you need to identify reliable suppliers, because when you use poor quality parts, they can result in failure, vehicle damage, and more maintenance work in your company. When it comes to us, we still need an excellent camera for creatives in 2021, not just the camera itself but the whole system. They can be compact, affordable, and easy to use, or advanced models and unique," I said with a serious expression on my face. "Taking a photoshoot is generally more pleasant to the eye if we use the camera with a super-high quality, right? Our products have value only if we combine our expertise because we are already in the business of working with different perspectives and opinions." I added. Bigla naman silang natameme sa mga sinabi ko pero halatang napangiti ko si Nazario. "I agree with that! I love your suggestion!" malakas na palakpak ni Elena. "But, what about the amount? Does it cost a lot? In that case, we need to sell all the products at a higher price, what do you think?" Randel asked. "I love your suggestion! Well, a business probably succeeds when it earns profits, but profit is just a goal that a business tries to achieve and maintain. But let me tell you this, if we're just going to look at the amount of money or we sell them at a higher price, that wouldn't help us to encourage the people. We have to look at the customer's expectations and how do we satisfy them. Business is not just about earning a lot of money, it is also how we follow people's desires and our passion itself. Correct me if I'm wrong," I said with a glorious smile. Bigla akong pinalakpakan ni Elena at Randel, si Nazario naman ay nakangiting tulala sa 'kin at halata na nagustuhan rin niya ang sinabi ko. "I never thought you had that kind of brilliant idea! Now I understand all I've heard about you, apart from being gorgeous, you're actually smarter than I think." Elena smiled at me. "No wonder you're amazing," Randel said with a bigger smile on his face. So nagustuhan pala nila ang mga sinabi ko? Just wow! Pakiramdam ko tuloy nagd-defense kami rito. "I would like to express my sincere gratitude to you… Mr. and Ms. Alvaro. Anyway, thanks for the compliment," I said. Kung usapang negosyo ay talagang napapasabak ako dahil pinangarap ko iyon at 'yon ang kursong pinaghirapan kong tapusin. Nalaman ko kasi na halos ang lahat ng representative ay hindi ganoon kataas ang iq pagdating sa negosyo dahil napili lang naman sila kasi pamana ng mga magulang nila. Nagpatuloy pa ang aming usapan at pagkatapos ay kumain. Mahigit dalawang oras ang nakalipas at sa wakas ay tapos na. Umuwi na ang pamilyang Alvaro at bumalik sa Malaga Palace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD