CHAPTER 17 - Si SUNGET

1021 Words
RISH's POV   Pagmulat ng mata ko, puting kisame at blue na bed sheet ang sumalubong sa'kin. Blue? Ang alam ko yellow and white iyong bed sheet ko. Saka hindi si Doraemon,  si Spongebob iyong nakaprint saka, bakit amoy lalaki?   Napaupo naman ako. Nasaan ba ako?   “Hey, gising ka na pala..”   Paglingon ko, nakita ko si sunget na nakatayo sa may pinto at nakatingin sa'kin. Nakapambahay na ito. T-shirt and checkered short.   “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “This is my room..”   O______O   “Anong ginagawa ko dito?!” “Easy lang.. hindi naman kita nirape..”   Tiningnan ko lang siya ng masama.. itinaas niya naman ang dalawa niyang kamay.   “Nahimatay ka.. sobrang taas ng lagnat mo.” “iyong game? Anong nangyari?” “We won.. nagpaulan ng three points si Lanz..”   Tumango lang naman ako. Ineexpect ko na iyon. Pinaghandaan ko talaga ang game na ito, napredict ko na rin ang mga maaaring mangyayari.   “Nagugutom ka ba?”   Umiling ako.   “May masakit sayo?”   Umiling ulit ako, kahit na medyo masama pa ang pakiramdam ko.   “Nauuhaw ka?”   Iling ulit.   “Tao ka ba?”   Tiningnan ko siya ng masama.   “Akala ko iiling ka ulit e.. sayang..”   Papansin ang lalaking ito.   “Hey..” “Oh?” “I-I'am sorry..” nagkakamot sa batok na wika niya, “sinabi na sa'kin ni Lanz ang lahat. Ako iyong walang kwenta kasi hindi ko nagawang ipanalo iyong game. I'am sorry sa mga nasabi ko, saka salamat sa ginawa mo sa team..”   Tumango lang ulit ako na ikinasimangot niya.   “Psh! iyon lang? Tatango ka lang? Hindi mo ba alam na kanina ko pa pinapractice 'yan.. tapos 'yan lang ang reaction mo.. tatango ka lang?!”   Problema na naman nito at nagagalit na naman?   “Anong gusto mo? Tumalon ako sa tuwa kasi nagsorry ka?”   Ginulo naman niya ang buhok niya, out of frustration.   “Ewan ko sayo!” turan niya at umupo sa couch na andun at ini-on ang TV.   Tumayo naman ako, gusto ko ng umuwi. Miss ko na si spongebob.    “Saan ka pupunta?” tanong ni sunget. “Uuwi..” “Okay..”   Lumabas na ako ng kwarto niya, hindi pa ako nakakalayo ng may maalala ako.. kaya bumalik ulit ako sa kwarto ni sunget.   “Hoy!” tawag ko sa kanya. Hindi man lang ako pinansin.   Humarang nga ako sa pinanonood niya.   “What?!” singhal nito. “Hatid mo 'ko..”   Nanlaki naman ang mga mata niya.   “Ano ka boss? Tinulungan na kita, inalagaan at pinainom ng gamot.. tapos papahatid ka pa?” “Masama?” “Oo, masamang masama! Siguro nga boss ka pero sa loob lang ng court.. nasa condo kita kaya ako ang masusunod. Umuwi kang mag-isa.. bahala ka na sa buhay mo..” “Hindi ko alam kung paano umuwi!”'   Natigilan naman siya, after 8 seconds saka pa lang tuluyang naprocess ng utak niya.   “Hahahahah! Hindi mo hahaha alam kung paano umuwi hahaha.. ano ka bata? Hahaha”   Pagtawanan ba ako? Malay ko ba kung saang lupalop ito ng mundo. School-bahay lang naman kasi ang alam ko. Naglalakad lang ako, saka nnasaanay ako na hatid-sundo noong sa private school pa ako nag-aaral.   “Seriously? Saang planeta ka ba galing?” “Ihahatid mo ba ako o ihahatid mo?”   Dadaanin ko na sa pwersa ang lalaking ito! Gusto ko na talagang umuwi.   Napalunok naman siya ng mapansing seryoso na ako.   “T-tara.” wika nito at nauna ng lumabas ng kwarto.    Bago ako lumabas, napansin ko ang isang picture na nakalagay sa study table niya. Siya at si SC President, nakangiti sila at magkaakbay. So, close talaga sila?   “Bakit sa school ka nagpahatid, akala ko ba uuwi ka na?” tanong sa'kin ni sunget ng makarating kami sa EXONHS.   Tiningnan ko lang siya at bumaba na sa sasakyan niya. Bumaba rin naman siya.   “Thanks, umuwi ka na..” wika ko. “Akala ko ba nagpapahatid ka?” “Kaya nga..” “Sa school ka na nakatira?!” turan nito.   Bakit ba ang daldal ng sunget na ito ngayon?   “Anong akala mo sa'kin, walang bahay?” I asked.   Nagkibit-balikat lang naman siya. Kaya nagsimula na akong maglakad, bahala na siya sa buhay niya.   “Saan ka pupunta?” sigaw nito.. “Hell..” “Ge bagay ka nga dun, amasona ka kasi!”   Lumingon naman ako at nakitang naknasaandal siya sa sasakyan niya. Malala na talaga ang sunget na ito. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na ulit.   “Ito pala ang hell.”   O______O   “Bakit andito ka?” “Baka sinoondan ka?” “Bakit mo ako sinoondan? Nagthank you na ako ah!” “Masama? Hinatid lang kita, easy!” “Sinabi ko bang ihatid mo ako?”   Tumango naman siya.   Oo nga pala!   “Okay na.. lumayas ka na sa harapan ko..” “Ang hard mo naman.. hindi mo man lang ba ako papapasukin sa loob at painumin kahit juice?”   Umiling naman ako.   “Akala ko ba mabait ka? Tumulong sa na-bully na nerd at umiiyak na babae? Don't tell me, tsismis lang iyon?” “Bakit ang daldal mo ngayon?” I asked, ignoring his statements.   Namutla naman siya at umiwas ng tingin.   “Psh..” yan lang ang nasabi niya. “Beshie!” sigaw ni Trisxh na kabababa lang sa sasakyan ni saint guy. “Pinag-alala mo kami, mabuti na lang at si Xander ang nakakita sayo noong magcollapse ka..” “Coach, panalo tayo. Pinasasabi ng team, salamat daw at pagaling ka!” wika ni saint guy. “Hinatid mo siya?”baling naman nito kay sunget. “Pasok muna kayo..” yaya ni Trisxh. “Next time na lang Trisxh may pupuntahan pa rin kasi ako..” singit ni sunget. “Pagaling ka amasona..” hirit niya sa'kin bago tuluyang lumakad pabalik sa school.   Iniwan niya ata ang sasakyan niya doon.   “Okay na kayo ni Xander Beshie?”   Tumango lang ako at pumasok na. Gusto ko ng matulog.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD